Sunday, December 17, 2017

Star Wars: The Last Jedi

In a Galaxy Far Far away.... teletubbies, come to play... Tinky winky, dipsy, lala.. po... charot! Hellows mga folks, heto nanaman me at nagsasalitype para magbigay ng isang hindi makabuluhang movie review.

Dahil papalapit na ang kapaskuhan at heaven knows nio na padating na ang MMFF wave, eto na ang final week para manood ng foreign film.

SO therefore di na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumunta na ako sa suking sinehan upang manood ng latest pelikula ng Star Wars: The Last Jedi.


At dahil napanood ko yung peliks, shempre may review-reviewhang ganap nanaman sa bloghouse na ito kaya naman sa allergic sa spoilers at wento tungkol sa pelikula, nakopo, paki-close na tong blog na ito or pumikit ka na langs muna.

Ready ka na ba???

okay...

Insert scrolling text sa pagsisimula ng pelikula. O dapat kabisado nio na yan dahil kailangan nio talagang magbasa ng kinda summary chuchu sa pagsisimula ng film. Kung di kayo marunong magread, matanong nio na lungs sa katabi niows sa sinehans.

Then papakita na ang rebellion groupies na making atake sa isang mother shippy ng kalabs. They make battle in space with pew-pew-pew-chu-chu-chu. Tapos ang pilotong si Poe ay make a decision to make warla mode make pa-suicidal decision chenes.

Poe??

On somewhere down the road naman, makikita ang bida-bidang si Rey na nasa place ni Master Bater este Master Jedi Luke. Magpapa-teach me how to dougie kasi si Rey on how to be you po.

Rey??

Luke??

Tapos balik sa galaxy space chenelyn, malalaman na ang mga kalaban ay may powers para masundan ang tumatakas at pumupuslit na rebellion army. Oh noes! Wala silang kawala. Tapos naaksidente pa ang leader ng grupo na si Leia.

Leia??

Tapos eeksena na etong si Finn, mamimeet nia etong si Rose na may nadedsung na kapatid. Hinakala nia na tatakas etong si guy so may ginawa siyang something.

Finn??

Rose??

Then nakaisip ng plano sila Finn and Rose para makatakas ang rebellion group sa kamay ng kalaban pero kailangan nilang maghanap ng som technician chuva somewhere/some planet.

Going back sa lugar nila Luke at Rey, pagbibigyan na ni koyang Luke na ituro ang Force. SO inilabas  niya ang blackboard at binigay ang formula.

Force??

Tapos papakita din na somehow, nagkakaroon ng connection chenelyns etong si Rey at si Kylo Ren. May esp chuchung ganap.

Kylo Ren??

Then magkakaroon na ng climax chenes at the end!

Harharhar. Anong hakala nio, ikwekwento ko lahats? Nope, pang P205 petot lang po ang kaya kong i-spoil. Sayang kasi kung ichihicka ko lahat ng ganap. hhahahaha.

Para sa akin, bibigyan ko ito ng score na 8.9. Good pero good lungs. 

Ewan ko ha, maganda naman. Pero kung icocompare ko to sa Rogue One last time, mas may kurot yung last year.

Di ko masyarowng trip ang mga eksenang:

-Finn at Rose. Yung byahe nila dun sa isang planeta para hanapin yung someone na needed is kinda bland for me. Naks, bland daw oh??

-Yung laban ni Finn at Captain Phasma. 

-Ang labstory ni Finn at Rose.

-Anything related kay fynn hahahahahah.

-Kylo Ren na kamukha ni Professor Snape.

-peslak ni Supreme Leader Snoke.

Over-all okay naman pero siguro mas aantayin ko na lang yung next episode. haahahaha

O sya, hanggang dito na lang muna.

Take Care and May the Force Be with you.

Sunday, November 19, 2017

Justice League

Nangangalahati na ang buwan ng nobyembre at konting kembot na lungs at padating na ang december kung saan magiging talamak na ng todo ang christmas shenanigans dito sa atins.

At bago pa man dumating ang moment na puro pelikulang pilipino, sulitin na ang panonood ng foreign films so heto at meron nanamang movie review-reviewhan for today.

This week, kapapalabas pa lang sa silver screen ang pelikula ng mga superheroes. Nope, hindi po ang squad goals nila Kap. Sa ibang grupo po ang tinutukoy ko... ang grupo ng DC.

