Thursday, January 30, 2014

Palawantastik

Wazap-wazap madlang folks?! Kamusta-kamusta at isa pang kamusta?! Hope ay ayos at orayt kayo sa inyong kinauupuan or kinatatayuan. hahaha. For today ay simulan na natin ang wents ng aking bakasyones sa Puerto P.

Last year, around march pa ata ng magkaroon ng seat sale ang cebu pacs. Ang aking HS friend ay nagbook ng flight papuntang Puerto P. kasama ng kanyang mga college friendships at 2 sa HS berks. Noong nalaman ng other HS friendships, ayun, book din sila. So kahit na nakapunta na me, nipilits nila ako na magjoin na din.
No choice ng slights kasi minsan lang naman magkaroon ng gala with my HS friends... so nagpabook kaso yung papunta lang ang nabili.. Hanap ng pabaliks sa mga following months.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwans... papalapits na ang Trip. Fortunately nakahanaps din me ng flights pabaliks. So yung itenerary and anik-anik na lungs kulangs.

By the time of december, ilang kembot, cartwheel at circo na lung sa actual date ng travel, nagkaroon ng mga bumps. May magbaback-out due to financial kemerlins. Ang jowawits naman ng isang HS friend ay nasa barko kasi semen este seaman at walang kasiguraduhan kung makakasama sa trip. Yung isa naman mukang gusto mag El Nids kasama ang kanyang boylet. Hehehe, may mga stress pero ganun talaga. Di naman perfect ang byahe right?

Buti na lang at kahit paano ay gogogo at fightfightfight lang ang peg kaya kahit paano ay natuloy!

Haba ng side story at history no? soree na.... gusto ko lang ilabas ang wents para makahinga-hinga ng slight. Hehehe. 

Jan. 22, araw ng flight. Ako, kasama ng 3 HS friends at ang kapatid ng other HS friend ay nagpunta na sa NAIA (na inaayos ang airport kaya walang LCD monitors for different flights ganyan). Pernes sa Cebupac, may self-service checkin kaya mabilis lalo na wala kaming ichecheck-in ng baggage counters ganyan.




Hapon yung flights namin papuntang Puerto P kaya naman mga 6pm na rin ng makalapags sa Palawans. Pagkasundo sa amins ng place na tutuluyan, pahinga saglit bago kakain for dinner. Naaliw ako sa towel folding sa room kaya nagpicture ako.



Mga bandang 7na ata or 8 ay naglakad lang kami ng ilang hakbangs at nakadating na kami sa resto na kakainans namin for dinner. Ito ay ang KaLui. Nakainan ko na to dati pero syemps, since first timers ng mga kasama ko, go lungs.


Pumunta kami ng walang reservation pero swerte at nakakains kami. Hahahaah. Konti lungs ang options ng foodies dito kaya naman hinyaans ko na sila ang mamili ng lalapangin. Di naman ako uber choosy sa food and slightly diets. hehehe.



After kumains, syemps, picture-picture ng anik-anik and everything sa place. Since ayaw ko naman matadtad much ng pics ang post, naka-collage na yung ilans.




After nian, balik na sa tinutuluyan for mandatory rest (mandatory talaga? amazing race ang peg?). Natulog na ako habang ang mga kasama ko nagtakutans pa daw.


At dito nagtatapos ang unang bagsak ng wento tungkol sa aking bakasyones sa Puerto P. Hanggang dito na lungs muna. Take care!

Monday, January 27, 2014

Month Enderandom



Mild Monday sa inyo mga ka-khanto! kamusta? Long time! Hahaha. Naka-scheduled post kasi me ng ilang days. hahaha. I'm back from my bakasyones and here i am, back to work na. Bago ako magwento ng adventure sa Palawan, rarandom moments muna ako.

1. Since i'm bakasyones, wala akong wento much about officework. No rants, No reklamation. hahaha.

2. Sa bakasyones ko, nagulat ako sa easy check-in ng cebupac. You make dutdut and pindot your booking code tapos a few more pindot and make pili the seats, tapos tapos na. Pipila ka na lang if you have baggage check-ins.

3. May natypan akong t-shirt sa palawan kaso walang size na available for me. E kaso di ko nabili dahil noong pauwi na at nasa airport ko na nakita yung design. No time to go back sa main outlet store ng Islands Souvenir. huhuhu

4. Sa Palawan ako nakakita ng accessory for my digicam na si Forn. Binilan ko ng underwater case/pack ang aking camera para pede na sya sumabak sa sisiran sa tubig.

5. Naka tatlong chemo session na ang aking mudrakels. Mga check-up check-up na lungs at sasailalim na sya for operation para matanggal ang bukol sa boobey niya.

6. Lately napansin ko, nagiging hingalin ako. Yung konting kilos lang ay parang i am grasping for air. Kailangan ko pang magpapayat saka papacheck-up din ako sa doctor sa next days.

7. Malapit na ang araw ng puso.... Malapit na ulit magbalik ang mga shows na nipapanood ko like How I Met your mother, Walking Dead, Survivor, Glee, Amazing Race at Game of Thrones.

8. Mahirap ang medyo nawawalan ng time to socialize with family members.... Yung moment na parang di mo na sila kilala ganyan. Yung mga bata-batuts noon, mga dalaga at binata na... bilis ng panahons.

9. Parang anhirap ng mag papasok sa buhay mo, tapos mawawala tapos papasok ulit... hay... Emo me???? lols

10. hanggang dito na lungs muna. hahaha

Take Care.

Friday, January 24, 2014

Detective Conan aka Case Closed

Flashback Friday!! Sa mga oras na naipublish ito, malamang ay wala me kasi nagbabakasyones muna ako with some high school friendships sa Palawans. Pero kahit ganun, kailangan ma-maintain ang momentum ng pagpopost kaya naman merong scheduled post for today.

At since nabanggit ko nga na flashback friday ngayon, isang anime na medyo luma na ang aking post. Technically luma to pero still running at di pa tapos. Hahahah.

Ang anime for today ay ang Detective Conan or also known as Case Closed.


Ang Detective Conan ay una kong napanood sa Channel 7 waywayback di ko matandaan. Memgap lungs. Simula noon, naging fan din ako ng anime na ito pati na din yung manga pero slight lungs.

Ang anime na ito ay nasimula sa magchildhoodfriendships pero ayaw umamit na inlababo sila sa isa't-isa na namamasyal sa isang park. Si guy named Shinichi Kudo ay isang detective enthusiast at active-activan sa pag-iimbestiga.


Then, may nakitang kakaiba at suspicious si Shinichi at nakasaksi ng crime. Pero, nabuking siya at pinainom ng lason. Buti na lungs di sya natepok. Pero anyare ay nag-shrink si Shinichi at naging kiddo.


At dahil dito, kailangang magtago sa new identity si Shinichi at naging si Conan Edogawa. Siya ay magpapa-ampon ng slight sa bahay ng kanyang labidoods na si Ran Mouri at ang tatay nitong private investigator. 

Dito na magsisimula ang adventures ni Conan bilang young detective na prumoproxy sa shungengots na detective. Madaming crimes at accidents ang kanyang ireresolve at mystery to unravel.

Heto ang ilan sa mga characters na kasama sa show:


Ang Mouri Family. Ang nanay ni Ran ay isang matalinong lawyer tapos ang tatay naman ay kengkoy at medyo bobingka na detective. Syempre, si Ran ang labidoods ng bidang si Shinichi.


Ang Kudo Family. Ang nanay ni Shinichi ay isang actress habang ang tatay naman niya ay isang mystery novelist. Alam ng magulang niya ang lihim ng batang si Conan.


