Friday, October 24, 2014

Monster Rancher

Hey! Zups! Yung team building/outing sana namin this weekend ay dehins natuloy dahil may mga nag-backout at sudden cancellation kaya naman heto at medyo annoyed and slightly pissed. Slightly pissed??? Sabeh?

Anyway, the cancellation never bothered me anyway kaya naman tuloy lang ang life at bahala na naman si batman sa kaganapan ganyan. For now, ituon ang slight frustration into writing kaya naman heto ako at nagsasalitype in terms of blogging.

For today, magbalik tanaw tayo sa isang anime na hango sa isang computer game. Ito ay ang anime called 'Monster Rancher'.


Magsisimula ang wento sa isang bagets named Genki (nope hindi siya yung sina-summon ni Chiaki na may Kuko ni Diva). Si Genki ay galing sa real world at maglalaro siya ng isang Playstation game na monster cheverlins. Dehins niya knows na mahihigop siya sa game na kanyang nilalaro. Mapapadpad siya sa Monster world.

'Tanggalin ang sumpa kay Genki! char!'

Dito ay makikilala niya ang isang female bagets named Holly (hindi water or trinity ang apelyido). Si Holly ay isang manlalakbay upang hanapin ang isang legendary monster na Phoenix dahil ito daw ang makakatalo sa masamang monster called Moo.


'Hindi sya nagbabalat ng patatas katulad ng ibang girl'

Ang dalawa ay magsasama upang hanapin ang monster na Phoenix upang matalo ang dark monster. Sa kanilang paghahanaps, mamemeet nila/makakasama ang 5 monsters.

Monster Rangers


1. Mochi- Ang pinkish duckish thingy na na-summon ni Genki gamit ang disk. Isang baby-kinda monster na medyo epaloid.


2. Suezo- Ang yellow cyclopish monster na kasama ni Holly sa paglalakbay. Medyo madaldal at medyo scaredy type.


3. Tiger- Ang astiging blue hound monster na nakilala along the way nila genki. Coolish at medyo snobbish ang peg.


4. Golem- Ang gentle giant na nakasama sa paglalakbay nila Holly. Medyo tahimik at kind hearted na jumbohala.


5. Hare- Ang kunehong malakas ang utot. Si Hare ay isang energetic at palabirong monster subalit laging nakakainitan ni Tiger.
 
Sa paglalakbay nila Holly, Genki and friends, syemps dapat may mga kontapelo at kontrabida sa mga buhay-buhay nila. Walang saysay ang kanilang travel kung walang enemies. Sa ibaba ay ang mga general na pinadala ni Moo para hindi mahanap ang legendary monster na Phoenix.

 
At ang pinaka-lider ng mga kalaban. ang nakakatakot na si Moo!


Syempre charlots lang yung larawan sa itaas. Eto talaga ang real look ni Moo.


So ano ang naging kinahinatnan ng wento? Yung medyo nagpakapagod ang grupo nila genki na hanapin yung Phoenix pero technically, nasa katawang-monster pala ng limang kasama nila ang soul ng Phoenix na makakatalo kay Moo.


Okay yung series, egzoiting kahit kada thursday lang ang palabas sa GMA. Inabangans ko ito. Kaso di ako satisfied sa ending. Hahahaha. Di ko na iwewento.

Dahil sa anime na ito, nagustohan ko yung playstation game na Monster Rancher. lols.

O cia, hanggang dito na langs muna! Take care!

Wednesday, October 22, 2014

Randoctober



Hey! Ilang tambling na lang at tapos na ang birthmonth ko. Hahahahuhuhu. Nakakatawang nakakalungkot ganyans. Medyo konti ang ganap sa buwan na ito pero medyo madaming anik-anik ako na gusto kong ibuhos. Lols, buhos talaga? Magsasalitype lang me ng mga tumatakbo sa isip at puso ko. 

Sensya kung magiging mahaba. Wala naman kasi akong mapagkwentuhan in person na merong pake kaya dito na lang sa blog, kahit madedma, keri lungs.

1. Oct. 11, Bday celeb ng junakis ng isang opismate/friend na ginanaps sa Jollibee. At masasabi kong mas lively mag-host ng bday ang Jollibee compared sa Mcdo.

2. Pero mas cute padin si Grimace kesa kay Jollibee (MHO)

3. Nabanggit ko last time (last random last month) na magkakaroons kami ng bday celeb for me at thanksgiving cheverlins for my moms recovery. Well, ginanap yun noong Oct. 12. Right after ng pasok ko ng saturday night.

4. Dahil loner type pokemon ako, wala akong bisita sa araw na iyon. Ang mga umattend sa naturang event ay kamag-anakan at mga kumare/kumpare ng aking mudrakels.

5. During that time, napaisip ako na sa medyo pagka-busy ko sa work ay di ko na napansins ang changes much sa mga kamag-anakans. Mga nagsisidalagahan at nagsisibinataan na ang ilan. Tas ang iba ay mas dumami na ang junakis.

6. Since invited ng mudraks ang kumare/kumpare niya sa opisina niya noon, nameet ko muli yung 2 sa mga dating kababata na kasama noon sa mga company outing ng mudraks. Tulad ko, mga nagsilakihans na. Time goes by so fast ang ekek.

