Saturday, August 31, 2013

Khanto's Whale Shark Watching in Oslob, Cebu

Hey! TGIS na! wooohooo. Alam kong pahinga time nanaman ng mga folks na normal ang schedule ng weekend. At ma-eexperience ko na din yan by neks month kasi sinuwerte na ang natirang schedule sa shift bid ay merong weekend off.

Heniway, for today ay iwewento ko naman sa inyo ang kaganapan sa aking solo adventure sa Cebu. Day 3 na! hahahaha.

Isa sa naisip kong gagawin noong nabili ko ang Cebu ticket ko ay ang makapunta doon sa place kung saan pwedeng makita ang mga gentle giants sa dagat na mga butandings. So chinunky check ko sa itenerary na ma-experience ang meet and greet with the Butandings.


Ayon sa research-research sa mga bloghouse na nabasa ko, kailangan daw maagang umalis sa Cebu Citeeeey kasi 3 hours ang byahe atchaka mas maigi daw na early morning ang pakikipag-meet sa mga butandings kasi daw by mga tanghali to hapon, naglalakwatsa sa ibang place yung mga giant fishies.

Kung pupunta kayow to the place where naghahang-out ang mga Tiki or Butandings, then kailangan ninyong mag Bengga-Bus sa South Bus Terminal ng Cebu at make bayad ng around P150 petot for non-aircon bus or round P160 kung aircon bus. Tapos, you make sabi sa manong kundoktor na you will make baba sa Brgy. Tan-Awan in Oslob. Alam na dapat nila yun at malamang ay may kasabayans kang

Dahil paalis na ang bus sa South Bus Terminal, nag non-aircon na lang ako atchaka madaling araw na byahe (around 3am) naman kaya malamig ang simoy ng super hangin.


Mga 6am ay nakadating na me sa place. Nag-antay pa me ng ilang minutes kasi wala pa daw ang mga girlilays ng brgy. na magfafacilitate ng short info about sa meet and greet at including the cashier thingy.

While waiting, picture muna ng anik-anik sa place.



Noong dumating na ang mga girlilays ng baranggay, so merong small lecture ng mga patakarans sa pakikipag meet sa mga giant fishies.



Ilan sa mga natatandaans ko na binanggit.

-Bawal ang flash photogs.
-Bawal ang mag-apply ng sunblock thingy (baka makalasons sa butanding yung chemical components)
-Bawal yung mabulabog na paglalangoys and stuff (kaya de sagwan lang ang mga bangka)
-Bawal sumakay or hawakan ang butandings (except kung sila ang magtotouch sa iyo)
-Kelangan naka-life vest ka (unless huhubarin mo kasi you gonna make underwater photog and stuff)
-for 1 whale shark, mga 6 persons only pedeng tumingins
-Distancia amigo (nalimutan ko gano kalayo ang distance... I can go the distance ♫♪)
-Pumapatak ang metro sa pag-whaleshark watching. Maximum of 30 mins. lungs

After ng briefing, bayad-bayad na ng fees and anik-anik bago ka gumora

Okay, ganito ang breakdown ng kabayarans.

P300 petot damage to whale shark watching only (ibig sabihin po mga ate at mga kuya, tambay ka lang sa banka while you make watch the giant fishies make langoy-langoy sa tubig)

P100 petot damage for snorkeling fee (ang bayad kung gusto mong make talon sa tubig and make langoy-langoy to see much a bit more closer sa butandings)

P100 petot damage for snorkeling gear rental (heto ang bayads para dun sa goggles and snorkle thingy)

Nalimutan kong nagdala ako ng sarili kong goggles kaya medyo shunga lungs na nagbayad ako ng additional 100 para sa pag rent ng snorkel gear.

Muka akong payat sa shot na ito.... i like it!

Since solo lang ako, solo ko din ang boat. hahaha. Ang shot sa itaas ay ang pic bago ko ma experience ang pagswimswim-swim with Butanding.