Ang Detective Boys. Sila ang naging kaklase ni Conan sa gradeschool.Originally ay tatlo lang sila hanggang sa nakasama din si Haibara (girl sa taas na katabi ng batang may poknat). Si Haibara ay girl version ni Conan kasi nakainum din ito nung gamot na nakapagpa-shrink at nagpabalik bata.


Kasama din ang ilan sa nakakaalam ng lihim (pwera yung girl sa pic). Ang nasa taas ay ang Professor/scientist friend ni Shinichi na si Dr. Agasa. Yung nakasumbrero na halos hawig ni Shinichi naman ay yung magician na magnanakaw na si Kaito Kid at yung isang guy sa ibaba ni Prof. ay isa ding High School Detective tulad ni Shinichi na si Heiji.


Kasama sa stories ang kapulisan na nag-iimbestiga sa mga murders and crimes na nagaganap. Kasama na din dito ang FBI na humahabol sa organization na sindikato at ang cause ng pagliit ni Shinichi... ang Black Organization.


Ang Black Organization. Ang gupo ng sindikato at ang grupo na tinutugis/iniimbestigahans ni Conan. Nakakaaliw ang mga names ng mga nasa Black Organization dahil hango or may relate sa alak ang kanilang names. Andyan ang names na Gin, Vodka, Vermouth, Tequilla, Bourbon, Kir, Korn, Chianti, Pisco.


At last ay ang famous Silhouette na sumisimbulo sa mystery person na sangkot sa mga anik-anik na crimes.

Ang anime nito ay nasa episodes 700+ na pero still ongoing! Hahahaha.

Hopefully, magkaroon ng conclusion ang show na ito. Gusto kong makita ang ending.

O cia, hanggang dito na lang muna, Take care.

Wednesday, January 22, 2014

High School Memoirs


Ilang tamblings na lungs, pebrero na! Araw nanaman ng mga Pu... puki! Joke! Puso! Tapos nun, panahon na naman ng graduations... At next stage nanamans ang mga estudyante.

Ewan ko, biglang nagflaflashback ang mga memories ng high school life oh my high school life, every memory kay saya... So for today, pasadahan ko lang ang mga kaganapans, eksena at mga moments sa High School Life.

1. Cheetos! Ang moments na laganap na at lumalaki na ang sungays ng mga students. Eto na ang cheating moments! Eto yung kahit may ginawang seat plan ang teachers mo pero nakakagawa padin ng way ang students para makakopya. Ang mata lumalaki na parang owl, nagiging giraffe kasi humahaba ang leeg. 

2. Assignment ng isa, Assignment ng bayan! Aba, may binigay na homework or assignment ang teacher ninyo pero wala kang ginawa. Don't worry, andyan naman ang mga geeksquad para kopyahan. Instant networking... May downline ang kopyahan ng sagot.

3. Yung may part na di ka nasagutan sa exam kasi nagmamadali kang makauwi. Eto yung minsan nakasanayan mo na ang test paper ay nasa isang side lang tapos suddenly sa isang subject, naging may wierd paper na merong extra part sa likod. Deads ka ng malaman mong may 10 items na exam na di mo nasagutan.

4. Hallway ang tambayan! Kapag natapos ang subject at wala na ang teacher tapos ang kapalit na teacher ay tila nag-overtime sa kabilang section, tambay-tambay sa pasilyo. Yung eksenang nagdadaldalan at nagwewentuhan sa tv show na inaabangan ninyong mga friendships.

5. May I Go Out! Nope, hindi sa CR ang punta kadalasan ng mga umeeksena with matching taas kamay at pagkuha ng atensyon ng guro. Minsan, ang takbo ng studyante ay sa Canteen kasi tomjones na o kaya madaming nagpabili ng stick-o, skyflakes at chichirya. 

6. Masama po pakiramdam ko! Eto naman ang gawain ng kunwari ay may sakit pero ang totoo ay medyo bored lang sa subject. Ilabas ang acting prowess dahil kailangan believable ang arte mo na masama nga ang pakiramdam mo. Tapos boborlogs ka lang sa clinic or pasyal kung saan walang makakakita sa iyo like library.

7. Codename, Shaider! Eto naman ang mga gawain ng mga students na bibigyan ng iba-ibang palayaw or names ang mga kaklase or mga teachers. Andyan lalabas ang names na based sa mga famous tv show na hawig na hawig ang attitude sa taong babansagan. Lalabas ang mga names like Bakekang, Kampanerang Kubs at iba pa!

8. I will Borrow You, Borrow you wherever he will go! Ang mga kaganapan na purita at medyo makakalimutin ang mga kaklase mo na manghihiram ng aning-aning tulad ng ballpen, notebook, ruler at iba pa. Yung hiram na nagiging arbor minsan.

9. Sana Walang Pasok! Ang ganap kung saan konting ambon lang o kaya naman mabalitaan lang na may namumuong low pressure area ay nagdadasal na ng wagas ang mga estudyante na sana walang pasok! 

10. Delaying Tactics! Ang mga para-paraan upang pahabaain ang chikahan at pagwewento ng wala naman kinalaman sa topic. Eto yung moves para di na magturo pa ng additional lesson ang teachers at madalas din gawin kapag papalapit na ang break, lunch o kaya naman uwian.

Madami pa sanang High School Memories kaso sapat na siguro yang sampu na nasa itaas.

Nakakamiss din ang High School Life. hehehe. Parang Ansarap dumalaw sa dating paaralans... 

O hanggang dito na lang muna! Take Care!

Tuesday, January 21, 2014

The Uber Delayed Frozen Review

Himala! Merong Himala! Nasa atin ang Himala! Inperness, medyo sunod-sunod ang blogpost ko. Well, dahil yan sa slightly kailangan magbago.... change is constant right?

For today, movie review naman tayo. I know, i know, it's too late na pero bakit ba? E sa ngayon ko lang napanood dahil nakakuha ako ng downloaded copy. Pano ba naman, may MMFF din last decembs so walang sufficient time to watch on the big screen.

Pero, sabi nga sa kasabihang pinoy..... Better late than later! So heto na ang khanto's movie review ng Frozen.


note: walang spoiler warning ek-ek ha! May katagalans na ng slight ang peliks, so bawal po mag-inarts... haha.

Magsisimula ang wents sa batang yellow-orangish ang buhok named Anna. Niyaya niyang maglaro kasama ang kanyang sisterette, si Elsa na tila icy-blonde ang hair. 

Tapos ipapakita na may powers pala etong si Elsa. May kakayanan siyang gumawa ng snow and ice and everything nice (powerpuffish?). Kaso, sa di sinasadyang pagkakataon, natamaan ng powers ni Elsa ang kapatid.

Para mapagaling si Anna, minagic ang kanyang memory at inalter ito para di niya maalala na may powers ang kapatid. Medyo natakots naman itong si Elsa kaya di na siya naging closy-close sa kanyang kapatid. :(

Kailangan medyo may tragedy kaya nadeads ang King and Queen na pudrax at mudrax ng dalawang kiddo.

Tapos makalipas ang sing and dance number sa kantang 'Do you want to build a snowman' cheverlins, naging dalagita na ang dalawang kiddos at si Elsa, since panganay ay kokoronahan na maging Queen.


During the coronation night/day (beautcon???), aba, kumerengkeng etong si Anna kasi pers taym na makagala sa labas ng palasyo. Ayun.... nung makakita ng lalaking naka tights at may pagkakahawig lang ng mga likes and stuff ay nagdecide na papakasal kaagad. 

Yung totoo??? PBB TEEEEEEEEEEEENS! 
Pagkakita agad, kasal na?? Agad-agad??

