Hello! Gagamitin ko ang linya ni L.A. Lopez...'♫♪Ako ay nagbalik'. Kumustasa kalabasa?? Kamusta ang inyong Holy Week? Nakapag-beach bum ba kayo? Nag-Staycation? Umuwi ng probinsya? or Team Bahay at nag-antay na magsabado at manoods ng latest peliks?
Well, ako ay myembro ng team bahay dahil di sapat ang 2 days para umuwi ng probinsya, maki-fiesta at bumalik ng manila. So ang ganap na ginawa ko ay inaantay na mag-sabado at pumila balde sa mahabang line ng mga viewers na manonoods ng new film. AT ang new film na yun ang aking bibigyan ng review-reviewhan.
Hoops-kiri-hoops-kiri-hoops.... Bago ka magpatuloy ng pagbabasa, binabalaan na kita na kung allergic ka sa spoilers at ayaw mong makabasa ng detalye sa movie, aba.... YES-alis and out you go ganern. Tsupi-tsupi po muna at walang space sa may spoilerphobia.
Nakapagdecide ka na ba kung magpapatuloy?
O sya... Let's go sago!
Dapat alam mo na ang bibigyan ng review ay ang Batman vs Superman: Dawn of Justice. Wag tanga! Dapat binabasa mo yung title diba..
Okay magsisimula ang wento dahil hindi alam ng mga viewers kung ano ang history ni Batman. No. Walang kaede-edeya ang madlang folks na si Batman ay naging ulila dahil ang pudraks at mudraks niya ay pinatay sa kanyang harap ganyan tapos tumakbo si young Bruce Wayne somewhere down the road at najulog sa isang hole at nakakita ng Bats.
Tapos drag... drag details at anik-anik. Tas pinakita yung sexenang nag-aaway si Superman at ang kalabs nia last Superman Movie. Tas bida-bida si Bruce Wayne na ewan at may lalaking nalumpo dahil sa laban.
Then scenes about sa pageextract ng Kryptonite shenanigans at kung ano-ano pang ganap na medyo icoconfuse ka ng very very light.
Tas may eksenang nasa kung saang desyerto etong si Lois Lane at nasa bingit na siya ng kamalasan pero heto si Superman at to the rescue sa DAMNsel in distress. Pero nailigtas man ni Sman ang jowawits niya, madami naman nadeds sa ganap at ito ay isinisisi kay Sman.
And so may mga boplaks na humans na kung makapagreklamation ay wagas kaya naman they make welga and they make epal papampam. Kasama na doon sa ayaw kay superman ay ang naputulan ng paa.
Nais ipatawag si Superman sa kongreso ekek at doon ay may sumabog na bomb at madami namatay. (nasa sana nadamay din ang ibang kontrapelo rallyista na against kay superman).
Then chenelin-chenelin scenes. Nag-iimbestiga si Bruce Wayne at napunta sa party at doon unang lalabas ang sexy at gorgeous na si Wonderwoman then some eksena pa more and stuff.
At eeksena na ang kontrabida ng peliks. Si Joker este si Lex Luthor pala na ewan tapos nalaman nia ata ang identity ni Superman kaya napakidnap niya si Lois Lane at ang Nanay ni Superman. So Joker blackmails Superman para hulihin si Batman at talunin ito.
Nagsagupaan nga si Batman at Superman at nagbanggan ang kanilang malaki at matitigas na..... kamao ganyan. Fight fight fight pak pak pak boom boom boom pow pow pow ganyan ang eksena.
Ginamit ni Batman ang kanyang secret weaps, ang chuvachuchu na may Kryptonite. Dahil dito muntik na niyang matalo si Superman kung hindi lang magkapangalan ang mudrakels ni Batman at Superman.
Then to make the climax at rurok ng labanan, ang kupaloid na si Joker ay inirelease ang isang monster na galing din sa planeta ni Superman na binuhay niya sa pamamagitan ng kanyang shamod este dugo (nope, wala siyang buwanang dalaw). So lumabas ang kalokalike ni Smeargol na pinalaki ni Okerampa.
Powerful ang kalabs, nagkampihan na si Batman, Superman at Wonderwoman pero hirap mode siya. Until Superman makes the ultimate sacrifice kemerut blow with the Kryptonweap ni Batman.
Natalo ang kalabs pero namatay si Superman.
The end.
Syemps, kailangan feeling critic ganyan pero please be informed na hindi ako uber fan ng dc pero hindi rin ako uber noob na walang ka alam-alam sa mga ilang detalye. Kumbaga Suso este so-so lang ang knows ko at doon ko ibabase ang aking score.
Bibigyan ko ng 8.8 ang film. Its good naman at hindi flop for me pero may mga bagay na need ng improvements.
SO eto ang mga factors na di ko bet at di ko gets kaya naman hindi pumalo ng 9 ang score at some factors kaya hindi bumaba to 8 ang scores.
-Unang una, si Joker este si Lex Luthor. Di ko gets pero may bahid siya ng pagka-lunatic like Joker. Parang uber out of character siya from the serious heroes like Bman at Sman at Wwoman. Nakakainis siya at nakakakulo biang kontrabida pero may something wierdness.
-Too dark. Yes, gets ko naman na ang ilan sa eksena ay may ganap tuwing gabi kaya medyo dark pero minsan, parang it's too dark na di mo na makita masyado ang nangyayaring fight scenes. Parang magiging asian ka at maniningkit ang mata just to check ano na ang eksena.
-Medyo labo-labo. Marahil dahil eentrada si Batman sa kwento kaya parang MAS naka-focus sa kanya ang first part ng movie. O baka sa kanya talaga focus kasi pangalan ni Batman ang nauna sa pamagat ng film. IDK.
-I like the scene na pinakita ang mga Meta-Humans. Nakaka-excite na makita sila Flash, Aquaman saka yung Cyborg thingy. Something to look forward.
-Oks naman ang laban at bakbakan sa pagitan ng Black Spandex at ng Blue Spandex at ang moment ng sexy at magandang si Wonderwoman.
-Sana solo movie muna ni Batman tapos saka etong bakbakang Batman at Superman para medyo hindi magulo ang flow ng wento.
-Sana solo movie muna ni Batman tapos saka etong bakbakang Batman at Superman para medyo hindi magulo ang flow ng wento.
O ayan. Yan na ang review.