Tuesday, August 31, 2010

Adik nanaman!


Wala akong maisip at masulat. Wait, meron akong naiisip at nais isulat subalit pre-occupied ako ng katamaran. Hays. Ewan ko. Di ko alam. Andaming idle time para magsulat at maglahad ng kwento subalit dehins ko minamaximize ang time.

Lately ay nag-aadik ako sa isang online game. Eto ang larong Dragonica. Ewan ko kung bakit ako lulong na lulong at adik na adik pero ang rest day ko ay dito umikot. :D 

For my 25th post sa month ng August... wala lang. :p

Saturday, August 28, 2010

Elite Strike Force!


Walang magawa simula pa kahapon. Medyo maalang ang calls at hiatus ang ibang bloggers kaya wala akong mabasa. Wala din masyadong kwentong pumapasok sa aking isipan kaya napatambay ako sa isang forums. Ang forums na sinasabi ko ay ang pex o ang phil. exchange forums. Dito ay nagbabasa ako ng mga comments tungkol sa mga anime mangas na aking binabasa. Naubos ko na ang mga thread at bored pa din ako. Di ko maiwasan na mapadpad sa thread ng local and foreign issues. Dun medyo nabuhayan ako dahil sa mga binabasa kong mga comments at kurukuro tungkol sa nangyaring hostage taking last monday. 

Haba ng intro no? Well anyway, i did it my way, nakita ko ang isang topic na nakakuha ng aking atensyon. Ito ay ang thread o topic kung saan sinasabi na nag-order si Pres. Noy na gumawa o bumuo ng elite strike force. OMG. Gagawa pa ng special force para sa mga risky things like hostage taking. 

Ang masasabi ko lang, ewan. Kailangan pa ba Elite kung e may swat na? sa aking palagay, dapat ay re-train lang kailangan. re-orientation at re-inform lang ang mga procedures. Kailangan pang gumawa ng new force? No.

Pero kung magpupush ang new force, i suggest ang mga 5 groups.


1. Ultraman Elite Strike Force
Sila ang mga grupo ng mga naka-tights at spandex at may wang-wang o bling-bling sa dibdib.Malalaman natin kung nanghihina na ang group kasi makakadinig ng titut-titut-titut kasabay ng pagalert ng bumbilya sa chest.


2. Mask Rider Elite Strike Force
Kung di kau elibs sa wang-wang group, subukan ang motorcycle group at grupo ng mga insecto at naglalakihang mata. Rider change lang ang katapat ng masasama!


3. Power Rangers SPD Elite Strike Force
Mula sa lahi ng mga sentai, ang mga great great great great grandchildren nila Bioman at maskman. Sila ang nagmomorph upang panatilihin ang kapayapaan. Sila ang mga newly super cops.


4. Akatsuki Elite Strike Force
Kung di pede ang spandex at mga insekto at rangers, pede nadin siguro ang mga ninjas. Sila ang mga itinakwil sa mga ninja nations. Sila na may kakaibang bangis at lupit ng ninjutsu at genjutsus. 


5. Sailormoon Elite Strike Force
Kung di kaya ng brute force, bakit hindi daanin sa charm at sexiness. Eto ang grupo ng mga babaeng may maiikling palda na pede magpalaway sa mga masasama. Parurusahan sila sa ngalan ng buwan!

Sa tingin ko fully booked na ang x-men at justice league kaya di ko na isinama. Saka baka mahal ang pag-hire sa kanila.

ps. mga larawan ay galing sa google search.

Friday, August 27, 2010

Pantasya 4.3: Kanta



Ang nakaraan: Naubusan ng energy ang mga nasinternational na team kaya nag papahinga sila. para sa kabuuan ng kwento: http://khantotantra.blogspot.com/2010/08/pantasya-42-training.html

Habang todo effort sa pagpractis ang nasa internationals, ang mga pinoy cast-aways ay pa-easy-easy lang sa life. Alam nila na nasa kanila ang powers at wala pa silang talo at wala pang nababawas sa kanilang koponan. Abala ang mga tao sa kani-kanilang ka-eklatan sa buhay.


Sa tabi ng dagat, sa may dalampasigan, makikita ang dalagang kulay asul; si Agua. Ang babaeng tubig ay tila gumagawa ng sariling mtv at umaawit mag-isa. Tumatakbo mag-isa at pilit hinahagis sa hangin ang buhok.  Naglalaro sa tubig at nakikipaghabulan sa mga alon. Kasabay ng pakikipagharutan sa alon ay madidinig sa bibig ng dalaga ang kantang nauso noon sa mga videoke.... SISIRIN MO.... siiii-si-siiiiiiirin...... sisirin mo... 

Nainggit naman ang batang multo na si Momay at tila nag-isip ng theme sa feeling-feelingang mtv. Ayaw patalo ng musmus na mumu kaya dun sa may mga bato-bato pumuwesto at nagstart na nag-emote in preparation sa gagawin niang Mtv-mtvhan. Uumpisahan na sana niang kantahin ang makabagbag damdaming kanta na ARAY subalit kumanta si Elias paniki..... "ika'y MULTO sa paningin...... ika'y MULTO sa paningeeeen..... huwaaaaaa....aaaa... huwaaaa.... aaaaaaa.". Sa inis ng multo ay naalala nito ang nasaksihan sa jumping jack exercise at kumanta si Momay ng "10 LITTLE indians".

Halos lahat ng tao ata sa isla ay musically inclined kaya may nakigaya pa bukod kay Momay. Sa base o sa camp ng mga pinoy ay makikita ang kamag-anak ni Quasimodo na si Rosalka. Sa may tent nila ay emo-emohan din ang trip ng kubs at sa may salamin humarap. Nag-imagine sya ng sariling theme. Naisip nia ang isang simbahan. Tapos sa tuktok. Binuka ang bibig at kumanta ang palakantang kubs. "Anu ba ang mayroon sila.... na hindi matatagpuan.... sa akin ako nga bay kakaiba...." Bago pa mapagpatuloy ang kabuuan ng kanta, lumipad sa ulo ni Rosalka ang isang bato. Pagtalikod nia, nakita nia ang nanlilisik na crew ng reality show... Si Imang.... ang kampanerang kuba pala. Natahimik nalang ang emoterang mang-aagaw ng themesong.


Di mawari kung anung init ang nadama ng dalawa sa mga cast-aways at sabay silang lumusong sa dagat. Pumuwesto sila sa bandang gitna at habang sabay na pumipintig ang Su at Ti.....(Sugat at Tighiyawat).... Ginaya nila ang mga eksena sa isang singing series na glee...  Nagkatitigan ang dalawa. Unang kumanta ang babae...... si Rubi. Habang nakatitig sa lalaking nasa harapan nia, tinititigan ang matangos na ilong at maliliit na buhok sa ilong. "Ang tipo kong lalaki..... ang tipo kong lalaki, medyo bastos.....". Tila na-excite si lalaki which is si Asero at matapos kumanta ang sexing si Rubi ay naghanda na sya para sa kanyang sagot na song. Huminga sia ng malalim habang kitang-kita ng dalawang mata ang dibdib ng dalaga. Sa laki ng lumulutang na melon Pakwan sa kanyang harapan, ang kantang "Get Down" na kanyang pinaghandaan ay kanyang nalimot at eto ang kanyang nakanta. "Jumbo hotdog kaya mo ba to?! Kaya mo ba to?! Kaya mo ba to?!".


