Thursday, May 30, 2013

RNAODM


Random time nanaman..........

1. Last Tuesday, dineactivate ko ang twitter at blog ko dahil tinamaan nanaman ako ng topak. Oo.... muntanga lang ang ginawa ko.

2. Gagawin ko sanang 7 days challenge na wag mag twitter at blog pero dahil di ko naman dineactivate ang facebook ko, parang wala ding purpose kasi online padin ako..... 

3. Last week, nagkaroon ng piso fair ang CebuPac at nakapagpabook ako papuntang Siargao. Well, 2014 pa naman to kaya matagal pa. Kulang nga lang ako ng flight ng Manila to Cebu para kumpleto na ang Siargao trip.

4. Remember nung nawento ko na nag-apply ako for training thingy here sa office? Well, bagsak ako sa exam... It sucks... i know.... 2x got rejected sa ganung training.... Napapaisip na baka it's not meant to be..... 

5. Galing ng Davao ang mudrax ko at nagpasalubong ng Tuna..... now.... nalagyan ng laman ang ref sa bahay pero di ko alam pano gagawin sa mga yun since solo lang ako sa bahay..... pano ko uubusin magisa ang mga yuns.

6. Di na ako magbibigay ng comment sa Vice-Soho shenanigans....

7. Pero kokomento ako na 2x na napanood ko sa tv na parang nag-soSONA si vice.... naaalala ko ang mga ganung gawain ni Willie Revillame.

8. Nagbalik Online games ako. ahahah... ewan ko.... pampalipas oras lang pero leche, nakakapuyat pala..... kulang ang tulogs ko.

9. Tapos na karamihan ng TV series na nipapanood ko..... booooooooreeeeeeed.....

10. Noong nabasa ko ang post ni Empi na nagpunta siyang Bicol.... nainggit ako... hahaha, pano, hantagal-tagal na ng Bicol trip ko... uhuging bata pa ako noon at di uso sa bahay ang camera so no memories. Saka di ko pa nakikita yung Cagsawa Ruins.

11. handaming calls lately sa opis! Nakakapagod. Nakaka-drain... nakaka-stress lungs.

12. Gusto kong matulog ng mga 12 hours pero walang time..... 

Hanggang dito na lang muna! take care folks!

Tuesday, May 28, 2013

Yakitate Japan!

May German Bread, French Bread, Spanish Bread etc.... pero bakit wala daw Japanese Bread????? Aba, malay ko? bakit ako ang tatanungin?

Ang featured anime for today ay ang nagbigay ng bread cravings sa akin last weak. Yung eksenang naglalaway ka at nais mong kumagat sa isang mainit at malambot na tinapay..... Ang anime sa araw na ito ay ang Yakitate Japan!


Ang anime ay tungkol sa isang youngster named Asuma Kasuma na nangangaraps na makagawa ng tinapay na kakatawan sa bansang Japan.... at tatawagin niya itong Ja-Pan (na sa aking palagay ay kinda redundant kasi Japan na nga ang country nila).

Si Asuma ay mag-aapply sa isang kilalang bakery sa japan named Pantasia. May current problem sa bakery kaya dahil may inDito ay magpapakitang gilas siya sa paggawa ng anik-anik bread and everything. Dito ay maipapamalas niya ang kagalingan sa paggawa ng bread.

Sa anime na ito, merong bread battles kung saan may theme kung anong gagawing at makikipagkompitensya ang bida sa paggawa at pagbuo ng yum-yum-yum-yum-yum-yum na tinapay.

Sa anime ninyo makikilala ang mga tauhan sa ibaba....


1. Kazuma Asuma- Ang batang may solarhands... Nuff said.... next please....


2. Tsukino Azusagawa- yung girlita na apo ng may-ari ng Pantasia na pinagtratrabahuhan ni Asuma.....


3. Kyosuke Kawachi- Ang isa sa bida din na halos palpak at puro comedy factor lang ang dala sa show.


4. Kai Suwabara- Ang samuraish baker sa group na naging kakampi nila Asuma sa competition.


5. Shigeru Kanmuri- Ang boy genius na naging rival din ni Asuma at meron ding taglay na solarhands.

Makikila din ang mga karakter na sila:


6. Ken Matsuhiro- Ang manager sa Pantasia na merong kinky afro hair at masyadong may alam sa bread.


7. Ryou Kuroyanagi- Ang judge sa pagtikim-tikim ng tinapay na oberacting kung makareact.


8. Perrot Bolneze- Isa din sa judge na grabehan din kung makapagbigay ng drama sa pagtikim ng tinaps.

At kahit ayokong banggitin ang names ng kalabans, heto sila...