Nung pinaalam ni Anna ang paglalanding ginawa niya at pasyang magpakasal sa lalaking kakikilala niya pa lungs, kumontra si Elsa. Una ay dahil agad-agad nga. Pangalawa ay ang takot niyang malaman ang kanyang lihim na freezing powers.

Eh, anong magagawa ng nangangating vajayjay... ayaw ni Anna ang pagpigil ng sisterette niya. Ayun. Argue to the max hanggang sa nabunyag ang kinatatagong lihim ng prinsesa (sounds like the title ng isang blogseries ah??? lols.)

Ayun, escape at tumakas si Elsa at medyo lumayo at kumanta-kanta ng 'Let it go, let it go' chenes. Kaso, di niya alam na ang powers niya ay nagpa-let-it-snow-let-it-snow-let-it-snow ng buong kaharian. 

To save the kingdom, nagpasya si Anna na makipag-heart to heart sa kanyang sisterette para huminto na ang taglamig. 

Dito ay naglakbay si Anna at hihingi siya ng tulong sa isang guy na may kasamang moose. So nagdora the explorer sila.


Anong nangyare??? SECRET! hahaah. Joke lang. Sa paglalakbay, makikilala nila ang isang frosty the snowman named Olaf at ito ang nagbigay ng fun scenes.


At dito ko puputulins ang wents! Nyahahaha. Pero ang masasabi ko ay pasado ang peliks na ito for me.

May khanto-score ito na 9 kahit na di ako fan ng mga musical thingy films. Maganda at okay ang pelikula. Sa habang 1 hour at 30 mins. ay sulit naman ang concrete ang story. Walang uber-uber super duper bad guy. 

Avail na to sa suking piratahan malamang or sa suking downloadan kaya kung di nio pa napapanoods, go na! 

O sya, hanggang dits na lungs muna me. Take Care!

Note: ang mga larawang ginamit sa post ay di ko pagmamay-ari.

Monday, January 20, 2014

PaKapLog


♪♫♪Maalaala Mo Kaya.... Ang Sumpa mo sa akin♫♪♪

Dear Ate Charo,

Itago nio na lamang po ako sa pangalang Jonathan pero para masaya tawagin nio na lang po akong JunJun. Ako po ay isang bata-batuts na walang ginawa sa buhay kundi magbate. Ate charo, wag pong darteh ang inyong isip. Ang pagbabate na tinutukoy ko po ay yung english ng greet...You know, yung hey, hawaryu, ampayn tekker ganyan...

Heniway Ate Chars, nais ko lamang mag-share ng aking wents na sana ay mabasa sa iyong palabas tapos lalagyan ninyo ng title at papahulaan ninyo sa mga shungang viewers na magsasayang ng load para sumali at may chance kunwari na manalo ng price pero sa tingin ko ay malaking kagaguhans lungs. Nawa din ay may kapulutan ng aral o kaya makaubos oras at delaying tactics lang para sa next show ninyo na baka inaabangan ng ibang viewers.

Heto na po ang aking wento...

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Isang araw, umuwi ng bahay si Junjun na galing sa labas matapos makipagbahay-bahayan sa aking kalarong si Magda. Katatapos lang namin gawin ang ginagawa ng mag-asawa sa gabi..... 

Junjun: '(hinihingal) taaaahy... haaaa... haaaa... Maysusumbong ako.'

Tatay: 'Oh, anak, andyan ka pala!'

Junjun: 'Wala! Wala! Nandoon ako sa kapitbahay nating si Magda na nagbabahay-bahayan!'

Tatay: 'Bakit ka ba hinihingal dyan? Siguro may ginawa kayo ni Magda no?'

Junjun: 'Taaaahy! Ikaw kaya tumakbo ng 100 meter dash mula sa kapitbahay, ewan ko lang kung di ka hingalin!'

Tatay: 'And So??? Wala kang sexercise? Hingalin? Di ka nag-cacardio? '

Junjun: 'Exercise?? Kelan pa nauso yun? Like duh! Panahon na ng porn, computers, ain't got no time foh that!'

Tatay: 'Sige na, ano yang susumbong mo? Sumbong ka ng sumbong! '

Junjun: 'Why o Why po ganun ang life ng humans? Problema, Solve, Problema, Solve! Parang endless at naka-unli po ang problems! Maygas Abelgas!'

Niyaya ng Tatay ni Junjun ang anak sa kusina. Dito ay nagchange background ang kitchen at tila naging linis tulad ng nasa home shopping network. Nilabas ng Tatay ni Junjun ang taklong Coocan Stovetop Oven na binili ng pamilya dahil napanood nila sa peborits tv network nila.

JunJun: 'Tay, Enenenemen yen?!'

Tatay: 'I'm gonna show you something! I just need to boil water to this 3 Coocan thingy.'

Junjun: 'Hala! Di ka pede magpakulo ng H2O dyan! Ayaw pa kasing gamitin yung normal na kaserola e.'

So nagpakulo na lang sa kaserola ang tatay ni Junjun. Noong kumukulo na ang tubig sa tatlong kaserola, Inilabas ng tatay ni Junjun sa kanyang bulsa ng maong pants ang isang patatas, isang itlog at coffee beans. Nilagay niya ito sa magkakahiwalay na kaldero.

Makalipas ang dalawampung minuto, Inilipat ng tatay ang patatas at itlog sa isang platito at isinalin ang kape sa Tarbucks Mug na koleksyon ng asawa.

Hinilera ng Tatay ang tatlo sa harap ni Junjun at nagtanong:

Tatay: 'Nak, ano ang nakikita mo? Paki-explain at isulat ang kasagutan sa 1/4 sheet of manila paper.'

Junjun: 'Hayahay ka talaga tay! Joke Yun? Ayambot! '

Tatay: 'Uh-huh! So ano nga nakikita mo?'

Junjun: 'Patatas, Itlog at Kape natural! Alangan naman na magbago ito at maging Cabbage, Peanuts at Juice!'

Tatay: 'May Tama ka! Ngayon, subukan mong hawakan ang patatas, basagin at itlog at tikman ang kape.'

Sinunod naman ni Junjun ang sinabi ng tatay.

Junjun: 'So anong kinalaman nito tay sa tanong ko kanina? Parang walang konek! Ilagay ang sagot sa 1/2 lengthwise na illustration board!'

Tatay: '(Sinampal ang anak) Makinig ka muna nak!

Anak, ang pagsubok at problema sa buhay natin ay parang apoy, tayo naman ang taklong sangkap.

Ang patatas kapag raw ay matigas at tila hindi basta-basta nasisira. Pero noong dumaan ang pagsubok, nanlambot ito at tila nawalang na ng ganang lumaban.

Ang betlog este itlog naman pag hindi luto ay madaling mabasag, sensitive at mahinang-mahina. In short... WEAK! Pero pagkadaan sa apoy, tumigas, nanindigan at taas noo.... kahit kanio.. ang pilipino ay ako at hinarap ang problema.

Change me naman daw ansabeh ng kape. Kasi pagkasalang sa apoy at pagsubok ay nagbago ang kanyang anyo. Pagkatapos subukin ay naging yami, mabango at nakakamangha siya.

Pagdumating ang challenge sa buhay mo, pipili ka lang kung sino ang gusto mong maging: Si Bulbasaur, Charmander or Squirtle Si Patatas, Si Itlog o si Kape'

Junjun: Wharever Tay! Makaalis na nga, parang di mo naman nasagot ang tanong ko. Magbabahay-bahayan na lang kami ulit ni Magda at gagawin ang ginagawa ng mag-asawa tuwing gabi!

Tatay: ANO????? Magkekembyular kayo?

Junjun: Tay! Matutulog! Di ba kayo natutulog ni nanay tuwing gabi?

Tatay: Ay oo nga, sige! Go!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

At dyan po nagtatapos ang aking wento ate charo.

