Tuesday, August 23, 2016

Brick Burger

Yo! Kamusta na? Kelangan mag-update update din sa blog kaya heto nanaman ako at nagsasalitype ng kung anong tumatakbo sa aking isipan ngayon.

Kanina lungs, yeah, kani-kanina lang ay naglakad nanaman ako mula opisina namin sa ortigas pauwi dahil pahirapan ang pagsakay sa jengajeep. You know, parang nakikipag-amazing-race.

At habang pauwi at napagoda wave masyado sa paglalakad, naalala ko na may bagong food resto kinda thingy na malapit sa balur so bumaba ako sa jeep at nagdecide magfoodtrip....alone. lols


Welcome to Brick Burger na matatagpuan sa kahabaan ng C. Raymundo (kapatid ni Ina Raymundo) sa Pasig. 

So when you make pasok, makikita mo na ang theme nila ay Lego, you know, the toy with the quote 'Halika, magpatungan tayo!'. Yazz! Yung maiimagine mo yung kantang 'Everything is awesome!!!!'.

So imake upo (hindi yung omaygulay) sa isang table na good for two at imade senyas kay kuyang servidor na i will make order na.

So since specialty dito ay burger, i made order ng Burger na Cheesy Mac Somethingy. Ayon sa description, cheesy burger with mac and cheese and bacon bitsy. Tapos may nakalagay na mag add ng 45 ata yun at may fries na so gora na ako.

Then i don't wanna be mukang ewan na Burger lungs... no! Ditch diet for a while! Umorder ako ng pasta coz pasta is life.... wait... Pesto pasta is life!

Bumili na din ako ng red tea nila.

So habang nag-wawaits ng jorder, picture picture saglit ng pedeng makita.


 Lego displays

 Lego table

 Yung design sa loob ng table

 Lego themed place

Lego figs na nakaframe

Then dumating na yung inorder ko. Unang Dumating ang redish tea. Sumunod ang Pesto Pasta. Then yung side fries at yung Burger.

 Pesto

Burger with Mac and Cheese

Dear ate charo, nadismaya ako ng very light sa Burger. Nope, hindi sa panlasa ang aking tinutukoy kundi sa looks.

Yung top buns ng burger ay hindi hugis lego! ZOMG!!!! Watdapaks! Vuket ganern?! Like kaya nga Brick Burger... dapat lahat ng burger nila hugis Lego... But No no no way.... Hindi pala.

Chwali, may mali din ako. I know that it takes two to tango. Dehins ako nagtanong kung lahat ba ng burger nila ay hugis lego. Naging potassium ako... yeah... Pota Assuming! Pero kasi... diba... Kaya nga Brick Burger namesung... dapat lahat ng burger hugis lego bricks.

Waley ako reklamation sa taste ng burger as i mentioned above at wala din ako problem sa Pesto Pasta. Masharap naman parehow.

But nadismaya ako ng light sa fries. Fries is life din pero i don't know. Ang portion ay so konti and the size of the fries in terms of cuts, jeske, payatot at pandakekok.

All in all, Keri Underwood naman.

Ambiance/theme: 9
Food Taste: 9
Menu : 8
(oo, kasama yung menu thingy kasi walang indicator ng size at kung ano ang may hugis lego brick na buns)

Pahabol na pic: yung bill-out kemerut.


O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care

Saturday, August 20, 2016

Secret Life of Pets

Hey! May bagong Happy Meal sa Mcdonalds na nakita ko kaninang umaga lang kaya naman medyo nainspire ako na magblog tungkol sa peliks na naapanood ko last time.

For today, ang movie review-reviewhan ay may Pamagats na 'Secret Life of Pets.

O, wag na magjinarts na spoiler keme-keme dahil ang totoo, last month pa merong piniratang tabing ang nairelease na sa bangkets ang film na ito and foshoooo e di mo naman talaga papanoorin itwu sa sinehan (inassume ko na hahahaha).



Magsisimula ang peliks sa pagpapakits ng mga ganap ng mga alaga ng mga humans kapag umaalis ang kanilang mga owners to work. So one by one ishoshow ang mga eksena ng mga petty pets.