9. Yukino Azusagawa- Ang pakshet na kontrabida. The bitch!


10. Yuichi Kirisaki- Ang kontrabidang wagas. Siya ang owner ng rival bakery ng Pantasia.... 

Dahil sa anime na to, ilang days akong naglalakad mula sa bahay papuntang kanto ng kanto ng kanto para bumili sa Let's Dough It ng Coffee Bun.... Nagcrave ako sa tinapay. Maygowlay!

Masayang panoorin ang anime na to pero minsan nakakagutom lungs. nyahahahah

O cia, hanggang dito na lang muna! Terrific Tuesday sa inyow! Take care!

Saturday, May 25, 2013

Slush Puppie


May isang bagay akong namimiss noong ako ay nag-aaral sa elementarya. Eto ay ang Slush Puppie. Eto ang katumbas ng Slurpee noon. Hays..... Nakakamiss yung lamig ng drinks with different flavors.

Aside kasi sa usual na Jungle Juice na uso noon, Slush Puppie ang isa sa inumin na pagpipilian ng mga bagets na tulad ko. Yung eksenang everyday, iba-ibang flavor ang itra-try mo para exciting :p

Unfortunately, di na uso ang slush puppie...... wala na ata nito sa pinas...... nakaka-miss.

O cia, hanggang dito na lang muna, tama na emoemohan.... Take care!

Thursday, May 23, 2013

Ang Alamat nina Og at Ag


Thursday na! Woot! Isang araw na lang at restday ko na kahit isang araw lang dahil sa pakikipagpalitan ko ng araw ng pahinga last week. 

Anyway, for today, heto na ang ikalawang libro na nabili ko last time at napasadahan ko na at nabasa ko na at ngayon ay featured sa aking bloghouse....

So hetow na! Tarararaaaaaaaaaaaaaaaaannnn!!! Ang librong 'Ang Alamat nina Og at Ag'!

Ang libro ay magsasaad sa pakikipagsapalaran ng friendships na ancient human na sina Ag at Og. DIto isasaad ang kanilang journey at anik-anik kung saan may kinalaman sila kahit paano sa pagkakaroon ng alamat at simula ng pagtawag sa mga bagay bagay.

Sa libro malalaman mo ang mga alamat ng basahan, bato, tigyawat, sigaw, damo, apoy, kahoy, tinga, bag, siga, away, sinulid, paniki, matalino, building, taksil, balato sapatos, plato, halik, iyak, pantalon, sampayan, alambre, aksidente, lamp party at iba pa.

Score ng libro???? 7.5. Sorry..... ewan ko. there's something na di ko maexplain at di madadaan sa alamat kung bakit di ko gaanong feel ang nasasaad sa libro.

Technically, for me, hokay naman ang flow ng kwento. Ayos naman. Pero siguro.... since, sobrang dami ng alamat na isiniksik, at parang mahuhulaan mo na at maeespeculate ang next thing na kaganapan, parang nawawala yung ummmph... Parang walang kabog factor.

I don't know. Medyo off din sa akin yung attempt na pagiging greenish ng ilang lines pero medyo nakakaumay ang factor...... 

Di ko mawari kung masyadong mataas lang antas ng intellect ng writter at di makasabay ang jologs at medyo mababaw na pag-iisip ko.

Hahaahha.

And upon reading the book, napaisip ako.... hindi kaya ang constant at daily blogging ko at review-reviewhan ng books at movies ay possible na nakakaumay din sa readers. :(

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks.


Tuesday, May 21, 2013

Diary ng Panget

♫♪Pero kahit na pangit ka, akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina
Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka
At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa♫♪

Hey! Zup guys?! Kamusta???? Okay naman ba kayo? For today, heto na ang unang book review mula sa mga nabili ko last time. 