Papalapit ng ang sunset, di pa natatapos ang singing fever ng mga tao sa isla at heto, may namumuo pang loveteam. Naglalakad sa dalampasigan at HHWW pa. Ang may asim pa na si Lola Gets ay kasama at ka holding hands(fingers webbed/entwined) si Lizardo. Habang naglalakad, nag-usap ang dalawa.

Lola Gets: "Lizardo(pasweet voice), kawali ka ba?"
Lizardo: "huh? bakit?"
Lola Gets: "Kasi, Pa-IINITIN kita." (kinikilig-kilig pa)

Aba, umubra kay Lizardo ang pang-aakit ni Gets. Bumanat naman si Lizardo.

Lizardo: "Gets......... Lupa ka ba?"
Lola Gets: " Ano? pota, may asim pa ako, lupa-lupa ka dyan!"
Lizardo: "Patapusin mo muna ako bago ka mag-react."
Lola Gets: "Sige na nga..."
Lizardo: "Kung Lupa ka, huhukayin ko ang mani mo!"

Pak! Pukpok na pukpok at shoot sa banga! Di na nakapagpigil ang dalawa. Kahit na eeeeewnessss para sa iba ay tumataas na ang temperatura ng dalawa. Habang nag-iinit at naghahandang pumuwesto sa madilim na bahagi ng isla, napakanta pa ang dalawa.

"Its getting hot in here, so take off all your clothes!!!..........."

itutuloy....

Wednesday, August 25, 2010

Naruto Sippuden Strap 7



Panahon nanaman ng bagong release ng loaruan o cellphone strap sa bandai-asia.com. Walang gaanong bagong nakakapukaw ng aking hilig sa anime pwera dito sa Naruto shippuuden na cellphone straps. May anim na characters lamang sa new release nila. Heto na ang mga designs.

Naruto

Minato

Kakashi

Sasuke

Suigetsu

Karin
 
Ilalabas marahil ito sa september o kaya ay mga october ng 2010. Usually ay 100 pesos ang isa at random ang design na makukuha sapagkat ito ay capsule toys.

Uno!



Ngayong araw na ito ay ang unang taon ng kwatro khanto sa mundo ng mga blog. Nakakatuwa na umabot ako ng 1 year at patuloy pa din sa pagkwento. Nakakatawa na ang una kong post nuon ay ang paunawa na something like this:

"Ang mga kwento at istoryang mababasa dito ay nagmula sa aking pananaw, suhestyon, kathang-isip at maaaring gawa-gawa lamang ng aking imahinasyon. Kung may mga taong naaapektohan o mga pangyayaring katulad sa ibang blog, ito po ay pagkakataon lamang"

Malaki na ang pinagbago ng blog ko mula sa ordinaryong green background na blog ay nakakuha na ako ng themes ngayon. Noon ay kung-ano ano lang ang napopost ko, ngayo0n, ganun padin. Dati ay madami na ang isang post kada linggo subalit ngayon, kahit minsan walang sense ay nakakapagpost ako ng 3 per week. Marami na din akong pinag-experimentohan sa blog ko, naglagay ng adbrite at nagtangka sa adsense pero bigo. Buti nalang at may nuffnang na kahit 7 petot ay kumikita. Another is nagkaroon ako ng mga finofollow na blogs. Dati ay ginagawa ko lamang na journal ang blog ko pero ngayon, dahil dito ay nakakapagbasa ako ng mga funny at exciting at cool blogs. 

Sana ay magtagal pa ako sa blogworld at hopefully, madami pa akong mabasang mga astig na blogs. :D

Monday, August 23, 2010

Unpack at Comicon!



Kahapon, Linggo, maaga akong gumising para maghanda upang pumunta sa opisina. Korekted by. Tama ang basa nio, pupunta akong office ng sunday. Ang rason e kailangan pumunta para atlist di ignoramus sa new building na magiging new office namin. Another reason ay kailangang mag-setup ng pc na gagamitin for work. Ayokong ma-hassle na di gumagana ang pc na uupuan ko. Mga 9:30 ng umaga ay andun na ako. Nakakailang kasi first time ko na mapunta dun. Parang timang guessing saan ang entrance.

Nakaakyat ako sa floor namin though naligaw ng una. Imbis na sa 11th floor, sa 10th floor ako napadpad. Buti nalang sunday at walang mga tao much aside from mga sikyo. Akyat agad ako sa 11th. Feeling cool lang at hinanap na agad ang assigned cube ko. Nakita ko na ang box na aking pinak at nagstart na akong mag-unpack at i-ayos ang pc. Nagkamali ata ako. Wala akong alam much sa mga cables and wirings ng mga pc lalo na at dalawa ang cpu at may switch. Ano ba ang alam ko, laptap na gamit ko at nuon ay isang cpu lang ang ang kaya kong i-setup. Potragis. Andaming wires. Di ko alam san ikakabit ang mga iyon. Doomed. Pinag-aralan namin un noon pero di ko alam pano na gawin. Kahit nung pinak ko un, di ko naman minimorya ang mga wires. Buti nalang at may friend akong may alam nun at nagpatulong ako. Thank god at may savior ako.

Matapos makapag unpak ay nakatipid ako dahil free food. Libre ang mushroom burger meal para sa mga tumulong. Solb na ang gutom. Tapos na din mag-set up kaya naglibot muna sa ibang floors. Dinalaw namin ung 9th floor kung saan may massage chair at mga gym equipment like tredmil at stationary-bike. Napa-wow din ako kasi may mga shower rooms na. Meron na ding sleeping quarters sa 9th floor. Na-enjoy ko ang new building namin.

Matapos nun, around 2pm ay nagkayayaan na pumunta ng megamall. Pupunta akoo dun kasi comicon. Also, dapat manonood ako ng stepup. Pero medyo nakakutob ako na mapapagastos much ako kaya may i excuse ako na mag-solo at pumunta ng cosplay event. Nagtungo ako sa 5th floor. Andami ng mga naka-costumes. Sa loob ay medyo konting booth lang kasi most ay para sa mga artist ng mga comiks. Dito ay pinagmamalaki ang mga talents ng pinoy sa pag-guhit at pagdrawing. Andito ang mga iba-ibang illustrators. Namangha ako sa mga talento at galing nila. Bilang tulong na din sa phil.artist, bumili naman ako ng isang comics na gawang pinoy.

Mga 3pm ay dun na ako sa tapat ng stage umupo at pumuwesto para mas malapitan kong makikita ang mga cosplayers. Before ng cosplay, may discussion about sa mga voice talents at voice artists. Matapos nun, ang pinaka-aabangan kong event ay dumating na. Nanuood ako ng samut-saring tao na nagbihis bilang mga anime characters. May mga nakita ko na nung last toycon katulad nung magician girl, nung green lantern at ni yu-gi-oh. Napaelibs ako sa mga porma ng mga cosplayers. Namangha ako sa husay ng mga gumawa ng kanilang kasuotan. Mas nasiyahan ako ng makita ko ang group cosplay kung saan ang favorite anime ko ang kanilang ginaya. Ang nakakaaliw pa ay isa sa mga kaopisina ko ay parte ng nagcosplay ng one piece.



Nag-enjoy ako ng todo sa aking weekend. Tinapos ko ang weekend ko sa pamamagitan ng pagbili ng bagong tshirt at laptop fan para sa aking pc. :D

ps. ung larawan ng cosplayers ay kinuha ko lang sa facebook.

