Showing posts with label thailand movie. Show all posts
Showing posts with label thailand movie. Show all posts

Saturday, February 23, 2013

Seven Something

Dumating nanaman ang araw ng aking pahinga. At biglang umuulans. Syeemps, tamad na gumala atsaka wala akong shoesy na pwedeng sumugod sa ulans kaya naman sa bahay na lang ako tumambay. Aside sa paglalaro ng Naruto-arena atsaka ng Marvel Avengers Alliance, nagdecide na lamang akong manood ng peliks.....

Porno sana kaso wala akong ganung DVD (oo, wala, pramis!). So nagsalang ako ng dvd na nabili ko sa quiaps last week. Sablay yung isa, tangena. So pili ulit. At sakto naman na gumana. akala ko patitik na disc error nanaman ang makukuha ko. \

At dito ko na isisingit at sasabihin ang title ng peliks........ surprise!!! Hahaha. Obvious naman sa title ng post diba, "Seven Something". Ang pelikulang ito ay from Thailand. Yep. Thai movie for today.


Hondaming tao sa picture sa itaas diba? Well, wag kayong mag-alala. Hindi naman complicated ang wento. Ito ay dahil ang movie ay divided into 3 parts. Parang shake-rattle&roll ang peg. May taklong storya.


Ang unang story ay tungkol sa teenie boppers. Si boy ay masyadong bibo sa online shenanigans. May twitter, FB, instagram at youtube at anik-anik. It started ng maging jowawits nia yung girl. So pampam ever at pa-cute si boy at may pagka-fame whore ang peg. Bawat kibo't utot naka-announce. Ang mga date nila ni girl ay captured via video at ni-uupload pa sa youtube. Ang problema.... adiktus na masyado si boy. Feel ni gurl ay naba-bypass na ang privacy nia. ganyan.


Ang second story ay tungkol sa artista turned lovers. Pero unfortunately, nagkaroon sila ng break-up at nag-away pa. Lumipas ang 7 years, bumalik si girlay at nakikipag-reconcile sa ex-jowa nia na medyo nawala na ng shape at di na hunkydudels. Nagrerequest si girl na mag-partner muli sila dahil medyo laosian deep na ang career ni girl. Sa pagkikitang muli ng dalawa, maibabalik kaya ang dating pinagsamahan?


Third story ay tungkol naman sa isang girlay na lagpas na sa teen at early adulthood na nabangga ng isang medyo bata pang guy na isang runner. Dito ay mukang iiintroduce ni guy si girl sa pagtakbo-takbo. Naging okay naman at naging ganado si girl sa pag-run kaso..... Nahuhulog na ata sya kay guy. Pero.... hindi lang ang mala-May-december thinggy ang problema. It turns out na si girl ay widowed. Ibig sabihin, namatayan sya ng asawa. So, kaya na ba niyang bumitaw sa past at handang mag-PBB teens?


Score........ hindi seven something... kundi eight something..... mga 8.9 :D 

Nagustuhan ko yung flow ng wento. Medyo naaakma sa generation ngayon yung wento sa first film. Gusto ko naman yung settings ng film 2, yung eksena sa oceanpark nila. Ayos din yung story ng 2nd. At nadala ako  sa wents ng 3rd part. Na-inspire din ako ng slight tas napaisip ako... parang gusto ko ding tumakbo like the bida. hahahahah.

O heto trailer:


I recommend the film. Light lang at di heavy-heavy drama at may something na medyo mahirap ma-explain. Must be the rain that adds more touch with movie. hahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Tuesday, January 29, 2013

Boring Love

Hellow! Kamustasa?Are you happy? Hope na Oo ang sagot mo. Wala naman gaanong kaganapan sa life ko lately. Kaya naman for today, slight review lang ng isang peliks na nipanood ko.

Mula sa bansang Thailand, ang pelikulang Boring Love ang bibida for today.


Ganto kasi yun. Merong isang guy na iniwan ng kanyang jowawits dahil si girlay ay sumama sa ibang boy. Then sa pinagtratrabahuhang airline, may ka-opismate si guy na nagtapat ng pag-ibig sa kanya. Pero...... ang nagka-type sa kanya at pumorma ay isa ding guy!

Kahit nakikipag-flirt si gayguy e parang walang ubra kay straight guy. Until hindi nagpapapasok si gayguy sa opis. Na-concerned si straightguy kay opisgayguy kaya dumalaw ito sa house nito. And poooooof!! joke lang. Walang nangyare! Kayo talaga! hahahaha

 Pero nagkalechegas si Straight guy kasi najujulog loob nia kay gayguy. Tapos biglang entrada pa ang ex nia na nakikipagbalikan. Halahalahala-karakarakaraka!

Ang ending???? secret.... di ko sasabihin.

Score: 7. Taragis kasing subtitle.... Mas nauuna pa sa actual salita ng mga characters sa peliks. Sablay DVD from quiaps. Hahahha. Di ko nagets ng todo ang ilan sa lines nila.... hahahaha.

O cia, busy dito sa opis.... medyo madami queue.... Paudlot-udlot kong sinasalitype tong mini review.

Take Care folks!

Wednesday, January 23, 2013

Art Idol

Teteteteteteteetetext-Call-call-Text-call!! Hahaha, akala nio commercial ni choco martin ano? Wala akong maisip na intro e... ATHTIG!

commercial.... naalala ko lang ngayon yung usapan ng magkakabarkadang estudyanteng babae habang ako ay pauwi. Madami na daw girls sa section nila kaya itumba na isa-isa ang iba! #angHarshperoILikeIt!

Heniway hiway, since wala namang new happening na kailangang i-share at wala din me sa wisyo para magrandom, heto ang post about sa isang peliks na napanood ko last week. Ang pelikula ay mula sa bayan ni Mario Maurer.... Thailand!

Ang pamagat ng pelikula ay.... (drumroll pls!).....Art Idol! (bakit yung lyrics ng art angel ang tumatakbo sa isip ko?) 


Okay, ang istorya ay tatakbo kay boylet na may bespreng girlet. Si boylet, sabog-sabog ang pangarap! Di alam kung anong gusto sa layp! May moment na may pangarap syang maging something then poof, maglalaho ang gusto nia at change ng hilig. Tas pak, magbabago nanamans ang nais.

