Showing posts with label pantasya. Show all posts
Showing posts with label pantasya. Show all posts

Tuesday, July 19, 2011

Walang Wakas

Maituturing kong #fail ang dalawang series na aking isinulat dito sa aking blog. Ewan ko ba. Nung mga unang labas ay ganado ako sa pagsusulat ng kung ano-anong shitness for the sake na may maisulat. Pinagana ko ang aking imagination kaya naman umabot sa more than 2 episodes ang series na Pantasya at Baksyon. Pero unfortunately, nawala na ang motivation sa katawan at daliri ko. Di ko alam kung pano durugtungan ang kwentong walang wenta. Kaya hanggang dito na lang yung fictionserye na ginawa ko. Walang wakas. Walang closure. Bitin. Bigla na lang maglalaho.
 
 
Next time, di na ako gagawa ng fiction na sobra sa 3 chapters/episodes. lols

Friday, December 17, 2010

Pantasya 4.5: Are you in or Out?

Ang nakaraan sa Pantasya serye:  Lihim Episode

Inanunsyo muna ang isang balita. Binanggit sa mga castaways na may namumuong war between the north korea at south korea. Nais malaman ng mga crew kung nais pa bang ipagpatuloy ni Kim Sam Soon ang laban towards the millions and fame. 

Sabay nag-speech ang dabiyanang koreana.


Kim Sam Soon:'Annhiyonghi kasayo!... ku-p'haiyo....Gomapseumnida.... Joesonghamnida.'

Napatulala nalang ang natitirang international players. Napaluha si Chan Cai at  napahagulgol si Marimar Aw.  

Samantala, si Onizuka naman ay nagpumilit magsalita ng korean na binase nia lamang sa mga napanood na kpop drama sa tv.

Onizuka: 'Sam Soon, Anghiyong....omma-oppa... ommamuhtay kena.... pohtaena!'

Umalis ang bangka lulan ang jumbo girl. Bago pa makapagsalita ang iba sa mga natitirang castaways, may binanggit na balita ang host sa isa pang international cast-aways. Heto ang naging usapan ng dalawa:


Host: 'Marimar, may good news at bad news ako sa iyo.'
Marimar aw: 'Ano iyon. Unahin mo yung good news'.
Host: 'Ang good news, napawalang bisa ang kaso ni Angelika laban kay Hayden Kho. Umuwing luhaan ang umapi sa iyo.'
Marimar aw: 'Talaga?!! Serves her right. Teka, ano naman ang bad news?'
Host: 'Ang bad news, ang bowa mong si Sergio.... Sergia na... Ang Aso mong si pulgoso, pulgosa na. with her papabols... at ang pamana sa iyo ng iyong richie-rich na pudrakels ay naubos kakataya ng 6/45 lotto. Magirap na you!
Marimar aw: 'No! This cant be! I quit! Kailangang mabawi ang Yaman ni Lola este yaman ni Papa.'


Dalawa nalang ang naiwan sa International. Pero desidido si Chan Cai at Onizuka na mag-gogogo at di sila mag gogo-home.

Bago i-continue ang challenges, may isa pang inanunsyo at twist ang binunyag ng host:

Host: 'Para sa season na ito, magkakaroon ng dalawang survivor swap. May isang cast-away ang ipapadala sa survivor czechoslovakia at ang isang survivor czekoslovakia ay ipapadala dito. At wala na kayong magagawa kundi i-accept ang twist! wakekeke'

Nawindang ang mga players. Natakot ang lahat at nagdasal na hindi sila ang ipadala sa ibang survivor place.

Host: 'Ang napili ay walang iba kundi si.......... TRUDIIIIIIIIIIIIS!!'
Trudis: 'Andyan na po!!!!'
Host: 'Ipapadala ka sa czechoslovakia at ang iyong replacement ay padating na.!

Mula sa kalangitan, nahulog ang isang batang babae na kahawig ng batang chimay. Pero ang pinagkaibahan ay ang damit.

Host: 'Guys, Ang ka-swap ni Trudis......si JILLIAN!!!!'
Jillian: 'Namamasko powwww!'


Na-culture shock ang remaining players pero wala na silang pake sa umalis dahil mas nagtatagal na sila sa isla noah. :p

Itutuloy.......

Ps: Ang mga larawang ginamit ay nagoogle lang.

Sunday, October 17, 2010

Pantasya 4.4: Lihim


After ng mala-glee episode sa camp ng mga pinoy cast-aways, ipinatawag ang dalawang team para sa isang announcement mula sa producer ng reality show na ginagawa at shinu-shoot. Ang magkabilang kampo ay nagpunta sa isang isla kung saan sila tatagpuin.

Producer: Lapit mga international at pinoy cast-aways. Ditey muna keo dahil may jimportant akeng news sa inyo na tiyak ay mawiwindang at ikaka-shock ng inyong bituka, atay, apdo at kung ano-anong laman-loob nio.!

Nagsilapitan ang mga pipol sa baklush na producer at all ears sila sa sasabihin ng hitad. Na-cucurious sila kung anong pasabog ang sasabihin.

Producer: Since here na kayo, siguro ay dapat may ma-reveal na lihim ng mga players at cast-aways para walang masasabing naging pandaraya at cheating ang ma-involve. So heto na ang mga nahukay ng aking mga bubwit na baho at deepest darkest secrets niong mga balugang players evah!

Nagkatinginan sa isa't-isa ang mga players. May mga lumuwa ang mata at nailang sa sinabi ng producer. May ilang halos sumayad na ang panga sa lupa.