Heto na ang librong Diary ng Panget!!!!!!!

Ang wento ay tungkol sa isang girlay named Eya.... 

Si Eya ay isang girlita na pasok sa category na Poorita Corales at Chaka Khan. May pagka-cinderella kinda aura dahil aba ang lola mo lapitin ng pogi at mayaman na mga boylets. Aba..... ang haba ng ng pubic hair..... mula Batanes hanggang Jolo! Sarap kalbuhin.... lols.

Score ng book???? 9.....

Technically, gusto ko yung manner ng narration ng wento. Hindi siya nakakaantok at di ka hihilahin to skipread. Though cliche much ang takbo wherein may isang chakabels na nakakaakits ng mga stunning guys, di naman OA sa pagkakaroon ng Langit-Lupa-Impyerno gap kinda-thing.
 
Ayos din ang flow ng story though it's a bit predictable ng slight yung ibang kaganapan pero nice naman.Bakit may bawas na 1 point? Pano, bitin!!! Maygawd.... gusto kong mabasa ang karugtong!

Good read ang libro at recommended. Btw, sa Wattpad daw nag-originate ang wento, so kung tipid-tipiran ang peg, search nio na lang siguro.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Monday, May 20, 2013

Toy Related Anime

Sa mundo ng anime, madami ang kung anik-anik na tema. Merong food themed anime. Meron din na sports related. Merong mga robot-robot at martial arts thingy.

For today, kung nabasa ninyo ang pamagat ng post, alam ninyo na dapat na may kinalaman sa laruan ang anime na bibida sa araw na ito. Ito yung mga anime na package deal na merong laruang pang kiddo ang inilabas at nauso sa pinas.

1. Crush Gear


 Sample ng isang Crush Gear

 Ang Crush Gear ay tungkol sa anime na merong parang drill tank ng maskman/mechanical vehicle na may anik-anik powers at magbabakbakan hanggang matanggal sa arena/dome/colloseum ang kalabang laruan or masira yung sa kalabs.

2. Beyblade


Sample ng Beyblade


 Ang anime na ginawa para sa mga naglalabanang trumpo.... well technically parang trumpo. Ang Beyblade ay parang crush gear pero ito naman ay nagfofocus sa mga tops (hindi yung position ng sex ha). May kakaibang powers ang toys kasi sa gitna ay may tinatawag na bit kung saan may lumalabas na powers from animal thingies na nagbibigay lakas sa laruan.

3. Super Yoyo


 kunwareng sample ng Super Yoyo

Ang neks na anime naman ay nagfocus sa laruang Yo-yo! Yep, eto ay anime na nagpapakita ng different exhibition sa yoyo. Makikita yung mga techniques like walking the dog, around the world at iba-iba pang kakayanans.

4. Let's Go



 Sample ng Race Car ng Tamiya

Batang 90's ka ba? Malamang, napagdaanan mo noong nauso ang Tamiya sa pinas! Yup, nauso ang race car thingie toys dahil sa anime na Let's Go. Ito ay tungkol sa magkapatid na sina Joey at Jet na nakikipaglaban ng karera sa mga friendships ganyan.


5. Bakugan



bakugan ball na nagtransform to creaturish form

Last item sa list ay ang Bakugan. Well, ang anime ay tungkol sa laruang parang mini pokeball na hinahagis tapos may card thingy to activate special powers ganyan. Yung mini pokeball pala ay nagtratransform to some kinda creaturish thing na di ko madescribe. hahahaha.

Lahat ng anime na nabanggit ay napanood ko (pero hindi lahats ng episode ha, minsan kasi naglalaro din ako sa labas nung bagets pa ako or may pasok kaya di nakakapanood).

O cia, hanggang dito na lang muna, Nag-medyo-memory-lane lang me.... Take Care friends!

Sunday, May 19, 2013

Upcoming Books


Happy Sunday mga ka-khanto! Kamusta? Pahinga-pahinga din ha pag may time. Wag magpakastress. Chill-chill lungs at enjoy ang araw.

For today, ibibids ko lang ang upcoming books na possible na mabigyan ng book review dito sa aking bloghouse.

