Wednesday, December 30, 2015

Seoul-it na Bakasyon Day 5 & 6: Everland at Last Day

Nyelow nyelow! Aba, atrenta na ng disyembre! Grabehan na! Dalawang pikit na lungs at 2016 na. Hambilisbilis naman ng araw. At dahil dyan ay kailangan na tapusin ang kwento ko ng korean travel trip. So heto na at di na magpapatumpik-tumpik pa mga pikpik chost.

Day 5.

Linggo, Hindi na super aga ang gising namin dahil heaven knows namin na hindi naman maaga nagbubukas ang place na pupuntahan namin. Mga around 9am na ng kami ay umalis ng bahay upang pag MRT/LRT papunta kung saan merong VengaBus station papuntang themepark/amusement park ng Seoul.

Medyo makulimlims at nagbabadya ang rainfall pero kebs lang at kami ay lumarga na. 2 connecting stations ang pinuntahans tapos nag alay-lakad nanaman dahil slightly naligaw ng bababaan pero nakadating din sa patutunguhan. Nag-bayad sa bus at sumakay at after isang oras ay nakadating din sa place..... ang Everland.
Everland, isa sa pedeng pagpiliang themepark sa SoKor. Noong dumating kami ay hindi pa gaanong matao dahil mukang kabubukas pa lang at medyo makulimlim nga at parang kababagsak pa lang ng ulanis morisette.
Pagkapasok sa loob ay naghanap muna kami ng foodchain na makakainan dahil medyo nakakatomjones din ang byahe. So keps (KFC) mode muna at nananghalians.
Right after that, libot-libot na sa park. Lakad-lakad, picture-picture.


Then nagkaroon ng parade achuchuchu. Ang theme ng theme park ay relate sa halloween so pa-scary thingy ang kanilang motif at pakulo.







After nian, naglibot pa more kami sa place. At dahil nasa elevated spot ang park, may times na nakakapagod na walk ang gagawin mo dahil paahon or paakyat ang lakads. So may rides to go up or down the park. Dito ko na-experience ang cable car atsaka ang sky lift na kadalasang makikita mo lang sa mga serye ng Japan or Korea.






Sa bandang hapon, merong show ang Madagascar kaso dahil sa communication barrier kung saan matatagpuan ang free tix for entrance, nahuli kami kaya naman nagdecide na manoods sa 6pm show.

So while we are waiting, libot pa ang ginawa namin. Namasyal pa sa ibang location ng park at napadpad sa animalia place kung saan nakakita ng camel, tiger, penguins at ang sea lion show.




Napuntahan din yung spot kung saan may mga makukulay na bulaklak. Ansarap tignan sa mata yung kulay ng mga flowers here. Nagpapicture din sa mascot. Atsaka ang cuties din nung mga animal thingy characters.






Noong magdidilims na, nanood naman kami ng madagascar show. Ito ay isang theatrical show with comedy skits, musical shenanigans at mga acrobatic stuff. Okay naman kaso korean ang language nila kaya di mo magegetsungs masyarow.




Pagkalabas namin, gabi na and so kailangan na naming mag-busride at mahirap na walang masakyan at matulad noong wala na yung mga bus pababa ng Seaoul tower. So same thingy, Bus ride then mrt/lrt hanggang mapadpad nanaman kami doon sa night market kung saan nag dinner kami at naghanap ng souvenir thingies.

Since last night na namin, nagdecide kami na lumabas at maghanap ng mga bangketa kung saan pede kang mag-nomnom or mag-soju. You know, like do what koreans do stuff. 






Day 6.

Kanya-kanya morning na dapat etong umaga para naman may time gumalaness ang mga magjojowawits na kasama ko. Pero nakahanap ako ng place kung saan pedeng makapagpapicture na nakasuot ka ng Korean costume. Salamt sa google at mabilis na wi-fi ay natagpuan namin yung place bago pa magbukas ito.

Ang place kasi ay for foreigners to experience wearing the traditional costumes ng Korea. So pede lang ito sa mga dayuhans. Pero first come first serve at may registration ka at specific time lang kayo. Bibigyan lang kayo ng 10 minutes to take pics (which is mahaba na unless medyo photowhore ang peg at sandamukal na selfies and groufies ang ganaps).

For costume ng mahal na hari, may taklong kulay, Red, Yellow or Green. Pinili na ng mga kasama ko ay red na common costume ng hari kung nanonoods ng Kserye so ayoko naman ng gaya-gaya. Di ko pinili yung yellow kasi medyo katulad ng color ng costume ng Emperor noong nag Beijing ako so sinelect ko ang fave color ko.... Green. (parang Aquamarine-ish hahaha)




After nito ay pasalubong search mode na at kanya-kanya na muna kami ng place kung saan bibili ng anik-aniks na mabibili.

Pagdating ng tanghali, pack-up na at sa hapon ay diretso na kami ng bus muli papuntang airport at lipad mode na kami pabalik ng pinas.

At dito na nagtatapos ang kwentong Korea ko. Isa nanamang bansa ang natanggal sa aking bucketlist! woohooo.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Saturday, December 26, 2015

Seoul-it na Bakasyon Day 4: DMZ

Eows pohwz! Belated Merry Christmas! Well, bumorlogs lang ako kahaps dahil solo lang naman ako sa bahay at walang hamon or mga spageting pababa at pataas na handa. 

Well anyway, dahil walang gaanong ganap ang aking kapaskuhan, heto na lang ako at tumitipa sa mga letra upang ihayag at ipagpatuloy ang wento ng anik-anik sa Korea.