Producer: HOY MOMAY! ikaw eklaterang batang casper the friendly ghost, akala mo hindi ko malalaman ang iyong ishinoshogo?! Na-learn ng aking bubuwit ang itinago mong bulaklak sa may dalampasigan. Kala mo di namin maheheaven-knows na malapit ka ng mawala ditey sa lups dahil pag-lanta na ang flower mo ay mega tsugi ka na. Kaya bago pa kami mapilayan sa pagkawala mo sa show ay nakahanap na ako ng replacement mo!

Lahat ng mata ay nakatitig sa paslit na si momay. Habang maluha-luha ang bata ay bumanat naulit si producer.

Producer: So tsugi ka na sa show momay at kelangan ka ng palitan ng newly discovered kong replacement! TRUDIS!!!!!!


Trudis liit: Andyan na po!

Dahil tila nauuhaw ang producer ay ibinigay niya sa host ang cue card with the list of other revelations sa ibang players.

Host: Ow-Em-Gee! i can't believe it! This is really a shocker! This is insane! Please stand up AGUA! Or, much better to say BENDITA!!!! Sinong mag-aakala na all along, hindi na pala si Agua ang naglalaro para sa pinoy cast-aways. Nalaman ng mga bubuwit ng producer na nakipagkuntsabahan ka sa iyong WOWA at pinakidnap ninyo si Agua. At ikaw ay uminom ng mahiwagang tubig para maging exact replica ng iyong kambal!

Agua: That's not true! Ako ang freak na si Agua! Believe me!If you wont believe me, i will sumbong to Wowa!

Hosts: At dahil sa pagiging impostor mo Bendita, ikaw ay paaalisin din at papalitan ka na. Ayon here sa cue, dapat ay si Billie ang papalit sa iyo subalit may case din pala siya ng pagka-impostor at siya pala ay si jean kaya ang iyong replacement ay ang very controversial lock girl, si Alyna. 


Bumalik na ang baklitang producer at inagaw na ang spotlight sa host. After mag enter the dragon ni Alyna at kinaladkad palabas ng isla ang huwad na taong tubig ay back to giving out the lihim ang producer.

Producer: Dalawa lang ang aalis at napalitan. But wait, there's more. kailangang ibunyag ang secret na ito para makapag-move on na at maganap na ang mga challenges natin so, without further ado.... Ang last scoop ng bubuwit ay idadaan sa isang blind item.

"Da who ang twosome people na iey na nahuling nag-pupushup sa isa't isa sa isang madilim na lugar ng isla? Ang magdyowang itey ay di makeri sapagkat may-december affair ang drama. Ang nakakawindang na news ay aside sa nagpupumilit na may sourness pa ang gerlay ay hindi siya pede sa boylet dahil sa itinatago nilang lihim. Ang lihim na tinutukoy ay ang girl ay may lahing baloon samantalang kaanib ni count drakula ang boylet. Da who ang couple na ito? Itago nalang sa pangalang Lolo ardo at Get-get-aw! ayun na!"

itutuloy.............

Friday, August 27, 2010

Pantasya 4.3: Kanta



Ang nakaraan: Naubusan ng energy ang mga nasinternational na team kaya nag papahinga sila. para sa kabuuan ng kwento: http://khantotantra.blogspot.com/2010/08/pantasya-42-training.html

Habang todo effort sa pagpractis ang nasa internationals, ang mga pinoy cast-aways ay pa-easy-easy lang sa life. Alam nila na nasa kanila ang powers at wala pa silang talo at wala pang nababawas sa kanilang koponan. Abala ang mga tao sa kani-kanilang ka-eklatan sa buhay.


Sa tabi ng dagat, sa may dalampasigan, makikita ang dalagang kulay asul; si Agua. Ang babaeng tubig ay tila gumagawa ng sariling mtv at umaawit mag-isa. Tumatakbo mag-isa at pilit hinahagis sa hangin ang buhok.  Naglalaro sa tubig at nakikipaghabulan sa mga alon. Kasabay ng pakikipagharutan sa alon ay madidinig sa bibig ng dalaga ang kantang nauso noon sa mga videoke.... SISIRIN MO.... siiii-si-siiiiiiirin...... sisirin mo... 

Nainggit naman ang batang multo na si Momay at tila nag-isip ng theme sa feeling-feelingang mtv. Ayaw patalo ng musmus na mumu kaya dun sa may mga bato-bato pumuwesto at nagstart na nag-emote in preparation sa gagawin niang Mtv-mtvhan. Uumpisahan na sana niang kantahin ang makabagbag damdaming kanta na ARAY subalit kumanta si Elias paniki..... "ika'y MULTO sa paningin...... ika'y MULTO sa paningeeeen..... huwaaaaaa....aaaa... huwaaaa.... aaaaaaa.". Sa inis ng multo ay naalala nito ang nasaksihan sa jumping jack exercise at kumanta si Momay ng "10 LITTLE indians".

Halos lahat ng tao ata sa isla ay musically inclined kaya may nakigaya pa bukod kay Momay. Sa base o sa camp ng mga pinoy ay makikita ang kamag-anak ni Quasimodo na si Rosalka. Sa may tent nila ay emo-emohan din ang trip ng kubs at sa may salamin humarap. Nag-imagine sya ng sariling theme. Naisip nia ang isang simbahan. Tapos sa tuktok. Binuka ang bibig at kumanta ang palakantang kubs. "Anu ba ang mayroon sila.... na hindi matatagpuan.... sa akin ako nga bay kakaiba...." Bago pa mapagpatuloy ang kabuuan ng kanta, lumipad sa ulo ni Rosalka ang isang bato. Pagtalikod nia, nakita nia ang nanlilisik na crew ng reality show... Si Imang.... ang kampanerang kuba pala. Natahimik nalang ang emoterang mang-aagaw ng themesong.


