Hey! Warrap?!! Kamusta naman sa nag-iisang reader ng blog na ito? It's been a while ng magpost ako sa bloghouse na ito so dapat lang na masundan naman ito. You know, para atleast masabing buhay pa ang blog na ito.
For today, balik nanaman po tayo sa isang movie review-reviewhan ng isang peliks na kakapalabas lamang recently sa mga sinehan. Ito ay ang pelikula ng isang superhero... almost superhero kinda movie. Ito ay ang Deadpool 2 (kung binasa mo talaga ang title ng post).
And as nakagawian na sa post ng peliks, para sa mga hater ng spoilers at takot ma-spoil pero anlalakas mang-spoil kapag sila ang nakakapanood ng mas maaga, pakyu po, charots! Joke lang, close mo na itong page na ito tapos maghugas ka na ng plato o kaya ay maglaba ng mga damit ganyans.
So without further ado, let's get it on!
Magsisimula ang anez-anez sa eksena kung saan si DP ay kumakalaban sa mga groupo ng mga mafia, gangs, groupies and stuff. So eksena ang bloody scenes and fight scenes and bang bang bang ng mga baril ekek.
Then papakita si DP na nasa isang room na binuksan ang gasul at hinandang pasabugin ang buong place habang siya ay nasa ibabaw ng mga flammable stuff and thingies. Then bboom bboom♫♪♫ !! Give it to you My nunnunnunnunnunnun nunbitssodajineun My teoteoteoteoteoteo teoch!
Tapos flaflashback na kung ano talaga ang ganap. It turns out, yung isang hinuhunt ni DP na member ng anik-anik na hinayaan niyang mabuhay ay nag-revenge chenes at sa kasamaang palad ay napatay nito ang jusawang labs na labs ni DP.
So saklap besh ang ganap ni DP at di ko kayang tanggapin ang soundtrack na nagplay at nasa stage si DP na hirap mabuhay, demotivated and shitniz.
To the rescue somehow ang friendship nia from X-men na si Collosus, at tinuring si DP na trainee thingy.
Tapos ang unang mission nila ay iligtas ang isang tabachingching na teenybopper na nag-aamok sa isang school chenelin with his fire power. and yada-yada-yada-yada.
Then mapapadpad sa kulungan ng mga mutant si DP with the teenybopper.
Tapos papasok na si Cable, ang junakis ni Cyclops from the future na nagbabalik sa past para patayin yung teenybopper.
and so meeeeh... tinatamad na akong ikwento yung sumunods na ganap. Basta ililigtas nila DP yung bagets sa kamay ni Cable tapos malalaman din nila ang reason bakit gustong mategi ni Cable si bagets.
The end.
ahahahahah. Oo, shortcut, panoorin nio na lungs sa piniratang tabing kung ayaw nio sa sinehan, walang pumipigil sa inyo. Choice nio yan.
For the score, I'm giving it 8.9. Same formulaic nung first movie. funny, astig, may madudugong eksena. Pero somehow sabi nga ni Kathryn.
And, nakakabwisit yung teenybopper na nililigtas nila DP. Bagets version ni Fat Amy. Seriously, during the movie, gusto ko talagang mapatay ni Cable yung batang yun. Punyetakels! Lakas maka-attitude.
Okay din naman with the introduction of Domino (hindi pizza ang apelyido). Sayang nga lang at short-lived yung ibang hero like shatterstar at vanisher lols.
Okay din for me yung last part ng movie where DP time travelled to kill the hideous deadpool sa X-Men movie na Logan and sa pagpatay ni DP kay Ryan Reynolds sa pag-accept ng role bilang si Green Lantern.
However, he movie falls under the category Keri lang. Sakto lang.
O cia, hanggang dito na lang muna.