Nagmamahal, 
JunJun.

==============================================
Ate Charo: 
Life is like a Rosary.... Full of Mystery.
Life is like a stone... It's Hard.
Life is like a box of chocolates.... Whareves!

At para sa iyo Junjun, wag mo na pakialaman ang title mo text mo promo namin. Shutangina ka! Hala sige, magbahay-bahayan na lang kayo ni Magda.

==============================================

Ang istorya ay nabasa ko lang somewhere at muli ay nilagyan ko lang ng flavor kasi ewan ko... natatabangan ako kung simple at payak lang ang wents.

O, hanggang dito na lang muna! Take Care!

PS: Tama ang hula ninyo, ang title ng liham ay PaKapLog. 


Sunday, January 19, 2014

Dahil Wala pang Ganap, Random Muna Tayo


Sunday na! Eto ang umpisa ng work week ko. As mentioned sa last random post ko, nagbago na ako ng schedule kaya naman medyo nagbago na din ng moment to post anik-anik sa blog.

Since wala pa naman talagng kaganapan na major-major, e daanin na lang natin sa random post kung saan sasagasaan ng makakating mga daliri ang kung anong mga bagay na gusto kong maiwento kahit sa ilan ay ito ay langwenta. hahahaha.

1. For a change.... walang wentong related sa opis..... wala... wala... wala pa. Siguro ay dahil deadmadela ang mga issues na dapat ay di naman na proproblemahin.

2. Ay wait, meron pala. Pero minor lungs. Na-dissapprove yung dalawang VL ko kasi pun na slots ng weekends. So baka hihingi ako special approval para wala na ako problemahin for Batanes.

3. Medyo adjusted na ako sa new house. Nasasakto ko naman ang aking gising at ang travel time from bahay to opis na composed ng dalawang jeepney ride. 

4. Difference between the condo living at ang new balur ay ang mosquitos. Di kasi nakakalipad much papuntang 4th floor yung mga mosquitos sa condo compared sa feel at home na lamok sa new place. Buti na lang uso na yung tennis racket na mosquito killah.

5. Ewan ko kung good thing or pede ding bad thing.... Nitong nagrestday ako, di ko na ramdam ang hunger games. Yung eksenang pagkagising, may probability na merong makakain compared sa solo living na tiis gutom unless sipagin na umalis ng condo, lumabas at bumili sa karinderyang bukas sa mga nais bumili.

6. Nitong restday ko, napagpasyahan ko na bumili ng pamalit na pants for my upcoming gala sa palawan. Medyo dyahe na at laspags na yung green walking shorts ko. Hehehe. Bumili ako ng other jean shorts. Pero nagtaka ako.... mas magka-price ang full jeans at ang jeans pants, maygas, e yung short e andaming kulang na tela. lols.

7. Nagsimula na ang season 13 ng American Idol. Infairview, mas maganda na ang edit ng episodes. They don't focus much on the pangit and ugly auditions to make pahiya much yung mga uber chaka voices. Saka may harmony between the 3 judges compared last year na o-o-awkward ang panel kasi may hidwaan between mimi and nicki.

8. Dahil di na ako nakakapag-hintay much na makolekta ng pirata ang lahats ng episodes ng new pokemon xy, ayun, nagdodownload na lungs me. hahahaha.

9. Biglang bumigay ang micro sd ng aking Cherry Mobile.... huhubels. Di ako makapag-candy crush or instagram. hahaha

10. Kanina, sa tv, pagsilip ko sa warto ng mudrakels na nanonoods ng tv, aba, merong bagong portion ang Showtime, ito ay ang Iam Pogay... Mga pogs na badinggerZ. Sila yung mga sayangs ang itsurabells at wankata na sana ganun ka bodilicious ang aking body. lols.

11. Sa haus, minsan, imbyernadette sembrano ang sister at mudra ko sa aking pudra kasi araw-araw daw nasa mall. Maygas... Kabog pa ako?! At ang nasagap kong balits, dahil nasa senior certificate citizen ang aking pudra, aba, libre pala ang movie watching niya. At siya pa ang mas madalas updated sa new films.

12. Wala akong maisip na t-shirt theme sa aking byahe sa Palawans.... Kahit ano na lungs. Sa Batanes na lungs ako maghahanda. nyahahah.

13. Di ko alam, sabi ng starbucks dito near sa opis, kahit tapos na ang promo, pede pa magpapalit at magclaim ng planner. Sana nga... hahaha, may isang card ako na kumpleto na, di ko lang napapalitan.

14. Ay may naalala pala akong wents sa opis. Hehehe. Meron kasing letter-letter thingy na pede kang magbigay ng short note to co-workers. And happy ako na hindi bokyakels ang aking letterbox. May natanggaps naman ako, apats. Oks na yun kesa zero diba?

15. Hanggang dito na lang muna....

Take Care!

Friday, January 17, 2014

Pentatonix

TGIF folks! Kamusta kayo? Enjoy the upcoming weekends! Hehehehe. For today, ang bibids sa blog ko ay tube videos ng isang hamazing group.


Kahaps kasi, while i'm surfing the net and make check ng feed sa facebook, nakita ko ang shinare na video ni sir Jepoy ng medleys ng mga songs from Frozen. Kahit di ko pa napapanood ang film, naki-usi naman ako kung ano ang content.

Napabilib ako sa ganda ng mga boses ng kumanta. Grabe ang galing ng blending and harmony nila. Walang binatsbats ang Glee at hayup like Pitch Perfect.

Ansarap pakinggan ang kanilang combo ng boses. Maygas! hahaha.

Eto ang videos nila sa youtube.






Lupit lungs nila...

O cia, hanggang dito na lungs muna!

Do you want to build a snowman?!!!! lols

Wednesday, January 15, 2014

Amphetamine

Hey Kamusta? Nagkaroon ako ng 1 day technical restday kaya naman ay nasa bahays lang me, borlogs at medyo ninanamnam ang kalamigan sa umaga at kahit ngayong katanghalian.

For today, may moview review-reviewhan post nanaman para sa blog na ito. Ang pelikula for today ay aking napanoods noong mga november pero dahil alam nio na medyo nagsimula ng katamaran days ko ng buwan na iyon ay ngayon ko lang siya maisasalitype.

Wooooops! Warning nga pala.... Ang pelikula ay di angkop kung masyadong close minded folks kayo and too judgemental. Ang film kasi today ay isang Gay film....

O ayan... pede pang umurong ang gustong umurong ha. Di ko kayo pinipilit na magbasa ng review kung against sa inyong straight mindset and stuff like that.....













Decided ka na ba? Oks, sige, eto na ang review ng Chinese Gay film with the title 'Amphetamine'.

Ang storya ay magsisimula sa isang physically fit and straight guy named Kafka. Medyo kuracha ang peg niya kasi kung ano anong sideline ang ginagawa niya para kumita ng cash. Nagdedeliveryboy, swim instructor, etc.


Then, at some point ng wents, kailangan di lang iisa ang nasa film diba? So dapat may other character na papasok. At dyan eenter naman si Daniel (nope, hindi po si Neseyeneenglehet padilla). Isang gay guy na richie rich ang peg. Eto ay na-attract kay Straight guy.


Slowly but surely ay nagkainlababuhan naman yung dalawa.... Naging sila kaso-kaso-kaso, may mga anik-anik na kaganapan. Syempre, what's the point of having a film kung basta nagkita lang ang dalawang bida tapos nagkainlaban tapos tapos na. No! Kailangan may conflict at merong mga ganap!


