Tuesday, May 26, 2015

Bagasbas-Calaguas Adventure

Heyheyhey! After 2 months na nakatabi sa baul ang wentong isasalitype ko ay napagpasyahan ko na ishare ito habang medyo tahimik at payapa ang queue dito sa opisina dahil narin sa Memorial Day holiday sa states.

So dalawang buwan na ang nakakalipas ay nagpunta kami kasama ng aking mga opis friends and travel buddies papuntang bicol area upang puntahan ang beaches na unti-unting nagiging famous sa mga byaheros.

Around 12 ng madaling araw ay nagkita-kits kami somewhere in ortigas at doon ay sabay-sabay na kaming nagbyahe via VengaVan. Since gabi at konti lang kami sa isang van, pedyo aalog-alog pero comfy ang 4 hours ride na byahe. Ambilis lungs dahil paspas much si koya. Doncha worry, di sya natatae. hahah.

Around 5:30am, andon na kami sa area kung saan kami dapat mag-ve-vengaBoat papuntang Calaguas pero for some unfortunate reason, umeeps ang isang bagyo na i-forgot the name and so pinagbawalans ang mga boat ng coastguard.

Since DYI naman ang byahe namin, flexi ang aming itenerary and so pinagbaligtad namin ang plan at inuna muna namin puntahan ang Bagasbas ng Camarines Norte dahil di kailangan na magbyahe via sea.

Naghanap kami ng accomodation para naman may masisilungan din kami sa ulans at pede kami magpahinga kesa tumambay lungs sa van.



Chumillax-chillax muna kami ng morning at nagluto kami ng foods for lunch at natulog dahil medyo pumapatak pa ang ulans. Pagdating ng hapons, waley na ang rain kaya naman pede na mag-surf ang mga friendships na nais mag-paddle-pop sa surfboard. Ako naman ay naglakad-lakad around to take some pics









Sa hapon, we make luto-luto ulit for dinner. You know, medyo boyscout-ish kami kaya prepared kami mag-luto-lutuan ganyans.



Then kwentuhan and tulog na dahil maaga kami byabyahe ulit para pumunta ng Calaguas. Around 6am ay andoon na kami sa place kung saan kami ay sasakay ng boat. Di na maalon so may go signal na ng coastguard and we make byahe na. Medyo matagal din ang boat ride to calaguas kaya masakit sa butt ang nakaupo lungs.




Then nakarating na kami sa paroroonans. Since day trip lang kami, di na kami nagbayad for cottage, pinahirams lang samin yung cottage without fee then para naman di sayungs ang dinala naming tent for overnight stay sana, sinet-up na din namin yuns.









Then time to swim and enjoy the beauty of Calaguas. Masaya dito kasi pino ang sand parang sa boracay. Less ang tao at hindi crowded. Clear din ang tubig. Paradise! (medyo maulap pa yung nasa pic mga around 9am pa lungs) pero ng nagtanghali, clear blue skies na.







Syemps, luto-luto din kami ng lunch and make ligo pa more after kumains.








At pagsapit ng 3pm, it's time to say goodbye sa Calaguas. Awwwwww.... Kung pede lang mag-stay pa more.





At dits na nagtatapos ang sharing of Bagasbas-Calaguas experience ko. Masaya at enjoy at masasabi ko na gusto kong balikan kung mabibigyan muli ng chance.

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!

Thursday, May 14, 2015

Pitch Perfect 2

Hello Pitches! Kamustasa? Well, i'm still in the adjustment phase sa office changes kaya naman minsan naghahanap ako ng way para mawala ang kung anong ka-emohan na mararamdaman ko at maiisip. 

So today, para makalimot atsaka makaiiwas sa nakakabanas at nakakastress na init ng araw dahil ang labas ko ay 2pm, nagdecide akong magpalamig sa mall at manood ng peliks since it's thursday.

And palabas na aking nipanoods ay ang ilawang peliks ng mga babaitang naghaharmony ekek at kumakanta ng acapella..... Ang Pitch Perfect 2.

Hop.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hopia mani popcorn.... Bago ka magbasa, tandaan na ang post na ito ay rated S for spoilers. Kung allergic ka sa spoilers at ayaw mong malaman ang istorya, chupi-chupi muna please....



Okay, malalaman natin sa simula ng peliks na after magchamp sa acapella contest shenanigans ang Barden Bellas, naging taklong beses silang champ. Record holder ika nga. So famous na ganyans. And dahil doon, nainvite sila na magperform sa birthday ni Michell O ata or ni Barack O (can't recall na lols).