Hinahanap na ang spot ng mga butandings

At heto na ang ilan sa mga pics ng photoshoot with the Butandings. Hahahah. Nung napost ko yung album sa FB, aba, pinagkamalan akong family ng butanding. lols.

 Note: kung lalaki ka, wag na mag t-shirt, umaangat kasi sa tubig

The manong fisherman na nagcocoach na humawak lang sa katig




Sabi ko kay koyang nagpipicture sa akin na kuhaan nia ako ng pics ng butandings... huhuhu, kakarampot lang nakuha nia as in isa lang ata or dalawa. KaYnez Veneracion! lols




Medyo iskeri ng slight na may makita kang something humongous fishy sa harapan mo pero sulit naman ang adventure sa meet and greet with the butandings.

Nakakapagods din ang activity na to kasi you make lublob ahon, langoy-langoy here and there ganyans. hahahah. Saka pag di ka sanay lumangoy like me, mahirap makakuha ng pic with the whale shark as background. Walang super duper amazing underwater photos. hahah.

At dito ko muna tatapusin ang wento ko. 

Btw, kung nagtataka kayo, wala akong sariling underwater cam (di po marunong lumangoy ang digicam ko na si Porn). Nagrent ako ng camera worth P500 (GoPro) at kasama na dun ang deal na si manong bangkero ang magtyatyagang kumuha ng picture kow sa tubig. hehehehe.

O cia, take care folks! Happy Weekend!


Thursday, August 29, 2013

Diary ng Panget 3

Hey there! Pahinga muna tayo sa blogpost ng Cebu trip ko at magfocus sa ibang bagay. hahahaha. For today, mapadpad naman tayo sa book review-reviewhan thingy.

Last tuesday after shift, nag-mall time ako para makapamili ng anik-anik at sa aking free time, napunta nanaman me sa bookstore to check for books. At sa di inaasahang pagkakataon, nashocks me kasi merong book 3 ng 'Diary ng Panget'. 


Eto na ang 3rd installment ng kwento ni Eya na tagged as the 'panget'.

Ang content ng libro ay nagsasaad ng slight conversation ni Eya at ng crush/boy bespren niyang si Chad. Matapos nun ay andun naman ang love-hate relationship padin ni Eya sa kanyang amo na si Cross pero tinatago niya sa codename 'Cookie Monster'. Then andun yung moment na ni-reject ni Cross ang girl na hibang na hibang na sa kanya na si Lory. Tapos may school festival sa school at nagkaroon ng Marriage Booth with fake wedding sa pagitan ni Eya at ni Cross. At sa huli..... ang eksenang legendary ball kung saan sinasaad na kung sino ang nakasayaw pagdating ng hating gabi.... pak... destiny chubaness.

Score: Back to 9 natin ang score. hahahaa.


Cutie kasi ng chibi drawings sa back photo ng libro. Maganda naman ang takbo ng story. Usage of words ay akma sa mga readers. Though cliche'ish na yung midnight ball thingy with a dash and pinch of twisty cinderella-ish kasi yung lalaki ang nakaiwan ng shoessy, hokey naman ang kinahinatnan.

O cia, hanggang dito na lang muna! Pag may time, basa-basa din ng books. heheheh. TC!

Tuesday, August 27, 2013

Solo Travel sa Cebu Day 2.5

Howdy folks? Kamusta naman kayo? Sana ay ayos naman ang last week of August ninyo para naman good vibes kapag dumating ang setyembre at di kayo kakanta ng 'Wake me up..... Before you go go when september ends'. hahaha.

Oks, magpatuloy na tayo sa Cebu adventure dahil medyo napapapila naman ang peliks na dapat ay may review-reviewhans. hehehe.

Natapos ang wento last time sa Yap-Sandiego Ancestral House. (pindot here)

After noon, konting lakad lang ay mararating na ang Casa Gorordo Museum. It's kinda like the Ancestral House pero medyo panahons lang ng kastila ang napagdaanan ng bahay. 

Damage: P40 petot for entrance.