Saturday, August 21, 2010

Miss U!


Walang magawa! Leche! Wala akong magawa! Idleness at busy ang tao sa pag-eempake. Walang calls. Hiatus ang ibang blogs. Nabasa ko na ang mga new posts ng iba. Refresh. refresh. Wala. Di ako makalaro, andaming tao. Hindi ako makakain, di ko naman break. Nakapagbasa na ako ng mga kung-ano-ano sa mga forums, shet, 1 oras palang ang lumilipas. Nauubusan na ako ng gagawin. Lintik. Para akong di mapakaling ewan sa cube ko.

Dahil sa walang magawa sa buhay, kahit na anung latest thread sa forum, napatos ko na. At dun ko nakita a ng thread abot sa upcoming Miss Universe. Kesho lamang sa votes ang philippines and everything. Kesho laging latina nalang ang nananalo at kung anu-anung kwentong.

Naalala ko bigla ung mga jokes sa text noon o kaya sa mga emails at pati sa youtube at stand up comedy bars ang tungkol sa mga introductions at anything na ginagawang katatawanan sa mga ganitong contest.

babala: may mga corny, bastos at kung ano-ano pa. patnubay ng magulang ay kailangan.

1. Singa one, singa two, singa three, SINGA PORE!!!

2. CONDENSADA, EVAPORADA, ANONG LASA? ALASKA!!!

3. BEEP BEEP BEEP! may chumuchupa sa jeep, EGYPT!!!!

4.gutom ako, gutom kayo, gutom tayong lahat---- HUNGARY!

5. Andulas, andulas. (nadulas) Greece!!!

6. Aigato arigato puki mo may tato.... JAPAN

7. Malay niyo, Malay ko, Malay niya.....MALAYSIA!

8. Itaas ang kamay, ikaway, iwagayway HAWAII!!!

9. waaah!!! ang anghang!!! (umaarteng naaang-hangan..) CHILE!

10. Hindi akin, Hindi sa iyo, KENYA!!

11. boom; kabum; kablam--- AFGHANISTAN

12. one way, two way, therse is no other way--- NORWAY

13. MULA SA LUPAING KULANG SA BIGAS, SANG DAMAKMAK NA MANDURUGAS--- PILIPINAS

14. baha doon, baha dito, baha sa buong mundo--- BAHAMAS

15. Hola, HI MY name is Margarita la cuesta di pwede pakasta kasi may regla ARGENTINA

Yan lamang po..... :p

Pack na Pack!



Dito sa opisina, abala ang mga tao. Busy ang lahat. Lahat sila ay busy sa iisang mission, ito ang mag-pack. Bisibisihan ang mga tao sa pageempake ng mga computer at kung anung anik-anik sapagkat lalayas na kami dito sa IBM building ng Eastwood Libis. Actually, di talaga lalayas pero lilipat na kami ng lugar at eto ang Rockwell Business Center sa may Ortigas. Ang departamento nalang namin ang hindi pa nakakalipat sa bago naming tahanan kaya medyo minamadali na ang pag-gayak at pagkakahon ng mga kagamitan upang tuluyan ng makalipat-bahay.

Ang mga status messages ng mga kaopisina ay mga goodbye eastwood at hello rbc. Makikita ito sa mga YM at sa mga twit o kaya sa walls ng facebook. Marahil ay meron din sa Friendster kung may gumagamit pa nito. Maririnig na sa mga tao ang mga kanta ng batang lakwatsera na si Dora chikadora. Hala.

Do-do-do-do Dora! Do-do-do Dora! Do-do-do Dora! Do-do-do Dora!

Dora Dora Dora the Explorer
Boots and super-cool explorer Dora
Grab Your Backpack!
Let's go!
Jump in!
Ivaminos!
You can lead the way!
Hey! Hey!
Do-do Dora, Do-do Dora
Swiper, no swiping! Swiper, no swiping!
Aww man!

Kasabay ng pag-eempake ng mga tao, andito ung pagrereminis sa naging pagsasama ng mga tao sa building dito sa IBM. Andyan ung mamimiss ng mga tao ang madaming makakainan kapag lunch at break. Pagbaba lamang ng building makikita na ang Keps(KFC), jabi, mcdo at more. Meron din resto at fine dining. Malapit lang din ang parang mga mini-higher karinderia at inuman dito kaya tiyak na mahirap sa mga tao na magbalot at lumipat.

Kahit may ibang na-sa-sad, meron din naman nagbubunyi sapagkat madami na ang mga bagay na nakakainis sa building na aming ginagamit. Kapag may bagyo, tila kinakapos na sa power supply at biglaang nagflaflactuate ang mga kuryente thus minsan pag walang UPS ang pc ay nagshushutdown ito. Ang elevator dito sa building na 3 ay naging isa nalang. pila balde upang maka-akyat sa 23rd floor. Minsan naman ung extra elevator ay na-iistuck at hassleness sa mga papasok. Nakukulong ng 10-15 mins.

Another mukang bibig lately ay ang pano makakapunta sa bagong lilipatan. Andaming hush hush at bulong bulungan at tanungan kung paano makakarating sa paroroonan. Aba, syempre, mahirap ng maging shushungashunga at magtetext ka na naliligaw ka na pala. Kaya para sa manggagaling sa libis, ituturo ko kung pano.

Sino ang kailangan para malaman ang daan? Nasa backpack sia ni Dora. Anung sasabihin nio? Map! Map!



If there's a place you got to go

I'm the one you need to know
I'm the Map
I'm the Map
I'm the Map
If there's a place you got to get
I can get you there I bet
I'm the Map (12 times)

Eastwood- IPI - RBC


Ayan. Lumabas na ang echoserong mapa. binigay nia na ang tatahaking landas. Magsisimula sa eastwood, dadaan ng IPI tapos RBC.

Habang nasa biyahe at naglalakbay, pedeng kumanta ang mga ka-opis ko nito.

Come on, vámonos.

Everybody let’s go.
Come on, let’s get to it.
I know that we can do it.

Where are we going?
To RBC
Where are we going?
To RBC
Where are we going?
To RBC
Where are we going?
To RBC

Hahahahahahaha.
Hahahahahahaha.
RBC

Pagdating sa RBC, kailangan naming mag-unpack ng mga kahon at mag-set-up ng mga computer na gagamitin. Tulungan mode ito at kailangan kapit-bisig at bayanihan epek. Tulong -tulong sa pagsulong. May bali-balita na kapag tumulong ka, magpapakain ang mga team leaders. Wow! Tiyak sasama ako.

Once nakalipat na kami sa bagong tahanan, sabay-sabay na kakanta ang mga tao.
We did it we did it we did it yea lo isimos. we did it. :p

Thursday, August 19, 2010

Pantasya 4.2: Training


Ang nakaraan, napagod ang mga cast-aways sa ehersisyo na pinagawa sa kanila. Pagod at nananakit ang tiyan sa kakatawa sa mga lumundag at nagtatatalon.
http://khantotantra.blogspot.com/2010/07/pantasyaday-41-jumping-jack.html

Bago simulan ang susunod na game, abala ang lahat sa pagpapahinga, pagwarm-up at paghahanap ng magagawa habang hinihintay ang liham na magsasabi ng kanilang next challenge. Back to baraks muna ang dalawang kampo.

Sa kampo ng mga internationals, makikita na pursegido na manalo ng challenges dahil andaming miyembro na ang nalagas sa kanila. Wala na si Hagorn, Aguiluz, Jun Pyo at Seon Dok. Kailangan nila ng plano upang manalo.