And so they make kanta and dance ng mashup songs like 'Bulong nitong damdamin... Ako'y Alipin Disarapin di kutsilyo di almasin' atsaka 'Coz I'm your Lady...ay may katapusan, itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan' atsaka 'Highway run....to the song here in my heart, a melody i start but can't complete'. Chost.

Then for effort to give color and bravo performance, kumanta si Fat Amy ng Wrecking Ball habang ginagaya si pink sa paggymnast sa tela while in mid-air. Pero nagka-wardrobe failure at hindi ang twinnies na boobies ni Fat Amy ang nagpeak-a-boo.... nope, it's the land down under! Yung pechay niya ay sumambulat in public.

At dahil sa kapalpakan na iyon, suspended ang bella's at ididisolve na ang group nila sa school, meaning stop na ang Bellas.

Pero never say never, ayaw patalo ng mga gurls. Fight for their rights ang peg so they make a bet-kiss-my-pwet-kulay-violet-taeng-malagket na sasali sila sa World Acapella Championship at kung mananalo sila, di pedeng lusawin ang group nila sa school.

So enter the scene naman ang newbie girlita na junakis ng isang kilalang Bellas sa kapanahunan ni kopong-kopong na nag-audition at nakapasok sa group.

Then mas pumapalpak ang mga girls sa gigs dahil walang harmony and stuff. Then si Becca, may internship chuchu tapos pinakita sa Snoop Lion na we don't really care and waste of time tapos chineck ng mga Bellas ang makakalaban nila na Team Germany na i totally forgot the name except sa costume nila na fishnet thingy to emphasize on the masculinity i guess nung lalaking ewan na kalaban.

Then may Rip-off part na hindi rip-off ang tawag tapos iba ng slight at tweeked ang instruction pero parang same lang din but base ata sa harmony cheverlin or sa rhythm ng song na ewan ko naguluhan ako pero talo padin ang Bellas.

And at some point ipapakita dito na nag-retreat ang mga girls to solidify their group na at some point nagkainitan ng ulo at sagutan si Becca at Chloe tapos nagkabati-batirin tapos sabihan ng dream chever at kumanta ng CUPS. Then may angle na pakita pa more sa binuibuildup na labstory ni Fat Amy at nung mayabang na guy noon sa TrebleMakers sa First Movie na nagbabalik.

Grumaduate na ang mga Bellas at their off for the World Championship.

Dis Is It pansit. papakita ng venue na Copenhagen tapos may malaking place for the Championship at nandun padin yung dalawang announcer/commentator tapos pinakita ang ilan sa mga groups na kasali sa contest like the Pentatonix at isa pang group na kasali sa Sing Off then groupies from India, Africa at Latin to make diversity ganyan.

Then ayan na, kumanta na ang kalabang grupo na Team Germany na okay naman tapos syemps kakanta na ang Bellas and so in the end, sila ang nanalo with the special participation ng mga previous Bellas from different batches before way-way-back.

The End.

Same formula and pattern ng first movie.

The blunder- Nagsuka sa stage sa first movie- Nakita ang Vajayjay sa second.
Pumalpak sa isang not so semis sa first film- Sablay ang Bellas sa kanilang Gig.
Rip Off sa una, something invitational ekek sa pangalawa.
Nagkainitan between members happens.
Nagka-ayos-ayos at in peace na sila.
Papakita angperformance ng kalabs at ang performance ng Bellas.
Sa huli, parehong wagi ang Bellas.

Score.... kung sa first film ay bigay ko ay 8.9 (pindot here sa review), for this film, hanportyunetly, its down to 8.3. Well, it's better than the rating na 6/10 by someone sa pex.

MAS tatak kasi yung mga kanta sa unang peliks. Like, the 'I saw the sign', 'Party in the USA', 'Don't You Forget About Me', 'No Diggity', 'Titanium' and 'I've got the Magic'.

Forgetful or walang recall yung kinanta nila. Like seriously, while nasa byahe ako pauwi, mas nakakanta ko pa yung 'PriceTag' kesa sa 'Run the World... Girls' at 'Timber'.

Okay naman yung original song named 'Fleshlight este Flashlight' kaso since original, di ma-remember.

May new labtim like yung kay Fat Amy at doon sa dorky friend noong bidang guy pero i don't know. May kulang e.

Parang walang magic... Walang "That Feel" moment na sasabihin mo na its 'Aca-ntastic film'. Mapapasabi ka lungs na 'It's aca-y'.

Oks, hanggang dito na lungs. Take Care.

