Saturday, January 29, 2011

Amusement Center.

Natapos na ang aking 2 days na restday at balik na ako sa aking work, this time it will be 6 days dahil napa-early rd ako nung pumayag akong makipag-swap ng araw ng pahinga. Anyway, since di pa ito ang takdang panahon upang magkwento ng pangyayari kahapon/kaninang madaling araw, iba muna ang topic ko. For today, it's about the amusement center sa mga mall.

Bawat mall, merong amusement center para malibang ang mga tao at madalas dito ay mga bata at teens pero makakakita ka din ng mga magjowables, mga groupo at mga oldies na nais lang mag-chillax at magpahinga. Sikat ang mga pangalang Tom's World, Timezone at Powerstation sa larangan ng pagpapaligaya sa mga gamers at heart at mga nais malibang. 

For today, nais ko lamang mag-share ng mga things na makikita sa Amusement centers.


1. Arcades- Malaking check mark ito sa amusement center. Ito ang madalas na pinupuntahan ng mga adiktus sa paglalaro at paggamit ng mga video characters. Madalas na makikita ang mga larong Tekken, Marvel vs. Capcom at X-men vs. Street Fighter. Dito mo makikita ang mga sumisipa at nagtatamblingang character with matching weapons at mga kakaibang powers. Andyan ang peborit ng mga kumokombo na si Wolverine na mahilig mag tornado claw at berserker barage. Andyan din ang Marvel hero na si Iron man na sumisigaw ng 'Do you like a p*kp*k'- kapag nagproproton canon(mapapakinggan kapag mainggay ang kapaligiran). Kung ayaw mo ng medyo bakbakan at sagupaang arcade, andyan naman ang Metal Slug, NBA at iba pang medyo pambata.


2. Dance Revo- Di ko na matandaan kung kelan sumikat ang dance revolution dito sa pinas. Pero ang alam ko lang, after na mauso ito ay kasama na sa mga arcades ang game ng pagsasayaw. Eto ang madalas na ginagamit pampapawis ng mga taong nais magpapayat (except ako). Dito mo makikita ang mga taong kayang magkapilipilipit ang mga paa sa pagtatatalon at pagpadyak dun sa mga sahig na may arrows. Ito ay sa mga magagaling ang reflexes. Another alternative dito ay ang Para-Paradance na instead na magngingingisay ka sa pag-stepno-stepyes sa mga arrows ay gagamitin mo ang mga kamay mo sa sensors ng game. :D


3. Guns and Amo games- Bang! Bang! plok! plok! kaboom. Heto naman ang mga games para sa mahilig humawak ng baril. Kung feel mo ang mag-paputok at maputukan, heto ang sayo. Ang game kung saan may baril ka at itututok ito sa tapat ng monitor/screen at kailangang mapatay at mabaril mo ang mga kaaway. Famous ang game na Time Crisis sa game ng pag-asinta at pagsapul. Other shooting games ay may kinalaman naman sa mga zombies na kailangan mong barilin. Sa tingin ko ay pedeng gamitin ang games na ito ng mga pulis for simulations :p


4. UFO Catchers- Korekorekorekok! Hindi porke't UFO catcher ang name ay UFO talaga ang kinukuha mo. Ito ay ang game kung saan kailangan mo ng precision at accuracy with a touch of luck para masungkit at mahuli mo ang prize na kadalasan ay istaptoy. Eto yung game na minsan may dalawang panipit lamang at mayroon ding tatlo. Eto ang kadalasang nilalaro ng mga labers in paris na gustong bigyan ng toy ang girl. Good luck dito dahil may mga machines na very unstable at magalaw/mauga. Other prizes na pedeng makita sa mga UFO catchers ay kendi katulad ng mga mentos at may times na relo din(kung sosi ang amusement center).