Nagpraktis sa pagtakbo si Chan Cai. Iniisip nia na may running challenge. Inimagin nia ang paghabol kay Domeng Su! May dalang plastik bag na may Buko si Shan Cai. Nakita nia sa bus si Domeng at pilit hinabol. Nag stationary run ang lokaret na may sadako hair at nagkalat sa lupa ang buko.

Si Sam Soon naman ay naghahanda kung sakaling metal challenge ang laro. Kasama si Marimar aw na gumugiling sa dalampasigan, ang dalawa ay naghanda at nag tagteam kung sakaling Penoy Hinyo ang laro. Si Sam Soon ang taga-sagot ng oo, hindi at pede habang si Marimar aw naman ang manghuhula.

Nagkabit ng bagay na pahuhulaan si Onizuka.

Marimar aw: Tao?
Sam Soon: hinidi
M: Hindi tao, so pangyayari?
S: di
M: Lugar? Place?
S: nope
M: Hayuf ba to? 
S: indi
M: So Tao?
S: Hindi nga, leche!
M: Aw! Hindi tao, hindi place, hindi panyayari, hindi Hayuf at hindi tao.So bagay to?
S: Pede... Hindi
M: Kinakain?
S: OO!
M: Kanin?!
S: Di
M: ulam?
S: oo.
M: mmmm... priniprito ba to?
S: hindi
M: Bine-bake?
S: sos, hindi!
M: Di binabake, di frini-fry, blina-blanch?
S: wtf......hindi.... wag ka pasosal!
M: Binuburo?
S: aaaarrrrgggg.. no

Sumabat si Onizuka. Bumanat at umepal para may clue.
Onizuka: Marimar, aw, favorite ng mga kalalakihan yan!

Marimar aw: Yosi?
S: pak, hindi!
M: Alak?
S: hindeeee! 
M: Su-su..... su..... sugal?
S: Hindeeeee
M: Babae?!
S: PEDE!
M: So kinakain na gusto ng mga lalaki?! 
S: OO! OO! OO!!!!! like!
M: Papaya?
S: hindi...
M: Melon?
S: Hindi
M: mangga?
S: diiiiii.
M: Nips.......?
S: Di

Dahil nabobobohan na, At may 30 secs nalang ang nalalabi, bigay pa ng clue si Onizuka.
Onizuka: Lower! Lower!

Marimar: Kangkong?!
Sam Soon: pede! pde!
M: teka, teka, parang gets ko na. PECHAY!
S: pedeeee!
M: Hindi kangkong, hindi pechay, teka.... Monay! Monay!
S: PEDEEEE!hindi...pede
M: alam ko na! MANI!
S: Pwede!
M: Ahhhhhhh! alam ko na! sure na ako, another term sa mani!!!! TALOONG!

Times's up. mali ang hula ng sexing si Marimar aw! Ang kasagutan ay TAHONG

Natuyuan ng utak ang international dancer na si Marimar aw habang naubusan ng pasensya ang chabelitang si Sam Soon. Tumalon sa tubig si Onizuka dahil na arouse kakaisip sa mga terms na ginamit ng sexing mexikana habang nadehydrate ang tumatakbong sadakong Chan cai.

Itutuloy.........

Wednesday, August 18, 2010

You're so Beautiful



Last week, nakikita ko sa channel 2 ang patalastas tungkol sa new koreanovela nila. May pamagat itong He's beautiful. Na-curious ako at tumakbo sa saint francis square upang bumili ng dvd nito sapagkat ayokong nabibitin ng series na pinapanood. Ayokong pinapatagal ang kwento. Pagdating dun, nakabili na ako ng ibang anime pero ung korean drama wala. Shet. Potah. Kaya pala wala, iba ang original title nito. You're so beautiful pala.

Lunes ng umaga, matapos kong imarathon ang cooking master boy ay isinalang ko na ang korean series. Anhaba ng isang episode, halos isa at kalahating oras. Di ko tiyak ang eksaktong episode pero putragis, hanggang ngayon ay kakatapos ko palang sa episode 12.

Ang kwento nito ay tungkol sa isang babaeng magmamadre sana subalit pinakiusapan ng isang kakilala ng twin nia na magpanggap muna habang inooperahan ang mukha ng kakambal na lalaki. Kaya sia kailangang magpanggap ay dahil kinukuha ang kapatid nia bilang bagong member ng boy group/band na tinatawag na A.N.Jell.

Maganda ang takbo ng storya. Akala ko nung una ang korni kasi nalaman agad na babae sia pero mas gumanda ang akbo ng mainlab ang madre sa leader ng grupo. Ung leader naman akala nia may gusto si girl dun sa isang bandmate nia. Tapos si other 2 bandmates ay nagkagusto din kay girl.

Medyo typical ang drama kasi may mga scenes na kaparehas lamang halos sa meteor garden. Pero aside dun, okay naman ang mga twist at kiligness at pati ang komedi every now and then. 

Di ko pa tapos pero nakakalulong lang. Minsan ninanais kong magpuyat para lamang dito pero di pede kasi may work.

Linggo ng Wika


Noong ako ay nag-aaral, lalung lalo na noong nasa elementarya palamang ako ay laging kasama sa selebrasyon ng Linggo ng Wika. Ito ay ang pag-alala ng mga estudyante sa paggamit ng sariling wika. Ang wikang pilipino.

Ngayong araw, nakatanggap ako ng mensahe mula sa isang ka-opisina upang sagutan ang isang microsoft excel sheet na mayroong 100 english na salita at kailangang sagutin at ibigay ang katumbas na tagalog words nito. Dati na akong may kopya nito pero di ko talaga makuha ang mga sagot ng iba. Grabe lang. nosebleed ako much. 

Heto ang mga kataga.

advise
alternate
announcement
approach
art- sining
attach
author
benefit
blackboard- pisara
book
building, (noun)
but- subalit
calendar
calf
care- kalinga
chalk- tisa
city- lungsod
clock
cloud
compare
copy
customs
danger- panganib
department
dictionary
erase
excite
fake-huwad
feature
finance
flame
foreign- banyaga
gerund
green- luntian
group
guest- panauhin
guide
half
hall
history
home
idiom
instruction
interview
invitation
joy- ligaya
judge- hukom
justice
knowledge
language
leaf-
letter, (mail)- liham
level
life- buhay
list
mention- banggit
needle- karayom
newspaper-pahayagan
meeting
notebook
noun
office
palm- palad
park
petal- talulot
picture- larawan
prefix
print
pronoun- panghalip
province
rectangle
refreshment- pamatid uhaw
report- ulat
research
rhyme-
ribbon- laso
river- ilog
room- silid
school- paaralan
science- agham
sewerage
society
song-
spider-gagamba
square
stage-tanghalan
standard
station
suggestion
test
tool
total-kabuuan
truth
try-subok
valley
verb- pandiwa
war
whisper- bulong
window
Putragis ang gumawa ng excel sheet na ito at nakakabadtrip at nakakafrustrate lang. Magiging basehan ba ito kung ako ay isang pilipino? Punyets. ayoko na! linsyak!

Sunday, August 15, 2010

The Sad Love Story



Nakareceive ako ng text message mula sa babaeng nagnakaw ng aking puso. Cheesy lang. Sya ang girl na nagbigay ng kulay sa black and white kong mundo. Siya ang nagtanggal sa kunot sa nuo at ang nagbigay ng ngiti sa mga labi. Masaya ako at magkikita kaming muli. Makalipas ang sampung taon.