Napansin nio ba ang pamagats ng peliks? Amphetamine right? Di mo nabasa? Sige, basahin mo friend! Ayan na nga sa larawan sa itaas! hahaha. Isang klase ng droga kasi ang amphetamine. At etong straight guy named Kafka ay addicted dito.

Bakit addicted si guy? Kasi, it turns out na one time, may iniligtas siyang girlaloo sa isang park against sa possible rapist nito. Napatakas niya yung girlay. Kaso siya ang nahabol at dahil wala na ang bebot na gagahasain... alam na! Naging super proxy si Kafka. Yep. Napwersa ang pwerta niya.

Dahil naman sa love ni Daniel (muli, hindi siya ang pakner ni Mara sa Got to Bilib), tinanggap niya ang past ng kanyang papabols. Medyo naki-ride din sa paggamit ng drugs. Pero infer to him, nag-seek siya ng way para makaalis sa addiction ang kanyang bowa.

Last conflict or eksena ay ang hinire ni Daniel na parang counsellor/shrink ay ang kanyang ex-girlfriend noong di pa niya alam na gusto niya ng hotdogs kesa sa tahongs. And since medyo malakas ang tama ng droga sa kanyang bowa, ayun... Kinekeriboomboompow pala ng bowa niya ang ex niya! Maygas. Sa nalaman niya, nakipagsex na din si Daniel sa Ex niya. (. )(. ) kaloks!

Ano ending??? Sad love story... Hahaha. Ikaw ba naman pagdaanan mo ang mga conflict na nabanggit sa itaas, sa tingin mo ba ay magiging 'endeylibhapilieberapter?'

Score for the film: 6.9! Joke! Bibigyan ko ito ng score na 8===D -- bwahahaha... 8.5

Not your typical love story since hindi naman ito katulad ng mga usual romcom and love stories sa mga asian films na napanoods ko na. Ang drama at heavy ng eksena. Intense. Intense din ang sandamukal na exposure! Maygas! Wag panoorin kung may mga kasama sa bahay na kiddos. Nagkalat ang mga mushrooms, talongs and body.

Pero on the serious side, di naman sya film na basta-basta makapagpakita lang ng laman like some flesh themed movies out there na too shallow. May lalim din naman kasi since it tackles drug addiction, pyschological and emotional factor ng rape, how you will do anything to help someone you love and stuff like that.

O cia, hanggang dito na langs muna! May pasok pa me ng hating gabi....

Take Care!

Monday, January 13, 2014

Some Wento


Hello there! O, O, wag na maging hater ni Monday... talagang sya ang sasalubs sa inyo right after niong makasama si Saturday at Sunday...

For Today, i'm gonna make wento lang ng kaganapans sa mga di naman uber important na detalye sa aking daily experience ganyan sa nakaraang araws.

1. Sa nakagawian, kailangan work related ang unang part ng randomness. So to start... may new schedule na ako. Kung last month ay 9pm to 6am ako..... Now ay 12am na ako. Yep! Hatinggabi ang simula ng work... So it's technically the graveyard shift.

2. In terms of restday naman... I'm saying goodbye to my Sat-Sun restday and i'm saying hello to Fri-Sat pero due to schedule ng work, technically, Thursday-Friday halos ang pahinga. 

3. Sakto naman din for my VL applications sa dalawang gala ko ng January at February. Bawas sa VL means extra VL for next adventures.

4. Friday ng haps, medyo nawindang ako sa kumatok sa pinto. Aba, shocking! Yung next possible na titira sa condo, ayun, titignan daw yung unit! Like... agad-agad?! May nakatira pa. Di makapag-antay na tuluyang mabakante ang place??!

5. Saburdei, medyo nakakasad na kailangan na mag-ligpitation ng place, pack my belongings and go... Parang PBB na na-evict. Parang survivor na na voted out of the tribe. Parang Project runway, one day you're in, the next day your out. 

6. Nakakapagod pala mag-lipat bahay ah. Paano, noong lumipat ako sa condo, mudrax at pudrax ko at sister ko ang umasikaso. So yung actual day ng lipat, e dala ko lang ang laptop ko at go na. Atsaka, yung time na yon, pede pang may maiwan na gamit sa lumang tinirhan. Pero ngayon, everything must go. Bawal mag-iwan ng bakas ganyan.

7. Tapos na ang buhay solo mode. May kasama na ulit sa bahay. Kasama ang family. At may mga mang-iiritate nanaman na mga bagay. At ang part na kahit paano, may makakain na kasi may chances na may magluluto na sa bahay.

8. For unknown reason, biglang nasira ang SD card ng aking cherry mobile. Huhubels. Di ako makapag-candykras at plantzvsZombies2. Pano na ang instagram at slightly mobile tweeting and facebooking.....

9. During the lipat-bahay, isa sa umulong sa pagbubuhat-buhat ng kasangkapan ay yung kababata ko at kamag-anak namin. Nagkaroon ako ng realization na wala pala akong social life since wala akong mga na retain na friends na relatives habang tumatanda.

10. Stop muna ang movie marathons kasi di pa nakakaset up ng TV at speakers sa bahay. Nakatabi muna ang mga DVD peliks.

11.  Medyo dumarami na ang mga kakilalang bloggers noon ang di na nag-uupdate.... Medyo i feel akward to bloghop and make exchange links like the pagpapakabibo ko noong nag-uumpisa ako na kung saan-saan ako dumadayo. Now, kung sino lang yung mga dati ko ng finofollow, doon na lang ako napapadpad or sa mga new followers lang ako bumibisita...

12. Yan lungs muna... gusto ko sanang maglahad ng much personal level kaso nga lungs, family members already know that i'm blogging. hahaha. kenatbe tutubi... Makagawa na lungs ng journal at magsulat sa papel. lols

Take Care folks!

Saturday, January 11, 2014

The Next


Sa isang jumbo company, merong isang matagumpay na negosyante na medyo tumatanders na. Alam niya na nalalapit na ang oras upang isuko na niya ang kanyang pwesto bilang isang CEO. Ngunit imbes na piliin niya ang isa sa mga junakis niya o kaya naman ang mga directors ng kumpanya, nakaisips siya ng pakulo. 

Tinawag niya ang mga bata-bata at freshies na executives ng company.

Boss CEO: "Hear ye! Hera Ye! Lapit mga kaibigan, at makinig kayo...."

Young Execs: "Listen up yo!"

Boss CEO: "Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko!"

Young Execs: "Listen Closely yo!"

Boss CEO: "Nais kong ipamahagi, este itigil na nga natin ang pagkanta! Let's get serious!"

Natahimik ang mga young execs sa nabanggit ng kanilang bossing.

Boss CEO: "Oras na upang ipasa ang bato este ang pwesto ko bilang CEO!  At dahil dyan..... Kailangan may pumalit sa akin! At napagpasyahan ko na isa sa inyo ang magiging .... The Next.... Pinoy Pop Superstar! Joke! The Next CEO!!"

Nawindang much ang mga yuppies! Na-shock sila na parang nakakidinig ng ungol ng nagsesex na kambing.

Boss CEO: "Pero Teka! Teka! Teka! Teka! Teka! Ganyan na ba talaga ang ugali nila! Baka naman ay nagpapakipot lang, ilabas mo na, baka mapanis laaaaaaaaaang!"

Young Execs: "Boss! Tama na ang pagkanta pleaaaaaase?!!!"

Boss CEO: "K Fine! May kundisyones! Bibigyan ko kayo ng isang Binhi.... not just an ordinary Binhi... But a special Binhi."

Young Exec1: "What's a Binhi Mama?! (boses Bimby)"

Boss CEO: "At dahil nagtanong ka, wala kang chance maging CEO! Shunga neto... Binhi is SEED! Pero joke lang... May chance ka pa! Di naman ako harsh!"