5. Videoke- Sing it baby sing it!Sa mga mahihilig humawak ng mikropono, dis is por you. Since madalas ng mga pinoy ay mahilig magkakakanta't bumirit hanggang mapatid ang litid, di mawawala ang videoke. May instances na merong stage pa for videoke-freaks kung saan syempre, nasa stage ang singer at mega emote habang kumakanta ng walang kamatayang egis songs at mga kanta ng banda. Syempre, nag-evolve na din ang videoke kasi may times na may special room na para sa mga groups or para sa nasha-shy na marinig ng iba ang kanilang voices.

marami pa sanang iba kaso nga lang gahul na sa time dahil mukang nagigising na ang mga kanuto at unti-unti na silang tumatawag :p

TC!

Friday, January 28, 2011

Star Dancer


Good Morning! Hello! Habang pilit na nagpapakatatag ako at nilalabanan ang antok para di masayang ang aking restday, keto ako ngayon at nais lang mag share ng isang book na aking binasa. As you all know na iba na ang schedule ko sa opis ergo less time to play and visit other sites. So ang new libangan ko ay magbasa na lamang ng libro, pampadagdag vocabulary words din para sa akin.

Anyway highway, ang featured book for today ay ang libro na may titulo ng Star Dancer. Hindi sya kamag-anakan ng sexy film na twillight dancer. Eto ay libro na nakita ko sa forever sale na booksale. Ang libro ay isinulat ng author na nagngangalang Beth Webb at ang libro ay may karugtong o part 2.

So ibigay ko ang synopsis ng wento. Ito ay tungkol sa mala kultong grupo na may sa witchery at wizardy thingy. Ang kanilang pack or gang or prenship o kung anuman ang tawag nila ay nagkaroon ng prophecy kung saan may isang sanggol-sanggol-sanggol na isisilang at iluluwa sa pikpik at ang magiging chosen one. Ito ay kasabay ng pagsayaw ng mga bituin. But ang nangyari ay instead of baby boy which is predicted, isang bebe girl ang lumabas. And thus the start ng magiging wento. Makakayanan ba ng bebe girl na labanan ang evil thing at magawa ang prophecy?

Okay, tapos na ang review ng book. Joke lang. So, for my own opinion, ang ibibigay ko na grado para sa book na ito ay nasa 6.5 lamang. Medy mababa compared sa other books na na-feature ko. Iyon ay sa kadahilanang medyo drag ang wento. Too much narrative. Walang gaanong aksyon. Walang magical thingy at konting bakbakan ng mga hokus-pokus. Medyo na disappointed me kasi nga akala ko more on witchery and crafts and magic ang story but so-so lang o actually, kakarampots lang. Not that exciting. And another factor kaya ganyan lang ang rating ng book sa akin ay mas napadalas ang pag-skip read ko sa bandang gitna ng book. If ask kung irerecommend ko sya to other pips, well, pedeng oo at pedeng hindi. waheheh. It's not really great.

Nabili ko na yung karugtong ng book na ito o ang part two kaya hopefully, mas may upakan, salamangka at kung ano-ano pa. Sana mas better sa first book.

So, hanggang dito na lang muna. TC people.

Thursday, January 27, 2011

Super One Piece Styling- Marineford

 
Last week, nakita ko sa Toy's R US ang new one piece toy ng Bandai kaya ginanahan akong ishare ang bagong styling figures ng One Piece. Child mode is on kaya larawan ng laruan ang inyong makikita sa aking post for today.

Ang toy for today ay mas maganda kesa sa Attack Motion na aking na-feature last time. Bakit ko nasabing maganda? Kasi kakaiba at maporma ang mga pose ng characters sa toy release ngayon. Maganda itong pang display sa opisina or kahit sa bahay.

Lima lang ang released designs pero masasabi ko na oks na oks ang characters na napili. Ang mga tauhan ay kinuha mula sa chapter kung saan namatay si Ace at patapos na ang naging digmaan sa pagitan ng mga pirata at marino.


Main Focus ay ang magkapatid na si Strawhat at si Ace.





Kasama sa chapter ang maganda at seksing si Boa Hancock.


Kasama din ang isa sa super rookie na tumulong sa pagtakas ni Luffy, Si Trafagar Law.

At ang huli, isa sa four pirate emperor, si Shanks.