We are friends. Hindi naging kami. Wala sa diksyunaryo ang salitang mag-jowa o ang sinasabing pagmamahalan. It's a one sided love i guess. Friends kami pero nahulog ako sa kanya. Lintek. Maybe its not meant to be.

Dali-dali akong nagbihis at naghanda sa muli naming pagkikita. Kahit malaki na ang pinagbago ng aking itsura, todo effort padin ako para mamukhaan nia ako at kahit pano masabi nia na di padin ako nagbabago. Yes, i know, sobrang landi ko lang na may ganung terms pa akong nalalaman. Hayaan nio na, inlab-inlaban ang gago eh.

Isa nanamang mensahe. Isang mensahe na nagsasabing hindi lang ako ang katatagpuin nia. Awts. Ansakit. Akala ko ako lang at kahit paano ay masosolo ko sia at possibleng masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya. Nagkamali ako. Makakasama namin ang iba pang friends nia. all in all, 3 kami.

Sa may megamall. Dun ang naging tagpuan sa muling pagkikita at pagsasama. Kumakabog ang dibdib. Di ako mapakali. Parang pusang di ma-iri ang tae. Oa sa aga. alas diyes pa lamang ay andun na kahit alas dos pa ang aming pagkikita. Naglibot muna at nagreminis. Nagspeculate ng posibleng tanung na kailangan sagutin o kaya mga kasagutan na dapat malaman.

"Single pa din ako. Naghihintay padin na baka sakali ay mapansin din".... yang ang mga banat na nasa isip ko pero alam kong olats na olats sa mga linya.

"Kamusta ka na? Kamusta love life? e ang sex life?" shet. erase. erase. ang sagwa ng katanungan ko. Hindi pede at baka sipain ako at mawala ang time na aking inaasam.

Nagkita na kami ng isang friend na makakasama sa pagtitipon. Sa may kenny rogers angg tagpuan. Nireserbahan na ang lamesa na pang apat na tao at hinihintay nalang ang pagdating nia. Excited at masaya. Sabik sa pagtitig sa orasan ng cellphone at di mapakali kung may message na marerecieve. Itetext ko ba sya na "2 na we, wer na u?". Wag, baka maturn off lang. Hintay lang. Patience is a virtue ika nga ng madami.

Sa aking kinauupuan, tanaw ko ang mga lumalabas at pumapasok sa establishamentong kinalalagyan. Sinisipat at inaaninag kung ang babaeng maglalakad ay ang babaeng aking inaantay. May pamilyang pumasok, shempre di sia un. May magjowa. Nope. Another mag-jowa. Nope. Another ulit! Shet na malagket. Bakit mga jowables ang pumapasok. Wala man lang solong babae? Ewan. Parang di maganda ang vibes na nadarama. Parang i sense danger ah.

Makalipas ang ilang minuto matapos mag alas dos ay may nareceive na text ang kasama ko. Malapit na daw. Ang mata ay naka-tutok sa entrada. at dumating na nga ang oras. Mula sa di kalayuang entrance ay naglalakad ang dilag na may mahabang buhok. Anlaki ng pinagbago nia after 10 years. Mature na sya at di na nene at di na mukang grade school o high school student. Makinis ang muka at walang bahid ng oiliness  ng tigidig sa mukha. Anu ba to?! Bakit mala anghel ang itsura nia sa aking paningin? Ang katawan ay tama lang, di skinny, di naman elephant. Di na sya ang babaeng tshirt ang paboritong suot, aba, naka dress. Di bastusin ang suot. Sakto lang. Swak na swak lang.

Akala ko nasa heaven na ako sa sight na nakita ko. Kaso, parang kasabay ng langit, impyerno o pulgatoryo ang napuntahan ko ng sa bandang likoran nia ay may isang manly shadow ang tila nakabuntot sa kanya. Punyeta! put-tang-in-a-moo. Shet. Aw. Ouch. it hurts. Bakit? Bakit may lalaki siyang kasama. Alam kong di nia kuya iyon kaya parang anlakas ng thunder at lightning effect na bumibingi sa kapaligiran.

"Hi!, musta na? Long time no see? Namiss ko kayo! Ei, by the way this is Brad, my boyfriend!"

Para akong nasalubsob ng kahoy. mali. Parang natusok ng karayom. mali. parang natamaan ng darts. mali. parang nasaksak ng kutsilyo. mali padin. para akong nadaganan ng angkla ng barko sa nalaman. Ang babaeng nagpatibok ng puso at minahal ko ay taken na.

habang kumakain at nagkukuwentuhan, napapatingin ako sa kanya at sa kanyang lalaki. Nagseselos ako at tila sa luob ng sarili ay kumukulo at nais kong gilitan ang hinayupak na lalaki. Pero habang nagmamasid, masaya sya sa piling niya. Parang anganda ng kanyang aura. Super happy sya.

Anu ba ang laban ko? Tila sa height lang ako nanalo. 5-11 ako samantalang 5-7 ang height ni guy. After nun, olats ako. Anung laban ng chocolate brown kung kulay sa maputi niang complexion. Ang laban ng tabs at nyang mga abs at muscles sa fitted na tila medium size tshirt. Ang masasabi ng sungki kong ipin sa perfectly organized teeth nia. Pota. Tumaob nga ang bench na pabango ko sa super bangong scent ng kanyang pabango. Kumbaga sa mga votation, landslide victory sia.

Di ko alam. Di ko maintindihan. Ansakit na makita ang taong mahal mo ay may mahal ng iba. Parang anhirap na ikaw ang magmamahal. parang nais kong makahanap ng taong ako ay mamahalin. Peste! Ansakit ng aking nadarama. Kailangan kong magpaubaya dahil masaya sya. Sobrang saya nia at nadarama ko na kahit umamin ako na mahal ko sya, mas pipiliin si guy at all the way nyang ibibigay ang kahit na ano at all the way na bibigay. Kumbaga sa malanding term, kilig pipi at tigas utung pa si love para sa love of her life.

Mas malungkot ang naging takbo ng kwento sapagkat ng makaalis na at nagpaalam na sa isat-isa, habang natatanaw ang paglakad at pagsweet-holding hands ng mag-jowa e biglang may binulong sa akin ang friend namin.

"Ang saya nila no? Balita ko malapit na silang ikasal. Sabi nga ata e na-meet na nila ang parents ng isat-isa at accepted na. Ang swerte nia. I'm glad na happy na sya. Pero, may part na di ako mapakali. May napansin ka ba kay guy?"

"ano?" Iyan ang aking natanung.

"Di ko alam ah, pero di ko maamoy na malansa pero kanina, habang naglalakad si guy, napatingin ako sa sahig. PINK ang anino ni guy!!!!!"

end..

Hangang dito nalang ang kwentong likha ko at walang kinalaman sa buhay ko :p

Saturday, August 14, 2010

Love



Anung masarap sa pakiramdam, ang magmahal o ang mahalin?

nageemo-emohan lang........

Thursday, August 12, 2010

Pain.



Kagabi, wala pang isang oras after kung humilata sa kama at ninais na matulog ay dumating ang mga pipol sa bahay at grabe, an-ingay nila. Magkukuwentuhan lang parang akala mo ay may riot. Ayoko ng ganun. Ayoko ng maiistorbo ang pinaghihirapan kong tulog.(Matagal bago makatulog). Anyway hindi iyon ang pinaka topic ng post ko. Biglang sumulpot at nagkukumidlat ang sakit sa aking ngipin, sa molar o tinatawag na bagang.