Nakakapagod din ang paglalakads kaya naman nagdecide akong magpahinga muna at lumanghap ng hanging probinsya while nagpapacooldown at pinapahinga ang paa.


Mga 11am na din at magtatanghalians na kaya naman minabuti ko na hanapin yung ibang place sa aking itenerary. Napag-alaman ko na ang next desti ay near lang uli sa Cross ni Magellan kaya naman lakad much ulit me.

Along the way, may nakita akong computer shop at tinangka kong maglaro muna ng net game na Marvel avengers. Kaso nyetakels ang net connection sa shop. Nagcracrash yung flash player, ayun... sayungs.

After walkathon, nadating ko din ang next stop, ito ay ang Plaza Independencia. Ito ay parang luneta parkish type na pedeng tumambay to chill-chill and stuff.





Up next at katabi lang ng Plaza Independencia ay ang Fort San Pedro. If you've been to Intramuros, parang ganto langs din yuns. Walls and walls. 

Damage: P30 petot for entrance





Since tanghali na ng mga time after malibot ang Fort San Pedro, back to SM Cebu na me para kumain ng lunchness at makahanap ng matinong internet shop para maglaro. 

Medyo damaging ang mag internet sa SM Cebu kasi nung una ay sa netopia ako nag net at pakingshemay na P50 petot per hour ang rate.

Imbes na bumalik ako sa hotel para bumorlogs muli, pinuntahan ko na ang place na nakatakda dapat sa aking Day 1 itenerary. 

Dahil di ko natanong kay Tabian pano sumakay ng jeep from SM Cebu to Crowne Regency ay nagtaxi na lang me. Jusme...medyo nakakapamawis ng slight ang pagtaxi. lols.... Umabot ng P100 petot. And it turns out, pede pala mag-jeep na dalawang sakays lang. sayungs. ohwell.

Isa sa plan ko talaga ay ang ma-experience yung paglakad sa mataas na gusali saka yung isang parang ride sa palibot ng tall building kaya naman pasok sa listahan ko ang pagpunta sa Crowne Regency.

Sa damage na P750 petot, na-experience ko ang maglakad-lakad at magpose for photo kita ang nasa baba as background and stuff.




Mas na-enjoy ko yung lakad-lakad sa mataas na place kesa dun sa ride na ititilt ka na feeling ko ay ang laman-bituka-atay ko ay mapupunta sa eusophagus ko. Scary much yung edge coaster. Tilt-back ang ginawa ko. lols

Ang downside lang sa Crowne Regency ay during the activity like the Skywalk at Edge Coaster, di ka pedeng magpicture ng sarili mo. So mapipilitan kang bumili ng souvenir pic worth P150 petot each. Wala silang feature na icopya sa usb thingy. Isang souvenir pic lang nakuha ko kasi tipid much na. lols.

Isang sakay lang from Crowne Regency ay nakadating naman me sa Ayala IT Park. well, parang normal mall lang naman sya tapos may parkish thing. Yung parang sa park sa taas ng mall na katabi ng SM North (nalimutan ko na... pekengshet).









Back to SM Cebu muli after this at bumili ng pang-almusal para sa maagang biyahe ko papunta sa lugar kung saan pwedeng makipag-meet-and-greet sa mga butanding or called Whalesharks sa english.

At dito ko na muna tatapusin ang wento for Day 2 ng pasyal-pasyal at libot-libot sa Cebu Citeeeeeey!

Salamat sa pagtyatyagang magbasa sa natitirang readers ng blog ko. hahahaha.

Take Care folks!

Sunday, August 25, 2013

Solo Travel sa Cebu Day2

Hello! Weekend is almost over at bukas ay simula nanaman ng bagong week para sa karamihan. Okay lang yan, isipin nio na lang na after another 5 days, restday nanaman.

For today, ipagpatuloy na natin ang kwentong pagbibiyahe ko sa ibang lupalop ng pinas. Ating ituloy ang aking experience ng solong pagbibiyahe sa Cebu.