Ang presyo ng laruan ay gumagalaw sa 350 pesos. Kung susuriin, di gaanong tumataas ang price ng mga styling toys kumpara sa mga miniature versions ng mga characters na kada release ay may dagdag na bente pesos.

Ang mga larawan ay kinuha sa website ng bandai-asia.com

Next post naman ay book review. TC muna mga pips.

Wednesday, January 26, 2011

Bean there, seen that!

Ahoy!  Hello there!  Mustasa kalabasa? May time ng konti para makapag-update ng blog kaya heto nanaman ako at nagsusulat ng kung anong bagay na nais makwento. Since medyo di pedeng bumisita sa blogspot kaya temporary akong nagtytype sa MS-Word saka ko nalang i-papaste kapag ipupublish ko na.

Ang uwian ko for January to February ay 6am kaya naman kapag ako ay darating sa bahay ay inaabutan ko pa ang mga morning shows katulad ng Umagang kay Ganda at Unang Hirit. Pero hindi doon ang main topic ko for today. Eto ay tungkol sa isang comedy show na nakita kong ikinomercial kanina sa TV at di ako makapagpigil na magbigay ng side-comment. Ang show na aking tinutukoy ang show ni Mr. Bean.



Mr. Bean, ito ay ang show ni Rowan Akitson kung saan siya ay gumaganap bilang isang lalaking may pag-iisip ng bata o may pagka-shunga-shungang ewan. Itong show na ito ay isang silent comedy sapagkat walang binibitiwang linya si Mr. Bean at tanging mga actions o kilos lang ang nagiging basehan ng kanyang pagpapatawa.

Noong ipinapalabas pa ito sa channel 5, lahat ng mga kaklase ko sa school ay talagang nakatutok sa new episodes ni Mr. Bean. Ang lahat ay nagiging paksa ng wentuhan ang mga adventures ni Mr. Bean together with Teddy at ang girlfriend niya(ka-fling ata ehehe). Everytime na may bagong episode, lagi itong nakapagbibigay ng katatawanan sa akin.

After some years, nawala sa ere ang Mr. Bean. Then nagkaroon ito animated version pero I don’t know, somehow, the Mr. Bean is not the same. It’s pretty much trying hard and wanna-be. Di na nakakaaliw at may times na nakaka-irita na mismo si Mr. Bean.


After that, mukang nabili ng ABS-CBN ang rights sa pag air ng Mr. Bean show. At first nakaka-excite na mapanood muli ito sa telebisyon. Parang bumalik sa childhood days. Pero habang tumatagal na mawawala at ibabalik ng channel 2 ang show na ito, parang nawalan na ng magic. Wala na ang comedy at funny antics. Naging corny pa nga kasi sobrang na-chochopchop ang isang episode dahil sa commercials. May times na may mga deleted scenes din kaya hindi na ma-grasp ang hilarious moments.

I don’t know. Siguro dahil sa nag-mature na ng konti ang aking kaisipan kaya feel ko na wala ng spark at wala na ang glory days ng show na Mr. Bean. For me, after ng like more than 10x na lulubog lilitaw sa tae ng kalabaw ang show ay unti-unti ng naging walang wenta ng show.

Siguro may mga bagong kabataan ang naaaliw sa show kaya ibinabalik nila ito sa TV pero sa aking palagay, kailangan na sigurong ipagpahinga si Mr. Bean.

Monday, January 24, 2011

Cartoon, Idol and One Piece- Seven Warlords of the Sea

Hello There! Heto nanaman me para magshare ng latest updates sa kung ano-ano.

Unahin ko na ang aking nakuhang cartoonized version of me. Ako ay lubos na nagpapasalamat kay Robbie aka The Creative Dork dahil isa ako sa maswete at pinalad na manalo(minor/runner up lang) ng customized cartoon. Ang saya ko ng mareceive ang drawing dahil ang astig ng nigawa niyang illustration. So without further ado, ang larawan sa ibaba ang aking napanalunan. Thanks Sir Robbie. :D


So after naman ng pagpapakita ko ng cartoonized me, nais ko naman talakayin ang season 10 ng isang reality show na aking pinapanood. Actually, talent show iyon, ang talento sa paghawak ng mikropono at pagkamit ng tamang notes. Ang aking tinutukoy ay ang Season 10 ng American Idol. It's sad na wala na si Simon Cowell na isa sa straight-forward na judge at medyo pranka. Wala na din pala si Ellen at si Kara. So now, may new judge sila which is si Steve Tyler at si J. Lo. Sa 2 pilot episodes nila, mukang okay naman ang magiging season 10.