Young Exec2: "Sayungs! Iwas kakompetensya sana! "

Boss CEO: "Ehem.. Going back mga brokeback.... Kailangan ninyong itanim at diligan ang Binhi at after ng one day... joke, one year, kailangan ninyong bumalik kasama ang halaman na umusbong sa Binhi na binigay ko."

Young Exec3: "Pagkatapos po? Ano pong manyayare?"

Boss CEO: "Wala! Edi nakapagpalago kayo ng halaman! Pede na kayo magbungkal ng lupa or mag-apply as gardener! Nagmamadali ka sir? May lakad? Ayaw akong patapusin?"

Young Exec4: "Go Ahead boss, tuloy mo na ang kundisyones."

Boss CEO: "Tuloy natin... Pagkadala ninyo ng halaman or kahit na anong tumubo sa Binhi, doon ko ijujudge kung sino ang may K or ang karapat-dapat na pumalit sa aking puwesto at maging America's Next Top Model este Next CEO!"

Isa sa mga Young Execs na tinipon ng Boss CEO ay ang isang lalaki na may pangalang Nes. Isa siya sa nakatanggap ng Binhi at excited much siyang umuwi ng bahay upang ibalita sa kanyang sexy and uber hot na asawa ang nangyari.

Naghanap ng paso at lupa at nilagyan pa ng coffee grounds from Tarbaks ang lupa as some kind of fertilizer at doon itinanim ni Nes ang kanyang nakuhang Binhi. Araw-araw niyang dinidiligan at nilalagyan ng pataba at tipong pinapaarawan para makakuha ng sunlight ang Binhi.

Lumipas ang taklong linggo at sa opisina ay nagwewentuhan na ang kapwa young execs tungkol sa mga umuusbong na halaman na nagmula sa Binhing kanilang natanggap.

Nakabantay si Nes sa kanyang tinanim pero kahit na anong dilig at anik-anik fertilizer ang ilagay niya para maging nutricious ang soil ng kanyang binhi ay walang umuusbong na kahit kapranggot na bagay.

Lumipas ang ilang linggo at umabot na ng mga taklo at apat na buwan subalit walang pagbabago sa itinanim ni Nes. Nagdaan pa ang ilang araw, at ang landas mo'y naligaw, ikaw ay nalulong sa masamang bisyo at ilang buwan, ang mga tinanim ng mga kasama ni Nes ay mas lumago at naging mga halaman at munting puno na.

Hindi sumuko si Nes kaya go for the goal padin ang kanyang attitude. Dilig dito at fertilize doon ang ginawa subalit kahit katiting na butil ng pag-asa ay walang nagpapakita.

Nasa siyam na buwan na makalipas ang pagkakakuha ng binhi at nawawalan na ng pag-asa si Nes. Ang kanyang pakiwari ay napaka palpak niyang taong at tinatamaan ng kamalasan kahit walang balat sa pwet. Di niya masabi sa mga kapwa young execs ang status ng kanyang Binhi.

At dumating na ang araw ng paghuhusga. Lumipas na ang isang taon at kailangang dalin na ang resulta ng pag-aalaga ng binhi. 

Nes: "Babe, pano yan. Olats. Walang tumubo sa tinanim natin! Inalagaan ko naman ito. Diniligan at nilagyan ng fertilizer. Anyare???"

Sexy and uber hot wifey: "Hon, life's like that you know.... "

Nes: "Pero nakakahiya na magdala ako ng paso na may lupa na walang tumubong halaman/puno!"

Sexy and uber hot wifey: "Okay lang yan Hon, ang mahalaga you tried! Halika.... Ako na lang diligan mo bago ka pumasok sa opisina mo."

Nes: *Slurp.... "later na lang Babe. Pero may naisip akong paraan! Kukuha na lang ako ng halaman dyan sa center island ng kalsada at ilalagay sa paso. Odiba? Ang wise ko!"

Sexy and uber hot wifey: "Wise ka dyan Hon, that's cheating.... Gusto mo bang isipin ko na cheater ka? Kung nagawa mo magcheat sa ganyan... baka magawa mong mag-cheat sa akin..."

Nes: "Never akong magchecheat sa iyo Babe.. At patutunayan ko yan kaya hindi ako magchecheat dito sa halaman task."

Sexy and uber hot wifey: "Good! So.... tara na sa kusina Hon, diligan mo muna ang uhaw kong lumpiahhhh!"

Matapos ang pagdidilig ng ibang lupa ni Nes, pumunta na siya sa opisina dala ang kahiya-hiyang paso na puro lamang lupa at walang umusbong na halaman. Nagtipon ang lahat ng eligible candidate for the Next CEO sa isang special place kung saan andoon ang mga sari-saring halaman, puno at bulaklak mula sa iba-ibang Young Execs.

Young Exec1: "OMG! Buti di ako dinisqualify ni Boss CEO! May chance ako with my A-mazing Aratilis!"

Young Exec2: "Yeah right! As If! Ako ang may chance with my Sunflower!"

Young Exec3: "Ulul niong dalawa! Pakyu kayo! Aratilis??? Sunflower??? Wala yan dito sa Pakwan!"

Young Exec4: "Trolololol... Bakit tatlo yang Pakwan mo? Ay... Boobelya mo pala yung dalawa! Hahaha"

Young Exec5: "Pero tingnan ninyo ito mga friendships.. May isang huhubels na walang napalagong halaman!"

Young Exec6: "Emergehrd Nes!!! Ang probability mo na maging THE NEXT CEO ay ZERO!"

Young Exec7: "Baka naman kasi iba ang dinidiligan! hehehe, punasan mo muna yung lipstick sa neck mo Nes"

Young Exec8: "Kaawa-awang nilalangs"

Medyo nahihiya man, kinapalan na lang ni Nes ang kanyang mukha at apog at nag-stay sa room upang malaman ang resulta. Umupo na lang siya sa kasuluk-sulukan, sa row 4 kasama ang kanyang blankong paso.

Makailang sandali, dumating na ang Boss CEO sa opisina. Namangha siya sa diversity (wow, new word) ng mga halaman sa room. 

Boss CEO: "I've got a feeling! That tonights gonna be a good night! That tonight's gonna be a good night! That tonight's gonna be a good night! Ngayon na magkakaalaman kung sino ang THE NEXT CEO!

Naglibot na sa ang boss CEO at tinignan niya isa-isa ang mga halaman, bulaklak or munting puno na kanyang natatanaw. Makailang saglit ay nakita niya si Nes sa row4 dala hawak ang pasong walang halaman.

Pinatawag ng Boss CEO si Nes mula sa kanyang alalay at pinapunta sa harapan. Nangangatog-ngatog si Nes na lumapit dala ang kanyang pasong walang laman habang nakayuko at nadidinig ang bulungan at mga tawanan ng mga kasama.

Boss CEO: "Ano etits? este ano ito? Bakit walang laman yan? Paki-explain! Labyu!"

At ipinaliwanag ni Nes ang kanyang wento mula sa umpisa hanggang sa kadulu-duluhang detalye na inabot ng kalahating oras.

Boss CEO: "Wow! Narration teh?! quotang-quota ang pag-explain! Well, sige... notes este noted! "

Tinawag na ng Boss CEO ang atensyon ng lahat ng mga young executives upang sabihin ang mahalagang anunsyo.

Boss CEO: "At ang inyong NEXT CEO ay si... Dim the lights...and here we go.... Drumroll please!"

Makikita ang kaba at excitement sa mga young execs na nangangarap maging next CEO ng kumpanya. May ilan na naglabas ng rosaryo sa bulsa at ilan na nagsindi ng insenso at nagchachant ng tila kakaibang lenguahe.