Di mawari kung anung init ang nadama ng dalawa sa mga cast-aways at sabay silang lumusong sa dagat. Pumuwesto sila sa bandang gitna at habang sabay na pumipintig ang Su at Ti.....(Sugat at Tighiyawat).... Ginaya nila ang mga eksena sa isang singing series na glee...  Nagkatitigan ang dalawa. Unang kumanta ang babae...... si Rubi. Habang nakatitig sa lalaking nasa harapan nia, tinititigan ang matangos na ilong at maliliit na buhok sa ilong. "Ang tipo kong lalaki..... ang tipo kong lalaki, medyo bastos.....". Tila na-excite si lalaki which is si Asero at matapos kumanta ang sexing si Rubi ay naghanda na sya para sa kanyang sagot na song. Huminga sia ng malalim habang kitang-kita ng dalawang mata ang dibdib ng dalaga. Sa laki ng lumulutang na melon Pakwan sa kanyang harapan, ang kantang "Get Down" na kanyang pinaghandaan ay kanyang nalimot at eto ang kanyang nakanta. "Jumbo hotdog kaya mo ba to?! Kaya mo ba to?! Kaya mo ba to?!".


Papalapit ng ang sunset, di pa natatapos ang singing fever ng mga tao sa isla at heto, may namumuo pang loveteam. Naglalakad sa dalampasigan at HHWW pa. Ang may asim pa na si Lola Gets ay kasama at ka holding hands(fingers webbed/entwined) si Lizardo. Habang naglalakad, nag-usap ang dalawa.

Lola Gets: "Lizardo(pasweet voice), kawali ka ba?"
Lizardo: "huh? bakit?"
Lola Gets: "Kasi, Pa-IINITIN kita." (kinikilig-kilig pa)

Aba, umubra kay Lizardo ang pang-aakit ni Gets. Bumanat naman si Lizardo.

Lizardo: "Gets......... Lupa ka ba?"
Lola Gets: " Ano? pota, may asim pa ako, lupa-lupa ka dyan!"
Lizardo: "Patapusin mo muna ako bago ka mag-react."
Lola Gets: "Sige na nga..."
Lizardo: "Kung Lupa ka, huhukayin ko ang mani mo!"

Pak! Pukpok na pukpok at shoot sa banga! Di na nakapagpigil ang dalawa. Kahit na eeeeewnessss para sa iba ay tumataas na ang temperatura ng dalawa. Habang nag-iinit at naghahandang pumuwesto sa madilim na bahagi ng isla, napakanta pa ang dalawa.

"Its getting hot in here, so take off all your clothes!!!..........."

itutuloy....

Thursday, July 15, 2010

Pantasya(Day 4.1)- Jumping Jack!



Day 4 na sa isla ng mga castaways. Inaabangan ng bawat koponan kung makakabalik ang injured at sinugod sa ospital na si Onizuka.(Pantasya 3.5). Lumipas ang mga oras at biglang dumating si Onizuka na nakasakay sa isang boat. Nagawan naman ng paraan ang sakit ng itlog na pinisa ni queen seon dok. Konting tahi at rest lang daw ang kinailangan kaya back to the ball game si Onizuka.

Mga alas-diyes na ng umaga ng makareceive ng tree mail ang mga teams. Ang dalawang teams ay pumunta sa mapa na nakalagay sa liham.

Ang grupo ng pinoy ay nagulat sa nakita nila. Parang nakakita ng bugok na itlog na nabuo muli. Di nila lubos maisip na naka-survive sa egg crash si Onizuka.
Lumapit ang host sa dalawang koponan. Huminga ng malalim.na-tense ang lahat. Isang nakabibinging katahimikan. Tanging hampas ng alon sa dalampasigan ang naririnig. Tapos.... Pruuuuuuuuuuuuuuuuut. Nagpakawala ng masamang hangin ang matandang si Lola gets. Bago pa sumingaw ang sangsang ng amoy ay nagsalita na ang host.

Host: Walang challenge na magaganap!
Castaways: Hoooray!
Host: Wag muna kayong magbunyi! Walang challenge ngayong umaga! Sa gabi meron!
Cast:aways:Booooooo!
Host: Anyway-highway, ngayong umaga, bubusugin ko ang inyong mata!

Pinaliwanag ng host na magkakaroon lang ng ehersisyo. Unang mag-eexercise ang mga girls at next ang boys.

Umupo muna ang mga kalalakihan habang ang mga girls ay nagsuot ng pe*pek shorts at loose na tshirt.

Host: Okay girls, do the jumping jack!

Unang nagpakitang gilas sa pagtalon talon si Momay. 1, 2, 3, 4. Enjoy na enjoy ang musmos na multo subalit tila walang dating sa mga kalalakihang nanonood.

Sumunod na tumalon talon ang sa international na si Shan cai. jump! 1, 2, 3,4. Animo ay palitong hinahagis lang sa ere ang babaeng may mahabang  itim na buhok. Walang reaction ang mga lalaki. Napasigaw si Lizardo na "Naka-bandage ata dibdib, plat na plat!"