Last o ang third item, heto ang another updates sa mga laruan na inaabangan ko kahit di ko naman binibili. Hehehe. Heto ang One Piece Seven Warlords of the Sea na nag fe-feature ng mga Royal Shikibukai sa One Piece. (Kuma, Boa Hancock, Blackbeard, Jinbei, Moria, DoFlamingo and Mihawk)












Hanggang dito na lang muna. TC mga pips!

Sunday, January 23, 2011

The Walk Week


Hello! Buhay nanaman ako sa blogging world. Ilang days din ang lumipas. So for today, magwewento ako ng mga pangyayari na naganap sa akin.

For the past 5 days, sinisimulan ko na yung aking plano ko na magpa-slim. Yep, you heard it right, nag-uumpisa na akong magpapayat. Nagtataktak ako.Tak! Taktak mo! Nagpapapawis at gumagalaw-galaw para little by little ay mawawalan ako ng timbang. Ang aking act, Alay Lakad mode. Kapag ako ay uuwi, di ako sumasakay ng jeep o ng bus o kahit tricycle (unless umuulan). So ang aking paa ay nag-uunahan sa paghakbang hanggang makadating ako sa bahay. Roughly mga 1 hour ang inaabot para makauwi ako.

Dito sa bahay namin, parang timang lang. Sinasabihan ako na para akong timang na nag-eeforts sa pag-walk from medical city hanggang house. Ang temaarts kong sister ay sinasabihan pa akong super kurips na naglalakad para makatipid lang ng shiti pisus. Hewan ko ba, kung naka-lazy mode ako ay lagi akong sinasabihan na mag-reduce at mag-trim down pero ngayong nag-a-effort me para magslenda o pumayats e heto naman sila nang-didiscourage. Hano ba talaga!

Well, anyway, wala na akong masyadong care bear sa kanila kaya magtutuloy-tuloy padin ako sa paglalakad. Actually, kahit nga nung nag rest day ako ay nagpatuloy padin ako sa walkathon ko. Mula sa house, ako ay naglakad papunta sa nearest kanto at napunta ako sa ortigas extension at naglakad-lakad. After reaching a certain mall, back ako sa aming area at napadpad ako sa lumang village namin at naglakad for an hor. Okay naman ang walking except for the fact na hindi ako naka walking/running shoes. Masakit pala ng onti maglakad-lakad ng naka-slippers. Wapak!

So kanina, ang aking ginawa ay nagpunta ako sa mall at nagwithraw ng salapi para regaluhan ang sarili ng sapatos. Sabihin nio nang cheap o sick pero napagisipan ko na kailangan ko ng pamalit sa isa kong shoes na kasgas na at napupudpod na. :p

I'm already on my 6th day mamaya and hopefully ay mag-work itong aking plan. Sana bago magshift ako ng schedule by march ay nabawasan na ang aking weight. :D

TC guys.

Thursday, January 20, 2011

One Piece Attack Motion 1 and 2

Nagpupuslit lang ako ng time para magblog kasi pareho kami ng sked ng pasok ng ate ko kaya agawan kami sa net pagka-uwi. Anyway high way, ang post na ito ay tungkol sa toys. Pasensya na pero gusto ko lang magpost ng toys for today at baka sa susunod na days (alternate: Kwento at toys).

Ngayong araw, ang ibibida ko ay ang One Piece Attack Motions. Eto ay mga action figures ng mga characters sa anime na One Piece. Ang mga laruan na ito ay makikita sa website ng bandai-asia.com.

Ang unang release ay noong October last year. Heto ang mga larawan ng mga toys.

