Friday, October 30, 2020

Pinoy BL Series

 Hello, hello, hello! Kamustasa naman kayo ngayong lagpas anim na buwan na naka-quarantine ang pinas. Gash, antagal na palang nakatengga ako sa balur at lalabas lang kapag may bibilin ganyans or papacheck-up sa docs.

Well, its been a while since i made wento and post so kaya naman habang medjo di pa busy today sa work, ay gonna make some content here sa bloghouse na puro agiw. 

May post ako last june ata or may about sa mga ilang BL na napanoods ko na and for today, i'm gonna share more pero more on isang bagsakan na coz anhirap kapag isa-isahin pa lalo na kapag wala naman walang masyadong makomento.

Ang pinas ay medyo na-invade na ng boys love series kaya naman heto ang sampu sa mga umere or umeere ngayon online. Note na hindi lahat ng BL ay nakalista lalo na yung mga kapapalabas pa lang or coming soon.

1. Gameboys

Ang isa sa mga BL na nagsimula ng wave sa pinas. Eto ay tungkol sa isang Live stream gamer na si Cairo na biglang kinomentan or binakuran ng isang fan named Gavreel. Dito magsisimula ang panliligaw ni Gav kay Cai at pati ang rollercoaster emotions between them.

Eto yung series na patatawanin ka, pakikiligin, paiiyakin at anikanik. May split screen ganap dahil sa pandemic kemerut pero yung chemistry between the actors ay mahusay.

Pati mga sidecharacters ay di over sa pagkain ng air time at di masasabing junk foods na walang sustansya at mema lang.

9 ang score ng series na to for the 13 na episodes na nirelease nila (nadagdagan sa ideal episodes nila kasi kinagat ng madlang folks)

2. Hello Stranger

Eto naman ang second na BL na napanood ko. Kung saan similar din ang peg sa Gameboys na split screen kemeruts. Eto ay ang wento about sa kinda geeky freshman named Mico kung saan ipinartner sha sa isang Varsity Jock na si Xavier para sa isang subject project. 

Dito somehow magkakadevelopan ang dalawa while working on the project lalo na ng magbreak si Xavier at ang kanyang jowaers.

Ang series na ito ay sapat lang. May kilig, hindi heavy drama, walang kontrabida and such. Light series lamang ito and medyo light lang din ang side characters na kinda so-so lang ang ambag sa main characters. hhaha.

Score of 8 para sa akin. Sapat at sakto pero hindi super kakikiligan at medyo parang di connected in some level yung dalawang bida. Hanggang hug lang ang naganap.

3. In Between

Ang wento ng hidden ralation ng dalawang guy sa isang dabarkadahans. Si Tau at Otep ay may tagong pag-iibigan na nagpromisan na walang titibag sa samahan nila. Pero walang forever, bumitaw si Tau. Tapos after separation, umuwi from america si Otep at dito tila tutugtog ang kantang 'Muling Ibalik'.

Medyo slow ang takbo ng wento na ito and medyo slightly meh. Though may chemistry din naman ang bida pero parang nahati ang series sa dalawang pairs kasi along the next episodes lagpas epi8 na ata, siningit na ang hidden jowaers ng isa pa nilang dabarkads named Onin.

May score to na 7.5 na maitatawid naman na tapusin mo hanggang dulong episodes at di ka naman mapapa-fastforward sa panonood..

4. Boyband Love the Series

Isa sa nakisawsaw sa BL sensation ang serye na ito. As the name goes, ito ay tungkol sa boyband kung saan ang dalawang members na sa una ay nagclash ng personality ay magkakadevelopan. 

Acting wise, need pang mahasa ang mga pag-arte ng mga artist na kasama sa serye. Kumuha ng kinda pa-funny character with BrendaMage pero still, meh.

Nakaka 3 episodes pa lang to so baka may iaayos pa? not sure. hahaha.

Score na 6 for this.

5. My Extraordinary

Ang unang BL daw na ipinalabas sa mainstream media na TV5, yan ang birada at promote ng serye na ito na recently lang ipinalabas.

Eto ay tatakbo sa magschoolmate na si Ken at Shake na kung saan magkakaroon ng thing. So yun palang din ang takbo kahit sa trailer so di ko alam kung may i-eexpect pa bang something sa plot ng wento nila.

Though may mga vets actors named Yayo Agula at Jojit Lorenzo, medyo meh din for me ang palabas na ito. Sa 4 episodes, manonood ka na mapapa do ka pa ng ibang ganap like mobile games kasi parang hindi sha super attracting story.