Next in line ay si Agua. Nag-pose pa at siniguradong seksi syang tingnan sa suot. Talon talon. 1.2.3.4. Nag-papout pa ng lips at kumikindat kindat. May konting reaksyon sa mga lalaki subalit bumanat si Onizuka. "Parang gelatin lang o kaya ay silicon na blue na hinahagis sa ere!"

Pumila na at nag-stretching si Kim Sam Soon. One, two, three, four. Napapatingin sa harapan ng dilag ang mga lalaki. Nag-enjoy si Sam Soon. May sumigaw, "Okay nadin ang lechong kawali, atlist, masarap tingnan."

"It shotaym!". Nag-ingles pa ang lola gets at pumuwesto na. Hindi paman nakakaumpisang tumalon ay napapikit nalang ang mga lalaki at ayaw tumingin sa nag-eexercise. Plak! Plak! Plak! Akala mo ay may mahabang bunny ears sa loob ng shirt ng matanda. Plak. Plak. Plak. Kung saan-saan humahampas ang dibdib ng matanda. Nagdadasal ang mga kalalakihan na matapos na ang time ng lola.

Natapos ang karumaldumal na exercise ni gets. Nagpasiklaban ang dalawang seksi ng pinoy at international. Sabay na lumapit sa harapan ng mga kalalakihan at tiniyak na nasa magandang view ang mga audience. Unang tumalon talon si Rubi. Ang bidang kontrabida na may mala-labanos na kaputian ay hinagagis sa ere ang balakang. Titig na titig ang mga kalalakihan. Pak! Aw~! Tumalon talon ang isa pang dilag. Maputi at makinis. Nasasaksihan ng mga lalaki ang dalawang diyosa sa kanilang harapan. Boom! Boom! Boom! Pakwan at papaya ang nakikitang humahagis at bumabakat sa shirt ng mga dilag! Palakpakan ang mga lalaki. May sumipol! may napapadyak ang paa. Tulo laway ang mga men!

Lumapit na sa gitna ang huling babae. Kung tutuusin, okay nam,an ang katawan ni Rosalkang kuba kaya kahit paano ay tinyaga nalang ng mga lalaki. Nagready na ang babae at tumalon talon. Bwaaaarggg. uwaaah.  Isa-isang tila bumula ang mga bibig ng mga lalaki. Nasuka ang mga guys ng nakita nila na pangatlong dibdib sa likod  ng kuba. Shet, dibdib pala ang nasa likod ni Rosalka

Natapos na ang girls kaya turn na ng boys na mag-exercise. Pinagsuot sila ng maluwang na boxer shorts at walang tshirt.

Excited na ang mga kababaihan at makakasipat sila ng something. Protective mother goose si lola gets at piniringan si momay para walang makita.

Unang pumunta sa harap si Onizuka. Payat pero hindi naman skinny. jumping jack din ang ginawa nila. Up, down, up, down.
Tiliaan ang mga kababaihan sa nakitang joystick na bumabakat habang tumatalon. Woooohooooo. ang maririnig.
"Sarsi 8 ounce!" ang sigaw ni Lola gets

Sumunod si Asero. Aba, may muscles.  Okay lang din daw ang katawan base sa mga girls. Pwede na daw. Tumalon talon ang android/cyborg na si asero. Palakpakan ang mga babae! naluluha sa galak!
"Coke 12 ounce!!" sigaw naman ni Sam Soon.

Sumonod na si Lizardo. skinny ng konti pero okay naman kasi matangkad. Nagjumping jack na. 1.2.3.4. Natulala ang mga babae. Konting katahimikan pero lumakas ang hiyawan! Nagkatinginan ang mga girls. Napasayaw si Rubi at si Marimar! Hindi na blue kundi red si agua na nangangahulugang nagiging hot na ang pakiramdam nia.
"RC Litro!!!!" Hindi Coke litro!!!! tumili si Shan Cai.

Nasa last na kalahok na. Na-excite na ang mga girls. Parang kinikiliti sa mani ang mga dalaga kahit na ang matandang si lola gets ay akala mo nagmamaasim at nais humilera sa quality nila madam auring. Laway na laway na ang mga babae at hot na hot na sila para sa last guy. Excited na ang lahat. Lumakad sa harapan si Elias Paniki. Washboard abs at bumubukol ang nagpuputukan ang maskels sa katawan.
"Finale na! ganda katawan! winner na to!"Sabi ni rubi
"I'm freakingly Hot na Hot na!" Sabi ni Agua!

Nag-flex-flex pa ng mga muscles ang bidang si Elias. Hinubad ang paniking bandana sa noo. Humanda na sa pagtalon. 1.2.3.4.5.6.7.8. Katahimikan ang narinig. 1.2.3.4.5.6.7.8. Tahimik padin. Nilakasan ni Elias ang talon. 1.2.3.4.5.6.7.8






Bumilang ang mga babae. 1.2.3.................................


"Pak! YAKULT!!!!!!"

itutuloy....................

Saturday, July 3, 2010

Pantasya (Day 3.5)-Itlog na hugis bilog



Ang nakaraan sa Pantasya.
Pantasya Day 3

Makalipas lamang ng ilang minuto, nakaalis na ng isla ang quitter na si Jun Pyo. Kitang-kita sa mga mata ng pinoy survivors ang tuwa at kulang nalang ay magparty habang ang yacht ay nawawala sa kanilang paningin. Sa kabilang dako, Sa grupo ng internationals ay di sila makapaniwala na nabawasan nanaman sila ng isang member. Nawalan na sila ng 3 male players habang sa kalaban ay intact padin.

