Thursday, May 29, 2014

Maleficent

Hello there! Kamusta naman na kayo? Been a week na pala ng last na nag post ako sa aking bloghouse. Hope ay nasa mabuti kayong kalagayans. Bukas friday na, weekend na sa ilan. Okay na para manoods ng sine.

At dahil nadaan na sa usaping sine, heto ako at may iwewento at iiispoil na peliks. lols. Eto ay ang review-reviewhan ng peliks ba kakapanoods ko pa lungs. Ito ay ang peliks na 'Maleficent'.


Tulad na ng nakagawian at nakasanayan, mayroon kayong option sa ganitong pagkakataon. Magpapatuloy sa pagbabasa or panggap lang tapos skip read and close page.

Let's countdown!


ala Dora style!

Diyes!

Nueve!

Otso!

Siyete!

Sais!

Singko!

Kwatro!

Tres!

Dos!

Uno!

So keri na? Let's go!

Mag-uumpisa ang wento sa intro kung saan may 2 kingdoms, ang enchanted kingdom at toy kingdom! Char! Kingdom ng humans at kingdom ng mga enchanted folks ganyans.

Sa enchanted kingdom ay may isang mabait at busilak na faery, siya si Maleficent. Medyo kakaiba siya kasi malaki ang kanyang wings na parang agilawish at meron siyang sungay na parang antelopish na kalabawish type.

One day nagcross ang landas ni Maleficent at isang batang lalaki named Stefan (hindi po Mori ang apelyido). Medyo nag-PBB teens ang dalawa at nagka-inlabobohan ganyan.

Stefan, Maleficent sitting on a tree, k-i-s-s-i-n-g!

Kaso dahil sa pangarap ni guy, iniwan niya si Maleficent na tila hindi nadidiligan. Lols. Nagmature si Maleficent at naging si Lara Croft with wings and horns.


Then ang haringkingkingking ng human race ay medyo greedy at gustong sakupin ang place ng mga enchanteds. No-no-no-no-way ang kinanta ni Maleficent at nagkaroon ng clash of titans between humans and enchanteds. Olats ang humans. Huhubells ang nangyari sa haringkingking.


Di ko kayang tanggapin ang binirit ni haringkingking! Kaya nag-utos siya na kung the who ang makakatalo or makakapatay kay Maleficent ay magiging tagapagmana ng trono.

Boom! Naglalagablab ang pagkagahaman ni Stefan sa nadinig. Gorabells siya kay Maleficent kunwari concerned. Pero di niya magawang pumatay kaya ang ginawa ay pinutol nito ang malaking pekpek este pakpak ni Maleficent. At naging King si Stefan!


Medyo dito na papasok yung story na alam ng madlang folks. Sa isang kingdom, may batang girlaloo named Aurora ang isinilang. Bibinyagan siya and almost everyone is invited ganyan.

Dahil bitter at asar-cesar padin sa kagaguhan ni Stefan, ininvite ni Maleficent ang sarili niya! Oha! At alam nio na dapat ang nangyare unless di ninyo knows ang wentow ni sleeping beauty... Korek! Sinumpa ni Maleficent si baby Aurora na pagsapit ng 16th bday nito, madedevirginize siya! charot lang! Matutusok ng titi spindle si girlay at mahihimlay ng eternity cheverlins. at ang tanging makakalpagtanggal lungs ng curse ay ang truelove sex este kiss.


Dito na magkakaroon ng alteration ang wents kasi after the curse si Baby Aurora ay pinabantayan sa taklong shungangers at boplogs na pixies/faeries. Tapos isa pa sa faery ay si Dolores Umbridge ng Harry Potter! Nakakakulo ng blood! hahaha.


At dahil muntanga lungs tong epaloids na faeries, kahit si Maleficent ang nag-curse kay Aurora, siya padin ang tila naging fairygodmother nitow.

Inalagaan at binantayan si Aurora ni Maleficent kasama ng kanyang trustful at loyal na tauhan na crow na nagbabago-bago ang anyo depende sa magic ni Maleficent.


Naging dalaga na si Aurora at tila napamahal na kay Maleficent ang kiddo. Nagkaroon pa nga ng time na sinubukang alisin at ilift yung curse kaso powerful ever ang sumpa na ginawa.