 Si Bessie Girlet

 Boylet named ART

One time, isinama ni bespreng girlet si boylet sa kanyang university na papasukan. At merong mga art work/graffiti na nakadisplay sa wall. Di sya elibs... Pero ng may isang girl na nakakuha ng kanyang atensyon... aba, mabilis pa sa alas-singko at nahanap niya daw ang passion nia... ART!

 Yung kras ni Art

And so nagbalak siyang matuto ng art, by hook or by crook. Humingi sya ng help mula sa isa daw na 'Art Idol'. Kinuha syang apprentice at sumailallim sa parang workshop. At bonus pa na sa bahay ng kanyang mga Sensei (sensei talaga?), doon nia nameet at nakasama yung kras nia!

 Yung feelingerong Art Idol

 Yung nature-inspired artist

Yung techie\graphicmedia artist

When somehow he learned his craft... yung 'ART IDOL' gave him critique at pumapel na ang ART daw ay yung hinayups na chakang IDOL, shungashunga namang naging copycat ang peg ni boylet. 

Pero eeksena na yung moment na may LQ ang magbespren tapos dito na nia malalaman ang mga bagay-bagay katulad ng ang kras nia ay may kras na iba na chaka. Tapos, napalayo na sya sa kanyang bessie. Then napagbintangan syang gaya-gaya at no originality ganyan.

And the ending... well, dahil na din sa kanyang bestpren turned laber, nalaman nia yung passion nia. Kung ano yung nakapagpapalabas ng inner powers nia... which is...... SECRET! 

Rating: Around... 7.5-7.9. Hahahaha. May kababaan. Keri lang pero hindi sapat. Yung ganong feeling. Ewan ko. Minus point sa akin yung musical thingy kase di ko naman magets. Tapos so-so lang yung comedy. Yung kilig factor medyo bitin. K lang naman ang artworks shown. 

Quotes from the peliks:
"No one remembers someone ordinary "
 "People tend to take smaller things for granted "

Inperness... mas okay ang poster ng peliks. heheheheh.




O cia..... nasa kalagitnaan pa ako ng tipid week, and as of the moment, nakakayanan ko yung katipirans. Take Care folks!!!! Wacky Wednesday sa lahat!

Wednesday, January 16, 2013

The Screen, Infection and Dark Flight 407

Hey! How are you folks?! Wonderful wednesday for you all. As i mentioned sa aking pagrandom post kahaps, nanoods ako ng peliks. And dahil medyo di ko alam ang diskarte at ang readers ng Kwatro Khanto ay di masyadong fan ng horror films, pinagsamasama ko na lang. 

1. Dark Flight 407


-Mula  sa bansang Thailand, ito ay pelikulang about sa isang stewardess na nagbabalik sa pagtrabaho. Then, sa plane na sinasakyan nila, may something na naganaps. Nagkaroon ng vengeful ghost na umepal sa eroplano at nagkaroon ng aberya sa plane. Isa-isang natetegi ang mga passengers. And sa huli nalaman na noon ay kasama din sa isang tragic plane accident ang stewardess at sya lang ang nakaligtas. 

score: 7. oo, di masyadong nakakagulat marahil kasi pinanood ko din sya ng umagang-umaga. Yung maliwanag sa room din. Saka yung computer graphics, so-so lungs

2. Infection/ Kansen


-Lipad naman tayo sa bansang japan sakay ang flight 407, char! Gawang hapon naman ang second peliks na pinanoods sa katanghaliang tapat matapos manood ng Be Careful with my heart. Ang peliks ay tungkol sa ospital na nanganganibs na magsara dahil kulang na sa gamit ganyan at kulang na sa space at pabangkrupt na. 

Tapos merong isang pasyente na during sa attempt na iligtas ang buhay, nagkaroon ng misjudgement ang doc leading to death ng pasyente(maling gamot ang ininject). Ayun, ang mga taong involved ay nag-conspire na itago ang pagkakamali.

Then merong isang pasyente na ipinasok sa ospital na may infection na bago at di pa natutuklasan. Tinanggap ng doctors kasi baka maging sikat sila. Unknown sa kanila, nakakahawa ang sakit kung saan ang mga infected ay nalulusaw at nagiging green-phlegm-like substance. At isa-isang na-impek ang mga nagconspire sa death ng pasyente.

Score: 6 din. Ewan ko. Mainit kasi noong tanghali. Saka di nakakatakot ang kaganapan. May freaky lang na extra sa movie pero waler langs. Saka magulo yung twist, or sadyang hindi lang ako na-engganyo sa story.

3. Ghost Screen


-Balik na tayo sa bansang Thailand. Eto ang 3rd peliks na nakapagbigay sa akin ng chills at mico heart attack. hahaha. Ito ay tungkol sa isang person na curious sa isang paranormal story. Gusto niyang alamin kung ano ang nangyari.

So kasama ng jowaers nia at press friends at isang guy, nag-ala-imbestigador sila. Inalam ang pelikula subalit after mapanood ang film, hindi na sila pinatahimik dahil may mga kung ano-anong entiti and evil spirits ang naghahaunt sa kanila na nag lead sa kamatayan ng dalawang friend. In the end, ang past na iniimbestigahan ay humalo sa kasalukuyan.

Score: 8.8, Nakakashock at nakakagulat at nakakatakots din ang mga scenes. Tapos solo pa ako sa house at 7pm ko sya pinanood. So creepy. For me maganda sya pati yung naging twisty thingie. hehehe.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

Monday, January 14, 2013

Beautiful Boxer

Yo! Warraps! Kamusta naman kayo? First day of week so hopefully good thing is happening para tuloy-tuloy for the whole week. For today, let me share ang isang peliks na napanood ko kahapon.

As always at bilang nakasanayan na, kung ano ang title ng post, ito ang pamagat ng pelikula. And so let me share the movie 'Beautiful Boxer'.


Ang story ay tatakbo sa isang person na ininterview ng isang kanutong press. And then magkakaroon ng narration....

Magsisimula sa isang boy kiddielet na nagpunta sa isang bayan at nafascinate sa mga bagay na pang-babae. Naelibs sa Traditional Thai Dancer pati sa batang babae na may bulaklak sa buhok. And then nakapulot pa sya ng lipstick. Ayun.... nawawala na sa tuwid na daan or sa STRAIGHT life si boy.