Then ipapakilala ang isa sa bida-bida na pets. Ang doggy dog named Max na loyal-loyalan sa kanyang owner at ang nais lang ay antayin si owner na magbaliks.


Then one day, ang owner ni Max ay naging Unfaithful (insert rihanna's song here). Nag-uwi ng another doggy dog ang amo niya. So enter the eksena ang new dog named Duke.


Dog is a bitch. Kupaloid etong si Max kasi gusto niyang masolo ang pagmamahal ng kanyang amo. So triny niyang isabotage tong Si Duke. Pero Duke is another bitchesa kaya kupaloid din ang attitude nito kay Max.

One time, habang nag-plaplay ang kanta ni Rihanna nanaman na walk...walk...walk...walk...walk... Ginawa ni Max na maging Douche kaya nagkaroon sila ng conflict ni Duke at napadpad sila sa area ng mga stray kitties (oo, yung mga pusanggalang walang breeding).

Sa pagtatalo ng dalawang dogs, nawala ang collars nila na proof na may owner sila at napagkamalang stray doggies so hinuli sila para dalin sa dog pound, isinakay sila sa dogvan.

During that time, kasama nila sa nahuli ay isang doggy dog na iniligtas ng gangstah pets na walang owners. Nakatakas sila Max at Duke sa tulong ng white fluffy buddy na lider ng discarded pets.


Sa friendship side ni Max, ang isang fluffy girly Dog named Gidget ay nag-worry sa kanyang crushie so nag-aya siya ng mga friendships niya to make hanap the missing Max. So papasok na ang other pet-gangs.






Sa pag-attempt nila Gidget na mahanap ang nawawalang friend na si Max, humingi ng tulong ang mga pets sa isang oldie doggy on wheels na si Pops (hindi po unli ang first name).


Then back kila Max and Duke na nasa headquarters, they tried to impress ang mga pets na walang owner kaso nabukelya sila and for some unfortunate reason, may naaksidenteng pet na ikinagalit ng mga underground gang.

And so may habulang naganap at hanap hanap at nagkabonding time si Max at Duke at nagkaroon ng kiss and make up achuchuchu at more habulan thingy until makauwi na ng bahay ang mga pets and the end.

Score??? Sorry i'll give it a 7! Yeah... In terms of cuteness... cute yung ibang pets but ewan ko... Nakakabadtrip ang attitude ng bida kaya parang anhirap mag-cheer for them. Yung alam mong yahhh... serves them right bitches!

Kahit sa mga kontrabids na pets, wala akong ma-cheer! Like uhhgggg. Cute yung bunny but that's it.... Nothin superb.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Sunday, August 14, 2016

The Shallows

Nyelow! It's me! How yah doin? Kamusta naman sa possible viewers ng blog na ito. Kung meron pa mang nagbabasa sa mangilanngilan na readers, hi!

Para sa araw na ito, isa nanamang movie-review-reviewhan ang post. Wag kayong mag-alala, hindi naman super famous ng film kaya kahit ma-spoil kayo way wala kayong magiging reklamation. hahaha.jhjh

Ang film na ating bibigyan ng review ay 'The Shallows'.



May ipapakitang bagets na makakahanap ng gopro at ang vid ng shark attack. Pero disregard muna ang eksenang yan dahil di pa needed.

Magsisimula ang wento kay ate girlilay  na nakaride sa Grab-A-Sasakyan. She's browsing via instagram na pinapakita din sa screen para knows ng mga folks kung ano tinitingnan nia.

Then nagpadala sya mula sa Grab papunta sa isang secret beach na napuntahan noon ng kanyang mudraks. May friend dapat siyang kasama sa trip kaso pokpokelya yung friend niya at dinitch siya.

So nakadating na si ateng girlay sa secret beach. Hindi siya pumunta doon para magbeach bum pero para magsurf ganyan. 

Tapos kailangan mag-change outfit si ateng. Show some skin! Pakita ng medj malulusog na bumper ganyan. Pakita ng two-piece bikini bebot. Then bibitinin ka kasi tatakpan niya lang ng rashguard. 