So last Tarsdei, avail na sa suking mall ang film. Pero symps, inantay ko munang mag-restday ako para makapanoods.

And thus eto na......

Warning... Spoilers ahead! 


Magsisimula ang peliks sa isang inerview ng bagetsings kay Superman.... noong ito ay buhay pa. Chenes chenes from the kiddielets tapos pakita sa peslak ni Kyah Superman. Then, knows mo na dapat na tegibels na si Superman.

Then eeksena na ang si koyang naka black suit. So he make laban laban against sa isang mala-cockroachieXMosquitoie na something.


Then enter the scene din si ateng amazona na making laban laban naman against terrorist chuva-chuchu na nais magpaboomboompow ng building.


Tapos matutuklasan nila Batboy at Wondergurl na may kalaban na papadating at kailangan nilang mag-recruit dahil may pa-incentive galore si Mayora. Charots. Syempre, alangan naman na 2 lang silang mag-fi-fight-fight-fight. Kenat be tutubi.

Da who ang mga recruits? Mga nilalang na may powers din. At isa-isa silang makikilala in a very light way at not in heavy-ready super dragging flashback.

Una ay si Flash. Ang guysung na simbilis ni Quicksilver lols. Sya ay may backstory about sa pudrakels niyang nasa kulungan thingy.


Next naman ay si Koyang Cyborg. Siya ay nasa bingit ng kamatayan kaya naman ginawa siyang robotic ng kanyang pudraks. May kakayanan si kuya sa mga techie thingy like hacking your FB account and stuff.


Ang pangatlo naman ay si miyembro ng grupong kumanta ng 'Dr. Jones', 'Lollipop' at 'Barbie Girl', si Papi Aquaman. Siya ay galing sa Atlantis.


Kaya binuo ang grupo ay para kalabanin ang evil kalaban na may name na Steppenwolf. Who ever he is na may sungay thingy at scary face na parang sinabuyan ng acido o ng kumukulong tubig.


Ang kalabs na ito ay nais sakupin ang world na nabigo niyang gawin nuon dahil natalo sya. So nag mala-McArthur sya at nag-IShallReturn. Nais niyang mabawi ang 3 cubes na tinatawag na Trinity thingy.

Ang 3 cubes ay nasa pangangalaga ng taklong race na nakatalo noon kay Stepp, ang Amazons na fambam ni Wonderwoman, ang Atlantians na family ni Aquaman at ng human race.




So ano na nangyare? di kakayanin ng lima ang powers ng kalaban kaya naman naisip nila na buhayin ang patay.... segway lungs, Pede nio ding mabasa ang fiction story ko na 'Huwag Mong Buhayin ang Patay'.

Bubuhayin nila ang Nanay ni Batman joke. Syemps, si Superman. They make ritual chuchu purang bumalik ang pintig ng puso ni Man of Steel.

And for the climax, shemps, laban laban na ng Justice League against the villain. Then the end.

Score for the film? Mas higher sa Batman Vs Superman at level sa Wonderwoman. 9.3.

I like it. Di sya masyadong drag at di masyadong madilim ang pagkaakagawa. Pleasing sa mata ang panonoods. Di super dry dahil may nerdy attitude si Flash. 

Tapos masaya din at cool ang fight scenes. Yes, you kinda napanood mo na ang action sa film ng Wonderwoman pero for me nagpadagdag ng action yung fight scene sa tubig for Aquaman. 

Ang costumes din ng heroes ay magandang tignan. Dehins super tingkad na spandex.

Ang nagpabawas ng score for me... yung lechugas na fambam na for some reason, nadamay dahil nakatira sila near the spot kung saan nag base ang kalaban. Puchragis, sagabal sila sa laban eeeee. hahahahah.

And may pa-Blues-clues at the end of the film. Spoiler... Yung bwakinginang si Lex Luthor na mala joker attitude ay nakawala at bubuo ng sariling Villain League.

Sulit naman ang bayad sa sine for this film!

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care and God Bless.

Sunday, November 5, 2017

Thor: Ragnarok

Hello guys! Kamusta na? Sobrang tagal na pala from my last post... imagine, August pa yung last na kwento ko! maygulay!

Heniway hiway, andito nanaman ako to make some general clearing ng agiw sa aking bloghouse kaya naman heto ako at tumitipa at nagsasalitype nanaman ng kung anik anik na tumatakbo sa aking isip.