Ayaw ng magulang na malihis ang junakis kaya inilagay nila bilang monk apprentice si boy. Pero kahit bokal na yung bata... can't fight the feeling. F na F nia padin ang pagiging girl.

Noong nasa dalaginding stage na... naghihikahos ang family ng bida kaya naman nagdecide sya na mag-aral ng Muay Thai kasi yung ang daan para magkapera. So nagtraining sya para lumakas at humusay.
Pero kahit na nasa makalalakeng laban ang bida, hindi niya maiwasan ang pusong babae niya. May time na palihim pa siyang nag-mamake-up para pak na pak ang pag-iilusyon niya na maging girl.

Kahit nabuko ng coach ang sikreto ng bida, inembrace ang pagiging beks ng bida at hinayaan nia itong maging Beautiful Bexer (Thai Boxer with Muk-ap).
Dahil din naman sa husay sa pakikipaglaban, umangat at nagiging tanyag ang Bekiboxer na malupit kung sumipa at makipagbakbakan.

Pero sa bandang huli, nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng bida. Nais niya bang maging lalaking may pusong babae o pusong babae na pedeng maging halos ganap na babae. At napagdesisyunan nia na mag-ipon para mag-sex change at magkaroon ng pechay!
 Ang pagbabago ng bida

Maganda yung pelikula. Maganda din yung bakbakan during muay thai fight. Hanep yung labanan. Hindi sya katulad ng indie film na may bembangan kaya naman mala masterpiece. Atsaka true to life story to.
 Yung tunay na evolution ni Beautiful Boxer

Bibigyan ko sana ng mas mataas pa sa 9 kaso kasi badtrips yung DVD na nabili ko.... may subtitle nga pero 40% lang syang lumabas sa peliks. Yung ibang lines ng mga subcharacters at usapans, hindi ko alam ang naging takbo. Di ko tuloy na gets ang mga pinagsasabe during may crushy-crush yung bida sa co-trainee nia pati yung ibang mga dialogs at lines. Hays.

Pero kahit mainly visual lang, maiintindihan naman ang flow ng story.

trivia... naks, merong ganto? Ang gumanap sa pelikula ay isang tunay na lalaki at isa ring Muay Thai Boxer.

yung Actor

The original at ang Actor

O cia, hanggang dito na lang muna. Bukas, well, actually mamaya ay restday ko na (isang araw lang).... Take Care folks!

Thursday, October 11, 2012

Fabulous 30

Kamusta? Tarsday na mga folks at nalalapit na ang inaasam-asam na weekends! Adbans congratumalations! Ako,mayang gabi, day 1 of 5 so meaning back to work ang peg. 

Kahapon, nakapagsingit ako sa boring life ko na manood n dvd. E kasi olats dito sa new place, anchaka ng signal ng tv, kahit local channels, di makakuha ng magandang resepsyon, nasa pork plor na kami ah at kahit nilagyans na ng indoor anchena!

Well anyway, back to the wents, so nakanood nga me ng dvd at ito ang featured peliks for today... ang pelikula na may namesung na Fabulous 30.



Ito ay magsisimula sa isang thai girl na nag-papartey-partey sa kanyang balur kasama ang friends. Aba, pa-exit na pala sya ng roman calendar dahil nasa age 31 na sya. Partey mode kasama ang mga 30ish girlfriends ang peg.


Then malalaman sa istorya na nakipag-cool-off ang boylet niyang piloto. Di daw official break up just wanna have time, space, air, universe ang arte ni guy. So medyo depress-depressan ang lola kahit boitdei nia.

Then merong isang yuppie-yummie boylet na fresh na fresh kasi nasa age 24 pa lungs daw ang ementer sa scene kasi friendship nia yung isa sa kasamang nagpapatey na may gusto pala kay girl.


Nalasing si girl dahil di makaget-over! Boom! Walang nangyare! hahaha.akala niomerong seksena? wala. Wholesome po ang peliks.

Then for the neks day tila stalker mode si young boylet at mega sunod sya kung saan papunta si girlay. Grabe ang pag-e-ei-for effort ni boylet para mapansit.

Hindi naman agad-agad bumigay si girl. Kasi una, may age gap sila kung papatusin nia at kakagatin si young boy. So no-no-no ang sabi ng braincells nia kahit ang puks este puso nia ay mega heartbeat runnin away, beating like a drum and it's coming your way... (super bass?).

E syemps, sa ilang mga kilig-kilig pipi na flirtation at pbb teens moment ni young boy, nahuhulog na si girl sa kanya. Kaso kaso kaso.... boom.... eeksena pabalik ang jowaers ni girl na piloto at humihingi ng another chance?

So torn between two lovers si girlay at magdedecide kung kay age-level pilot guy or kay yummy-fresh-na young boylet.

At dito ko na ititigil ang synopsis. Wahahaha. Wag mag-assume na iwewento ko lahat ng detalye. :p

Okay yung peliks na tumakbo ng almost 2 hours. Nag-enjoy ako at di napa-pindot sa remote para magfast-forward ng eksena.


Bibigyan ko ng 8.5678 na score. Sakto, romantic pero may comedy pero hindi overly dramatic. Kakilig-kilig na parang patapus na ang pagwiwi. hahaha. Tama ang timpla, parang pop cola. lols.

Pero i don't know, does age really matter sa mga folks? Like, it's just fucking 7 years age gap. Di mala madam auring at boylets ang peg e. hahaahah

O cia, hanggang dito na lang muna. Tekker!

note: ang mga larawang ginamit ay di ko po pagmamay-ari. salamuch.

Sunday, August 5, 2012

My True Friend

Hi, Kamusta? Tapos na ang magkakasunods na post about sa Malaysian Trip so right now, back to regular programming na tayo. So peliks time nanamans.

Kanina, sa ph-tv, ipinalabas ang tagalized thai peliks na pelikula named 'Friendship'. Uu, yung ni-post ko last time. Yung peliks na pinagbibidahan ng sikats na thai idol named Mario Maurer. At dahil nakita ko yung artistang yun sa tv, why not feature another peliks nia na napanood ko sa DVD na nabili sa suking dvdhan sa Quiaps. :D

Ang pamagat ng palabas ay 'My True Friend'. Pero kung curious kayo kung ano ang thai name ng movie, ang name ay 'Meung Gu'. Oo, it sounds monggo. 
 