Since nasa beach siya at ang purpose ng pagpunta niya ay mag-surf, ang ginawa niya ay gumawa ng sand castle.... charot. Naturalmente mag-susurf siya! Ipapakita ang mga shots ng dagat at alon at pag-paddle-pop ni ateng.

Show the swimming skills ni ateng on how to paddle at mag sisid kemerut kapag may alalalalon na papadating sa kanyang way.

Dito meron siyang makikilalang surfers na boylets. Nag-surf-surf-surf ganyan. Papakita na magaling silang mag-ride -the-waves.

Then malalaman ang slight drama sa buhay ni ateng. Nategibels sa cancer ang kanyang mudrakels kaya naman hinahanap niya ang kanyang sarili at nais niyang magpakalayo-layo chenes.

Then back to surf siya. Papalubog na ang araw at yung dalawang lalaking surfer ay nagyaya nang umahon. Magchuchukchakan pa daw sila.. joke. Niyaya nila si Ateng pero di type ni girl ang boys at sabeh ay magsusurf pa sya ng one last time.

Sa kanyang pagsurf alone, may mga jolphins na nagswim at nagpakits kaya si curious girl ay medyo sumunods sa paglangoy ng mga giant water mammals. 

Then may nakita siyang malaking balyena na tigoks na nag-flofloating sa water-water. Masuka-suka siya ate charo. At kinutuban na si ateng na may something fishy.

Nag-paddle-pop agad si ateng pabalik ng shore kaso hinampas siya ng isang malaking pabebe wave at nag-snap ang tari na nakakabit sa kanyang paa na naka-connect-the-dots sa kanyang surf board. Nasugatan si ateng tita Mel. 

Di pa natatapos ang medyo kamalasan ni girlay. It turns out, may shark attack na ganap at nag-play ang kanta ni Katy Perry..'I taste a girl and i like it!'.. Peborit siya ng pating after makagat ang kanyang leg.

Naka-survive naman kahit paano si girl from unang misfortune niya. Bago pa siya tuluyang makain ay nakasampa siya sa dead bodeh ng whale. Pero walang forevs.. Nag-hanap siya ng malilipatang spot.

Mapapadpad sa batuhan si girl with her wounded and injured sexy body. Buuti na lamang at heaven knows niya mag-apply ng medical anik-anik to tend her injuries. Ginamit niya ang kanyang necklace chain para tahiin ang open wound.

Then papakita ang time sa screen kung saan ay may countdown para maglowtide. Then papakita yung seagull na injured din na kasama ni girl sa batuhan.

Giniginaw si girl kasi wet sya at gabi pa. Di niya naisip na mag-isip ng horny things at mag-painit sa sarili...lols.

Umaga na, lowtide na pero binabakuran pa siya ng shark. Kenat swim si ateng girlay kahit medyo tanaw niya ang kanyang surf board.

May chance na makakahingi na ng saklolo si girl through a lasenghot na mama. Nagsisisigaw si ateng  ng steps at sinabing may nyelpon sya sa bag. Sumunod yung lasheng. Kaso... pinagtangkaan pa siyang nakawan! tangina right?

Pero karma's a big bad bitch! Dahil sugaps si lashenggong manong ay pinag-interesan niya ang floating surf board ni girl. So he make swim swim pero kinain siya into half ni sharky!

Bumalik yung 2 guy surfers para mag-surf. Nakita nila si girlay na nakilala nila last time. They attempted to make save her kaso medyo gutom pa yung pating kaya unfortunately, naging main course yung dalawa.

Nakuha ni ateng girlay ang GoPro nung isang surfer. So she made a video scandal... joke lang. Nag-bigay sya ng message para humingi ng saklolo at message na din sa fambam niya kung sakaling mategibels siya.

Tumataas na ang alalalalalon dahil maghihightide na. Kailangan na ni ateng na lumipat ng pwesto. Nakita niya yung floating metal kemerut sa gitna ng dagat.