Score na 6.5. Lamang lang ng onti to kesa sa boyband. hahaha.

6. Quaranthings

Ang serye na naka-revolve sa storya ng pandemic at quarantine. Ang storya ng magka-housemate/dormates na na stuck during Quarantine. Eto ay ang wento ni Judah na isang bekiloo na hindi over beks na beks at Rocky na bortaish na magkakaroon ng something while magkasama sa isang bahay ni koya.

Ksama sa cast si Gina Pereno pero walang masyadong impact sa story and somehow maisama lang hahah.

Sa 7 episodes na naipalabas na, may score to na 7. May times na okay pero may times na sablay hahaha. Somehow parang sige, pede na din factor kaya papanoorins. 

7. Ben X Jim

Isa sa mga bago-bagong BL na available online. Ang story ay tungkol sa magkababatang muling magkikita after ilang years na di magkakasama. Somehow may quarantine plotline din since well, its pandemic kemerut.

Ang cast ay artista na si Jerome Ponce at TJ Marquez kasama din si Kat Galang. 

For the initial 3 episodes, cool naman ang takbo. Hindi nakaka-asar, engaging naman ang takbo at somehow parang may spark kang mararamdaman between the 2 pero ramdam mo padin na straight ang dalawa though medyo effemish ang acting ni TJ for this series.

Score dito ay mas matataas kesa ibang nalista sa taas. So may score na 8 to for me. at baka tumaas pa ng konti to sa Hello Strangers kung magiging maganda pa ang mga next episodes.

8. Boys Lockdown

Gaya din ng pandemic thingy shenanigans ang bago-bagong series na ito. Eto naman ay tungkol sa dalawang guys na magkakakilala sa drugstore/convenience store (ayon sa unang episode). Walang masyadong makuhang plot story kahit sa trailer hahahah. May cameo si Auntie Julie ni Macoy Dubs sa unang episode.

Sa 2 episodes, muka naman okay ang wento. Medj maikli pero hindi medyo awkward ang feel and vibe while watching. Di rin cringeyyy kaya may potential.

For the meantime, nasa boundary ng 7.5-7.75 ang series na ito.

9. My Day

Medj pabongga at mega press release and trailer naman serye na ito. Ito ay tatakbo sa buhay ni Sky na mag-oojt sa isang kilalang company famed for cakes. Dito makikilala nia ang strict at pogitong bossing at supladits named Ace. And same sa themes ng mga series, magkaka-inlababohan ang dalawang guys.

Ang serye na ito ay good-bad-good-bad in a way. Hahahahahah. May mga eksenang need mag improve ng acting ang mga cast. Pero may times na nag-improve. Andaming side characters na walang sustansya sa story na basta maipasok lang like tita Krissy, kapatid, nanay, tatay, schoolmates, opismates, yaya, etc.

Andaming product placement similar sa mga thai bl pero awkward. hahaha. Daming nakakawisit din na eksena like yung bruhildang jowa ni Sky, ang mayordomang nag-aalaga ng aso, and others na naisasama sa mga episodes. 

Score na 7.5 though may pa-hot scenes kemerlut, most of the times, napapa-fastforward and skip na lang me dahil walang saysay ang ibang ganap. hahaha

10. Gaya sa Pelikula

At last ay dapat at par sa first at isa sa magandang BL now. Ito ay tungkol sa wento ni Karl na somehow may tradition thingy sa pamilya na magiging independent once nagbinata. Makikilala nia si Vlad na kanyang neighbor sa nilipatang place. Dito ay magtatagpo ang dalawa na eventually magsasama under sa isang house and the story will go on.

Impressive ang serye na ito kahit na nakaka 5 episodes pa lang. Steady ang story line. Walang nakaka-iritang characters. Mahusay ang song choices. Magaling ang acting powers ng leads and lines ay hindi pucho-pucho at basta-basta lang.

Tindi ng spark at vibes ng chemistry ng dalawa na nakakadala ng panonood. Perfect fit yung role ng dalawa and di awkward and walang cringe kang mararamdaman. Innovative din sa ending like the changes on the scene while nagroroll ang mga anikanik na names related sa series.

Maganda ang Gameboys pero palaban din itong Gaya sa Pelikula kaya naman kahit di pa kumpleto ay may score na itong 9.1 for me. Hehehehe. Kahit ulitin ko ng 2-3x yung episode, andun padin yung magic ng sandali. Icombo pa ang tumatagos na OST per episodes.