Day 4.
 
Maaga kaming gumising at nakaget-up na kami at naghihintay ng susundo. Pero naligaw ata ang pipickup sa amin dahil inabot kami ng 8am sa ito dumating. After ng ilang tawagan.  So nag Groufie muna.


Nagbook ulit kami ng tour kasi hindi ka basta-basta pedeng mag-commute sa lugar na pupuntahan dahil delicades. Di ka pedeng sumakay ng tricycle or pumara ng jeep papunta doon. No-no-no. Kailangan may booking ganyan.
 
Pagkasundo sa amin, drinop kami somewhere at sinabi na kailangan naming sumakay sa bus with the other foreigners na pupunta din sa place.
 
Ang destinasyon namin ay ang DMZ. Nope, hindi ito ang lugar kung saan may mga nagchichismisang mga reporters and paparazzi eklat at hindi rin ito ang show kung saan nakikipaglaban ang Super Saiyan na si Son Goku. 

So we make sakay and the tour guide ay nagpakilala bilang si Erica (nope, hindi siya yung babaeng may wings na partner ni Richard sa Daimos). Inabutan niya kami ng aming ID thingy para kung sakaling may maligaw, madali malaman kung kaninong group tour kami.
 

 

And so on the way to the place, inexplain ni Erica ang ganap. Inexplanation niya kung bakit DMZ, na nangangahulugang DemilitarizedZone. So nag narration si ateng na hindi pa tapos ang warlaloo between North and South at inbetween dito ay ang DemilitarizedZone kung saan parang eto ang medyo peacekeeper thing.

Dito nagbigay ng DO's and don'ts si ateng erica. yung mga BABALA na asawa ni babalu. Yung may mga lugar na bawal kuhaan ng picture or video. Yung mga place na kailangan magfollow sa rules. Atsaka yung tour na mga 2-4 hours lang ganyans. Saka recorded kung sino yung mga papasok at lalabas ng area at kailangang ipresent ang passport na ichecheck ng isang souljaboy. (Bawal kang pumasok kung wala kang dalang passport)

During the trip nagwewento si ateng na ang mga North Koreans ay gumagamit ng Diglett at Dugtrio upang maghukay ng mga tunnel so that they can invade and make sakop sa South Koreans.

Dito din naiwento na dahil sa feud ng North and South (hindi cemetery at hindi expressway) may mga magpapamilya na nagkahiwalay at hindi magkakitaan for yeaaaaaaars. Like nagkaroon na ng ibang pamilya sa south dahil naiwan ang original fambam sa north ganyans.

Unang stop namin ay isang spot kung saan ito ay common area and grounds for tourists and activity. Dito din makikita ang fences na naghihiwalays sa South Korea at Demilitarized zone.
 
 



 
Next destination ay sa museum ng war thingies ng DMZ. Medyo similar ito sa War Remnants museum ng Vietnam pero dahil dito may mga items like baril anik-aniks, uniforms and stuff na ginamit sa digmaans. Meron ding video kung ano ang ganap ng DMZ sa labanang NoKor at SoKor at KNORR chost.






Katabi ng museum ay ang daanan papunta sa 3rd tunnel na natuklasan na naging open for public viewing thingies. Peroperong bukids, bawal dito ang camera sa loob at bawal may bag kasing nako mga ate at koya, medyo maghihike ka ang dating. You will wear helmet dahil medyo bato-bato ang nasa ulunans. 
 
 Ineekslain yung tunnel na papasukin

Yung pumasok ako na tuyong-tuyo sa tunnel at lumabas na mandirigma na basan sa pawis at hingal-na hingal sa paakyat ng tunnel. Gosh, para kang nag-exercise, cardio ganyans. Saka masakit sa binti. hahahah.

After sa tunnel, bili-bili ng souvenir items and stuff muna at larga na sa next destination.

Sa next stop, eto yung place kung saan makikita mo ang Flag ng North Korea (visible sa mata pero di ko nakuhaan ng pic dahil sa medyo jampakan ang tao.) So picture-picture ulits.





Then ang last desti sa DMZ tour ay ang supposedly train station na kokonekta dapat from South to North. Hopefully ay magkaroon na ng peace sa dalawang nahating bansa (para next time ay pede na mapuntahan ang NoKor).
 





Then back to seoul na. Pero bago matapos at makababa talaga ng bus, may isang extra spot kaming pinuntahans. Kung sa Bangkok ay merong extra trip sa nagbebenta ng mga coats and long sleeves. At sa Beijing ay mga pearls and jewelries. Sa Seoul naman ay ang bentahan ng ginseng. Eto yung may mga demo-demo thingy kung pano nacucultivate ang ginsengs and then pede free taste ng ginseng products then pede ka na mag-buy ng ginseng stuffs.
 
 


Then medyo late nanaman at atrasado na pero kailangan din namin kumain ng lunch. So nakahanap naman kami ng makakainans.




Sa hapon ay ♫♪ nag-ikot-ikot lang ikot-ikot-ikot ♫♪ sa place called Insadong (Insan ni Dodong????). At dahil ilang araw narin na wala akong coffee intake ay nag-starbucks ako. hahaha.
 
 Cool ng SB card nila!

 Maple flavored ang kanilang Frap!

Sa gabi ay bumalik kami sa Insadong dahil ito ay night market din at doon na din naghapunan. 

At dito na nagtatapos ang ika-apat na araw namin sa Korea.

Meron pang Day 5&6 combo sa next post. Hahhaha.

Hanggang dito na lang muna! Take Care folks!