Kahapon kasi, napadaan me sa Bestseller sa Galleria at npatingin ako sa bagong pinoy published books. So kailangan suportahan din natin kaya naman bumili me.

Heto ang 4 books na mababasa ninyo ang review sa daratings na days.....





Teaser-teaseran lang muna.... 

O cia, hanggang dito na lang muna! SUPERB SUNDAY sa lahats! Take Care!

Thursday, May 16, 2013

Malinaw Spring

Hey! Kamusta naman kayo mga friends? Dalawang kembot na lang, weekends nio na. Ako, isang shift na lang at pahinga nanamans. hehehe.

For today, iwewento ko ang nangyare last sunday. Nabanggit ko sa aking random post nung isang araw na nag-roadtrip kami... well, heto na yun.


Last week, biglang nag-aya ang mga HS friendships ng roadtrip kasi lilipad na pabalik ng middle east yung kaklase namin na naging nars. So since technically ay restday ko pa ng sunday morning dahil sa gabi pa ang shift ko, go lang ng go!

Saturday night kami nagkita-kits sa house ng isa naming friendship dahil sa kanila yung sasakyan na gagamitin. Around 11pm na ng mag set kami para sa lakbay-lakbay.

Initial plan ay mag Tagaytay sana pero out of the blue ay nagbago ang ihips ng hangin. Kasi wala kaming matutuluyan kung darating kami sa Tagaytay ng madaling araw. Isama pa ang medyo tight budget thingie.... 

Nagbago ang destinasyon ng wala akong kamuwang-muwang dahil bumoborlogs ako sa likod dahil slightly puyat. Nalaman ko na lang ng maalimpungatan me kasi medyo naliligaw kung saan imemeet yung kakilala ng HS friend.

Wala akong clue kung saan kami mapapadpad basta go with the flow na lungs. After ilang oras pa ng byahe, huminto na yung sasakyan at ako ay nashock sa nakitang signage sa kalsadang madilims.

Lucban, Quezon

Madilim ang kapaligiran kaya di ko alam ang i-eexpect ko. Sunod na lang kung saan dalin ng mga paa at ng sunusundans.

At nalaman ko na spring something na open area ang pinuntahan namin. Well, at first medyo taas kilay ng slight kasi madilim tapos di ko maaninags ang ibang bagay-bagay. Tanging mga parang cabanas lang from the other side ang kita with sounds from different videoke machines ang maririnigs.

P10 petot lang ang entrance dito... Magbabayads ka lang ng slight for the kubo-kubo na pagtutuluyan atsaka room if ever na gusto ninyong magpahinga ng slight. BTW, di pwede ang uber-uber pakonyo here kasi probinsya style na masa type ang settings.








Gusto ko pa sana makapagpics kaso.... yung eksenang di pala na-charged yung gigicam at walang saksakan sa place. Saklaps. Buti na lang may camera yung isa pang kasama... So since lumiliwanags na... photo-ops






Heto ang mas maliwanag na view ng pinuntahans namins.......






habang nagvivideoke ang iba at nagpreprepare ng almuchow at sumikat na ang araw, ligo-ligo din pag may time. Lublob-lublob din sa tubig.





Malinaw ang tubigs at malamigs.... parang freezing cold nga eh. hahaha. Pero since may mga body fats at naka-tshirt, kinaya ng katawang lupa ang lamig. :p

Matapos maligo, kumain at kumanta..... kelangan ng gumora...... Banlaw mode na para makalakbay ng other place. Pero, pic muna bago umalis.... hahaha :p


Ang plan sana ay sa Tagaytay nga ulit.... pero dahil sa complications ng bagay-bagay at ang isa naming kasama ay kailangang nasa Manila na by 5pm for work, napadpad kami sa Nuvali. Ito yung place na merong mga wake boarding hoolabaloo. Dito na lang kami nag-lunch while checking yung mga nagwawake-board exhibitions. (wala na din battery yung digicam na isa kaya walang pics after).

At dyan na nagtatapos ang pakikipagsapalarans at kakaibang adbentyur ko with friends. Heto ang larawan ng mga kasama kows.. hehehe, baka isipin niong solo lang ako. haha


O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! adbans Happy Weekend!