1. Luffy

2. Ace

3. Zoro

4. Chopper

5. Boa Hancock

Sa second release naman, ito ay magiging available this January or probably February dito sa Pinas.

1. Luffy
2. Sanji
3. Nami

4. Whitebeard

5. Shanks

Sa sampung designs, mga dalawa or tatlo lang ang trip ko kung sakaling bibili ako nitong toy. :p

Ingat po mga pips! TC!

Tuesday, January 18, 2011

The Talent Thief


Last week, habang wala ako sa mood at kakalat-kalat lang sa mall at nag-iikot-ikot lang habang nag-uubos ng oras, ako ay napadpad sa tindahan ng mga books na itatago na lang natin sa pangalan na booksale. Sa loob, dapat ay titingin lang ako ng mga books at walang balak bumili pero naakit ako sa mga mukang bagong libro na binebenta at may abot kayang halaga. May apat (4) na libro akong napili at ang isa sa kanila ang aking ibibida for today.

Kung binasa ninyo ang pamagat ng entry na ito, syempre knows nio na 'The Talent Thief' ang name ng book. Pero kung hindi nio nalaman, ang title po ay 'The Talent Thief' by Alex Williams.

Ang story ay tungkol sa dalawang magkapatid. Ang isa ay may talent sa pagkanta habang ay isa ay average o normal lang. Naimbitahan yung talentadong girl para sa isang convention ng mga talentado. At doon sa convention naganap ang krimen. Isa-isang nananakaw ang talents ng mga pips.

Doon sa convention nalaman na may kung anong creature ang may powers para mang-nenok o mangharbat ng talents mula sa pips. So ang mga sumunod na nagyari ay nagpasya si talentless boy na sundan yung talent thief para maibalik ang mga nanakaw na talento kasi nabiktima din ang kanyang sister.

Bakit nagustohan ko yung book? Kasi in some point, nakarelate ako dun sa bidang lalaki. Wala syang talent but somehow he stayed positive. At kahit doon sa talent thief, parang na-touch ang emotion ko dahil naghangad lang yung creature ng isang kaibigan but sadly, ginamit lang sya. Basta. hehehe. Okay tong book na to. Nung nagse-search nga ako ng pictures e ang lumabas na result ay mukang balak gawing movie tong book na to. :D

score: 4/5 :D

TC muna!

Sunday, January 16, 2011

Tangled





Tapos na ang pagiging emo. Positivity dapat ang mangibabaw at dapat alisin sa systema ang negativity at ang pag-eemote-emotan na wala naman sa lugar. Heto na, okay na ulit at na-chacharge na ang mga daliri ko kaya kahit wala pang 24 hours yung post ko about the semi-hiatus, heto ako at nanginginig-nginig pa upang mag-share ng isang movie.


Well, ang movie na nais kong ibahagi ay ang pelikulang nakapag-alis ng aking sadness. Ito ay ang pelikulang may pamagat na Tangled.

Ang film ay based o hango sa kwento ng isang disney prinsesa na hindi galing sa malang lahi, at hindi rin mahilig sa shoes at lalong walang pulang hood; si Rapunzel. Si Rap ay isang dalaginding na lumandi kaya humaba ang hair. joke. Echos lang yon. Si Rapunzel ang girl na ang haba ng hair na pedeng ipanlaban sa Guiness book of records. 

Kung clueless pa you, Tingnan mo na lang ang larawan na una mong nakita sa itaas para di na you knowless kung da who ang girl.

Tulad ng sa kwento na mababasa mo sa libro (kung naabutan nio ang library system at hindi pag search sa google at paghanap ng pdf file), Si Rapunzel ay isang girl na nikidnap ng isang witchichiritchit at nikulong sa isang tore (Hindi si Joel). Sa tower (hindi yung sa Lord of the rings), lumaki ang batang kinidnaps at sa pagtanda ng girl ay syempre, walang beuty parlor kaya humaba ang buhok ng girl. Shempre, di uusad ang wento kung di darating ang savior na si shrek si prince charming. Na-fall ang girl at ang boy pero dumating ang kontabida. May pagtatalong naganap at poof, and they live happily ever after.