Sink or swim ang dramarama ni ateng pero kailangan niyang maging sole survivor. Swimswimswim kahit hinahabol na siya ng shark at kahit na may mga jellyfish na lakas maka-sting.

Akala niya ligtas na siya sa kanyang new location. Pero epaloids padin si sharky. No choice si ateng kaya sugod mga kapatid at go big fight ang kanyang drama.

Nag-fight for survival si girl at eventually ay nanalo naman siya labas sa punyetakels na killer shark.

Remember yung bagets na nakahanap ng gopro? Well, tinawag niya ang kanyang papa na it turns out ay yung driver ng Grab-a-sasakyan na sinakyan ni girl. at nailigtas at nabuhay si ate girl.

And thus, nagtapos ang wento.

Score??? Um.. Bibigyan ko siguro ng 8. Like shutangina! Honggondo ng place at dehins knows na may punyemas na sharpeedo na andun. Okay lang naman, medyo maikli ang 1 hour and 20 mins. na film. Keri lang pero ewan, di satisfying yung death scenes.

Like.. okay naman yung pagkakakain dun sa gagong lasheng na muntikang nakawan si girl. Pero medyo walang impak yung pagkamatay nung dalawang guys. 

Saka kasalanan din talaga ni girl ang ganap niya. Like duh! Kung inuna niya ang pagkerengkeng na ang at nilandi-landi niya yung guy na isa instead na mag-paiwan sa gitna ng dagat, edi sana di niya mararanasan ang sakit at hapdi sa paa. Sakit at hapdi lang sa kanyang cloyster kung sakali hahaha.

At sa duration ng film, medyo distracting yung mga ganap na papakita yung instagram, text message, facetime at oras sa screen... jeske...

O sya, hanggang dito na lang muna. Next film na ang isasalang ko.

Take Care folks!

Sunday, August 7, 2016

Suicide Squad

Hello! It's me! Nagbabalik si Khanto sa kanyang bloghouse upang magdala nanaman ng sinalitype na anik-anik para sa mga nagbabasa pa ng blog.

Habang busy ang karamihan (kasama na din ako) sa pagchachase ng pokemon at ng pavements, ako ay nagpunta ng mall para manood ng peliks. 

Ang latest sa mga sinehan ngayon ay ang film na related sa DC universe. Yeah, DC... disconnected ganyan. Basta yung peliks na may kinalaman sa mundo nila Batman, Superman ganern. May title itong Suicide Squad!


Oo, alam ko may mga readers na allergic at masyadong sensitive in terms of knowing the details of the film hanggang di pa nila napapanood so ito ay isang babala! Alert! Alert! Alert! Wag magpatuloy kung shokot kang malaman ang ganap sa pelikula.

Pagbilang kong taklo, nakatago na kayo....

Isa....


Dalawa.....


Taklo!!!!


Ready ka na ba talagang mabasa ang review-reviewhan?

Okay... Let's Go!

Insert cool sountrack here.....

Papakita one by one ang mga bida sa peliks na ito. well, kinda. Basta konting patikim kung sino ang mga folks na kasama sa film.

Then ipapakita sa screen itong si Annalise Keating ng How to Get Away with Murder. Nagpalit siya ng wig kaya di mo sya mamumukhaan. May kausap siyang guy na di naman importante masyado sa film at ichichika-minute niya kung ano ang kanyang plan.


So ang sabeh ni ateng Annalise ay dahil sa recent na ganap na pagkamatay ni Superman, nangangamba (insert 'Kaba' song ni Tootsie Guevarra here) sila na baka nektaym ay may meta-humans na sumugod-sugod at maging kalabs.


So ang brillint idea ay gamitin ang mga bad guys upang sila ang gawing weaps/tools para kalabanin ang kalaban. And thus pinakilala isa-isa kung sino ang mga gagamitin nilang nilalangs.

Papakilala ko sila sa inyo, doncha worry.

Una ay si Agent J na nagchange career at naging isang Hitman for hire named Deathshot. Papakita ang kagalingan niya sa paggamit ng baril at backstory kung pano siya nahuli/nakulongs.