Medyo inagahan ko ang gising ko kasi sobra-sobra din naman ang charge na nagawa ko sa body dahil naka-quota na ng 12 hours na borlogs. After makaligo at makapag-almuchow, gora na me para isagawa ang itenerary thingy na gawa-gawa ko from mga place na napuntahan na ng isang ka-opisina na nag-cebu.

Medyo lumagpas ako sa place na bababaan ko kasi di ata na-gets ng jeepney konductora na ibaba ako sa may Sto. Nino (landmark na bababaans). So nag-ride ako 2x sa jeep para makadating sa spot.

Damage: 16 petot (Otso-otso na pamasahe)

Unang hinto ay ang Magellan's Cross. Ito yung place kung saan makikita shempre ang Bakal na Cruth ni Juan Dela Cruth! Char! Syemps, ang literal na yung cross ni Magellan thingy.



 
Sa place na ito ay may nag-ooffer ng candle thingy tapos ipagdadasal kanila with dance stuff to the tune of gimme, gimme, gimme. Kidding! Sinulog prayer kinda thing daw. Medyo-Trap kinda thing kasi for 10 pirasong colored na patpating kandila, nagkakahalagang 100 petot. Pero baka mas magaling sila sa pag-pray kesa sa akin, sige, hayaans na lungs.

Damage: Candle- P100 petot

 


May special location kung saan mo pedeng sindihan yung kandila. Nga pala, may iba-ibang simbolo daw yung mga kulay ng candles. Red for love, pink for pakikipaglandian...... Nakalimutan ko na yung ibig sabihins... move on na sa candles.

Katabi lang halos ng Magellan's Cross ang next destination. Mga siguro 50 hakbungs lungs or mga sige, 70 steps ganyan, madadating na ang simbahan or ang Basilica de Sto. Nino. Ito po ay church kung saan naka-shelter ang important Sto. Nino.


Pasensya na sa selfie pic, walang kukuha ng pic ko eh :D





After sa Basilica, next stop ko naman ay ang Cebu Cathedral. Ito ay malapit lang din sa Basilica. Nakakapagtaka nga kasi, after ng isang simbahan, another simbahan nanaman? Slightly redundant? Pero wala na akong magagawa. Di naman ako nasunog sa unang simbahan kaya go naman ako dito sa Cathedral.




After the 3rd desti, medyo nagkaprobleyma me. Aba, naglakad ako back and forth pero parang hindi ko makita yung next desti ko. Akala ko kasing super close lang katulad ng first three spot. E medyo shy type me at takot akong magtanong. Lakad here, lakad there pero no sign ng next place.

Mga 10- 15 mins din ang tinagal ng paglakad ko from one street to another ng pagpasyahans ko na lungs magtanongs. Buti merong naawa sa naliligaw na Khanto at itinuro ang daans.

4th stop ay ang Heritage Monument of Cebu na somehow nasa bandang gitna-ish ng kalye. Parang center isle pero hindi sya center isle. 





Ilang hakbang lang from Heritage Monument ng Cebu ay ang next destination, ito ay ang Yap- Sandiego Ancestral House.





Damage: 50 petot for entrance.

Sa Yap- Sandiego Ancestral house makikita ang mga anik-anik ang shenanigans and thingies na oldies na. Imagine, napanatili yung place kahit na panahon pa ng kopong-kopong-kopong ang bahay. From pader to structure post pati mga kasangkapan and stuff.




Di naman creepy ang feel at aura sa loob ng ancestral house kahit medyo luma na ang mga gamit sa loobs. Nakakamanghamazing na namaintain yung mga bagay at napreserve ang mga ito.



Good thing about the place ay actually pede mong hawakan at upuan yung mga chairs and stuff. Just be careful na wala ka nga lang mababasag and something like that.

Woooooops kiri woooooops kiri wooooooops.... hanggang dito muna. Masyarong mahaba na ang post na ito at medyo jumpack kasi ang wento sa day 2 kaya 2 part thingy. hahahaha.

Take Care!


つづく