 
Ang palabs ay may temang Action at drama. So ito ay iba sa kilig factor movie like Crazy little thing called love.

Pasisimplehin ko lang ang synopsis para madaling i-digest ha. So ganto yun, merong grupo ng gang-gang (hindi gung-gong) na tinatawag na Sperm Gang (kung bakit ganon, ewan, tanong sa director) Ito ay grupo ng mga boylets na laging nasasangkot sa mga basag-ulo at laban.

Then one day merong new guy sa iskul na medyo nabubully kasi malapit sa isang chikas na type ng isang siga-sigaan. Laging napapahamaks si new guy pero buti na lungs at medyo napaparescue si Another main character played by Mario Maurer.

And so anyare ay naging new member ng gang si new guy pero walang HAZING na nangyare at walang namatay dulot ng pagpapaddle. Basta tamang boy bonding lang ang peg.

Pero syemps, dapat sa kwento magkakaroon ng probleyma ang mga character kasi magiging bland or matabang ang wento. So merong time na nag-disband halos ang grup dahil kesho ayaw ng magulang na sumama ang junakis nia sa grup. Tas merong isang member na laging escape artist o laging duwag sa laban. And so on and forth.

But dahil sa friendship at parang kanin ang samahan, magkaka-ayos din sa bandang huli tapos-tapos-tapos may eksenang namatay si Mario Maurer. The end. ahahahah.

ummmm...... ano bangs masasabi ko sa peliks....... uhmmmmm... So-so lungs. Parang pwede na dins. Heheeh. May score na 7.6.

Ewan ko, medyo mediocre lang sya (wow, ano ba ang meaning ng mediocre?). Yung tipong masasabi mong 'keri lang'. Nothing uber nakakatense na eksena. 

O cia, hanggang dito na lang muna. Super Sunday sa inyong lahats! Take Care!

Monday, July 23, 2012

Friendship


Aler! Kamusta na mga folks? okay naman ba kayo dyans? for today, ginawan ko ng hiwalay na post ang isang peliks na nabanggit ko na sa blog ko pero for the sake of SEO (seo daw o? hahahah) e kailangan may hiwalay na paskil para makapag-attract ng new audience. lols

Laging napapakita sa tv ngayon na nabili na ng ABS-CBN ang rights para i-ere sa kanilang istasyon ang peliks ni Mario Maurer. So bago pa man ipalabas ito, kelangan available ang review for peoples sake... (joke lang, pandagdag trapik din to eh).

So ang peliks ay may pamagat na 'Friendship'. Yep, the same term na pinauso sa showbiz katulad nila ai-ai at kris.

Ang pelikula ay magsisimula sa mini gathering ng mga magkakabarkada at nagkakwentutans about their youth. At dito na magflaflashback at medyo magiging makaluma ang scenery.


May bagong transfer sa iskwelalumpur ng mga bagets at ito ay ang isang girlay na muka namang okay at wala naman kapintasan o deformity. Kaso etong si girlita ay tahimiks. Ayun, napagtripan tuloy at nabubully. At isa na dito ay si tisoy.

Tapos tatakbo ang kwents ay tatakbo how medyo from bully-bullied relationship ang nangyare ke boy at ke girl ay magkakamabutihans sila. Sorta laber-laberan ang peg.


Pero syemps pumapatak ang metro este tumatakbo ang oras and there comes a time na kailangang umalis ni girlay at lumipat..... nawala sya ng walang bakat este bakas.

So after a long long years, back to present na, desidido padin si boy makita si girl. And thus nagkaroon sya ng lead at nahanap si girl. Pero may shocking panyayare. 

Kung ano yun, di ko sasabihin. Bwahahahaah! Pasaload muna ng 20 petot bago ko i-reveal! Joke langs. secret talaga.

Overall, ang pelikulang ito ay bibigyan ko ng 8.3.Nakakatouch ang story pero hindi sya kilig-kiligan katulads ng Crazy Little Thing Called Love. Pasok ang peliks na to sa good peliks.

O cia, abangans nio na lungs ito sa tv or mag download sa torrent or hanapin sa suking dvdhan. Take Care folks!

Sunday, June 10, 2012

ATM

Alam kong di pa din makaka-move on ang ilan sa mga boxing fans dahil na olats si pacman. Well, sadyang ganyan ang buhay, may panalo, may talo at merong wala lungs.

Since isa ako sa walang paki much sa boxing, itinuon ko ang araw na iyon sa paglakwatsa. Dapat ay sa SM Megamall ang lakad ko pero nasiyahan ako sa lamig ng aircon ng bus at nagderetso na lang ako papuntang SM Manila.

Doon ako nanood ng peliks. Ang pelikula ay thai movie na nireleased last March pa sa Thailand pero since US-PH films lang ang pinapalabas sa bansa natin, ngayon lang nagkaroon ng chance na ipalabas ang thai film on big screen (selected moviehouse pa).

Ang title ng pelikula ay ATM. Oo, 3 letters film langs. Pero ang original thai name nito ay 'Er Ruk Error'.


Ang peliks ay tungkol sa isang banko na kung saan may rule na bawal mag-jowaan sa department. So bawal po ang PBB TEENS! Bawal ang hug-hug, bawal ang kiss-kiss. Bawal maglandian kung hindi, tsugi.

E tapos magjowaers pala si boylet-at-girlay. Patago ang pagkikits kasi bawal mabisto ang relasyones ng dalawa.

Then nagkaroon ng proposal si boy kay girl, nag-set na sila ng date for wedding. Hombilis lang ng moves. So ready na sana.... but then... nagka-conflict kasi kung ikakasal sila, dapat isa sa kanila ay magreresign. Walang gustong mag-sakripisyo. No-no-no-no-way ang nangyare.

And so dadating na ang complik sa wento. Dyan na papasok kung bucket ATM ang namesung ng film. Ito ay dahil ang ATM ng bank nila ay nagkaroon ng flaw/glitch/error at ang mga nag-withraw ay nadodoble ang perang nakukuha.