Panandaliang umalis ang host upang i-confirm sa producer kung ano na ang plano. Habang pumapatak ang ulan, sumilong panandalian ang mga cast-aways sa isang maliit na kuweba at doon hinihintay ang magiging desisyon ng management.

Shan Cai: "Kainis naman yang rich boy na iyon. He is such a loser!"
Onizuka: "Loser, loser ka dyan e ang jowanger-z mo na si Dao ming ay same type din."
Marimar: "Hayaan nio na! Ang mahalaga ay andito pa tayo at may chance pa sa milyones! aw!"
Kim Sam Soon: "Honga! wag nio ng intindihin yon, mayaman na yon, tulad ng queen...."
Queen Seon Dok: "May nais ka bang ipahiwatig? Kakanta nalang ako."
Shan Cai: "Go"
Queen Seon Dok: "Taba, Taba, Taba, may dalang timba!"
Marimar: " May nasasapul! Aw!"
Kim Sam Soon: hmmf

Sa area naman ng mga pinoys, pinag-uusapan din ang naganap na pag-back-out ng conyong guy.

Lola Gets: "Sayang naman, nawala si papa jun pyo!"
Rosalka: "yep, so wawa naman, di nia pa nakikita na gumanda ako, sayang naman, nawala na target ko!"
Momay: "At least weak na ang kalaban, wala na silang tatlong guys!"
Agua: "Wahahaha. Weak na nga sila, wala pa silang powers like us. Lulunurin ko sila pag water challenge!"
Asero: "Patataubin ko naman sila sa physical challenges!"
Lizardo: "Pakakainin natin sila ng alikabok!"
Elias Paniki: "Sana matupad nga na madaig natin sila sa challenge until mag merge!"
Rubi: "kereeeeek! Kailangang manalo tayo! Go! kailangan ma-Achieve natin ang panalo teh!"

Maya-maya ay humupa na ang pagbuhos ng tubig mula sa kalangitan at naaninag na nila ang host at tila may ngiti sa kanyang labi. Natatanaw nila na may dala ding kung anong bagay ang host. Excited na ang lahat ng participants at nagbalik sa spot. Nahati na uli. Nakatayo ang walong pinoy sa kaliwa habang ang limang internationals ay nasa kanan.

Host: "Castaways, may ibabalita ako sa inyo."
Castaways: "Ano?"
Host: "Tuloy ang laban! Dahil ang tunay na castaways ay atapang-a-tao. Hindi atakbo!,aputol kamay, hindi atakbo. aputol paa, hindi atakbo. aputol ulo, hindi atakbo."

Ipinaliwanag na ang rules. 5 vs. 5 ang magiging labanan. Tatlo sa pinoys ang hindi pedeng sumali sa laban. Kailangan apat na babae at isang lalake ang sasama sa laban para sa pinoy.

Napagdesisyonan na, Para sa internationals, ang nag-iisang lalaki na si Onizuka kasama ang mga angels nia na sila Shan Chai, Seon Dok, Marimar at Sam Soon. Sa Pinoy Survivors naman, Si Asero ang guy samantalang sila Rubi, Agua, Rosalka at Lola Gets ang girlaloo.


Ang Challenge, Ang lalaki sa magkabilang koponan ay kakabitan ng isang dosenang itlog sa bewang. Sila ay ipupuwesto sa dagat na may 100 metrong layo mula sa dalampasigan. Doon sila mag-aantay  sa mga girls upang basagin isa-isa ang kanilang itlog.Kailangang makabasag ng tatlong itlog ang bawat babae.


Pinaputok na ng host ang baril na naghuhudyat na umpisa na ng challenge. Naunang nakatakbo sa line si Rubi. Dali-daling lumangoy at nag breast-stroke. Sumusunod sa kanyang likuran ay ang damong ligaw na si shancai. Nakalapit na si Rubi sa target na si Asero. Huminga ng malalim at sumisid papailalim upang makita in full view ang itlog ng lalaki. Hustler pagdating sa itlog at isa isang pumutok at sumaabog ang mga itlog ni Asero. Makikita sa camera/video ang lumalangoy na kulay dilaw ng itlog. Di nagpatalo ang internationals at nanisid si Shan Cai. Parang sadako lang sa ilalim ng tubig ang babaeng may mahabang itim na buhok. Lumapit sa bewang ng nakatambay sa tubig na si Onizuka. Magaling humawak ng itlog si shan cai at alam ang weak spot. Pinisa na parang pigsa lang ang tatlong itlog at nagmadaling humabol sa nangungunang si Rubi.


Nakarating kaagad sa dalampasigan si Rubi at dali-daling lumangoy ang kubacious na si Rosalka. Nakakaloka ang paglangoy ng mala-kampanerang kuba dahil hindi marunong mag-breast stroke. Ang style ng paglangoy ay backstroke at minsan nagbubutterfly pa. Madaling naka dating si Rosalka sa pwesto ni Asero. Sinubukang sumisid pero bigo. 2nd attempt, shet ayaw. Nag try ulit, ampota, di makasisid dahil animoy salbabida ang nasa likod. Gumawa ng strategy , hinawakan sa ulo si asero gamit ang isang kamay at unti-unting pinipilit ang pressure para makalubog lamang kahit kakarampot. Wagi! After ilng minuto, nabasag nia na ang tatlo pang itlog. Sa kabagalan ni Rosalka ay nakahabol na pala ang kalaban na si Marimar. Nakasisid na ito at ready to smash that egg! Unang egg. basag, pangalawang itlog, durog. Pangatlong itlog.. AW! Hindi si marimar ang napa-aw! Si Onizuka ang napasigaw dahil sa nasipa ng paa ni marimar ang pototoy ni Onizuka.