May hawig sya dun sa psychotic kid sa walking dead. 
(may side comment lungs)

Unfortunately, kailangan na talagang sumapit ang takdang panahon. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros Aurora at natuklasan na niya ang truth or kochikwens. Nalaman niya na sinumpa siya ni Maleficent at na may Daddy sya. SO napunta ng palasyo si Aurora at dun na siya na tusok ng needle (junkie ata tong si Aurora nagtuturok! hahaha)

At dito na eeksenang muli ang bida-kontrabida dahil sa napamahals na sa kanya ang bagets na si Aurora, dinala niya sa palasyoyung prinsipe na possibleng maging truelabs-kiss ni Aurora.

Di na inintindi much ni Maleficent na gaganti si Stefan sa kanya. Sugod mga kapatid ang peg at pumunta sa kastilyo para iligtas sa eternal slumber partey si Aurora.


At frinench-kiss ni prince si Aurora at they make lab ganyan! naaaaah! Syempre joke yun!

Di ko na iwewento ang susunod na ganap para bitin at para panoorin niow! Hello! kakapagod kaya iwento ng 100% ang storey! lols.

Score: 9.5!

Woot! Taas!

Gusto ko ang effects, ang twist ng wento and the other details.

Pero ang nagpataas ng rating for me ay yung iba yung impact ng dating ni Angelina Jolie bilang si Maleficent. Bidang-kontrabida na imbes na kainisan mo sya, parang, wow! go go go! They deserve that shitness lalo na kay Stefan pakshet! hahaha.

Eto yung moment na you root for the villain.

Medyo nabawasan ang score dahil nababadtrip talaga ako dun sa faeries sarap pitikin lalo na si Dolores Umbridge!

Must watch peliks to! Hehehehe.

O sya hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!


Thursday, May 22, 2014

X-Men: Days of Future Past

Blogs not dead! Hiatus lungs at pahinga pero hindi pa marahil patay. 

Bago ako magpunta sa boracays para makaapak for the first time, bigyan nio me ng time para mag review-reviewhan ng peliks na kapapanoods ko pa lungs.

Ito ay ang review ng peliks na 'X-Men: Days of Future Past'.




Hephephep!


As always, meron kayong dalawungs option.... Go On or Go Home! hahahah. parang sa game show lang.

Syempre, ang susunod na eksena ay medyo tadtad ng spoiler at halos buods ng wento kaya naman kailangan ninyong mamili kung tutuloy or tama na, skip read ganyans.


Decided na????








Sure?????






Seriously????

Okay, let's go!


Magsisimula ang pelikula, sa future tense (future tense talaga? Oo, walang pakealamanan!). Ang mga mutants ay hinuhunt ng mga descendants ni Robocop called Sentinels. Pero may something incredible sa mga robots na itwu kasi they have the capability to shape-shift and change.

Then, sa isang hidden base, andoon ang mga mutants like sila Bishop, Collosus, Shodowcat, Iceman, Sunspot, Warpath and Blink (hindi po sya si blueblink). Sinugods sila at poor-poor mutants kasi kahit medyo magaling na sila sa pakikipaglaban ay natalo at nakill sila...not



It turns out, si Shadowcat ay may kakayanan na makapagpabalik ng memory ng someone to warn the past kung anong magiging ganap sa future. So medyo nakaligtas sa kapahamakan sila, temporarily.

Tas dito na papasok ang grupo ni Professor X, Magneto, Wolvy at Storm. Nag-rendezvouz sila with the groupie of Bishop. Tapos nakahanap sila ng way para may possibility na mabago ang future. Ito ay gamitin si Logan (hindi bebet ang pers name)upang makabalik sa katawang lupa sa past at i-inform ang yuppies na si Prof.X at Magneto para pigilan ang punot-dulo ng ganap... si Mistake este Mystique.


So hayun na nga, back to the past ang dramarama ni Wolvy. Kailangan niyang maconvince si Charles na galing sya sa future ekek. Di lungs yun, kailangan din niyang mapa-cooperate si Magneto dins.



Sa past, kailangan nilang hanapin at puntahan ang babae na malapit kila Magneto at ProfX.....

ooops, nag-shape shift lungs....


Heto kasing girl on fire na nagvolunteer na maging tribute  blue shape-shifting girl kasi ay may balak magrevenge sa isang taong nag-eexperimento sa mga mutants. Balak patayins ni Mystique ang tao na siyang promotor ng mga sentinels......

Nope, kaloka-like lang ni Tyrion


Magtagumpay kaya si Wolvy sa task na binigay ni Big Brother sa kanya or baka mawalan sila ng weekly budget? 