Ang so dito na tatakbo ang challenge between the boylet and the girlet na kung sino ang makakaalams kung sino-sino ang mga nakakuha ng dobleng kaperahan (pepe for short), ang matatalo ay magreresigns.

at dito ko na puputulins ang synopsis na mahaba-haba. 

So, ano ang masasabi ko sa pelikula? Okay naman. Napapatawa naman ako. But, is it enough to win my heart (talagang may inglis at may ganung statement?), not so. Medyo so-so lang.

May funny moments yes, pero hindi sya boom na boom, pak na pak, like na like na film. It's just typical thai romcon. Should i recommend it, yes. Should i encourage people to watch it sa big screen..... ummmmm. No, unless trip mo, then go!

Score, 7.8... oo, kinapos ng .2 para maging otso. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Tuesday, April 17, 2012

Seasons Change

Terrif Tuesday sa inyong mga napapadalaw sa kwatro khanto! kamusta naman ang inyong araws? Ako, so-so lang. steady lang. hahahahah.

For today, lipat naman tayo ng country at lumipad sa kapitbahay ng pinas. Doon tayo sa bansa kung saan na may greetings na ' Sawadee ka'. Tama.... doon tayo sa bansa na pinagmulan ng crazy little thing called love, Thailand.

Ang peliks for today ay hindi ko nabili sa suking dvdhan sa quiaps. Ito ay galing sa insan ko na may ka-opisina na nagdodownload ng thai films. Ang pelikula for today ay...................... tama ang hula nio.... Seasons Change.





Ang story ay about sa thai boy na may crushlaloo na girlay. Yung crush ni boy ay mahilig sa nota... este magproduce ng nota dahil mahilig sa music si girl. Kaya ng pumasok sa music school si girlet, lumantod si boy at nag-apply din sa same school at inilihim sa magulangs.

Di pa nakuntento si thai guy at nag-apply sya sa classic band/ orchestra para makasama at maka-team yung crush nia. Dito sa band, may isang girl syang makikilala at magiging friend nia na eventually, na-fall sa kanya. :D

Simple lang ang takbo ng story..... and in the end, seasons change... hindi yung unang kabog ng puso ang nasunod... kundi ang ikalawang tibok ng pukingmahalay este ng puso.

Bibigyan ko ng 8 ang movie. Simple lang pero feel good kilig romantic movie na mas maganda sa lovestory ng twilight. ahahahahaah. At, hindi kasing lalantod ng pbb teen housemates yung nasa story kaya okay. :p

O cia, hanggang dito na langs muna! TC!

Tuesday, January 24, 2012

My Ex- Haunted Lover

This is a quick post lang ng isang peliks na aking napanood kahaps habang ako ay tumatambay lang sa bahay. :D  May sumusugaps kasi sa net ko na itago na lang natin sa code na 'ate'. F na F kasi nya magsubaybay sa tinatawag niang Trending post ng bday greeting nia! Aler!!! 

Eniweis, remove the bad vibes, eto na ang peliks na tinutukoy ko. May pangalan na 'My Ex- Haunted Lover'.


Ang wento ay tungkol sa isang girlay na nahuli ang kanyang jowanger-z(hawig ni mike tan ng starstruck... kung di mo kilala, dedma lang) na may ka-date na ibang girlay sa madilim...mabaho... maruming sinehan (joke lang, sinehan sa mall).

And then may-i-confront ang drama ni girl sa jowa tapos may-i-defend naman si boy na ginagamit nia lang yung other girl dahil sa kaban ng cash. E nadinig nung other girl. Boom! Tapos... Tapos.... si other girl nasa rooftop. Nag-eemote! 

Super hurt so bad ang peg at nagbabadyang magbunjee-jump na walang cord. And poof! Parang ibon na natirador lang si girl at nahulog mula sa mataas na condo at nagpaka-artistic kasi nag paint the pool red ang ginawa! Aba, nagsayang na madaming jobus este dugo at namula ang pool.

And as the movie progress, syemps, may-i-haunt naman ang want ni dedlak girl at syemps, revenge-revengan ang nalalamang kadramahan sa life. 

And sa huli.... malalaman syempre ang twist ng peliks. THE END!

Ang hatol sa peliks....... 7. Oo, shet-e. So-so lang. okay but not good enough film. Well, sa mga napanoods ko ng thai horror films, medyo knows ko na hindi nagpakategi yung other girl, tinulaks. Pero ang ang nagdala ng slight na pagtaas ng score ay sheps ang twist!

Huwudhabtot na yung bida ay nuknukan ng kontrabids! Pinatay nia yung jowa nia dahil sa alam ni guy na si girl ang tumulaks. Then, yung friend nia, pinatay nia din, dahil sa grudge. Tapos, yung new blooming labtim nia, napatay nia din! 

But wait, there's more! Inilibing nia sa hukays yung tatlong katawan na pinatay nia. Woops, then in the end, ang revengeful na pinatay nia ay nakagawa ng way para makarma ang bitch! wagas!

Hanggang dito na lang muna! TC!

Tuesday, January 17, 2012

Ya Nak

Hello! Kamusta na? Medyo naging busybusihan at tamadtamaran ang peg ko for the last 2 weeks kaya naman wala akong medyo matinong napopost. (As if naman meron talagang matinong post ako. :p). Anyway highway, ngayong araw ay may film review-reviewhan nanaman dito sa aking house.

'Ya Nak', wooops hindi po yan name ng isang blogger. Ahihihih. Yan ang titulo ng peliks na isinalang ko kahapon dahil nakaka-umay na yung walang kamatayang BREAKING NEWS sa tv! (bitter ako, walang matinong show kasi napuputol ng news!).


Well anyway, eto ang synopsis ng peliks:

May gumagawa ng peliks tungkol kay 'Ya Nak' (uulitin ko, hindi po sya blogger, Isa po syang mala-amaya type katutubong legend sa thailand).  Ang bidang babae ay di naman kagalingang umarte pero nakuha ang lead role dahil type sya ng producer. 

Tapos, etong si girl, may kalandian/ karelasyones na guy which is the lead actor. Hang-kaso, e tumitikim na ng ibang PUTAhe si guy. tsk tsk. Ang kaso pa, na-bubully at napagchichismisan pa sya ng mga staff ng peliks. 