Nakabalik ng sabay ang ang dalawang dilag sa pampang. Humarurot na ang third batch ng swimmers na babasag sa mga itlog. Magkasabay na nakadating sa destinasyon sina Lola Gets at si Sam Soon. Kitang kita sa mukha ng napagod na si lola gets ang ngiti sa labi. Nagsalita muna ang lola bago tinangkang sisirin ang itlog.

Lola Gets: "Whoooohoooo! Antagal ko ng gustong makahawak ng itlog!"
Asero: "Tangnang gurang ka! bilisan mo! baka matalo tayo! Kunin mo na ang itlog!"
Lola Gets: "Saglet! Atat ka?! hinay-hinay lang, pede namang dahan-dahanin!"
Asero: "@#$%!, Tandaan mo, puti ang kulay ng itlog at Wala yong buhok!"
Lola Gets: "Gets ko na! Kung di ka lang yumminess.... hmmmf(with matching kagat labi)"
Sumisid ang lola at siniguradong puting itlog at di kulay bakal ang mahahawakan. Konting chansing lang ang ginawa. 


Habang nagdadaldalan ang gurang at ang bakal, si Sam Soon naman ay nagdive na pailalim at nakapisak na ng dalawang itlog. Kahit na kinakapos na ng hangin ay sugod kinakaya ang hamon. Bago sisirin ang ikatlong itlog, kinausap sya ni Onizuka.
Onizuka: "Sam Soon, dahan dahan lang ha! Kanina nasipa ang potots ko!"
Sam Soon: "oo na, Sanay ako sa sisiran at sa itlog!"
Onizuka: "Talaga? Baka ang real eggs ko ang madurog mo!"
Sam Soon: "Sos! Bilang patisier, sanay akong humawak at magbati ng itlog!"
Sumisid uli si Sam Soon at success sa pagsira sa third egg. Papaahon na siya subalit sumabit sa zipper ng shorts ni Onizuka ang kanyang hair. Walang pahintulot na hinila ni Samsoon ang short na umipit sa buhok at dali-daling lumagoy paalis. Naiwang hubo ang pobreng teacher sa gitna ng dagat na hubo.

Ang lola gets ay nagtetake opportunity kay papa Asero kaya naiwan pa ito. Nakabalik na sa base si Sam Soon at dali daling tinanggal sa pagkakaipit ang buhok sa zipper ng shorts at iniabot ang short kay Queen Seon Dok. Hawak na animoy nandidiri sa short at lumagoy na ang reyna at dagling nakalapit sa lalaki. Iniabot ang short sa kamay ni Onizuka at walang hiya-hiya at sumisid si queen upang matapos na ang challenge upang manalo naman. Papalapit na sia sa bewang pero di maiwasan ng maharlika ang sangsang na naaamoy. Di nia nakayanan at napaahon ng di manlang nakakadurog ng isang itlog. Kinausap ang guro na si Onizuka.


Queen Seon Dok: "Powta! Akala ko itlog lang na maalat kasi babad ka na sa tubig dagat!"
Onizuka: "Anong pinagsasabi mo?"
Queen Seon Dok: "Sabi ko, kabog ang salted egg! CENTURY EGG PALA! AMBAHO!"
Onizuka: "Wag mo na kasing langhapin, mananalo na tayo, dali, break the itlog!"
Queen Seon Dok: "Sa susunod nga mag FRESHMAN masculine wash ka ha! Amp!"
Onizuka: "maskulin, maskulin wash, bilisan mo, durugin mo na ang natitirang itlog!"

Sumisid ulit ang reyna. Wala ng pake sa bombilyang wala naman ilaw. Agad-agad na hinawakan ang itlog na hugis bilog at isa-isang winasak. Isa. Dalawa. Tatlo. APAT-LIMA?!! 

Isang malakas na hiyaw ang narinig sa buong isla. Ang nag-eenjoy sa side na hukluban ay napahinto habang sinisipat ang mga eggs ng taong bakal. Ang mga nasa dalampasigan ay nagulantang sanarinig. Imbis na sa tenga ang nahawakan ay napakapit at tinakpan at prinotektahan ni Lizardo at elias ang kanilang itlog. Na-shock ang mga tao.

Dumating ang medic at dinala at sinugod sa ospital ang kawawang Onizuka. Di nakapagtimpi sa inis ang reyna at pati ang original at authenticated na itlog ng guro ay dinamay. Automatic na natanggal sa game si Queen dahil sa karahasang pinakita. Nahinto ang challenge at ibinigay ang reward at immunity sa Pinoy. Di pa alam kung makakabalik pa sa game si Onizuka pero dapat ay makabalik siya within 24 hours.


Agua: "Hoy lola gets, malandi ka talaga!"
Lola Gets: "Bakit?"
Agua: "Sinadya mong bagalan para maenjoy mo ang itlog ni asero!"
Lola Gets: "So what?!"
Agua: "You FREAK! isusumbong kita kay WOWA!"

itutuloy..........................

