Saturday, August 12, 2017

Pagbalik sa Korea Day3

Hello Hello at isa nanamang hello sa inyong mga madlang folks. Heto nanaman at sabadabado at wala namang masyadong ganap sa jopisina kaya naman ay heto ako at nagsasalitype nanaman para malagyan ang aking bloghouse.

Sa araw na ito ay ang karug ng aking byahe sa bansang korea. So wag na tayong magpatumpiktumpik pa. Let's get it on.

June 27, 2017.

Maaga-aga kaming gumising dahil kumuha kami ng tour thingy sa korea. Ang usapan ay 9am ay susunduin na kami so before pa mag 9 ay nakapag-almuchow and prep na kami.

Mula sa hotel na tinutuluyan ay sinundo kami ng aming guide and driver na 2 in 1. Ang namesung niya ay si AJ.

So sumakaylaloo na kami sa private van at bumiyahe ng mahigit isang oras papunta sa unang destination. Ito ay ang Petite France.



Napuntahan ko na noon itong place na ito kaya knows ko na ito ay isang mini french village chuva na kayang libutin within 1 hour and so.






Dito sa place na ito nag-shoot ang korean dramas like Secret Garden, at My Love from the star. Makikita din sa place na ito ang anik-anik about sa isang famous children book na 'The Little Prince' na sinulat ni Antoine de Saint Exupery.




After ng Petite France ay gumorabels naman na kami papunta sa port na papuntang Nami Island. Mga 30 mins. drive din yun at pagdating ay medyo di matao di tulad ng last time na punta ko doon.





Nagride kami ng Ferry (hindi Katy ang name) na nasa 10-15 mins. At naka-apak na kami sa Nami Island. Insert 'Endless Love song here from GMA noon) tenenennnnnn...tenenenenenenennnn...





Ikot-ikot sabi ni 'Te Sarah at natagpuan din ang place kung saan nag-kiss si Jun Kang at Janice ng Winter Sonata. Ito ay ang KDrama na nagpasikat ng husto sa place na itwu. Makikita din here ang estakwa ng dalawa.










Tapos dahil may mga thundercats na kasama sa byaheng korea na madaling maging pagoda wave lotions, sumakay kami ng Thomas the train so that di na sila mag walk.walk.walk.walk.walk (tune ng song ni rihanna).




Afterwards ay umalis na kami ng Nami Island at nagdrive naman kami sa Rail Bike chuvachuchu sa Gyeonggang Station. Perstaymer ako dito sa place na itwu.

Dito ay mag bibike along the riles ang ganap. Pero dahil senior citizen na yung dalawang kasama namin, ako at si koyang tour guide ang nag-padyak mode at yung dalawa ay sitting pretty lungs enjoying the view ganyans.









Majirap ang magpadyakels ng bike lalo na at long leggedness ka pero waley magagawa dahil andyan na yan eh. Pagoda kung pagoda.

After 1 hour ng pag-bike (papunta at pabaliks) along the LRT, tomjones na ang madlang folks kaya naman ay nag-lunchness na kami kahit its late na, mga 3pm na.

Pumunta kami ng isang resto at kumain ng Dak Galbi. Stir-Fry marinated diced chicken in a gochujang based sauce and sliced cabbage, sweet potato, scallions, onions and tteok. Shala ng description ng kinain no?







Matapos kaming mabondats at mabusog, byahe nanaman at ang last destination ay ang Garden of Morning Calm (another perstaym).

Malaki ang place na ito at preskobels dahil sa nature. Dito nag-shoot ang Kdrama na Love in the Moonlight. 








Di nga lang kami nakapunta sa actual korean theme place dahil may nagshoshooting na drama kaso di namin knows anong name.





Matapos ay back to hotel na kami at nag Kanya-kanyang dinner na kami. This time, ang triny ko naman ay mga desserts sa Myeongdongs.





At dito na natatapos ang byahe sa Day3. Hangang dito na lungs muna, TC!