Showing posts with label Diary ng panget. Show all posts
Showing posts with label Diary ng panget. Show all posts

Friday, April 4, 2014

Diary ng Panget Movie

Hellow! Kamusta? April na pala?! Akalain nio yun?! At dahil dyan, kailangans medyo update-update uli sa blog para naman masabi na di ko napapabayaans ang aking bloghouse.

For today, heto ang movie review ng peliks na based mula sa isang fame book na 'Diary ng Panget'. Syemps, as the title of the book, dapat yun din ang pamagat ng movey!


Wops, sa mga di pa nababasa or di pa napapanoods ang film, alam nio na dapat ang gagawin.... Skip or go on lang ang choices.

Let's Go!

So Ano nga ba tong Diary ng Panget? 

Ito ay wento ni Panget este Eya na medyo parang di realistic much ang pimples sa pes. Naghahanap siya ng worklaloo at nag-apply siya as a personal maid ng isang mayamang fam. Kailangan niyang maging tsimi-a-a ng rich boy named Cross, ang amboy-rich-kiddo.

Dito din makikilala niya ang crushie niyang guy na magiging bestpren-bespren niya na si Chad at ang magandang girl na bespren-besprenan niya din na si Lori.

At mag-eevolve ang story mula sa triangle thingy coz Chad like Lori but Lori likes Cross pero nahulog brip ni Cross kay Eya na nag-evolve from being an ugly duckling with the help ng friend ni cross na si Ian.

At sa huli.... nagkatuluyan ang tambalang Croya!

Hahahaha!

Score: bibigyan ko sya ng approved na 9. Hahahaha. mapagbigay me kaya yan ang score. Light lang naman kasi ang storya. Walang Major-major kontrabids. Oks naman ang chemistry ng mga gumanap. Okay din ang mga kilig scenes. Okay na hindi super mainstream actors ang kinuhang gumanaps.

Nakapagpabawas ng score ay medyo fast-paced ang kaganapan sa first part. Di masyawrong nabigyan ng moment ang pagka-kras ni Eya kay Chad. Saka hindi hanggang dulo ng story ng book 4 ang wents pero for me its good na din kasi too cliche ang book 4 with the kontrabidang lolo ni Cross na ipinagkasundo sa isang rich girlay bratinella ang bidang guy.

Impernes ha, weekdays ako nanoods at sa galleria pero medyo may laman na agad ang movie house at dinig pa ang kiligers ng mga nanonoods. Hahaha.

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

Tuesday, May 21, 2013

Diary ng Panget

♫♪Pero kahit na pangit ka, akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina
Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka
At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa♫♪

Hey! Zup guys?! Kamusta???? Okay naman ba kayo? For today, heto na ang unang book review mula sa mga nabili ko last time. 


Heto na ang librong Diary ng Panget!!!!!!!

Ang wento ay tungkol sa isang girlay named Eya.... 

Si Eya ay isang girlita na pasok sa category na Poorita Corales at Chaka Khan. May pagka-cinderella kinda aura dahil aba ang lola mo lapitin ng pogi at mayaman na mga boylets. Aba..... ang haba ng ng pubic hair..... mula Batanes hanggang Jolo! Sarap kalbuhin.... lols.

Score ng book???? 9.....

Technically, gusto ko yung manner ng narration ng wento. Hindi siya nakakaantok at di ka hihilahin to skipread. Though cliche much ang takbo wherein may isang chakabels na nakakaakits ng mga stunning guys, di naman OA sa pagkakaroon ng Langit-Lupa-Impyerno gap kinda-thing.
 
Ayos din ang flow ng story though it's a bit predictable ng slight yung ibang kaganapan pero nice naman.Bakit may bawas na 1 point? Pano, bitin!!! Maygawd.... gusto kong mabasa ang karugtong!

Good read ang libro at recommended. Btw, sa Wattpad daw nag-originate ang wento, so kung tipid-tipiran ang peg, search nio na lang siguro.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Sunday, May 19, 2013

Upcoming Books


Happy Sunday mga ka-khanto! Kamusta? Pahinga-pahinga din ha pag may time. Wag magpakastress. Chill-chill lungs at enjoy ang araw.

For today, ibibids ko lang ang upcoming books na possible na mabigyan ng book review dito sa aking bloghouse.

Kahapon kasi, napadaan me sa Bestseller sa Galleria at npatingin ako sa bagong pinoy published books. So kailangan suportahan din natin kaya naman bumili me.

Heto ang 4 books na mababasa ninyo ang review sa daratings na days.....





Teaser-teaseran lang muna.... 

O cia, hanggang dito na lang muna! SUPERB SUNDAY sa lahats! Take Care!