Heto naman ang ilan sa hindi naisama sa listahan na nasa low rank hahahahaha.

Vincentimenish peg, di ko na tinuloy

Medj awkward, we'll see if papanoorin pa
Chararat ang sounds/audio, pass

O cia, hanggang dito na lang muna! TC!

Sunday, September 13, 2020

Virtual Window Shopping

 Hello! Kamusta? nagdaan ang 9.9 at ako'y di nakaiwas na bumili ng anik-anik. at while andaming magagandang items sa lazads, shemps di ko naman mabibili ang lahat. Napabili lang ako ng ano ang trip ko.

And with this, medyo popost ko lang ang mga items na bet ko pero hindi ko mabili. hahahaha. Most ay mga chinese/japanese inspired get-up. Ewan ko ba, parang na-eentice ako sa mga ganong looks. hahahaha.

O cia, heto lang naman ay kinda storage lang ng mga items na gusto kong bilhin if ever na bilyonaryo ako. else, hanggang window shop muna.
















O cia, hanggang dito na lang, nilagyan ko lang din naman ng laman tong blog kong tigang hahhahah. Always take care and be healthy guys.


Sunday, August 2, 2020

Travel Memoirs


Agosto na pala! Medj antulin ng araw na nasa balur ka lang at nag-aabang ng balita na tapos na ang covid ganap. Yung sana wala nang sakit na covid na nakakahawa o kaya naman sana ay may lunas na or bakuna para di ka tamaan ng sakit na ito.

Pero habang patuloy pa lamang sa pagdadasal na di tamaan ng sakit ang mga mahal natin sa buhay at mga kakilala, may mga bagay na napapaisip ka while on quarantine. Yung mga bagay na namimiss mo noong mga panahong normal pa ang ganaps.

Around 2 years after kong matanggap sa work nagsimula ang isa sa bagay na medyo nakahiligan ko, ang bumiyahe or sa ingles ay Travel... nuks.... Dahil dakilang kaladkarin ako, kapag may mag-aaya ng booking at byahe ay gorabels me para naman makapamasyal kung saan.

At dahil sa covid thingy, mukang ekis ang magbyahe sa panahong ito at pati sa mga susunod na buwan. At medyo party pooper ang ganap kasi yung nakalatag na plano for this year, poof, it became coco crunch.

Sa FB, kung saan madalas akong tambay ay sa memories na lang ako nakakakuha ng mga alaala ng aking byahe kaya naman naisipan ko na magsulat at magpost sa mga lugar na aking napuntahans.

Cebu


Isa ang Cebu sa una kong solo travel noon. Eto yung time na sobrang murakels ng plane tix due to seat sales at nakascore ako ng tix na worth 300 lang. So sariling attempt ng Itenerary at konting tanong tanong at help from a blogger friend na taga Cebu kaya naman naka-survive ako sa lugar na ito. 

Ang nakakamiss sa Ceu trip ay ang Whaleshark watching at swimming. Kakaibang experience for me na makalangoy ng side by side sa mga dambuhalang isda. Kakamiss din ang lechon sa lugar ng Cebu saka dried mangoes ganyans.

Ilocos


Sunod naman ang aking solo adventure sa northern luzon area, ang Ilocos. Eto naman yung biglaang byahe ko dahil kakaiba ang transition schedule ko sa work. 4 na Restday ang magkakadikit. Kaya ang ginawa ko ay nagwithraw ng agad ng pera, empake ng gamit at diretso sa bus station byaheng Ilocos.

Sa tulong ng isa din blogger friend na nag solo backpak sa ilocos, nakakuha ako ng phone number ng pedeng kontakin para sa matutuluyan at travel tricycle. So nag Ilocos Norte at Ilocos Sur Tour ako sa panahong ito.

Nakakamiss yung beach bumming sa pagudpod tapos kakain ka ng kornik ganyans tapos ikot-ikot sa Vigan na feeling mo nasa spanish time ka.

Davao


Dahil feel kong maging independent person sa pagbyahe kaya naman nakapag solo flight ako papunta sa Mindanao area which is Davao. Ang highlight ko sa byahe dito ay ang pagpunta ko sa Samal Island which is kinda secluded island na kokonti lang ang tao (during ng punta ko).