Ang gitnang part at ang ending ay di ko na iwewento, kailangan ninyong manoods kasi worth it!

Score? 9.5 for me! Nagustohan ko sya! Kumbaga sa instagram, may heart, kung sa chwirrer, pineborits, kung FB, ni-like! 

Gusto ko yung opening pa lungs, maaksyon na! Yung labanan ng sentinels at mutants... Tapos yung eksenang ginamit na ng sentinels yung capability to change tapos natalo at napatay yung mga mutants, grabe, nakakadurog ng feelings.... yung napapa-shet at awwwww ako.

Gusto ko din yung part na humingi ng tulong kay Quicksilver. Hahahah, cool yung part na slow-mo ang eksena dahil uber bilis ni Quickieboy.

Nostalgic din yung makita yung mga old x-men characters... 

All in all, pasok sa jar at dapats panoorins! Sulit ang bayads sa sinehans!

kakashowing lungs sa sinehan kaya go na this weekend!

O sya, hanggang dito na lungs muna! Take care!

Pahabol: Wag kalimutan antayin ang after credits cheverlins.... Exciting ang next na X-Men preview... 4 horsemen :D

Tuesday, May 20, 2014

:(

Patay na ba ang blogging?


Tuesday, May 13, 2014

Paramdam-Random ng May


Huwaaaat? dalawang borlogs na lungs, nangalahati na ang buwan ng mayo?! Ambilis. Pero ang post ko sa blog parang ganap sa pilipinas, tag-tuyot, mala el nino ang peg.

Heniway, handito ako para naman mag-update-updatan at mag wents ng kung anik-anik lang.

1. Office related stuff muna. oo, laging una to diba? So, new sched na ako. Normal na tao mode. 8am to 5pm ang pasok. Yung eksenang kailangang nasa biyahe na ako ng before 6:30am dahil kung hindi, makikipag trip to jerusalem para makasakay ng jeep na pa-robinsons galleria.

2. Same kinda thing pag pauwi, medyo pahirapan ang pagsakay. Minsan kailangan mong makipag-amazing race at mag push ng folks to make sakay. Di lang yowns, minsan, kailangan sakripisyo, either sasabit ka or squat ka sa center ng jeep or 1/16 ng pwet mo lang nakaupo. 

3. Nag-team outing ang team namin. Hindi sya ginawang team building kasi chill-chill lungs, hang-out-hang-out lang ang peg. Nagpunta kami sa Baler. Okay naman, nag-enjoy naman ako at masaya naman. Di nga lang ako kumuha ng pics so sa FB, mga tagged photos lang ang meron ako. Tinamad akong ilabas si forn e.

4. Nagulat ako, may kanta na palang 'BOOM PANES!' tapos si ate shawie Rapper na! maygas!

5. Sa forums lang ako nakakasagap ng kaganapan sa bahay ni kuya sa PBB. Madami kasing points of views at mga screenies from live streamers. At madaming bashers and haters na kung ano anong talkshit, medyo nakakaaliw basahins.

6. Masarap yung new Caramel Ribbon Crunch ng starbucks, super sweeeeeet. hahaha

7. Back to chemo ang mudrakels ko, di ko pa lam kelan operasyon niya. Pero hoping gumalings sya before yung balak na trip to China.

8. Last week, namatay yung tatay ng dati naming kapitbahay. Dumalaw kami para makiramay. Tapos, medyo nag-flashback ang past. Tapos andaming changes sa lugar. Nakakamiss na medyo nakaka-awkward. hahaha. magulo. 

9. Ang initsay grabehan. Tapos yung ilog na dinadaanan ng jeep kapag pauwi na, halos tuyo na. oh noes...

10. One week na lungs! maaapakan ko na ang buhanginans ng Boracay!

11. 2 weeks na akong sumasama sa volleyball game na inorganize ng mga tao sa opis, medyo kailangan ng galaw-galaw para magpapawis.

12. Kaso medyo nakakahiya ang level ng playing skills ko, i'm bano. Hahaha. Yung mga kasama ko tumotoss, pumapalo, huhusay. Ako, ayun, hanggang service lang ang kaya ko, medyo hirap makipagsabayan.

O sya, hanggang dito na lungs muna! Always take care!

Thursday, May 8, 2014

Miracle in Cell No.7


Hello there! How's your week? Nangangamusta lang, chumecheck lang kung okay kayo. Hopefully ay nasa oks na kalagayan kayong mga readers.

For today, mag movie review-reviewhan nanaman tayo. 

