Tuesday, July 28, 2020

2Moons 1 & 2

I'm back. Dahil bored in the house bored in the house bored at wala pang series na mapanood kaya naman may time magsulat ng post dito sa napaglumaang bloghouse na ito.

For today, pagpatuloy natin ang theme ng mga post for the past few months na nakakapagsulat ako while on Home Quarantine na dala ng punyetakels na Coviduvidapdap. SO another Thai Boys Love nanaman ang ishashare ko. For this post, 2 seasons ang post pero may eksplanasyon naman somehow.

2 Moons


Ang series na ito ay magsisimula sa isang boylet named Wayo (hindi Wayonaise). Nag-apply sya sa isang University and kabado ang lolo nio kung nakapasa sya or hindi. Dito malalaman na kaya niya nais makapag-aral sa University na bet nia ay dehil andun ang kanyang crushie from High School na ahead sa kanya ng 1 year.

Wayo

So nakapasa nga ang lolo nio at doon na sha sa University. At dito ay magcrucruz ang landas muli ng kanyang crush named Phana (hindi sya indian na kakana-kana, tatlong betlong aalog-alog). Pero for some reason, medyo may slight di pagkakaunawaan within him at ng kanyang bet na otoko.

Phana

Sa campus, merong kinda contest shenanigan for Star and Moon (parang beaucon na ewan for boys and gurls ng different department). Dito ay napasabak si Wayo kasi sya ang representative ng College of Science at makikipagtagisan sya sa ibang Colleges.

During Training and preparation sa contest, mukang magkakaigihan ang dalawa dahil si Phana ay ang reigning Campus Moon at isa sa parang mentor para sa ew batch ng Moons. At it turns out, may crush din pala ang crush ni koya Wayo nio.

Kasama sa story ang Beshiewaps ni Wayo na si Ming na as the story goes ay magkakagusto sa friend ni Phana named Kit.

Ming

Kit

At para medyo may love trianglish na ganap, may nagkagusto kay Wayo na senior nia, sya si Fourth. Tapos kasama din sa wento ang isa pa sa friend ni Phana named Beam.

Fourth

Beam

2 Moons 2


For some wierd reason regarding the series na ito, ang season 2 nia ay revamped with new cast. SO kung medj familiar na kayo sa mga actors sa unang series, ekis, kailangan masanay sa new cast.

Same story lang naman halos, pero yung 12 episodes ng season 1, kinda compressed to episodes 5-6. So medyo fastpaced kasi kung napanood mo na yung S1, knows mo na yung ilan sa kaganapan.

Ang dagdag dito sa season 2 ay ang progress sa lovestory ni Wayo at Phana at kasama na din ang lovestory ni Ming at Kit at ang love story ni Fourth at Beam. So 3 couples ang nasa season na ito which is not bad.


For Season 1, ang score ng series ay nasa 4.1/5. Not bad, pero may kinda awkward vibes between the loveteam. May connection at spark pero walang masyadong impact. 

For season 2, ang score ay 4.3/5. Dahil mas may progress ang wento at may character development ang ibang couples, mas mataas ng bahagya.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Ingats!

Saturday, July 11, 2020

Theory of Love


Hello! Kamustasa na kayo mga madlang peops. It's been almost a month ng last post ko kaya naman heto medyo bored in the house kaya naman naisipan ko na magsalitype at magwento ng isang series na napanood ko 2 months ago pero ngayon lang ishashare hahaaha.

Still part of lakorn or thai series at part padin ng boys love series dahil wala pang magandang mapanood sa netflix. 

Okay, so sa title ng post na to, dapat knows nio na ang namesung ng series ay 'Theory of Love'. And it goes something like this.

Ang focus ng wento ay medj tungkol sa apat na guysung na magkakaibigan na nag-aaral sa isang kolehiyo na relate sa mass media kinda thing.

Dalawa sa apat ay medyo beshiewaps. At sila ang main na bida sa story. 

Khai

May guy named Khai na isang chickboy sa campus. As in lahat ng department and colleges ay meron syang naka-date at nilandi. From medicine, to agriculture to fishery ganyan. As in every now and then  ay nagpapalit sya ng chikababes.

Third

Heto naman si Third, ang bestfriend ni Khai. Isa syang vlogger keme na nagrereview ng mga films anik-anik. Si koya Third ay may isang lihim, may one sided love sya sa kanyang friend na tagal na niyang tinatago like for years.

So dito na iikot ang dramalalala between the friendships. Paano kapag fall na fall ka sa beshy mo pero kups at playboy ang bet mo. Aside don, paano kapag nalaman mo na binigyan ka ng signs and hints ni crushie mo para lang malaman kung may gusto ka nga sa kanya o hindi.

Two

Un

Kasama sa wento ay yung other friendship nila like etong si koya Two na inlabs sa isang bebot na merong jowa pero in the end najulog ang loob sa isang guy named Un.


Tapos ang last sa apat na magkakaberks ay si Bone na nahulog naman sa isang girlaloo na kanyang nakilala na it turned out ay professor nia sa isang class at si ateng ay may fiance.

Etong series na to ay medyo light pero may drama na aantig at mapapa-awwww ka. Katulad ng eksenang nangako si Khai kay Third na sasamahan nia ito manood ng peliks pero hindi sumipot si guy dahil may kalandian at nagkita sila sa mall.... ouch.

Para sa series na ito, bibigyan ko to ng 4.5/5 na score dahil mahusay ang story line at strong ang acting powers ng mga characters. 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care guys!