Monday, June 7, 2010

Pantasya (Day 3)


Ang nakaraan:

Day 3 na sa bawat kampo ng pinoys at international. Masayang-masaya sa side ng mga pinoy kasi nilampaso nila sa back to back challenges ang mga internationals. Nagpaparty ang mga tao at ineenjoy ang buko habang nagsusun-bathing ang mga kababaihan including the bagets lola; Lola Gets. Ayaw ma-dry ni Agua kaya tambay sa tubig lang sia habang minamasdan ang seksing si Rubi. Di magkandarapa ang mata ni Elias Paniki at ni Lizardo sa nakikitang view kaya di nila mapigilan na ma-L; ma-Libang. Si Asero naman ay jumajackpot kasi may kakayanan na makapamboso ng palihim.Umalat at nasuya ang mga lalaki sa pinoy tribe ng maibaling ang kanilang paningin sa isang side ng beach kung saan nakadapa si Rosalka habang feel na feel at nagmamaganda gamit ang two-piece na hiniram kay Rubi.

Sa kabilang dako, Lonely at depress ang mga talunan sa tribo ng  mga internationals kasi di nila mawari kung paano sila mananalo since bawas na nga sila. Ang mayaman na si Jun Pyo ay tila wala ng energy at bagot na bagot na. Ayaw kumilos, ayaw maghanap ng pagkain, ayaw maligo. Walang silbi sa camp. Nagkaroon ng pulong ang mga babae sa international tribe at kinonfront si Jun Pyo.

Queen Seon Dok: "Oi, Jun Pyo! buhay ka pa ba?"
Sam Soon- "Oo nga, galaw-galaw ng di ka ma-stroke!"
Marimar: "Aw! tumulong ka naman sa gawain dito sa camp, magbantay ng apoy o maghanap ng kahoy!"
Shan Cai: "korekted by! wag kang tamad! Sobra kang tamad! ubod ka ng tamad! Your such a sloth!"

Umusok ang ilong ni Jun Pyo. Di na nakatiis. Akala mo ay bulkan sa pagsabog. Bigla nyang hinarap ang apat na girlash at nagbitiw ng makabagbag-damdaming linya.

Jun Pyo: " Yes, i am Sloth! But i'm the best sloth in town!"

Nagtaray ang conyong anak ng burgis at nag-walkout. 

Makalipas ang tatlong oras, nagkita na ang dalawang tribo para sa kanilang immunity at reward challenge. Unang nag-entrance ang winning team. After nun, isa-isa ng lumakad papasok ang mga internationals. Inanawns na si Aguiluz ang natanggal sa tribal counsil. Di na nabigla ang mga pinoys kasi nakita na nila na binalatan ng balahibo ang kawawang mulawin.

Bago pa sabihin ang mechanics ng laro, nag raise ng kamay si Jun Pyo at ito ay nagsalita/tumula/kumanta.

Jun Pyo: "And now, the end is near, and so i face, the final curtain."

Nawirduhan ang mga castaways. Lahat ay nagulat sa pinagsasasabi ng mayaman na lalaki ng internationals.
Ang mga babae ng pinoys ay nagsitaasan ng kilay. Ang iba ay nagtakip ng tenga habang ang iba ay tila walang pakealam sa ginagawang act ni Jun Pyo.

Nagbitiw ng ilan pang kataga si Jun Pyo.

Jun Pyo: " I think i better leave right now. Before i fall any deeper. I think i better leave right now, feeling weaker and weaker. "
Host: "So anu ibig mong sabihin sa mga pinagsasabi mong kumag ka?"
Jun Pyo: "Adios, Patria, Abugada! I am Sorry. Gusto ko pong mag voluntary exit!"
Host: " Anung rason mo? Sure ka na ba?"
Jun Pyo: "Sure na! Ayokong pinamumukhang sloth ako!"
Host: " Jun Pyo! You are the weakest link, GOODBYE!"

Umalis ang mayamang international habang di pinapansin ang bulungan ng mga kapwa players. Sumakay sa yacht ang nag-exit na tao at unti-unting pumatak ang ulan.

Ano kaya ang mangyayari sa Internationals? Matutuloy pa ba ang challenge? Itutuloy!

Friday, June 4, 2010

Pantasya (Day 2)



Ang nakaraan sa Pantasya, si Hagord ang unang natanggal at na-eliminate. (Galing Dito)

Nagbalik na ang Tribe ng Pinoy at Internationals sa kani-kanilang mga campo at naghanda upang makapagpahinga. Bukod sa pagchichillax at paghahang-out, nagpasya ang bawat grupo na mag-ayos ng kanilang tirahan. Gumawa ang tribo ng pinoy ng bahay na yari sa dayami. Subalit nasinghot ito ni Rosalka at nagpa-huff and puff at nahatsingan ang bahay at gumuho. Gumawa sila ng panibago at ito ay yari sa buhangin. Pagdating ni Agua, hinaplos nia ang buhanging tahanan at ito ay gumuho dahil nasobrahan sa tubig. Napagpasyahan nalang na gawa sa kawayan ang titirhan nila. Sa kabilang dako, sa Internationals, Nagpatawag si Jun Pyo ng tauhan nia para gawan sia ng matitirhan. Solowista ang mokong. Di nagpatalo ang reyna, may i command si Queen Seon Dok at inutusan si Onizuka na gawan sila ng tahanan. Sunod-sunuran ang virgin teacher na si onizuka. Para malambot ang tutuluyan, Inubos ang balahibo ni Aguiluz at ginawang bedsheet at pillows. Naiwang parang ginalis ang kawawang taong ibon.

