Sunday, February 26, 2023

Lipat Bahay


 It's been a while. Dumaan ang pandemic pero bago pa yun, matagal na wala na gaanong sigla at energy to make kwento ng anik-anik here sa blog. Maybe dahil nagbago na ang mundo at nag evolve na ang mga anik-anik. Imagine noon, mabenta pa ang pagbabasa ng mga kwento at storya ng mga madlang folks. But this time around, mas mabilis pa sa 1 minute vid, keri boomboom na for most.

Pero shempre since old school tayo at di ko bet boses ko sa vids nor di ko bet magkwento sa platforms like tiktok at twitter kaya heto nanaman tayo na nagsasalitype here so blog ko na naluma na ng panahon. Pero buti di pa nasasakop ng spam content thingy.

This coming March, naabisuhan kami ng new owner ng inuupahan namin na bahay na kailangan na namin i-vacate at lisan ang balur na currently aming tinitirahan for almost 10 years na (9 years na din ata kami dun).

Di narin naman bago sa akin ang lumipat ng bahay o tahanan. Naka 5x na lipat naman din kami. 

Wala pa akong masyadong muwang noong unang lipat kami from Marikina to Pasig. super faint na yung memories na naaalala ko sa tinirhan namin sa Marikina. Parang yung name lang ng street at location (since nadadaan-daanan pa namin noon to while visiting kamag-anaks).

Next na lipat namin nasa 4 years old ata ako nito pero dito kami nagtagals since dito na ako lumaki up to High School. Dito nagkaroon ng steady neighbors and friends. Sa subdivision to kaya naman secured yung paligids na walang gaanong sasakyan na dadaan daan kaya ligtas ang mga bata na maglaro sa kalsada.

Unfortunately, due to financial struggles ng parentals, ang alam ko naisangla yung bahay. Naalala ko pa na while nakatira kami for the last year namin sa bahay, merong pinadalang guard na somehow nakatira sa gilid/labas ng bahay to ensure na di namin idadamage yung property. hahaha

Medyo malapit lang sa dating place yung nalipatan namin na next. Dito parang lagpas 7 years kami nagstay since college years and first few years ko work dito kami nakatira. Dito na din kami inabot ng 2x na baha na malala (Ondoy at Habagat). Then eventually need lumipats.

Nagtry kami ng Condo na medyo slightly near lang din and around Pasig padins. 1 year lang at ako lang halos ang nag-stay doon kasi naliliitans ang familybels. Pero after a year, lipat na ulits.

Nabanggit ko nga sa unang part na almost 10 years na din kami sa current place pero need to leave na din. And kahit di ka naman super emotional and attached sa place since wala ka naman friends na neighbors at kakilala, parang it still fucking hurts. hahahaha.

Siguro since naging comfort place nadin at nakasanayan kaya parang anhirap iwan ng place. Tapos medj malayo na yung lilipatan, probinsha-ish. Binangonan.

Iniisip ko palang possible travel time ko from new lilipatan to office, na stress na ako. Tas yung internet connection pa, di ko pa nachecheck if pede matransfer sa new place.

Well, anyway, just making wento ng slightly ganap sa buhay and kinda nag back to memory lane mode lang me ng mga ganap ng lipats kineme.

O cia, mahaba na masyado, Byers, take care sa makabasa man nitong post na ito.