Boss CEO: "HONESTO GALANG! Ikaw ang NEXT CEO NES!!"

Sabay sabog ng confetti sa pinagdarausan ng announcement at kasabay nito ang pagtugtog ng background music na 'pananagutan'.

Young Exex8: "Ano??????"

Young Exec6: "Huwat????"

Young Exec4: "OHHINDEEE!!"

Young Exec2: "Y ow Y!"

Young Exec1: " Are you CRAZYYYYYY?!"

Young Exec3: "Weh? Di nga? Ano to... JOKE????"

Young Exec5: "Lokohan? Siguro nagpa-chupachups at kembyular yan! Naker!"

Young Exec7: "Something fishy!!!"

Nakatutok kay Nes ang lahat ng ilaw sa silid. Nakakasilaw na liwanag ng spotlight at kitang kita sa kanyang mukha ang pagka-shock sa kaganapan.

Nes: "Ako??! Ako ang NEXT CEO???"

Boss CEO: "Hindi.... yung Janitor! May iba pa bang Honesto sa kumpanyang ito?"

"Ako po! Honesto din po pangalan ko!", isang boses ang narinig ng mga tao. At nag-iba ang liwanag ng ilaw at tumutok sa isang lalaki na nakabihis-janitor.

Janitor: "Ako po! HONESTO din po ang pangalan ko! Ako po si Honesto Dimagiba! Don't you know me?!"

Boss CEO: "Isa ka bang young execs na nabigyan ng Binhi at binigyan ng task? ha?"

Janitor: "Hindi po!"

Boss CEO: "Then go get your madapaking self ouf of this room you imbecile! GERAWT!!!! I can buy you, your friends and this bar!!"

Sabay kinuha ng Boss CEO ang paltik na nasa kanyang clutch bag at binaril ang echuserang janitor. Tinignan niya ang mga kumukwestiyon na mga young execs na tinatanong kung bakit si Nes ang Next CEO.

Boss CEO: "Okay! Gusto nio ng reason?"

Young Exec1: "YES!"

Young Exec2: "Just give us a reason!"

Young Exec3: "Jas a litel bit's enaf"

Young Exec4: "Just a second we're not broken just bent"

Young Exec5: "And we can learn to..."

Bang! Bang! Bang! Bang! 

Bumulagta ang apat na young executives na nagtangkang kumanta imbes na sagutin lang ang tanong ni Boss CEO.

Boss CEO: "Kakanta pa eh! Last Year, binigyan ko kayo ng Binhi, right?! Sabi ko sa inyo na itanim ninyo ang Binhi, diligan at palakihin. Pero ang binigay ko sa inyo ay pinakuluan ko muna ito kaya naman patay na ang binhing nakuha ninyo kaya impossible na may tumubo sa Binhing binigay ko!"

Young Exec6: "Cheater!"

Young Exec7: "Mandurugas"

Bang! bang!

Bumulagta ang dalawa pang young execs na sasabat pa at ayaw patapusin ang speech at line ni boss CEO.

Boss CEO: "Lahat kayo pwera kay Nes! Yes! All of you, except for Nes! Inglis yan para maintindihan ninyo! Nagdala kayo ng kung anik anik na halaman, puno, bulaklak, gulay at may nagdala pa ng damo! Maygas! Nung malaman ninyo na walang tumutubo sa nakuha ninyo, dinaya ninyo ito at nagpalit kayo ng Binhi! Si Nes lamang ang may tapang at matapat na nagdala ng paso na nakatanim ang tunay at legit na binhing aking binigay. Kaya naman siya ang NEXT CEO!"

Bang!

Inilabas ni Young Exec8 ang kanyang sariling paltik at binaril ang Boss CEO.

Young Exec8: "Noted! K Thanks BYE!"

>>>End<<<

Dito nagtatapos ang edited at nilagyan ng flavor na story about honesty. 

May lesson naman yung story right?!??? Hahahah.

Hope ay okay ang twisty thingy ng wents.

Take Care!

Friday, January 10, 2014

I Forgot My Phone

Himala! Magkasunod na araw ang post ko! Wow! Hahahah. Well, technically ginawa tong post na ito kahaps at naka-scheduled post lang. Nyahaha.

Heniway, for today, share ko lang ang isang tube video (no, its not porn... sorry lols) na nakita ko sa pesbuk recently. 


May katotohanan sa video... Yung moment na minsan, ang technolohiya like mobile phones/smartphones ay pumapatay sa possible enjoy, happy and fun moments. 

O cia, yun lungs muna! Take care folks!

Thursday, January 9, 2014

Usapang Kaperahan


Hello there! Thursday na! Konting tambling na lang at weekend na! Hephephoorayfortoday!  Kamusta kayo? Hope your good... Chinecheck ko lang ang status nio kasi concerned din naman me sa valued readers na nagtyatyaga sa anik-anik post ko.

Anyway, kani-kanina lamang, nagulat ako kasi sa aking pesbuk, biglang nagmessage ang isang kaklase noon. Nope, di sya nagpapa-like ng isang picture or page. Di rin sya nangunguts. hahahah. Pero he asked me some questions about blogging and stuff.

Along the convo, nabanggit niya na nahanap na niya ang pasyon niya... Ito ay ang pagpapayaman or something like that.... ang tamang term ata ay Finances chevelins... 

Sa aming pag-uusaps, somehow it strikes me... Yung eksenang napapaisip ka na parang gusto mo din na makapag-ipon or makapagpalago ng kaban ng cash ganyan... And na-realize ko na may mga ginagawa ako na hit and miss and saving money.

Nagbabasa-basa ako sa isang article online at natuto ng ilang bagay. At yun din ang ishashare ko... English yung artikol at slightly nakakanosebleeds kaya naman sisimplehans ko na lungs at super shortcut ganyan...

Sabi sa artikol, meron daw pito... oo, pito daw or seven na habits or bisyo ang mga richie-rich! eto ay ang mga sumusunod.

1. They Value It. So pinapahalagahan daw nila ang kaban-ng-cash ganyan. Hindi sila nagsasayang at may respect sa kaching-kaching. 

Minsan navavalue ko naman ang kaperahan... Syemps, pinagpapaguran ko to sa work! Maygas, ilang calls ang sinasagot ko per day kaya dapat ang kaperahan na sinusweldo chinecherish ganyan.

2. They Make It. Literal na translation.... Ginagawa nila ito. So ito yung tipong gumagawa ng way ang mga Nina Richie upang magkapera ganyan. Mga benta ng laman charot.

Etong part na to, medyo naguguluhan me... How do you make money? Turning ideas to opportunity para magpalago? Mga negosyo ganyan? Di pa to pasok sa list ko... wala pang checkmark. lols.

3. They Manage It. Wow! May managerial factor! Kailangan alam mo kung pano ang cash flow thing. Dapat namomonitor mo ang income at expenses.. parang accountancy... may balance sheet shenanigans.

Sa part na to, caught in the middle me. May times na nakakapag manage ako ng aking sinuswelds pero minsan, nakopo, waler... Kailangan mamaintain ang pagmamanage ng cash.

4. They Save It. Andaling intindihin dabah? Ipon-ipon at impok-impok ng moolah. Dito na papasok ang pagtitipid and stuff.

At some point, nagagawa ko to. May times na may alkansya moment ako na naghuhulog ako ng aking mga baryables para makaipons. I also save some sa bank.

5. They Invest It. Sabi daw, may Law of Harvest... Eto daw yung moment na pagpapayabong or pagpapalaki ng iyong cash.

Ekis pa to sa akin... Ewan ko. Sometimes, na-aassociate ko to sa mga networking and thingy. I know dapat hindi kasi iba talaga ang katagang invest... Pag-aaralan ko kung pano mag-invest..... soooooon.

