Happy New Year! Huwaw! Ansipag-sipag ko naman magsulat at patapos na ang enero at ngayon pa lang magkakaroon ng laman ang bloghouse na ito. So proud of it, tap on tha back ganyans.
Heniway, for today, para naman magkaroon ng saysays ang post ay magrereview-reviewhan tayo ng ilan sa mga peliks last christmas na pinilahan ng madlang folks sa sinehan pero nadedmakels ng ilan sa mga tamad makipagsiksikan at abangers na lang sa sinema-copy ganern.
No, di ako blessed na mabigyan ng movie-pass movie-pass to make nood unli so umasa na lang me sa mga ate at koya sa quiaps. nakakuha me ng 7 films at 6 na ang napanoods ko at yun ang mabibigyan ng review.
Di na ako magbibigay ng spoiler dahil jeskelerd, isang buwan na ang nakakalipas, madami na nag-spoil kaya wag choosy.
1.My Bebe Love #Kiligpamore
Ang wento ng Aldub na nagka-love at first sight pero hahadlangan ng magulang ni girl at tita ni boy dahil medyo nagka-clash of personalities ang tatay at tita sa umpisa ng pelikula tapos sa bandang dulo ay mukang nagkatuluyan ang tita at tatay.
Score: 7. Pede na pero may kulang. Andoon na yung kilig dahil sa tambalang aldub pero kulang ng story flow. Andaming product placement sa peliks na para kang nanood ng commercials ng television. Medyo masakit sa tenga ang pasigaw acting ni AiAi. Magaling naman infair sa first movie si Maine.
2. Beauty and the Bestie
Ang story ng bekbek na may bespren na pulith. One day, nakidnap ang isang Beaucontestant na kilala sa lipunan at kailangan may prumoxy habang naghahanap ng lead. Magiging substitute ang bethpren ng pulis na kalokalike ng nakidnap.
Score: 8.5. Nakakatawa sya kesa sa naunang pelikula. Andaming havey na scenes na laughtrip talaga. Mahuthay thi Cocow at thi Vayth Ganda sa peliks, maganda ang chemistry. Medyo sablay lang ang execution sa ending at parang hindi na-connect mathyado sa actual plot nila. Okay lang kahit wala ang Jadine side-lovestory dahil buhay na ang ganap kila Vice.
3. Walang Forever
Ang peliks ng isang scriptwriter na ginagamit ang mga pinagdaanan niya sa buhay lablayp sa kanyang mga obra na stories. Dito iwewento kung paano sila nagmeet ni boy, paano nagproprose at paano nag-break. At dito din nadugtong kung paano sila nagkita muli at magkatuluyan at paano masaktan muli dahil sa kaganapan kay boy.
Score: 9. Maganda ang story at walang dull moments na kahit umalis ka sa harap ng tv ay ayos lang. Magaling ang pag-arte ng JenEcho ang ramdam mo ang characters nila instead of the normal na katauhan ng dalawa.
4. Haunted Mansion
Ang horror story na sub sa usual shake, rattle and roll film. About sa mga bitchesang students na nambubully kay niknik na awkward na pine-pair up sa kuya luke niya (be careful with my heart). Sila ay magreretreat na parang hindi naman. Doon ay mapupuntahan nila ang haunted mansion na may lihim about sa mga napatay doon.
Score: 6.5. Keri lang naman pero nakaka-alibadbad yung mga bitchesang students na makabuly wagas. Di nakakatakot at mas mapapansin mo pa yung flaw sa mga ganap. Magkakaklase pero wagas ang hatred dahil lang sa lablayp? So pathetic students. Tapos retreat na kakarampot lang ang faculty na kasama? uh!
5. Buy Now, Die Later
Ang palabas tungkol sa kantang Sampung mga-daliri, kamay at paa, dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda ganern. 5 folks na nakipag-ex-deal sa isang seller ng anik-anik para maresolbahan ang mga problema. In return sa item na makukuha nila, kailangan nila ifollow ang rules, else may mangyayari.
Score: 7. Much better ang story nito kesa sa horror kwents ng naunang pelikula. Mas may sense at mas may direction ang takbo ng kwento. Di rin naman nakakatakot pero bawi na sa pagkakatahi-tahi ng story ng 5 characters. Mas napag-isipan ang plot.
6. Honor Thy Father
Ang peliks na hindi kilig at hindi horror at parang action na parang indie. About sa pamilyang member ng religious groupie na nasabak sa pyramiding/networking shenanigans at nadenggoy. Dahil sa pagkakadenggoy, napahamak ang buhay nila dahil sa mga taong naging downline at naniningil ng milyones. Halos buhay na nila ang nakataya at kailangang magbayad ng milyones si John Lloyd kahit na magnakaw siya kasama ang mga brotherhood.
Score: 7. Oo, kakaiba sa first 5 films pero boring for me ang story. K, fine, not the usual story but in the end, it doesn't give something na di mo maexplain. Buti sana kung pinatay niya yung pinagnakawan niya or better yet nakawan nia yung lead ng religious group played by Tirso cruz.
7. All you Need is Pag-ibig.
Sorry.... tinamad na ako manood. Hahahahah.
So kung i-aarrange ang anim.
1. Walang Forever
2. Beauty and the Bestie
3. Buy Now, Die Later
Pabebe Love
Honor Thy Father
4. Haunted Mansion
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!