7. Naka 7 bottles ako ng san mig light in almost 1.5 hours. Di ko alam kung ginawa kong softdrinks yung alak. Tengene, after 1 hour, medyo nahilong-talelong me at ako'y nagkaamats na. tsktsktsk.

8. Sa opis ako inabutan ng actual na bday. However, walang ganap dahil busy sa calls. maygas, so loser.

9. Yung mas naalala agad ng former team lead ko ang aking bday at nagreet agad ako (12am) compared sa current team lead na after pa ng shift saka ako na greet. 

10. Since restday ko yung bday ko, nagmall ako kaso wala akong feel na peliks so bumili na lungs me ng pizza at yon ang kinains sa haus at itinulog lang ang actual bday. 

11. Kinabukasan, to makeup sa mga hindi nakapunta sa bday celeb ng sunday, ang HS friends ay nagsetup ng sleepover at doon na lungs kami kumains at nagcelebrate kasama ng dalawa pang october celebrants.

12. To treat teammates, nagpa-pizza na lungs mey dahil walang time bumili ng anik-anik foodies.

13. Medyo nakakasad ng slights, kasi usually kapag may bday celebrants, may birthday greetings achuchuchu na sinesend. Ang masakit? 2 kaming celebrants sa premium team namin pero yung isa lang ang may greeting thingy. Been a week and wala, wala talaga, walang pahabol shenanigans.

14. Okay naman ang pagsisimula ng The Walking Dead season 5. 

15. Nakapag-catchup na ako sa Game of Thrones season 4. At tila kumonti ang soft porn scenes.

16. Sapat naman ang new season ng Once Upon a Time na featuring 'Frozen' characters.

17. Nagbubukas na palang muli ang Saranggola Blog Awards! At maganda ngayon dahil different themes for different categories.

18. Mag te-team-outing kami sa La union. Oct. 25 ng umaga ang alis, oct. 26 ng tanghali ang balik. Yeah, paguran itwu dahil 8pm ng Oct. 26, may shift pa!

19. Queueing week much here sa opis this week hays

20. Everything will be alright.......

Hanggang dito na lungs muna. Salamats sa time.

Saturday, October 18, 2014

Wedding Peach

 Hello there mga ka-Khanto! Kamustasa na ba kayo? Long time no see/hear/read ah! Sensya na at natagalan ang pagsasalitype dito sa bloghouse, medyo wala lang sa mood and passion ganyans.

Pero wag mag-alala, di naman nangangahulugan na magsasara na ang bloghouse na ito. Medyo hiatus ekek lang ganyan paminsan minsans.

Anyway highway, for today, tayo ay mag-ta-time-space-warp at magbabalik tayo somewhere down the road dahil magbabalik tanaw tayo sa isang anime na pinalabas noon noong ako ay fetus pa ganyan. Eto ay ang anime from Channel 2, kapamilya....


Nope, hindi sila related sa mga female warriors named after some planets like Pluto, Neptune, Uranus and ganyans. Hindi rin sila kaano-ano ng taklong babae na pinadala sa Sefiro na sumasakay sa robots. Kung medyo clueless ka at di mo binasa ang title, mahihirapan ka. Pero ang featured anime for today ay 'Wedding Peach'.

Ang story ay tatakbo sa isang society na may taklong mundo. Ang demon world, Angel World atsaka ang human world. Ang queen ng demon world ay nais sirain ang mundo ng mga angels. And so ang queen ng angel world named Aprodite ay nagpadala ng anghel sa human world upang i-summon ang taklong girlays na dating Angels na nareincarnate sa human world upang magiging tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan.

Dito makikilala ang taklong human warriors na magdedefend sa Angel World. Pero nagkaroon ng ice cream promo-like thingy kaya naging 3 in 1 plus 1. So instead na tatlong Angel warriors, naging apat sila. Silang apat ang nakatoka na talunin ang evil queen. But bago nila matalo ang kalabs, kailangang mahanap ang Saint Something Four.

To get to know the girlays, Heto at kilalanin natin sila.


1. 
Real Name: Momoko Hanasaki
Code Name: Wedding Peach
Birthday: March 3, 1983
Personality: Bright, Cheerful, with a bit of Temper and Clumsy
Bridal Item: Saint Something Old- Ruby Ring (Love of Family)
 

2. 
Real Name: Yuri Tanima
Code Name: Angel Lily
Birthday: July 7, 1982
Personality: Well-mannered, Polite and Sensitive
Bridal Item: Saint Something Blue- Sapphire Earrings  (Love of Nature)


3.
Real Name: Hinagiku Tamano
Code Name: Angel Daisy
Birthday: May 5, 1983
Personality: Tomboyish and rough yet sensitive
Bridal Item: Saint Something Borrowed- Emerald Necklace (Friendship)


4.
Real Name: Scarlet O'Hara
Code Name: Angel Salvia
Birthday: unknown
Personality: Loner and unforgiving
Bridal Item: Saint Something New- Diamond Tiara  (Hope for the Future)

May mga lablayp yung mga bids pero di ko na ieexpound much dahil kulang na sa time (kulang na sa time? ano to, TV show???). 

Panghapon tong show na ito kaya naman very limiteds lang ang recall ko dahil may cases na you know, lalaro sa labas with friends dahil dehins naman me super couch potato. lols.

Ang wedding ay part ng show ng mga batang 90's.

O sya, hanggang dito na lungs muna, Take Care!