Payapa, tahimik, wala kang kakilala at lublob sa tubig lang at kain-kain ang ganap. Tapos kasama pa ang durian candy (nope, di ko triny yung fruit hahaha). Solb ako sa byaheng to.

Zamboanga


Last year, sumama ako sa byaheng Zamboanga with my friend at ang ganyang GF. Yes, 3rd wheel is life lols. So lumipad kami papuntang Mindanao area ulit at nagbeach sa Malamawi Island.

Kasa din sa byahe ang pagpunta sa Pink Beach na kilala ang Zamboanga at pati nadin ang pagdalaw namin sa Basilan. Payapa naman ang bagay-bagay ng magbyahe kami doons.

Batanes


At kasama sa listahan ang Breathtaking Batanes na talagang superb sa ganda para sa akin. Walang katulad yung scenery. Yung mapapa-woooooow ka talaga sa makikita ng iyong mga mata.

Eto ang lugar na walang krimen at talaga namang napaka-payapa ng lugar na ito. Kung pede lang talagang mag over-over-overstay dito noon o kaya dito manirahan, ginawa ko na. hahahahaha.

Shemps may iba din na place na nakakamiss tulad sa....

Siquijor

 Masbate

Leyte

Sagada

Coron

 Boracay

Siargao

Bohol

Iloilo

Bicol

Oh sya, hanggang dito na lang muna for Local Travels. Nektaym naman yung sa labas ng bansa.

Take Care!





Tuesday, July 28, 2020

2Moons 1 & 2

I'm back. Dahil bored in the house bored in the house bored at wala pang series na mapanood kaya naman may time magsulat ng post dito sa napaglumaang bloghouse na ito.

For today, pagpatuloy natin ang theme ng mga post for the past few months na nakakapagsulat ako while on Home Quarantine na dala ng punyetakels na Coviduvidapdap. SO another Thai Boys Love nanaman ang ishashare ko. For this post, 2 seasons ang post pero may eksplanasyon naman somehow.

2 Moons


Ang series na ito ay magsisimula sa isang boylet named Wayo (hindi Wayonaise). Nag-apply sya sa isang University and kabado ang lolo nio kung nakapasa sya or hindi. Dito malalaman na kaya niya nais makapag-aral sa University na bet nia ay dehil andun ang kanyang crushie from High School na ahead sa kanya ng 1 year.

Wayo

So nakapasa nga ang lolo nio at doon na sha sa University. At dito ay magcrucruz ang landas muli ng kanyang crush named Phana (hindi sya indian na kakana-kana, tatlong betlong aalog-alog). Pero for some reason, medyo may slight di pagkakaunawaan within him at ng kanyang bet na otoko.

Phana

Sa campus, merong kinda contest shenanigan for Star and Moon (parang beaucon na ewan for boys and gurls ng different department). Dito ay napasabak si Wayo kasi sya ang representative ng College of Science at makikipagtagisan sya sa ibang Colleges.

During Training and preparation sa contest, mukang magkakaigihan ang dalawa dahil si Phana ay ang reigning Campus Moon at isa sa parang mentor para sa ew batch ng Moons. At it turns out, may crush din pala ang crush ni koya Wayo nio.

Kasama sa story ang Beshiewaps ni Wayo na si Ming na as the story goes ay magkakagusto sa friend ni Phana named Kit.

Ming

Kit

At para medyo may love trianglish na ganap, may nagkagusto kay Wayo na senior nia, sya si Fourth. Tapos kasama din sa wento ang isa pa sa friend ni Phana named Beam.

Fourth

Beam

2 Moons 2


For some wierd reason regarding the series na ito, ang season 2 nia ay revamped with new cast. SO kung medj familiar na kayo sa mga actors sa unang series, ekis, kailangan masanay sa new cast.

Same story lang naman halos, pero yung 12 episodes ng season 1, kinda compressed to episodes 5-6. So medyo fastpaced kasi kung napanood mo na yung S1, knows mo na yung ilan sa kaganapan.

Ang dagdag dito sa season 2 ay ang progress sa lovestory ni Wayo at Phana at kasama na din ang lovestory ni Ming at Kit at ang love story ni Fourth at Beam. So 3 couples ang nasa season na ito which is not bad.


For Season 1, ang score ng series ay nasa 4.1/5. Not bad, pero may kinda awkward vibes between the loveteam. May connection at spark pero walang masyadong impact. 

For season 2, ang score ay 4.3/5. Dahil mas may progress ang wento at may character development ang ibang couples, mas mataas ng bahagya.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Ingats!