Actually, may twist o added feature sa wento na Tangled na iba sa nabasa ko nood sa mga libro nung bata-batuta pa ako. Di ko alam kung talagang added siya o konti lang talaga ang natatandaan ko sa wento ng babaeng uubos ng shampoo sa kastilyo.

Ano nga ba ang nagustohan ko sa wento at nagawa ko pang i-share sa blog ko? Eto ay dahil sa added character na si Pascal. Siya yung hunyango/ karma-karma-karma-karma-karma chameleon (napakanta ka ba?). Na-cutan kasi ako dun eh. Eto ang nagtanggal ng blues ko sa katawan. :p


May score na 9 para sa akin itong movie na ito dahil sa chameleon at saka sa mga funny scenes. At hahabol pa ang poster na nasa ibaba. Naging green kasi isip ko dahil napaisip ako kung anung ginagawa nung dalawa habang nakatago sa likod ng makapal na buhok. :p Hindi kaya nagka-tangled na ang kanilang.... hahahahaha.


PS.Di ko lang alam kung palabas na o ipapalabas na siya sa mga movie house pero nakuha ko yung kopya dito sa Opis.

Semi-Hiatus


Alam kong hindi hiatus ang ginagawa ko kasi kahit paano ay nakakapag-update pa ako ng aking blog. Siguro tatawagin ko na lamang na semi-hiatus ang pag-iinarteng nangyayari sa akin.

Sagwan ako ng sagwan at nagpapakapagod ako upang may marating pero di ko alam kung sadyang malakas lang ang alon na hindi ko kayang labanan o kaya naman ay baka isang side lang ang pagsagwan ko kaya ako ay di nakakaalis sa aking kinalalagyan. Wala rin atang hangin na kayang tangayin ang munting layag sa aking bangka. Tila ba may pabigat na nakatali sa bangkang sinasakyan kaya dehins ako umuusad. May mga butas din ata ang aking sinasakyan kaya tila nagpapasukan na ang tubig. Kung mapupuno ng tubig ang bangka, tatalon ba ako o hahayaan ko nalang na malunod kasabay ng sasakyan?

Sa lunes, iba na ang schedule ko. Magiging night shift na ulit ako at malamang sa alamang ay mawawalan na ako ng time para magbahagi ng mga wentong walang wenta pero pilit iwinewento para magmukhang may wenta. Hihingi na ako ng pasensya kung magiging madalang ang mga post ko for the next 2 months dahil may magiging kaagaw ako sa internet sa bahay. Pero magkaka-time akong sumilip at mag-comment sa mga kwento at adventures nio.

Hanggang dito na lamang muna. TC!

Thursday, January 13, 2011

NomNom Muna

Sa mga nagdaang mga days, tila wala ako sa wisho. Wala akong energy para magpopost ng mga wento ng buhay ko kasi ayoko namang maging nuknukan ng kadramahan at mataboy ang visitors dahil sa kanegahan sa buhay.

Sa bitterness na nadama sa mga nagdaang araw, isang solusyon lang ang nasa isip ko. Eto ay ang tumalon sa building at magparachute.. syempre joke yan. Walang tubig na malalanguyan kaya ang next stress reliever ko ay uminom. Wapak. Sad to say... medyo ginagawa kong panangga sa bitterness ang kapaitan ng nomnom at alaks.

Since i am down at medyo depress-depressan ang emote sa buhay, last sunday, right after shift at para ma-enjoy ang split RD dahil sa transition ng work schedule; bumili ako ng dalawang boteng alak. So mga pips, i present to you, choco at cappu.


Arte lang no? Syempre, ayoko naman na ang pulang kabayo o kaya ang pale pilsen ang kadamay ko sa pag-eemo kaya gusto ko kumokonyo naman ng konti para kung madyaryo man, atlist ibang brand ang lalabas. 'Bata, nagpakalasing sa mudshake vodka, naihi sa kama'. Mga ganun.(syempre walang suicide attempt). 