Then ipapakits ang rose among thorns na bad guys. Siya si Harley... Steve Harley chost. De... joke lungs. Si Harley Quinn. Papakita din ang story niya at ang lablab niyang si Joker.


Then pinangalanan din ang iba pang folks. Katulad ng isang guy na tough na mukang halimaw at mukang crocodile. Nope, hindi po siya kamag-anak ng mga congressman ng pinas. Siya ay may namesung na Killer Croc.




Kasama din ang isang guy na may kakayanan na magpalabas ng apoy. Nope, wala siyang brilyante ng apoy ni Pirena. As in inate ang kanyang prowess. Siya ay pinsan ni Human Torch. Ang name niya ay Diablo.



At last na pinakilala ay si Eric ng Divergent. Nagchange image siya at nagtago sa pangalang Captain Boomerang.



And so kailangang i-pitch ni Annalise ang kanyang project sa higher ups. At para convincing ang kanyang powerpoint presentation, kailangan may live demo kemerut.

Dito ipapakilala ang isang girlay na ang backstory ay isang archeologist na natuklasan ang isang kwebs at sinaniban ng entity named Enchantress.


Shepherds, di tatakbo ang wents kung walang kontrabida para sa mga kontrabida. So etong si Enchantress ay kupaloid na nakatakas at nagteleport kemerut at pinakawalan ang kanyang Brother. At sa kanyang pagpapalaya, sila ay nagpakawala ng supernatural stuff.

Kaya pinatawag na ang grupo ng mga bad guys at binigyan sila ng trackerjackers para madali silang matunton at pwede silang paslangin due to detonation thingy. Sila ay pinailalim sa command ng isang sundalong jowawits ng sinaniban ni enchantress na may name na Rick (hindi reyes ang apelyido).


Joiner din sa mission impossible ang isa ding katana/samurai-ish girlay na may maskara na nagngangalang Katana (nope, hindi yung kapatid ni Soka ng Avatar the Last Air Bender).


Isinama din ang isa pang kalabs na may namesung ns Slipknot pero sa kasamaang palad ay tsugibels agad sya. R.I.P.


Binigyan sila ng mission para iligtas ang isang importanteng folks. Along that mission, nalaman ng bida-kontrabids na delikads ang pinasok nila, at parang suicide ang gagawin nila. Thus ipinanganak ang grupong Suicide Squad.

Syempre pakitang gilas dapat ang mga bida-kontrabids kaya may mga fight scenes and gun scenes. Laban laban, o bawi bawi get get aw.

Then eeksena ang pagtatangkang pagligtas ng boyfie ni Harley na si Joker. So enter ang payaso.


At para sa climax, kailangang may #SquadGoals. Ito ay matalo ang kalabang si Enchantress at ang kanyang brothah.

At Nagtapos ang pelikula after ng fight scene. Hahahahah. Syemps di ko na idedetalyado ang mga ganap. Hello! Laki ng matitipid mo kung iwento ko lahat-lahat diba??? lols.

Score for the film?? Bibigyan ko siguro ng Suicide 8.8 ang film na ito. Hindi standing O pero hindi olats. Sakto lungs... Keri lungs. Sapat naman.

Good points:

-Magaling ang skills nila DeathShot, Harley Quinn, Katana.
-Oks naman for me ang portrayal kay Joker.
-Center of attraction ang role ni Harley Quinn.
-Okay din ang angas ni Annalise Keating.

Bad/ Meh points:
-Fonts... Yung pagpapakilala per characters. Magbabasa ka ng nakasulat sa screen.
-Kaderder yung parang mga blackheads na nagkatawang tao na kalaban.
-Since DC formula, may singit ng comedy pero for me it's a bit dry (nuks, may dryness??)
-Hindi ako na-move (o, wag literal ha.. i know mabigat ako at di talaga mamomove).
  what i mean is hindi ako masyadong nag-root para sa mga bida (except kay HQ).
-Di rin ako gaanong na-excite sa clue/hint para sa next movie nila. Like.... K.