Thursday, May 7, 2015

May Random Post nanaman Ako


It's me.... Khanto.... i'm back matapos ata ng ilang weeks na wala post at pagpaparamdam. El Nino kung baga. Pero kelangan may atlist 1 post for month para hindi tuluyang maglaho ang bloghouse na ito kaya naman heto't nagsasalitype nanaman me para sa inyo ng kung anik-anik.

A. Kung naaalala nio na nabanggit ko na ang next gala ko dapat last month ay sa Kalinga to visit the oldest tattoo maker na si wang-od, well, di ako natuloy. Missed opportunity.

B. Bucket di natuloy? Unfortunately ay tinamaan nanaman ako ng sakit na gastro achuchuchu or in simple terms, nagtatae ng wagas. Ayoko namang bumiyahe sa vengabus na kumukulo ang tyan at any moment ay pedeng majebs.

C. Natuloy ang pagpapakulay ko ng buhok last month. Kulay blue, kaso di rin nagtagal kasi nailigo ko sa swimming pool noong nagsummer outing kaya ambilis nag-fade ng kulay hahaha.

D. Speaking of the summer outing namin last month, masasabi ko na 3rd time is not a charm. Di ko ganong na-enjoy ito compared noong last 2x na nagpunta kami sa same location.

E. Bakit di ko na-enjoy, maybe dahil nadin sa ilang mga tao. Compared sa past outing na doon ginanap sa Whiterock sa Zambales, mas close ko ang teammates. Pero etong nagdaan, ewan, sabog, watak-watak ang team.

F. Bakit watak-watak? mostly di uber unified ang team namin plus yung mga usual na ka-close ko ay wala na tapos yung ibang members ng team namin ay connected sa past team nila kaya naman kakarampot kami.

G. And another factor ay ang news na sumabog sa worklife ko days before the summer outing. Ang TL namin ay promoted in some way and sa kasamang palad, sa pagbabago, ililipat ang karamihan sa amin sa ibang team.

H. Imagine, sa halos na 3-4 years na kabilang ako sa isang team at madaming uber sayang memories, sa isang iglap lang, boom, i'm no longer part of it at makikisiksik sa ibang team na di ko feel.

I. Lastweek namin lastweek (redundant right) tapos this week, i'm part of a new team.

J. It sucks na during ng mga ganap, i feel so vulnerable. Nuks, ang arte. vulnerable daw. lols. Di ko maiwasan maging emo dahil napahalaga na sa akin ang past team ko.

K. What's more, sa new team, heto at bumulaga naman ang news na may team building/outing kami sa Cagbalete Quezon. Like, di pa nga nakaka-move on e biglaan ang lakad this month. Di pa nga ako nakaka-adjust e.

L. Tapos syempre mahirap magdecide. Imagine, pag di ako sumama, ang sasabihin wala akong pakisama at i'm alienating myself. 

M. Then dahil sa mga ganap, medyo nagiging sickly din ako, somehwat may connect din siguro ang immune system ko sa mga nagaganap. Sakitin me.

N. At dahil sakitin me, halos tambay ako ng boring na bahay at nakakulong sa kwarto na ramdam ang init ng summer days.

O. Sa kabagotan, napanood ko na muli ang seasons 1-4 ng Game of Thrones.

P. May nabili akong books na may name na #hugot, #hugotpamore at #abamatindi. Rating ko, bagsak. 5 out of 10 or 4 out of 10. Have seen most of the jokes sa twitter and fb. Pinulot from there, kinolekta at ginawang book. Walang fresh. Ay meron naman, mga 2-5 items. Kumbaga sa twitter, malamang puro scrolldown ginawa ko.

Q. Mothers Day na sa sunday, advance happy mothers day sa mga mudrakels ninyo or asawa or kapatid na mother na.

R.Wala akong comment about sa laban ni Pacman. Nope. IDC.

S. Dubsmash is so April, Dadbod is May.

T. Gusto ko sana yung Zenfone 2 na talk of the town lately pero walang purpose much sa akin ang phone hahahah

U. Excited ako sa magiging new season ng survivor, yung 2nd chances. Lahat returning players. 

V. Sa issue ni Mary Jane..... Nakakaloks ang putak ng magulang niya. Medyo ingrats.

W. Malapit na ipalabas ang Pitch Perfect2.

X. Gusto kong manood ng play na 'Kung paano ako naging Leading Lady'. May book ako nito kaya alam kong maganda to.

Y. Andaming random memories ng past ang bigla kong naaalala.

Z. Hanggang dito na lang muna, ubos na ang alphabets hahahaahah