Para sa araw na ito, balik tayo sa movie review-reviewhan ng peliks na recently ay available sa ating bansa. Delay ako ng 1 week sa pagpanood dahil busy ako sa real life with different reasons. 

Kahaps, dahil restday ko at solo mode ako sa bahay dahil nasa Australia ang fambam ay umalis ako ng bahay kubo at pumunta sa syudad upang makapanood ng pelikula. Ito ay ang palabas mula sa Marvel at ang ikatlong peliks ng hero na may lahing karpintero dahil may hammer na dala, si Thor.

Pero bago ko ipagpatuloy ang sasabihin ko..... Babala! SPoilers ahead. Kung di ka pa nakakanood at abangers ka pa sa free downloads or sa DVD copy sa bangkets then this is not for you. Close mo na yang browser mo.

Pero kung desididuuuuuuu na yuuuuu, let's go sago!


Magsisimula ang wento kay Thor na nasa isang place na may makakalaban syang demon thingy chuva. Then some lines and pacomedy then may fight scene na magpapakitang gilas ang ating bida with his fighting skills.


Then pupunta na sa asgard. Malalaman na si Loki ang nagpapanggap na king ng asgard at dadalin ni Thor ang kanyang kapatid sa Earth upang hanapin ang kanilang dadikels na si Odin... Kapatid ni Otin charots.



Pero matetegibels ang pudraks nila Thor at Loki. Pero bago siya lumisan, isang malaking sikreto ang malalaman.... May panganay na anak ang kanilang daddeeeey! Maygash pulgas, may older sisterets ang dalawa at makakalabas ito from banishment kapag na tsugi ang tatay.

At dahil na dead na si lolo, ayun na nga, lumabas na ang Teh gurl. Nagpakita na sa kanyang kapatids ang panganay na si Hela (hindi Padilla ang apelyido). 


Kailangang pigilan nila Thor ang kanilang Teh, so they make laban. Ibinato na ni Thor ang kanyang Hammer na Mjolnir pero nasalo ito at nasira.

Nagretreat sila Thor at nagpa-warp pabalik ng Asgard subalit nasundan sila ng sister nila at nagkaroon ng battle while teleporting at ang nangyari ay na-talo si Thor and Loki at napadpad somewhere out-there.

Si Hela ay nakadating sa kanyang homeland, at nagsimula na syang angkinin ang dapat ay sa kanya. Binalak siyang pigilan ng mga Asgardian Warriors pero imba ang lakas ni gurl. Nadeadsung ang Warrior 3 na sila Volstagg, Fandral at Hogun. 


At ng masakop na ang palasyo ni Hela, hinanap niya ang espada ni Juan dela cruz este yung sword na susi para makapunta sa ibang dimensyon. Pero di niya ito mahanap dahil nasa kamay ito ng gatekeeper na si Heimdall.


Habang nasakop ang bayan ni Thor, si KyahPembarya naman ay napadpad sa smokey-mountain thingy. Dinakip sya ng isang black gurl at ibinugaw este ibinenta bilang warrior sa isang Arena (hindi po sa Moa).

Dito makikilala ang Grand Master ng lugar. Sasabihan niya si Thor na para makaalis ng place, kailangang matalo ang warrior at champion.


Ginupitan si KyahThor ng buhok at inilagay na sa battlefield arena para kalabanin ang pinaka malakas na warrior ng lugar. Dito na malalaman na ang warrior ay kulay green at isang monster...



Tapos while on the smokey-mountain-arena-thingy, may matutuklasan na lihim, si black/brown gurl na nambugaw kay Thor ay isang Asgardian na isang female warrior called Valkyrie (hindi yung club).


Magagawan ng paraan ni Thor na makatakas sa lugar kung saan siya ay ginawang warrior at nagtangkang bumalik sa kanyang place para talunin ang kanyang ate.

At dito ko bibitinin ang wento dahil ayoks ko ichika lahat-lahat dahil sayang ang ibinayad kong 270 petot na pampanood ng peliks (gosh, ganun na pala kamahal ang panood ng sine).

So ang score ng peliks, bibigyan ko ng mga around 8.9. 

Okay naman for me ang film, may action, may comedy, may kurot ng konting drama at etsetera.