Unahin natin ang pagdescribe kay choco o ang chocolate flavored vodka mudshake. Para ka lamang uminom ng chocolait o yung Chucky na chocolate drink. Ang difference lang ay after mong lagukin ang manamisnamis na choco na gatas ay may lasa ng alak. Yun lang. Walang masyadong amats na ibibigay kung isang bote lang ang iinumin mo.


Next naman ay si Capuccino. Wow, parang umoorder lang sa isang coffee shop o kaya sa coffee vendo. Di ko masyadong trip ang lasa nia kasi mas matapang ang kape factor (natural kasi capuccino. wenks). Ang okay sa kanya ay di rin ganong matapang ang alcohol effect kaya tolerable ang hindi wiwindangin ang iyong ulirat.

Out of stock si Cara o ang Caramel flavor kaya sa dalawang bote lang ako kumuha ng pamatay uhaw at pamatay emo/bitterness na dumadaloy sa katawan ko noong araw ng linggo. Sa help ni choco at cappu, naging okay din ako at nawala kahit pano ang negativity sa akin.


TC!!

Monday, January 10, 2011

The Facebook Ending Story


Kahit wala akong post for the nagdaang days ay di na ako nag-oonline at nagsusurf sa net. Well, heniway, for da past 2 days, may nakikita akong posts sa mga walls ng mga friendships about sa pag-end ng pesbuk o ang pambansang social networking site ng mga pinoy aside sa chwiter at ang sinaunang prenster. Ayon sa kumakalat na chismis ay hanggang sa kinsenas ng march na lang daw ito. O ha, sumakto pa sa sweldo ng mga noypi.

So gulantang naman ang pesbuk komyuniti at mega post ng kanyang mga stats at kukurukuku este kurokuro at opinyon. Isa sa nakita ko ay ang nasa ibaba.

Inignore ko lang muna yon at baka parang virus lang sa net yun katulad nung kumalat na  link ng tungkol sa isang girl na nagpakamatay daw dahil sa pinost ng dad nia sa wall. So nagpatuloy lang ako sa paglalaro ng cityville. 

Tama ang hinala ko dahil isjapeking-pababa-pababa ng pababa ang isyu na iyon. It's a hoax, fraud, fake at lie. Hindi raw true ang sabi-sabi.

Para sa inglis na detalye, pede ka mag click dito >>> Full Details

Nakakainis lang kasi medyo may ganung epek pang pinagpapapaskil para magkagulo ang mga may pagkalulong sa pesbook.

So since hindi raw iyon totoo, sa mga gustong mag-add ng friends, maari nio pa akong i-add. wakekeke.

Friday, January 7, 2011

Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro


Nahabaan ba kayo sa title ng post na ito? Well, wala tayong magagawa dyan kasi ganyan talaga kahabs ang name ng book na aking ibibida for today.

Ang featured book natin for today ay isinulat ng author na nagngangalang Kiko Ansing. Well, sounds like kiko matsing pero yan talaga ang nakalagay sa cover ng book so deadma na lang. 

So kung hihimayin ang book, ito ay tungkol sa pakikibaka/ pakikipagsapalaran ng bida sa mundo ng pag-aaral. Bakit? Kasi dito ilalahad ang kwento ng isang estudyanteng napilitang pumili ng landas na tatahakin sa kolehiyo at napadpad sa kurso para maging teacher. 

Teacher/ guro/ professor, sila ang mga taong gumagabay at nagtuturo sa mga estudyante. Sila ang kadalasang humahawak o kumokontrol sa marks ng mga students. Pede silang mamili kung kwatro or kwarto. Sila ang nagbibigay ng mga assignments at kung anong eklat tulad ng mga reports and everything.

Bakit ko nirerekomenda ito, kasi maganda ang pagkakalahad at pagkakakwento ng buhay na tinatahak ng mga bayaning guro. Ewan ko, natouch ang puso kong bato este tagos hanggang buto. Inspiring at realistic.

Mabibili ito sa National bookstore at mura lang, wala pang 100. Sulit ang pera nio.