One time, pinapunta sya ni producer sa house para daw mag-usap (as if naman na usap talaga ang nangyare.) Ayun, na-boomboompow at nakembyular si girl. To make things worst, nung pumunta sya sa pad ni jowabels, aa-aaaaay, kumekembot at may ibang kinakanton kinakarir ang kanyang papa. At para mas lalong masira ang spirit nia, ang perents nia, mukang pepe (pera) na hinuhuthutan sya.

Ayun, mega drama ang acting ni girl and nag cry ng river sa depression. Mukang nag pray sa isang pegan god ng thai, at after 1 night, boom, its-pay back time. One by one (syempre hindi po ito picture at hindi rin military cut), namamatay at natetegi ang mga pips na related sa kanyang pagkadepress.

The end.

hahahahahahaah. Oo, talagang may tawa part muna bago ko ibigay ang verdict ng movie. Pero bago yan, bigay ko muna ang reasons.

-medyo chaka po yung pagkakagawa, parang indie film ng indie film meaning medyo old schoolish.

-Mapapa-fast forward ka sa panonood, ambagal ng pace ng wento. seriously!

-Akala ko horror or gore film pero aysus, waley. Walang shiver factor, kahit konting pikit kaliwa or kanang mata for suspense.

-Sana nagsoft porn na lang kasi merong mga sexy part like sa umpisa, nung ni-rape si girl at nung nahuli nia yung jowa nia na nakapatong sa iba.

Overall, ang peliks na ito ay....... Chararat Boom Boom na 5. Oo, bagsak po. Pero inperness, di nia tinalo yung worst movie na napanood ko last year! wahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC! 

Friday, December 16, 2011

Letters of Death

Tigil muna us sa book review. Though may 3 new books ako, medyo wala pang time magbasa kasi natatabunan pa ng mga task. Tapos may mga bagay-bagay na dumadating sa life kaya naman wala pang time na isingit ang pag-read ng books.

Eniweiz, for today, mabalik naman tayo sa peliks. Alam kong matagal ng natapos ang halloween pero kung bakit horror themes ang napapanood ko.... e walang basagan ng trip. Kanya-kanyang gusto lang yan. hahaha. Next week na lang ang mga love films para sa pasko. :p
Ang peliks for today ay may titulong Letters of Death. O.... alam ko nasa isip ninyo.... Bakit letters of death tapos ang nasa picture ng poster ay ang larong Hang Man.... Aba.... Ker ko? Kebs. Joke. explain ko later... Wag excited. :p

O, gama na kayo sa synopsis? Sige ganto yun... It started sa isang batch reunion ng mga thailanders... chika-chika... reminis-reminisan ang drama. Then One by one, nabalitaan nila na ang mga ibang klasmeyt ay na-titigoks ng bongang-bongang kamatayan.

Then nalaman nila na lahat sila ay nakareceive ng Hangman.... Ayun... so alam nio na kung bakit ha! O sige, tuloy sa wento.

Nalaman nila na kailangan nila masagutan ang quiz na hangman at malaman ang sagot at ipamudmod sa 29 people para makaligtas sa dalaw ni kamatayan.

Then nagbacktrack at nagstroll down the memory lane ang mga shutanginang mga bida at malalaman sa wento may isa pala silang klasmate na naaksidente at nahulog sa hagdan. Si klasmate X pala ang may kagagawan ng paranormal bloody death ng mga pips.

And so nalaman nila na kelangan nila malamans ang namesung ng kaklase nila.... but kaya kaya nilang mahulaan bago sila mapaslang ng sumpa ng klasmate?


Okay.... Ang iskor...... 8. Pwere na. Alam mo yung... hmmm... a... ok. Well sige.... ganito breakdown para sa iskor.

-Well, imperness, hindi video like the ring. Medyo creative at gumamit ng Hangman as the channel to kill. 

-Okay naman yung gore. Pero medyo so so lang. Ewan... Hahaha, medyo walang masyadong creative part sa pagtilamsik ng dugo. Parang Final Final Destination na less ang effort to kill.

-Gusto ko yung story at plashback ng past.... nakabog ako sa very ending. Yung tipong.... HUWAAAT!

-Kaya bawas ang score kasi kinulang sa moment. ahahaha

Overall, pasok pa naman sya sa mga okay movies ko. Wahahaha. O cia, hanggang dito na lang muna. Iwento ko sa inyo ang pangyayari sa real life ko next time or yung book reviews na muna.
TC!


Monday, December 12, 2011

The Scared Cat

Hello! Lunes na! Sa mga taong nagwowork... malamang sa alamang ay back to work na kayo laters. Para sa akin. Parang ganun na din kasi parang tapos na din ang aking restday. ahahaha. Ewan ko. Pag panggabi ata talaga ang iskedyul mo parang ambilis ng restday. Parang sang araw lang tapos poof... work ulit. Kaasar ceasar!

Well anyway... for today, mag momovie review naman me. Review-reviewhan lang kasi di naman ako propesyunal na nagrereview ng peliks. Kumbaga.... wala lungs. ahaha. 

Hilig ko ang horror na genre ng peliks kaya for today.... horror tayo. At since knows ko naman na majority ng napapasulyap-sulyap sa blog na ito ay walang hilig sa horror films kaya naman imbes na paghiwalayin ko ng post, pinagsama ko na lang.


1. The Cat (Korean Movie)

Ito ay peliks mula sa bansang kimchi at lugar na maririnig mo ang mga katagang Aneong Haseo. :p Ang peliks ay tungkol sa isang babaeng nagtratrabaho sa isang grooming shop para sa mga petty-pets... syempre may cats kaya nga ganun ang titulo ng peliks e.

Okay, so anyare ay si girl nga ay groomer ng pussy. Then.... yung pussy na grinoom nia ay kinuha na ng may-ari then natigoks si owner. Tapos nagstart ng ang mga kababalaghans kasi nakakakita sya ng bata-batutang mumu. Ayun... One by one (hindi po picture) ay may natitigoks ng dahil sa pussy. tsk tsk.

Iskor..... bigyan ko na lungs ng 7. Medyo may gulat factor.... pero ewan ko.... so-so lang sa akin. Siguro kasi di masyadong gore. wahahaha. Walang masyadong blood talsik-talsik. Pero Inpernes, okay yung ibang part ng pagrevenge ng mga pussy... hahaha. Nakornihan lang me ng slight sa motibo ng mga pusakals. 