Pero kaya di umabot sa 9 ang score, ay sa pagka-imba ng main kalabs na si Hela, ay, napaka-downer ng paraan para matalo siya. 

Nagplus points lang for me ng ipinakita si Dr. Strange sa first part ng film tapos hindi na mukang dugyuting Kyahpembaryah si Thor with his new haircut.

O sya, hanggang dito na lang muna.

Take Care!

Saturday, August 12, 2017

Pagbalik sa Korea Day3

Hello Hello at isa nanamang hello sa inyong mga madlang folks. Heto nanaman at sabadabado at wala namang masyadong ganap sa jopisina kaya naman ay heto ako at nagsasalitype nanaman para malagyan ang aking bloghouse.

Sa araw na ito ay ang karug ng aking byahe sa bansang korea. So wag na tayong magpatumpiktumpik pa. Let's get it on.

June 27, 2017.

Maaga-aga kaming gumising dahil kumuha kami ng tour thingy sa korea. Ang usapan ay 9am ay susunduin na kami so before pa mag 9 ay nakapag-almuchow and prep na kami.

Mula sa hotel na tinutuluyan ay sinundo kami ng aming guide and driver na 2 in 1. Ang namesung niya ay si AJ.

So sumakaylaloo na kami sa private van at bumiyahe ng mahigit isang oras papunta sa unang destination. Ito ay ang Petite France.



Napuntahan ko na noon itong place na ito kaya knows ko na ito ay isang mini french village chuva na kayang libutin within 1 hour and so.






Dito sa place na ito nag-shoot ang korean dramas like Secret Garden, at My Love from the star. Makikita din sa place na ito ang anik-anik about sa isang famous children book na 'The Little Prince' na sinulat ni Antoine de Saint Exupery.




After ng Petite France ay gumorabels naman na kami papunta sa port na papuntang Nami Island. Mga 30 mins. drive din yun at pagdating ay medyo di matao di tulad ng last time na punta ko doon.





Nagride kami ng Ferry (hindi Katy ang name) na nasa 10-15 mins. At naka-apak na kami sa Nami Island. Insert 'Endless Love song here from GMA noon) tenenennnnnn...tenenenenenenennnn...





Ikot-ikot sabi ni 'Te Sarah at natagpuan din ang place kung saan nag-kiss si Jun Kang at Janice ng Winter Sonata. Ito ay ang KDrama na nagpasikat ng husto sa place na itwu. Makikita din here ang estakwa ng dalawa.










Tapos dahil may mga thundercats na kasama sa byaheng korea na madaling maging pagoda wave lotions, sumakay kami ng Thomas the train so that di na sila mag walk.walk.walk.walk.walk (tune ng song ni rihanna).




Afterwards ay umalis na kami ng Nami Island at nagdrive naman kami sa Rail Bike chuvachuchu sa Gyeonggang Station. Perstaymer ako dito sa place na itwu.

Dito ay mag bibike along the riles ang ganap. Pero dahil senior citizen na yung dalawang kasama namin, ako at si koyang tour guide ang nag-padyak mode at yung dalawa ay sitting pretty lungs enjoying the view ganyans.









Majirap ang magpadyakels ng bike lalo na at long leggedness ka pero waley magagawa dahil andyan na yan eh. Pagoda kung pagoda.

After 1 hour ng pag-bike (papunta at pabaliks) along the LRT, tomjones na ang madlang folks kaya naman ay nag-lunchness na kami kahit its late na, mga 3pm na.

Pumunta kami ng isang resto at kumain ng Dak Galbi. Stir-Fry marinated diced chicken in a gochujang based sauce and sliced cabbage, sweet potato, scallions, onions and tteok. Shala ng description ng kinain no?







Matapos kaming mabondats at mabusog, byahe nanaman at ang last destination ay ang Garden of Morning Calm (another perstaym).

Malaki ang place na ito at preskobels dahil sa nature. Dito nag-shoot ang Kdrama na Love in the Moonlight. 








Di nga lang kami nakapunta sa actual korean theme place dahil may nagshoshooting na drama kaso di namin knows anong name.





Matapos ay back to hotel na kami at nag Kanya-kanyang dinner na kami. This time, ang triny ko naman ay mga desserts sa Myeongdongs.





At dito na natatapos ang byahe sa Day3. Hangang dito na lungs muna, TC!