6. They Shield It. Eto ay ang pag-keep ng iyong wealth. Kailangan mong bantayan at protektahan ang iyong yaman. Yung eksenang hindi basta-basta lumalabas ang pera or hindi barabara ang paggastos.

Hirap ako sa part na ito. Waldas kasi ako. Basta may natripan akong bagay, basta gusto ko.... ayun, bibigay ang corregidor... bili-bili-bili. Kailangan kong pigilan ang sarili sa paggastos sa kung ano-ano.

7. They Share It. Blessing giving! Kailangan ibahagi mo din ang grasyang natatanggap mo. Eto yung mga moment na you need to share-a-load ganyan. Or donate to charity (hindi yung girlay sa mga circles named charity ha!).

For this, di ko alam kung ang pagpapa-uts ay counted din sa sharing. Pero in terms of donating or charity, minsan di ko to gaanong na-eexercise... 

At sa last part nung article may quotable quote and i quote....

There are three C’s of life: Choice, Chance, Change.. You must make the Choice to take the Chance if you want anything to Change.

Right now torn between two thingies ako... Kasi gusto kong i follow tong 7 habits and be richie pero at the same time, i want to follow the path na na-eenjoy ko naman ang life ko with travelling with friends and fam habang kaya pa ng katawan. 

O cia, hanggang dito na lang muna, medyo dumadami ang callers... Take Care folks!

Wednesday, January 8, 2014

Napakasakit, Ate ChaCha

Mustasa kalabasa? Okay ba kayo??? Ako? Oks naman! Lalo na at nagkaroon na kami ng shift bid for the month of Jan-Feb work schedule... Luckily ang aking restday ay natapat sa ilang dates na ako ay mag-le-leave kaya less days to file VL and more time to make VL sa future.

Heniway, walang kinalaman ang intro-intohan ko sa post ngayon. Nope, hindi po random ang post na ito kasi hindi mo naman nabasa sa pamagat ng post ang salitang random diba? So for today, tayo ay magkakaroon ng book review-reviewhan.
 
Since medyo uso ang mga radio DJ's to publish book, heto ang book review sa libro ng isang DJ... Eto ay ang libro ni DJ Chacha (dehins ko sya kilala since matagal na akong di nakakakinig ng FM radio at madalas ay Love Radio ang nipapakinggan ko sa mga jeepney).
 
 
Ang namesung ng book ay di naman obvious sa title ng post at sa larawan sa taas... Ito ay 'Napakasakit, Ate ChaCha'.

Ayon sa pabalat ng libro (naks, pabalat.... bagay na bagay sa larawan ng binalatang saging na hiniwa-hiwa), Ito ay usapang malikot, maharots at makirots. So... kinda naughty and kinky and something like that daw.

Ano ang laman ng book? Ito ay compilations ng naging topic or discussion ng Radio jock na si DJ ChaCha. ANg libro ay merong mga topic tulad ng mga Girl Code, Paano Mang-akit, Tamang luto ng relasyon, Something Fishy o Pagdududa or tamang hinala, Paano umiwas sa temptation island ganyan, sexcapades, usaping notes and flowers, kabet-pakbet and etc-etc.

An masasabi ko sa book?? Medyo akma ito para sa mga girly readers.... Why? Kasi ang topic much dito ay intended ata for girlaloo audience. Almost all topics ay sa mga gurls... sige... isama mo na din ang mga pa-gurls.

Based sa content... Sakto naman... Medyo naughty na di naman sobra-sobrang kawili-wili factor... may nakakatawang part at merong... meeeeeh (basahin na parang kambing ang boses)... It is just Okay... Its Suso este so-so... Hindi sya stunning on my own perspective kaya naman bibigyan ko ito ng score na boobies... (.)(.).... so ocho ang score... 

Note: Last december ko pa na-acquire ang book na ito at since di ako super enjoy or naaliw much, kaya ngayon lang nagawan ng post...

O cia, hanggang dito na lang muna! Medyo idleness kaya nagkaroon ng time magblog... 

Take Care Folks!

Sunday, January 5, 2014

Unang Buwan ng 2014 at ang Unang Random ng Taon


Hey! Wassap folks! Kamusta naman kayo? Okay sa alright ba ang inyong start ng taon? Nagpaputok ba kayo? Sa labas or sa loob? Well, kahit san nio man ipinutok, hopefully ay safe kayo and happy! 

Sa pagsisimula ng bagong taon, panibagong random nanaman ang babandera.

1. Sa opis nga pala ako nagcelebrate ng aking new year. Yung eksenang nagpuputukan na ang madlang pipol sa pinas aat ako ay nasa opisina, nakatingin lang sa salamin ng gusali sa 11th floor at nanonood ng mga makukulay na fireworks sa exclusive vill na tabi ng opisina at sa abot tanaw na Eastwood, Libis.

2. Same noong pasko, najojologsgan ako sa pakontest-trivia ekek dito sa opisina. Nakakaburaot na ang babadukis ng mga pinapagawa like selfie ekek or bring me or something tapos hahanapin mo si (insert name here) tapos di mo naman kilala kung sino yung person na iyon. Imbyernadette Sembrano much.

3. Slightly nagkakaroon ng gap at slight rift ang mga members from different teams dito sa opis. May mga pulis kasi na bantay-sarado much sa ginagawa ng ibang folks. Mga nanlalamang at ayaw magpalamang ganyan. Hay... minsan nakakainit ulo pero minsan, kailangan i-Deadmadela lang at maging apathetic... I dont' care anymore.

4. Kahaps, natuloy ang so-so thrilling na christmas party ng team. Bakit not so thrilling... E kasi di sya katulad ng energy namin last year na feel na feel mo ang christmas party. Buti nga hindi sa isang room lang sa opis ginanap at nag-walk-in na lang kami sa Dampa sa Cubao.

5. Currently, dapat ay restday ko pero dahil madali akong makausap, may teammate akong nakipagswap ng restday kaya naman ngayon ako ay on-shift... medyo may queue...

6. This January, may byahe me papuntang Puerto Prinsesa Palawans. I know nakapunta na ako doon kaso somehow, i need to make time with my HS friends kaya jumoin ako sa lakad na ito. Medyo madami pang gusot sa lakad pero hopefully maging okay.

7. For the travel plan sa palawans, mukang mapapagastos me. Nakopo, kailangan magtipid much kasi after noon, by Feb, sa Batanes naman ang lipads tapos mag surfing naman sa Siargao by March.

8. Kahaps, nawindang me pag-uwi ko sa condo. Ang kutson ng kama ko nakaangat, wala na ang mga damit ko sa drawer. Ang rice cooker ko nakabox na. Ang Aircon naka-unplug. Nagulat me kasi kahapon ay tinangkang ilipat na ako sa kabilang bahay... Agad-agad! Yung nakakaloks na ang kalat-kalat sa haus tapos nekwik pa pala ang tuluyang paglisan sa crib!

9. Medyo may epekto ang christmas season ah.... Medyo bumabalik me sa pagiging chubby-chubby. Napapasarap ang kain pati ang supdrinks at sweet treats like chocolates and stuff.... Need to balik alindog by tom. 

10. Di ko alam kung nabanggit ko na to sa ilang random ko, pero medyo naaasar na ako minsan sa shirt na 'Tabang na, tulong na'. I find it kinda annoying na parang pambansang damit na ng pinoy ito. Mag-jowa, mag-asawa, magka-opisina. Di ko alam kung for the benefit of bagyo victims ang pagsusoot nila nito or feel nila they are cool wearing that white shirt na minsan nakakaduda kasi iba-iba ang quality ng tela (may parang sobrang nipis na parang transparent)

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!