Demn! Di makuha ng tutbras ang sakit. Anlalim ng sakit. Anlalim ng kirot. Shet. shet. puchang ina. Araykupu at ouch! Di ko kaya. Nagtangka na akong umabsent sa kirot. Tinext ko ang aking new team leader at ininform ko sia sa plano kong pagpapabunot at pag sick leave sa mga susunod na araw hanggang wala na ang sakit at kirot.

Kinaumagahan, punyetang sakit, ang agang nambulabog. Hindi pa sumisikat ang araw ay nag mcarthur na at nag return na ang sakit. Demn nanaman! Kailangan ko pang mag-antay na mag 10 am upang makatiyak na bukas na ang mga dentista.

Nag-abroad ung family dentist namin o ung suking dentista mula nung bata. Ang pumalit sa kanyang dentist ay di ko feel kasi parang mataray na ewan na di ko feel ang vibes. Nagdecide ako na mag-hanap ng ibang dentista. Sakto naman at nakahanap ako agad.

Pagpasok, chineck ang ipin ko. Expose na daw ung butas kasi wala na iyong pasta(hindi fetucinni at hindi macaroni, ung sa ipin). Nagbigay ng options. 1, root canal kung saan may procedure na gagawin daw sa ipin. mukang okay kaso ask ako how much. Muntikan na akong himatayin sapagkat 2,500 daw per canal. But wait, there's more! Root canal sa molar o sa bagang ay not just once!, it's more than twice! Might be 3x or 4x! Mas lalong nahilo ata ako. One option left, Bunot! Tooth extraction.

Tinanong ko ang price ng bunot, 350 daw, pede na. Keri na ng bulsa ko. Go na! sure na! now na! Humiga ako sa dental chair. Ayan na. Open wide daw. Buka ko naman ang aking mouth. May pinahid na something sa gums. Then ayan na ang injection. Di gaanong masakit. Sabi ni doktora(maganda si doc, kaso di ko alam kung single), sabihin ko daw kung kumapal na daw ang labi ko at left part ng aking dila. Chineck ko. Wa epek. Wait ng onti, same padin. Aba. Round two ng injection na pampamanhid. Naglagay pa ng something na pinahid na mapait. shet, wala ata epek. Nung tinatangka na ni dok na galawin ang nakapalibot na gilagids o gums sa ipin, shet, kumikirot. Ignore mode si doc. Tinangka na niang i-clamp ung ipin. Waaaaa. ansakit. Makirot, mahapdi. Sinubukan ulit. Sheeeeet. Ansakit, di kaya ng mind over matter.

It ended up na hindi natuloy ang bunot. cancelled. naudlot. postponed. After ng ilang tries at attempt, masakit talaga. Binigyan ako ng medication for 1 week na mag take ng antibiotics at baka kasi may abses daw ang ipin. Napatumbling ako kasi 100 lang ang difference ng bunot at ng fee for check up at attempt ng bunot. Lagas ang 250 ko sa pagtangkang tanggalin ang aking ipin. Sumunod dun ay over sa mahal ang gamot na reseta. 33 petot ang isang capsule, need ko daw ng 21. Wasak na wasak ang bulsa ko.

Di lang ipin ang sumakit sa akin, pati bulsa ko ata at pitaka ko ay nabubungi . :(

Wednesday, August 11, 2010

Jobs! Jobs!



Kahapon, nag-coaching kami ng aking new team leader at may tanung sya na di ko malaman kung ano ang magiging kasagutan ko.

Ang tanong:
Kung ang lahat ng trabaho/propesyon ay pare-pareho lamang ng sweldo, ano ang pipiliin mo?

Di ko alam at tila inabot ako ng 24 hours para malaman ang aking kasagutan. Kung sakaling same-same lang ang kaperahan na matatanggap sa trabaho, eto ang listahan ng mga trabahong aking pipiliin.

1. Bouncer- Nakakatawa man pero since lumaki ako ng ganto kalapads, siguro pede na ang bouncer, taga-harang ng walang invites sa mga bars. Ako ang hahawak ng flashlight at pasasayawin ang magbabayad ng bente pesos. tugs-tugs-tugs!

2. Clinic Nurse(School)- Aba, petiks ata ang nurse sa mga paaralan sapagkat minsan lang ang mga may sakit. Abot gamot lamang sa mga manghihingi ng medicine at ilolog ang mga pangalan ng makikitulog sa kama ng klinika. Maganda pa nito ay kung kasama ako sa physical exam at lalo na pag all-girls(kolehiyala) :p

3. Journalist- Kasama ito sa listahan ko sapagkat tila nais ko na magbigay balita ng kahit na ano. Mapawalang-wenta man o sumasabog na exklusibong panayam. Ewan, parang feel ko lang na makita sa tv. :p

4. Pilot- hindi po pagmamaneho ng eroplano ang pilot na aking tinutukoy sapagkat takot ako sa heights. Ang pilot na aking nais ay yung taga-laro ng characters ng ibang tao sa online games. Parang nais ko gugulin ang oras sa pag-upo at pagpaslang ng mga monsters.

5. Pornographer- Aba! Kailangan kasama ako sa mga maaksyong pakikipagsapalaran. whore to twosome, threesome at kung anu-anung some-some. Aanguluhan ang bawat eksena. Bawat sulok kailangan makita. Sa pornographer kita ang dapat makita.

Pero sa limang jobs o trabaho na aking nabanggit, parang nakaka-bore ang paulit-ulit na procedure. Kung same lang naman ang sweldo, why not change jobs everyday. Heto sa ibaba ang listahan ng mga wirdong trabahong naiisipan ko na gusto kong gawin o matry(kung pare-pareho ang sweldo).

1. Taga-abot ng flyers
2. Painter(pintor ng sining, hindi ng dingding)
3. Food critic
4. Baby sitter
5. principal
6. fastfood crew
7. barker
8. bartender
9. lifeguard
10. teacher

Kayo, anung trabaho ang pipiliin nio?
:p

Tuesday, August 10, 2010

Bekimon!

After ng jejemon, juskopong pineapple na bongang-bongang, may sumunod na fever!!! Eto ang Bekimon. Nakita ko ito sa wall ng aking kaklase sa high school at napatumbling ako sa kakatawa at pilit pag-unawa sa lenguahe nila. Nakakaaliw kasi naman parang nagkaroon ng video version si baklang maton.  heto ang video ng excuse letter ng anak na ginawa ng baklang ina para sa teacher.

Monday, August 9, 2010

Banio Kreek


Last Saturday, nagkaroon ang dati kong team sa opis(nalipat ako ng team e) ng team building. Ang time ng pag-alis ay 11am kaya di ako nakasama sa pag-alis nila sa opisina. Balak ko na lamang humabol. Nag-search ako sa google kung pano makakadating sa destinasyon. Swerte ko lamang at nagkaroon ng slight na aberya at nakasabay ako sa kanila kasi nagstop muna sila kasi nag-iba ang time ng reservation. Nalaman namin na mali ang naiskedyul nung taga resort na araw ng aming reservation kaya hayun, nalipat ng time. Mga 1:30 ay nakahabol ako sa van na sasakyan ng team at happy akong naki-ride sa sasakyan patungong Silang Cavite.