2. Scared (Thai Movie)

Dumako naman tayo sa bansang madidinig mo ang mga katagang Sawadeekap. Ang peliks ay about sa grupo ng mga estudyanteng nagkaroon ng field trip/ excursion (tama ba ispel?). 

Anyare? So mga eklaterong mga students na tumuloy pa din sa pagpunta sa place na target nila pero ipinagbawals. Ayun... Yung bus na sinasakyan, nahulog sa bridge. Tapos one by one.... namatay ang mga studyante... meeting death in different methods. Tapos di pa nagtatapos ang tapos. hahah. Kasi ang mga survivors ay isa isang namamatay at pinapatay ng unknown killer.

Iskor? Syemps mataas..... 8. Basta madugo at talsik-dugo mataas. hahaha. Akala ko nung una parang final destination pero hindi pala. Tapos naaliw ako sa mga pagkamatay ng mga istudents. As for the twist ng wento.... hmmm.. ngek. ewan ko, parang di suited yung naging explanasyon sa dulo. Like.... seriously???? Like..... Oh...come on?!!

O cia, hanggang dito na lang muna. TC.... Have a great monday all!

Tuesday, November 29, 2011

Four

Hello there, this is my second restday pero di na ako maglalakwatsa kasi kailangan mga 5pm or 6pm matutulog na ako para sa work bukas. Well anyway, for today may peliks akong ishashare sa inyo.


Pupunta nanaman tayo sa bansang Thailand dahil doon galing ang peliks. Thai movie nanaman tayo. Ang title nito ay 'Four'. Ibig sabihin ng title, apat na part. Syemps. 

1. Clean-Up Day


May magkakaberks na nag-wewentuhan sa isang place sa labas ng mall about the global warming. Napagwewentuhan nila na ang mundo ay may sakit na cancer at ang tao ang cancer. So ang sagot daw ay kelangan madedo ang tao o parang holocaust (<-tama ba spelling ko? ). Then it turns out isa sa kanila pala ay nagkaroon ng way to perform a mass killing by using cellphone.

-reaction ko sa unang part... it's not scary. May pagka-gore lang pero di rin ako nasiyahan. Hahaha. pucho-pucho ang acting. Badookies. ahahahah. 6/10 ang puntos.

2. Gift Shop for Hater


May napromote bilang boss. Si bossing ay nibigyan ng gift ng mga katrabaho nia. Bumaba siya sa building ng office to try to buy thank you gift at napadpad siya sa isang wierd shop. Eto ang shop para sa mga taong kinaiinisan mo. Di sya naniwala sa products. Pero winarningan siya na may bumili na sa shop ng 6 na items at siya ang target. Sa pag-uwi nia, isa-isang narereveal ang mga things na gamit nia ay galing sa shop of hate. At naging paranoid si koya at nabunyag sa bandang huli kung sino ang kumag na tinarget si boss.

-Mas gusto ko to kaysa sa una. Medyo kakaiba yung story kaya naman pasok sa aking taste. Hehheehe. Though di gaanong realistic yung mga gadgets sa shop of hate, masasabing pweydey na. 7/10

3. Eerie Nights


May magpakners na magnanakaw. Sa isang heist nila, nakapatay yung isa. Forward ng konti. Yung isang lalaki ayaw ng sumama sa heist. Nagrequest si other guy to perform a last performance at nagsama ng kapatid nung nakapatay para turuan ang brother nia as a new pakner. Successful ang pagnanakaw kaso may pulis on the way kaya nagtago sila, napadpad sa isang abandonadong hospital. Dito nagsimula ang isang something dahil may parang ghost o mysterious voice/ someone na nakakaalam ng identity ng taklo. At dito magsisimula ang medyo gore part dahil on the last part, ang request nung ghosty ay putulin ni boy nakapatay ang kanyang daliri. eeeee.

Score, 8/10. Di sya totally nakaka-creep out pero gusto ko yung naging takbo ng story. Medyo action pero iba yung twist. Yung mapapasabi ka sa sarili mo na yun pala un. Tapos yung ending... hehehe, karma.

4. Who R Kong


May matandang lolo na nategoks. Bago malagutan ng last breath, nagrerequest si lolo na wag ilibing at wag icremate hanggat.... Wooops, natigok na bago nia masabi ang complete request. Ayun, sinunod ng family ang request. Parang daing/tuyo si lolo pero di pa nililibing. Then ang mga nirerequest na tagabantay ng family ay nakakaexperience ng wierd things kaya walang nagtatagal. Then napagdesisyunan na yung mga apo na lang muna magbabantay. At doon magsisimula ang pagpaparamdam ng mummified lolo. 

Actually, di ito nakakatakot. Medyo creepy lang yung cadaver o tuyong bangkay ni lolo. eeeek.  Pero nakakatawa yung ilang eksena katulad ng isang apo na joklush. Wahahah. Ang kulit kasi ng reaction niya nung tinabihan siya nung lolo. Napapa-nobody-nobody but you reaction. hehehe. Tapos meron part na may isang apo na malibog na biglang dinalaw din ni lolo bangkay. Laugh trip talaga. Score is 8/10. :D

Masyado ng mahaba ang wentohan so dito na matatapos ang peliks sharing. Hanggang sa uulitin :D TC

note: ang pictures ay di ko pagmamay-ari at walang link kasi DVD ito.

Thursday, November 17, 2011

Art of the Devil 3

Haler! Kamusta na? Lately ay walang peliks..... Horror kasi ang mga trip ko lately e alam ko naman malaki ang chance ng mga viewers este readers na di magbabasa kasi horror. Unless trip nio pa din.... basa na.....

Ang peliks for today ay para sa matitibay ang sikmura. Para sa walang takot. Para sa brave. Di pwede ang matatakutin at mahina ang stomach.


Ito ay ang peliks kung saan may isang family na thailander ang nag-tangkang gumamit ng dark magic ritual para ang kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay ay mabuhay muli sa wankata ng iba. For this scenario, ang dead mother ay ibabalik sa wankata ng kinalanding jowaers ng asawa.

Saksespul ang transper ng kaluluwa pero wooooops may something, dahil ang wankata ng nilipatang body ay may powers ng 3 eyed demon. That's right, may third eye.