Ang pelikula sa araw na ito ay nirecommend sa akin nung suking dvd seller sa quiaps mga february pa kaso this week ko lang nagawan ng time to panood the film.

Movie title ay ang blog title, "Miracle in Cell No. 7" na mula sa bansang Korea!

Ready  na kayo? Let's Go!

The movie starts sa mag-amang nakatingin sa harapan ng tindahan. They make sing and dance to the tune of Sailormoon song (yeah, yung may tag na 'Parurusahan kita, sa ngalan ng buwan!'). Dito may nakadisplay na Sailormoon Bag.

Medyo poorita corales ang mag-ama so di pa nila mabili yung Sailormoonbag. However, may isang pamilya ang bibili ng bag. Oh nose! Nagpanic ang mag-ama. 

It turns, medyo sinto-sinto at mentally retard ang pudrakels  kaya di maka-comprehend na nabili na ang bag. So pilit nitong sinasabi na sa junakis niya dapat yung Sailormoon bag. Ayun, Nagulpi at sinapok-sapok ng tatay ng nakabili ng bag si poor dad. 

skip ng konting mga araw.

Sumuweldo na si poor dad at may kashing-kashing na sya para maibili ang mahal niyang junanak ng bag. Yung isang bagets na nakabili ng Sailorbag ay sinamahan si sinto-sintofather sa ibang shop daw na may Sailorbag.

Dito ay magkakaroon ng probleyma. Naaksidente yung batang girl. Tapos may nakakitang epalod na assumerang ale na inakala na pinamanyak at pinatay nung sinto-sintongfather yung bata. 

Ayun... Boom! Panes! Charot! It turns out, na junakis ng high position sa kapulisan ang batang naaksidente at ito ay nadeds (poor sailorgirl). At dahil sa may position ang ama ng namatayan, huhubells at kawawa si mentally tard-dad. So na-forge at iniba ang statement at napwersa si mentally-retard-dad na tila akuin ang kasalanan.

Nakulong yung tatay na may saltiks, at ang kanyang possible na parusa kung mapatunayang guilty ay Death Penalty.

At dito na papasok ang mga anik-anik na kaganapans sa prison life ni mentally retardad at kung pano niya kamahal much ang junanak niya kasama na din ang pagka-touch ng mga prisonmates and some jail wardens ganyans.

Score for this film ay 9.

Grabe, nakakaawa ang nangyari doon sa tatay. Yung mga gulpi na inabot niya, yung harshness sa kanya and stuff. Nakaka-iyak yung batang babae na anak ni retarded dad. Nakakainis yung chief of pulis na blinackmail si retardad na kapag pumalag, kawawa ang anak nia.

Aaminin ko, naluha ako ng mga 5 drops of tears sa left eye while watching the film. Grabe, nadama ko yung kurowt sa puso na dulot ng peliks.

Nakakainis lungs??? Everything started due to the Fucking Sailormoon Bag! kaya kayo, tandaan, walang magandang dulot ang Sailormoon Bag! Hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care!

Sunday, May 4, 2014

Summer Siargao (Day 345)

Hello! It's sunday nanaman, at May na pala! Akalain mo yuns? For today, kailangan isalitype na ang karugtong ng Siargao adventure at baka matabunan ng mga anik-anik events.

Day 3.

Ito na yung time na pupunta kami sa Sohoton. Ito ay yung place na a must daw puntahans ayon sa mga sabi-sabi ng ibang byaheros.

 Ang siste, nagkaroon kami ng deal sa isang bangkero somewhere sa palengks na slightly nangulit about the trip. So, since medyo costly ang boat rentals sa iba, go go go. lols

Mga 7am na kami umalis ng dalampasigan ng palengks area since nag-almuchow pa kami. Medyo gloomy ang weather pero go lungs, mga may waterproof baggage counters naman yung mga kasama ko so secure ang gadget thingies.

So syemps, may time pa kami magpicture-picture sa byahe kasi estimated na 2 hours or more ang boat ride.

 Tuyo pa ang mga kasama ko
(Jeff, Fyle, May and Ivan)

Si manong bangkero

Pero after mga 30 minutes, medyo may problema, aba, bumuhos ang ulan! Maygas! Basang sisiw ang peg namin dahil walang trapal yung boat. Nalimutan ko ang excuse ni koyang bangkerow. 

Keri lang naman na ma-wet and wild since nakapang-swimming attire na at as i mentioned, may waterproof thingy bags ang mga kasama ko. pero...

