Friday, October 11, 2019

Joker

Wazaaaaaaap! It's been so long na dumalaw me sa aking bloghouse and it's puno na ng agiw and alikabok. And so para naman magka-content ito at hindi ma hijack ng spam post thingy ay dapat makapag gawa ng laman. So heto ang isang movie review-reviewhan ng new film na palabas sa mga sinehan..... Joker.



And tulad ng nakagawian na, para sa mga allergic at hate na hate na may anghet sa spoilers, nako, close mo na itong page na ito at dahil di ito para sa iyow. so kung ready na, let's get it on!

Sa simula ay makikita bida sa movie na itatago sa namesung na Arthur. Sya ay naka-suot ng clown costume na nagtratrabaho somewhere upang magbuhat ng karatula ng isang ongoing clearance sale. 


Then for some reason, may mga bagetsung na napagtripan sha at inagaw ang kanyang signage at ito'y kanyang hinabol pero nabugbogBerna sya.

Then Malalaman din natin ang kwento ng buhay ni Arthur na meron siyang kinda sickness na di niya macontrol ang kanyang pagtawa and stuff like that.

And as the movie progress,  malalaman pa natin ang pinagdadaanang ganap sa buhay ng bida like nagwowworkworkworkwork sha sa isang comedy thingy group with other kakilala and etc.


Also malalaman natin ang ang story ng family thingy nia na inaalagaan niya ang kanyang mudrakels na mukang may thingy sa tatay ni Bruce Wayne.

Tapos everything is fallin' apart at mga misfortune and moments ang mararamdaman ni Arthur until dumating sa point na nakapatay sha ng kumuyog sa kanya while on a choochootrain.

All the mishaps happen. Nagbottleneck ang mga stress, failures, problems, etc until eventually hindi na nia kinaya at nagbago sha into something else. 

Shempre di ko na iwewento lahat lahat ng moments para naman makanood kayo at gumastos naman kayo no! quesejodang gumamit ng data sa free fb movie or dvd or manood sa sinehan mismo.

For this film, i give it a score na 8.8. It's not the usual bakbakan film coz it's related to a comic character and not boring in a way. Kinda kakaiba kasi it shows the problem with our society in a way.

It provides realization na sana we should be gentle and kinder to people.

Hahahaha.

O cia, hanggang dito na lungs muna!

TC!