Di na tinatanong kung kailangang panoorin sa sinehan or not. Dahil ang katotohanan na ito ay dedepende sa bulsa at attitude ng audience. Kung may datung, go! Kung tamad, malamang sa alamang pirats.

O cia, hanggang dito na lamangs. Tekker!



Monday, August 1, 2016

28 Weeks Later


For some unknown reason, medyo may gana akong magsulat ang maglagay ng content sa aking bloghouse. Siguro kailangang ibalik ang passion sa pagsusulat at pagwewento ng anik-anik.

For today, share ko lungs ang isang peliks na pinanood ko. Ito ay isang zombie themed film na syemps tungkol sa zombie...zombie...zombieee-uh-in your heaaaaad, in your heaaaaaad, zombie, zombieee in your lawn, theres a zombie in your lawn. (kudos kung nagets mo yung dalawang songs na minashup).

Magsisimula ang peliks sa isang bahay kung saan may mga group of folks na nagtatago sa kadiliman/nakakulong sa haus. Andoon sa balur na iyon ang mag-asawang inlababo sa isat-isa at ilang folks.

Then out of the blue may isang raymond bagetsing na nag tok-tok-tok isang milyong pasok sa door. Puso ang pinairal kaya pinapasok yung kiddo. But... may dalang kamalasan si bagets. Tila na tawag niya ang mga zombie sa safe place.

Ayun. Pak pak pak ganern ganern ganern at sumugod mga kapatid ang zombies sa haus. One by one, piece by piece, flesh by flesh ay kinain ang mga folks.

Nag-attempt tumakas yung mag-jusawa kaso makokorner na sila. Walang forever ang peg ng lalaki kasi iniwan niya at tumakas siyang mag-isa at hinayaan ang waifuuu.

Ang nakatakas na lalaki ay walang iba kundi si Rumpletiltskin.


Then chuva chuchu flash ng slight narative kung anong ganap per week after magkaroon ng outbreak ng zombiezombies. 28 weeks later, ang sabeh ay clean na... deads na ang mga otoko at merlats na nagtransformers to zombs.

Then, sa main city ng London Bridge is falling down, andun ang area na namumuhay ang mga clean na folks.

Then enter sa eksenabels ang dalawang chikiting patrol na it turns out ay junakis ni Rumpletiltskin. Then inquire mode sila sa kanilang pudrakels about sa kanilang Ina Magenta. Chinika minute naman ni rumple na tegibels na ang mudraks pero di niya sinabing iniwan nia ito.

Dahil some kids are just pasaway at pampam ever, tumakas ang dalawang bagets para puntahan ang old balur nila. Di daw maremember ni boy yung peslak ng kanyang mudrakels.  Like seriously? Wala silang naitabing pics?? 

Pagdating sa house, natagpuan nila ang kanilang mudrax. Somehow naka survive ito. Dinala sya sa facilty para i-examine at nalaman na infected ito pero hindi nagmamanifest ng symptoms ng pagkaulol.

Pero naguilty si Rumple at pumasok sa room ng infected waifu niya. At sila ay nag hot steamy sex! Charot! Hinalikan ni rumple ang kanyang wife at poof, he became coco crunch.

At nagkaroon ulit ng outbreak sa should have been safe place.

At sa pagkaroon ng kill spree sa mga affected at hindi affected, andyan sa eksena si Dr. Moira ng X-Men apocalypse na isang doctor na nag-aaral sa zomvirus. Siya ang nagtangkang iligtas ang pasaway na mga bagets.


Eeksena din si Hawkeye na isa din sa tutulong para makatakas ang mga pahamak at puno't-dulo ng outbreak. Sila ang mag-eescape mode.


At dyan ko na muna puputulin ang wents... hahahahah.

Kung sa simula pa lungs ay tinigok na yung dalawang bagets na tumakas at hindi nagfollow ng rules, edi sana walang outbreak. So lesson of the story, pahamak ang mga kiddos. hahahahahaha.


No score for the peliks... nabwisit kasi ako sa kaepalan ng bagets. Pero infer, cool yung part na inararo ng elisi ng helicopter yung mga zombies. So bigyan ko ng score na 8.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!