Next ay medyo pupugak-pugak ang motor! Maygoodness! Imagine, nasa gitna ng dagats, umuulans, tapos mabagal ang kilos ng boat. Not Good!

Keber nanaman at no panic ang peg, all is well, all is well.... Tapos mas bumuhos ang ulan! Kumombo pa ng alon. Sige, keri lang. Medyo 3 hours na wet and windy and wavy ride.... Pero dapat naka-shield ka pa din ng Good vibes. Eventually nakadating din sa paroroonan.

 Kahit wet na, nagawa pa mag-selfie... :p





Pagdating ay iniabots namin ang mga thingies na ipapaluto namin for lunch tapos nagbayad sa mga fees and stuff. Sorry, di ko na nilista kung how much since i'm here to enjoy the trip hahaha.

Unang Activity namin ay paddle boat papunta sa Stingless jellyfish lake. Ang bangka na gagamitin ay medyo petite at walang motor so 1 person lang ang sakay tapos si manong na nagsasagwan.





Though may waterproof condom thingy ang digicam kong si Forn, hiraps me na kumuha ng shots kaya naman wala akong nakuhaang pics ng mga stingless jelly fishies. Medyo konti din ang mga ito dahil di pa daw seasons.

Just another info, noon, pede kang mag-swim-swim with the jellyfishies kaso ipinagbawal na now kasi daw nakakamatay yung mga sunblocks na inaaply ng mga folks plus namamatay yung jellyfish pag aksidenteng nabubunot ang testicles este tentacles nila due to swimmers .

Next stop, tour tour sa Sohotoncave kung saan merong kwebs na available lamangs kapag lowtide. Malamigs sa loobs. Sayungs, no super pics since hiraps talaga kumuha shots.







 Nag-cliff jump thingy din kami kaso wala akong nakuhang shot at di ko makuha yung vid. hahaha.

After that, nananghalian na kami ng adobs na pinaluto namin. Dahil sa haba ng bangkang byahe namin ay galit-galit mode sa pagkain, lamon ang ginawa.

Nagdecide kami na bumalik na dahil another 2 or 3 hours nanaman ang byahe at medyo makulimlims padin.

Kung medyo troublesome yung papunta, nakakalerks ang pabalik dahil against the waves ang bangka. Sumasayaw sa hampas ng malalaking alon yung boat. Splash kung splash. Tapos uulan hahangin. Di ko sasabihin na may kasama kami na napadasal while on the boat ride. hehehe.

Habang pauwi, dumaan kami sa Naked Beach. Isang islang hubad, puro buhangins langs sya. At dito nakaranas kami ng sunshine.







Mag-Iisland Hop pa sana kami kaso nagbabanta nanamans kasi yung possible ulan and alon so we decided to call it a day.

Maulan yung night na yun pero nag pizza party kami duon sa isang resto name Avelinos. hihih

Day 4

Nung umaga, nagbalik kami sa Cloud 9 para naman mapuntahan ng 3 naming kasama yung place. So syempre, groupies and picture thingies.

grabbed mula sa tagged photo sa FB

Syemps, nakita nio na yung Cloud 9 kaya no more pics ng place. Redundancy lungs. nagbrunch kami sa isang kainan there.

After mag-cloud9, sinundo naman kami ng nakontrata naming van para ihatid kami sa Magpupungko kung saan ito ay isang giant boulder rock na tila naka-rock balance. Doon din matatagpuan yung Hidden pool na lumilitaw lamang kapah lowtides.









Nag-jumping-jumping nanaman yung mga kasama ko dito since solo namin yung place. Medyo natakot ako ng slight kaya di ko triny. hahaha. Nag-swim-swim na lungs me. :p Buti may go pro yung kasama namins, may proof ng paglangoys.



Noong gabi, nagdinner kami kasama ang mga foreigners na tumutuloy din sa hostel. Bonding bago umuwi.

Day 5

Nagbreakfast lang kami somewhere at diretso na kami sa airport for our flight pabalik ng Cebu.


Since mahaba ang gap ng flight papuntang manila, nagdecide kami na mag slight trip sa Mactan para makabili ng pasalubs. Good thing na din kasi di ko to napuntahan last time na nag-Cebu akow.




Nakabalik me ng Manila ng 10pm tapos pasok ng 2am. O-ha! lols

At dyan na nagtatapos ang adventure sa Siargao.

Hanggang dito na lungs muna! Take Care folks!