E kaso yung original soul nung babaeng lilipatan ng katawan ay nagka-powers... it's time to pay back at doon na magsisimula ang malagim na ritual ng pagbayad utang sa pamilyang ginamitan sya ng itim na magic.

Anlalim lang ng wento pero masaya ang peliks na to. Umaapaw ang dugo. Grabe sa makatindig balahibong torture. Incredible ang pagdurusa at balik ng paghihiganti. Swak na swak ang titulo na Art of the Devil 3.

Sa taklong peliks ng Art of the Devil, eto ang okay panoorin kasi malinaw yung kopya. Mukang recent. Ahahaha. 

Klap-klap ako dun sa mga eksenang yung katawan nung isang shaman guy ay inuuod ng bongga kasi di makayanan ang powers ng black magic. imba din yung torture sa mata nung matandang lalaki (lagyan ba naman ng pardible! at patakan ng kandila!!!). Oks din yung eksenang binubunutan ng kuko sa paa yung malandyutay na tatay. ahahahahaha

Sayangs di na pinakita much yung torture dun sa lalaki kung saan tinosta sya ng blow torch mula ulo hanggang paa (seen on Art of the Devil 2)..

All in all oks ang peliks na to. Parang Saw!! Incredible ang twist. wahahahahaha. Walang iskor kasi indi to review-reviewhan.... kwento-kwentuhan lang kasi baka sabihin nio kinarir ko na pag-iskor ng peliks, ahahaha

O sya, hanggang dito na lang muna..... Saka na ang pagpapatuloy ng kalandian ng mga prinsesa. TC!

Sunday, November 6, 2011

Movie Marathon

Kamustasa kalabasa? Okay naman ba kayo dyan sa inyong mga kina-uupuan? Weekends pa din so dapat ineenjoy nio yan. lols :D 

Eniway, knows ko na medyo di nio feel ang horror movies na tinatampok ko dito sa aking bahay kaya naman ay ginawan ko na ng paraan. Isasabay ko ang horror peliks sa ibang peliks para naman may option kayo. Yan ha. :D

Weekend ispeyshal this kasi di lang isa. di lamang dalwa.... kundi...... taklo! 

1. Finding Mr. Destiny (Genre: Light Romance)


Eto ay isang korean movie. Eto ay tungkol sa isang babaeng nagpunta sa India to soul search. Tapos nung na-meet nia na si mr. destiny nia. Then After ilang years sa tulong ng father nia, sila ay nagrequest sa newly created company na umaalalay hanapin ang mga pers lab ng people. At dito mamemeet ni girl si Boy (ang tutulong sa paghahanap kay Mr. Destiny). Syemps ang mangyayari ay majujulog at mafafall si Boy sa tutulungan niyang girl.

Iskor..... 7.8. Medyo typical story kaya so-so lang. Ewan ko. Slight kilig lang at medyo walang sparky moments.

2. Who Are You? (Genre: Horror)


Isang Thai film. Eto ay wento ng babae na nagbebenta ng........ hindi laman kundi dvd na puro laman..... isang porn seller ng thailand si ate. Pero wala much kinalaman ang work nia. Ang story kasi ay meron siyang anakish na lalaki na nagkolong sa warto sa loob ng 5 years! imagine 5 fucking years! Nakaka-usapp lamang ng nanay nia yung junakis sa pamamagitan ng sulat na sinusuksok sa ilalim ng pinto. Ang kababalaghan ay nag-start ng may nagtangkang imbistigahan ang batang nagkokolong sa warto.

Iskor: 8. Medyo nakakagulat ang mga panyayare at kakaiba ang twist ng wento. Kaso medyo naguluhan ako sa very last part. wahehehe.

3. Ultimate Survivor Kaiji (Genre: Crime/Thriller)


Eto ay isang Japanese film. Isang binatang considered as loser dahil mahiraps at baon sa utang. One time, binigyan siya ng pagkakataon ng isang loan shark para mabayaran ang mga utang kung sasali siya sa isang game. Hindi reality show yung game... Eto ay gambling game na kung saan ang matatalo ay magiging aliping saguiguilid  panghabangbuhay ng isang cult na nagtatayo ng fall out shelter. Dito ang bida ay matututo kung gaano ka-unfair ang life.

Iskor: 9. Mataas kasi kakaiba for me yung plot ng wento. hehehe. Saka medyo eye opener yung detalye na ginawa nung kulto atsaka yung nangyare sa mga slaves. Basta... watch it! :D Based pala ito sa manga ng Japan.

But wait wait... Read in the next 5 minutes and you will get another movie........ ABSOLUTELY FREE!!!

4. Tropical Malady (Mythology/Gay)


Thai movie na sinuggest ng binibilhan ko ng dvd. Eto ay wents tungkol sa isang village person na nainlababo sa isang thai soldeir. Eto din ay wents ng isang shaman na kayang magshape-shift something.

Iskor: 3. Wahahaha. Totally not worth it for me. Finast-forward ko to. Pakshet na nag-recommend nito. Dapat di ko binili. Pero based sa rotten-tomatoes... may mga nagbigay ng good scores. Ewan. hahaha.

For a limited time offer...... i will include an additional movie with no extra charge! Isn't that amazing?!!!!

5. Chocolate (Genre: Action)


Thai movie ulit. Woops. Wag mag-iskip read dahil okay na okay this kesa sa naunang freebie review. 

Eto ay tungkol sa isang babaeng miyembro ng syndicate at tumiwalag dahil nakipag-keriboomboom-pow si girl at may sex scene. Tapos nagkaroon ng anak si girl na may autism. Nagkalayo ang magjowa at naiwan si girl at anak. Ang anak ay natuto sa surroundings ng Muay Thai (thai boxing) at naka-adapt sa mga nipapanood na fighting shinanigans. And thus mag-uumpisa ang fighting eksena kasi maniningil ng kaperahan ang bata sa mga groups na may pagkaka-utang sa kanyang mudra.

Score: 9. hehehe. Bihira me manood ng action pero nagustohan ko tong peliks na to. Kahit medyo kita yung special effects ay namangha me sa husay ng bakbakan. Panalo. hehehehe. A must watch. (from the creator of Ong-Bak daw [di ko pa napapanood yun])

O cia, sobrang habs na ng movie special na to. TC. Enjoy the weekend!