Ang place ng aming team building ay sa Silang Cavite pero mas malapit na siya sa tagaytay kaya ang nasa larawan ay tagaytay. It took around 2 hours na biyahe papunta sa lugar. 4pm ay andun na kami pero 6 pa ang time ng check in kaya drinop at pinatabi muna namin ang marinated food namin at namili pa ng ibang bagay sa palengke ng Tagaytay. Medyo parang masama ang panahon kasi umuulan at medyo mahangin pero keri lang, di naman super bagyo.

Pagdating ay naligo na ang mga nabasa ng ulan at ang iba ay nagpreprepare na ng dinner. Ihaw na tilapia at liempo ang pagkain kasama ng kamatis, manga at itlog na maalat. Habang nagaganap ang pagpreprepare ay abala naman sa loob ng room para sa kakaibang light paint session.

 Chicha

 Preparing dinner
Ang aming kinain
May powers na ako!

After makakain ay pahinga ng onti at inuman na! Weeeee! Buti at di inilabas ang sinukuan kong red horse. Gilbeys lang na may mix ng lime something mix. Habang nagshoshotshotshot ng alak ay may nagvivideoke at pulutan galore(natirang inihaw at mga chips). Kwentuhan at sharing sessions. natapos ang inum ng mga bandang 2am.

Kinaumagahan, dahil sa sobrang lakas ng hangin (pero hindi super duper lakas), di na natuloy ang mga activities and games. We just enjoyed the nice and beautiful place kasama ng pagligo sa tila may yelong pool at malamig na simoy ng hangin. Ang pampainit ay ang the Bar na inumin. Napaka-relaxing ng araw na iyon at super nakapag-unwind ako. Sana nga may rest house ako sa ganung lugar para makaalis sa tiring week.

 Rooftop room view

Poolside room

Bedrooms

 The videoke

Billiards area

The tomadors

 Team Bravo


Ang mga larawan ay kinuha ko sa site ng Banio kreek, sa ka-team na si mcdo at chris). Di umubra ang cp ko dahil sa ulan at ambon. :D

Hanggang dito nalang muna.... :D

Need or Want



Di ko alam kung need ko o want ko ang digicam. Though kaya pa ng cellphone ko na kumuha ng litrato at larawan ng mga pagkain at lugar na aking napupuntahan, di ko padin mapigilan na magnais na magkaroon muli ng digicam. Ninais ko din ang magkaroon ng DSLR upang magkaroon ng mas magagandang pics para sa aking blog subalit di kaya ng budget.

Sa pagtravel namin sa thailand at ng magteam building kami, di ako makaipon ng memorable pics sapagkat cellphone lamang ang aking gamit. Di pedeng malayuan at di kaya ang magagandang view. Napaisip ako, kailangan ko na ba na bumili uli ng digicam para makakuha ng mga larawan?

Sa totoo lang, may digicam pa ako na nakakakuha ng larawan subalit dyahe at nakakahiya much sapagkat ang lcd nito ay may tuyong putik due to ondoy noon kaya di keri ng mahiyain kong sarili ang bitbitin ito sa mga events kung saan halos lahat ng mga tao ay may good digicams o dslr.

Undecided ako kung need ko o want ko lamang ng cam. :(

Sunday, August 8, 2010

Laman.......



Stop muna ako sa pagpopost ng kwento ko tungkol sa adventure sa Thailand dahil di ko nasave sa USB ang mga larawan. Anong connect? Kasi bihira akong makapagblog sa bahay sapagkat may kaagaw lagi sa isang computer at marahil nadin ay pag nasa bahay ako, tanging online games ang naaatupag ko.

Para sa aking 300th posts.... after ng madaming kung -anu-anong posts, heto ang kwento at experience ko.

Ewan ko. Hapon pa lamang pero tila madaming tao sa lugar. Nahihiya ako kasi bagong salta sa lugar ng kalakalan at lakas loob akong pumasok sa medyo may kadiliman na lugar at may samut-saring liwanag. Dito ay tinahak ko ang landas kung saan magdadala sa akin sa kaligayahang minimithi.

Suot ang ordinaryong tshirt at maong pants ay medyo kabado akong naglakad papalapit sa mga babae natatanaw. Grabe. Parang napapatambling ako sa aking natatanaw. Laman. Laman. Ang mga paa ko ay tila nangangatog na ewan na minsan ay nanlalambot habang nagpapatuloy sa paglakad. Dapat pala nagbalot muna ako para tumibay ang tuhod. Wala na eh. Heto na. Chance na ito. Ilang hakbang nalang.,,,

Suki! Suki! Kamusta ka na suki?! Aba! Ayos ang modus operandi ah. Kahit di ako kilala at first time ko sa lugar nila ay suki na ang tawag. Lingon sa likod, baka iba ang tinatawag. Shet. Ako lang naman ang tao. Nabibingi ba ako sa mga oras na iyon? di ko alam. Naglakad pa. Tinanaw ang kapaligiran. Andaming babae.

Una kong nasapat ng mata ang isang dalagang may kaliitan.Petite kung sa ingles. Morena ang kutis. Aba, okay lang. Ngumiti sya. Shet na malagkit! spongebob??? bungal pala si ate. Nasad ako. Tumingin ako sa katabi nia. Wow! maputi. Mala-labanos.Naka-shorts at makinis. May katangkaran at okay naman ang dibdib. Tiningnan ko ang mukha ng dyosa. betchabay-golly wow! Hipon! Tapon ulo! ano ba yun. Tinanaw ang malapit o katabing area. Huh? Bakit may parang buko? Wapak! May midget pala. Grabe lang. All sorts ata andito. Pili pa. Woot. Homaygad! Woot, parang kaedaran lang ng nanay ko. Sumpa ba ito? Lipat tingin, lipat! lipat! Hayun. Ganda. Okay na. Pinay beauty ang dating nia. Not too short, not hipon. Sakto! 

Habang papalapit ako na babaeng napili ng aking mata, di mapakali ang isip ko at ang kalikutan nito ay nagbuyo sa akin na lumingon pa sa paligid. Huwat??? Di lang pala babae ang nagtitinda ng laman. Meron ding mga kalalakihan. Mukang ang mga gays at matrona naman ang kailangang pumili. Wala na akong pake sa kanila kaya ang mata ko ay sa target.

Magkano? Yan ang tanung ko. Habang halos pabulong kong sinabi ang nais ng isip, minamasdan ko ang kanyang style at itsura. Sakto lamang ang tangkad. Di patpatin subalit di rin malapad. Kayumanggi pero wala pa sa kategorya ng  uligba at kutis sinigwelas. Hindi tomboy ang buhok at katamtaman lang ang haba ng buhok. Ang kulay nito ay di kinulay na katulad ng sa iba. Hindi blonde. Hindi Brunette. Black hair. Walang tikwas ang buhok at tila nagpa-rebond. Nah.... Baka shampoo lang yan. Hindi kahabaan ang short pero hindi rin pekpekshorts. Hindi naka-tube, hindi ispageti, saktong blouse/tshirt lamang kung saan kumukorte ang kanyang magandang katawan. Ang matatayog na bundok ay di sobra-sobra at hindi sya parang pandesal lamang na isinuot sa loob ng bra. 

dug-dug-dug-dug-dug-dug. Ewan. Bumibilis ang pintig ng aking puso habang nilalapit ang sarili upang siya ay matanaw ng maigi at ako ay madinig. Di mapakali ang isip. Ang mentalidad ay nagwawala at nagtatatalon. May nadarama sa loob na kung ano. Parang may nagririot sa aking loob. Hayan, ibubuka na niya ang kanyang magagandang labi upang sabihin ag presyo. Grabe. Di na ako makapaghintay. Takam na takam na. Mawawalan na ata ako ng bait pero kailangang kalmado lang at baka mapagkamalang OA o so excited o baka bansagang perstime sa ganung gawain. Di ko na kaya. Please ganda, sabihin mo na ang presyo.