Dumating ang day 2 at oras na para magsagupaan ang dalawang tribo. Ang challenge ay for reward at immunity. Para sa reward, makakatanggap ang winning team ng trip to Jerusalem package which includes 8 specially crafted chairs kasama ang isang de-bateryang radio para sa tugtog. Syempre, ang matatalo ay haharap sa tribal council at malalagasan ng isang miyembro. Dahil sobra ng isang miyembro ang pinoys, nag sit-out o hindi lalaro si Lola Gets. 

Ang challenge ay Agawan buko sa putikan. Ang unang makakapuntos ng tatlo ay siyang mananalo. Unang nagharap ang dalawang babae ng bawat grupo. Para sa pinoy si Agua at Rubi, sa International naman ay si Sam soon at Marimar aw!. Sa unang salpukan ay nag-pasiklaban na ang mga girls. Tumakbo si Rubi at inagaw ang buko. Sinunggaban ng hebigat na si samsoon si Rubi at down! Kinuha ni Marimar aw! ang buko upang dalin sa goal pero nabangga sia ng malaking putik. Si Agua, naging taong putik. Inagaw ang buko at dinala sa goal. 1 point para sa mga pinoy!

Next match ay 2 boys at 1 girl. For Pinoy, Momay, Elias paniki at Lizardo. For International ang lalaban ay sina Aguiluz, Jun Pyo at Shan cai. Nagtakbuhan ang mga pinoy, di alintana ang putik. Takbo at sunggab at pasa sa buko na nanlilimahid sa putik at dumi. Sa kabilang dako, Nanghihina ang walang balahibong si Aguiluz. Di makatakbo at nandidiri sa kanyang itsura. Si Jun Pyo ay ayaw madungisan ang laba sa tide na damit. Tanging si Shan Chai ang nakikipagbuno sa tatlong kalaban. Inilabas ni Shan chai sa bulsa ang red tags at ikinabit sa nuo ni Elias. Kinain lang ng paniki sa bandana ni elias ang red tag. Inihagis ni Lizardo ang buko at pinasa kay momay pero wala.... Di kaya ni momay ang buko kasi ghost sia. Nagsariling sikap si Lizardo at binigyan ng ikalawang puntos ang tribo.

For the win na ang Pinoy. Next round ay all members na. Ibinigay ang hudyat at tila umuulan ng putik sa paligid dahil sa pagmamadali ng bawat miyembro ng pinoy na makuha ang buko at manalo ng Trip to Jerusalem. Gumawa ng diskarte ang mga pinoy at napagkaisahang patumbahin muna ang kalaban bago kunin ang buko. Sumugod si Rubi at sumayaw muna. Nagbanggit ng mga katagang " Apir-Apir-Apir, hindi na uso yan, Wisik-wisik na lang, masdan nio ang byuti ko, tataas ang kilay nio!, moahahahaha". Naakit ang puso ni Onizuka at tila na-brainwash at di na nakakilos. Nainsecure sa atakeng iyon si Marimar aw! Hinahanap ni Marimar aw! sa putik ang isang friend(Corazon) subalit bigo. Tinalo namang ng Agua-mud splash sina Jun Pyo at Sam-soon at nabaon sa putikan. Kumilos ang cyborg na si Asero at pinataob sina Shan chai at Seon Dok. Sa bandang huli, tanggan-tanggan ni Rosalka sa kanyang likod ang buko. Pinoy Wins reward and immunity.

Humantong sa tribal council ang natalong koponan. Nagbabalik ang mga taong sawi sa dalawang challenges. Sadyang matatag ang alliance ng mga babae at di matinag. Since nakuha na nila ang kailangan kay Aguiluz, Ang ikalawang natanggal sa Tribo ay ang taong ibon. 

Itutuloy.........................

Thursday, June 3, 2010

Pantasya!



Ang kwentong mababasa ay gawa lamang ng imahinasyon na nanggaling din sa mga shows na makikita sa local networks. Ang mga tauhan ay di nanggaling sa katotohanan at wag po masyadong seryosohin.

Nagsimula ang kwento sa labing-anim na tao na pinagsama-sama sa iisang isla upang mamuhay bilang isang malaking pamilya subalit magtutunggali para sa premyong tatlong milyong piso. Ang labing anim na tao ay hinati sa dalawang grupo at tinawag na International survivors at Pinoy Survivors. Ang mga tao na kasama sa kopnan na Pinoy ay sina Rosalka, Agua, Momay, Lola Gets, Rubi, Elias Paniki, Lizardo at Asero. Samantalang ang kabilang sa International Survivors ay sina Shan Cai, Jun Pyo, Kim Sam Soon, Marimar, Queen Seon Dok, Onizuka, Hagorn at Aguiluz).

Nagharap ang dalawang tribe sa unang pagkakataon. Nagkaroon ng swimming challenge. Nahirapan ang mga international dahil mga di sanay maligo. Lumabas ang pagiging team leader ni Agua at sia ang nag lead ng victory sa Pinoys.

Kinaharap ng interneational ang tribal council. Nagkaroon ng alliance ang mga babae at ang napagpasyahan nila na mamili sa pagitan ni Hagorn at Aguiluz. Batid nila na wala silang laban pag nag-merge na(Ang aga-aga pa e merge na nasa isip). Voted out si Hagorn kasi fire ang power nia, weak sa water challenges.

Itutuloy!