"180 po per kilo"

Tinangka ko pang tumawad para sa laman na aking bibilhin sa palengke ng pasig. Bumili ako ng karne at pinachop upang gawing binagoongan. Grabeng experience sa main market.

Saturday, August 7, 2010

Samphran Elephant Ground and Zoo


Kung ang nakaraang post ko ay natapos sa panananghalian namin sa tabi ng river ata o basta anyong tubig, matapos nun ay diretso naman kami sa next na destinasyon. Ang next stop namin ay ang lugar ng mga elepante, ang Samphran Elephant Ground and zoo na nakikita din sa titulo ng blog ko. :p

Matapos kumain, sakay na kai ng van at tumungo na kami sa pupuntahan. Naikwento ko nga sa prev. blog na kami lang ang sa may elephant ground sapagkat ang ibang kasabay sa van ay either bumalik ng bangkok or dun sila sa Rose Garden kung saan makikita ang mga thailander na may mahahabang leeg at cultural dances(base sa sinabi nung kasabay naming Turkish).

Dumating kami ng mga around 1pm sa lugar. Maalinsangan ang paligid pero okay lang kasi makakapanood ako ng elepante. Nakakasad kasi na sa Manila Zoo lamang ako nakakita ng elepante at iisa lamang ito. Anyway, bago kami pumasok sa loob ay ininform kami ng guide na by 3pm ay susunduin na kami sa entrance.

Pagpasok namin sa loob ay umupo kami sa front row pero medyo sa side kasi madami na ang mga tourist na nauna ng dumating at nakahanap ng magandang pwesto para sa nagaganap na Magic show. Yep, may magic show din dun. Parang sa perya din kasi hindi naman magarbo o extravagant ang costumes at stage na pinagdadausan ng event. Ang dinatnan namin ay ang pagpapalabas ni kuya magician ng mga boxes sa loob ng box. Medyo nakikita ko na ito sa ibang tv show kaya so-so lang. Next trick na nadatnan namin ay ang metal rings na nagdidikit-dikit na parang kadena at naghihiwahiwalay. Alam ko may nabasa na akong trick book kaya so-so din para sa akin. Next ay ang aquarium na walang laman. Binudburan ng kung anong pellets ni magician. Tinakpan lamang ng parang kumot at pooooof, puno na ng isda. Tinitingnan ko kung saan nilagay ang sandamukal na isda sa katawan ni magician pero wala. Last tick ay nagpasilid sa kahon ung assistant .Si magician ang nagtali ng box. Tumungtung sa ibaba kasama ang magic curtain. Ng matakpan ang buong box at katawan, sumambulat si assistant at siya ang nagtanggal ng tali at sa loob ng kahon lumabas si magician with a new colored pants. Dun natapos ang magic show. Ang larawan ay kuha gamit lamang ang slow digicam ng ate ko.


Matapos ang magic show ay hinila na ang tila malaking kariton tage at dinala sa gilid. It's now time para sa mga elepante na magpakitang-gilas at umeksena sa harap ng mga manonood. May english recorded na voice-over para idiscribe ang pag-entrada ng mga mammals na may mahabang ilong. Pasok ang mga elepante na naka-fall in at nakalinyang tuwid at nakahawak ang trunk o ilong sa buntot ng nasa harapan nila. Umeksena at nagpose. Nagpacute at nagpapicture style. nag-aladoggy style ang ibang elepanty. Umalis. Sumonod ay diniscribe ang history ng mga mammals sa thailand. Binanggit ang mga naitutulong ng mga elepante. Tapos ipinakita ang mga pamamaraang ng mga elephant hunters upang hulihin at i-trap ang mga jumbo dumbo. Dito din ipinakita ang purpose ng mga elephants sa naging war kung saan nakasakay ang mga warriors sa likod nila. After nun ay nagpasiklab ang mga dumbo sa pagtugtog ng harmonica sa kanilang mga bibig.  Ipinakita din nila ang talento sa pagsayaw. And lastly, nagpabongga para sa pag-soccer ng mga elepante. Kanyakanyang country ang damit o tila capa sa likod at kanya kanyang sipa at pagshoot sa goal. Ng matapos ang pakitang gilas ng mga hayop na ito ay inanounce na pedeng bumili ng tubo(sugar cane) upang ipakain sa mga nagpopose na mga elephants. Ung nais magpapic na nasa ilalim at close encounter sa elephant ay nagbabayad ng 20 baht.


Bago kami umalis sa area ng elephant at lumipat sa area ng buwaya, biglang bumanat ang aking mother dear. Pede daw ba kainin ung sugarcane imbes na ibigay sa elephant. Wapaks! Bumanat ako.

Ako: "Pede naman na ikaw kumain, basta sasakyan ka ng mga tao. Tapos magplaplay ka ng harmonica at sasayaw ka. Then after nun, pede ka ihunt tapos magplaplay ka ng soccer sa gitna ng madlang pipol. Kung keri mo yon, sige, kakain ka ng tubo." :p

After nun ay dun  kami sa mga area ng buwaya. Nawalan kami ng gana at ginamit ang natitirang oras upang bumili ng pasalubongs(sila lang pala). Nakakita na ako ng crocodile farm at tila maikli lang ang show ng crocodile pips kaya inisnob ko nalang. 


Sa tabi ng crocostage ay may shop ng wallet na gawa sa balat ng elepante. Sinampolan kami na hindi nasusunog ng basta basta ang balat o skin ng lahi ng mga mammoth kaya na-elibs ako. Tapos ung tindero nahulaan na pinoy kami. Nagkwento na basta pinoy, magaling tumawad at makibargain. Nung balikan ko para bumili, sinenyasan nalang ako na from 300 baht ay 200 baht nalang basta tumahimik muna ako kasi may kanuto/foreigner na bibili ng produkto nia. Aba, wais si koya.

Dito sa area ng elephant ground nakabili ng madaming t-shirt ang ate ko sapagkat tumawad siya from 100 baht na t-shirt to 65 baht. Sa dami ba naman ng agents nia at pasasalubungan, kelangan nia talaga tumawad ng lubusan.

Pahabol na larawan(mag-inang elepanty)

Saktong 3pm ay dumating na ang sundo namin at biyahe na kami pabalik sa centro ng bangkok. At since maaga pa, nagdecide ang ate ko na puntahan na namin ang Reclining Buddha.

Itutuloy.....

Tips:
1. Magdala ng pamaypay, may time na hindi aabot ang bintilador with scent sa area. 
2. Kilala ang pinoy sa magaling sa pagbargain, gamitin ng makasulit sa pagshop.
3. Mahal ang magpakuha ng pic sa tiger dito sa Samphran Elephant ground, i recommend magpapic sa Elephant instead.
4. Sa pagpasok ng ground, may kukuha ng iyong larawan, so be ready kasi bebentahan ka ng plato na may larawan mo as souvenir item.
5. Wag kainin ang animal feed, oo edible yan pero binibili yan para sa mga elephants :p