Wednesday, December 31, 2014

Thanks 2014!

Ang 2014 ay naging mabait sa akin in terms of my travel opportunities. Nagscroll-scroll ako sa aking pesbuk timeline at napansins na halos every month pala ay may gala ako somewhere. 

Thus as the usual year ender post, hetow ang flashback ng travel ganaps for 2014.













Walang ganap noong buwan ng agosto dahil yun ang buwan na ni-operahans ang mudrakels sa kanyang boobie tapos ang buwan naman ng oktubre ay ang aking birthday kaya nothing so so special. hahahaha.

Masaya ako sa byahe ko ng 2014 at sana ang 2015 ay mas maging masaya.

At para sa mga readers ng bloghouse, sana ay swertehins kayo at maging happy and great ang inyong 2015. Syemps, dapats lahats ay happy.

O cia, see you next year! Hahahahah. Take Care!

HEYPINEWYIR!

Tuesday, December 30, 2014

English Only, Please!


Hello dear readers! I'm back! Hahahah. And for today, we will have another film review from the MMFF entries. We'll have 'English Only, Please' film review.

Warning, this post contain spoilers that is not suited for those spoilaters. You've been warned!








Gash.... Tissue! Bulak! Panyo! Twalya! Bedsheet! Dinugo much ako sa ilang linya ng inglis para sa aking bloghouse! Kenat! Kenat! Dapat sa comfort language tayo...

Magsisimula ang wents sa isang Semikalbo-ish mukang pinoy na inglisherong lalaki named Julian na gumagamit ng camfrog lols. Siya ay nag-iinterview ng mga applicants as an english-tagalog translator thingy. Madaming nagtangka pero sablay much ang ilan pwera sa isang bibbo girl named Tere.

Si Julian ay galing sa break-up at gusto niyang matutong maitranslate ang break-up letter niya sa tagalog upang masabi niya ito ng harapan sa kanyang ex (gusto nia ng harapan, harapin mo... Face to Face!)

So here comes Tere na nagtu-tutor ng mga taong nais humusay sa inglis at ito ang magtratranslate at magtuturo ng tagalogation sa kanutong si Julian.

Magkakapalagayan ng loobs ang dalawa lalo na ng makaranas ng heartbreak si Tere mula sa kanyang tila FuckBuddy ex sa katauhan ni Kean Cipriano na jugjug lang ang ganap at chickboy (haba ng pubic hair much? Di pa nakuntento kay Tere?)

Pero pano kung magmemeet muli si Julian at ang kanyang Ex? Anmanyayare kay Tere? Aba... abangan nio at panoorin sa peliks! Alangan naman na iwento ko pa. lols.

Ang film ay swak na romcom. Hindi pilit ang chemistry at hindi ibinabank sa popularity much ng labteam. hahaha. Nakakakilig din at feel good ang film na ito kasi it gives you a lighter side of love. Hindi over dramatic love story na langit-lupa-impyerno-im-im-impyerno.

Okay din ang supporting factors katulad ng bessie ni Tere na najontis in the age of 20 at ngayon ay naghahanap ng love subalit tila sawi dahil nagbaback-out ang mga guys kapag nalalaman na may junanak ito.

I will give the film a score of 9. Mas mataas ito sa Feng Shui2. Not bad sapat naman ang ibinayads. Deserve ni Jennelyn at Derek ang award na natanggap dahil sa husay nila sa pagganap ng role.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

heto pala yung trailer:



Monday, December 29, 2014

Feng Shui 2


Yo! Kamusta or kumusta (dahil daw hango ito sa katagang como esta eklachus)! May energy ng slight for a movie review-reviewhan kaya eto ako at tumitipa ng mga letra sa keyboard at iwewento ang isang MMFF film na pinanood noong pasko... Ito ay ang Feng Shui 2.


Warning: ang susunod na post ay naglalaman ng buod/synopsis ng peliks kaya kung ayaw ma-spoil, chupi -chupi muna lols.

Magsisimula sa pagpapakita ng chinatown shots at kung anik-anik sa chinatown na black and white at may ilang mga bagay lang ang colored. Medyo mahaba-haba ang opening credits kaya ihanda ang popcorn dahil ubos-oras much ito.

Then ipapakits ang flashback kung saan may kambal na bagets na nakapulot ng cursed Bagua sa lumang house ni Kristeta. Ipinakita na minalas ang naging owner ng bagua ganyans. Deads ang owner na nalaglag from a condominium.

Then ipapakita na thi Cocow Marthin. Thiya kathi ang itha tha bida ng peliks. So napag-utusan siya ng isang chinese old lady upang bawiin ang bagua kapalit ng kaban ng cash.

Ang bagua ay napasakamay temporary ni Mr. Shoo Li (yung intsik beho na kasama sa feng shui 1). At dito ay kailangan nakawin ni Coco ang bagay.

Pero bago maganap ang nakawan, ipapakits ang buhay ni Coco na laki sa hirap at may lasenggang mudrax na may julalay na bangkero at may hater na mainit ang ulo sa kanya. 

Ninakaw na nga ni Coco ang Bagua at dahil curious sya, binuksan niya yung nakabalot sa telang bagua at nakita niya ang sarili sa salamin. At alam na ang ganap, si Coco na ang new owner ng bagua. Siya ang sweswertehin while ang mga next in line na makikita ang sarili sa salamin ay mate-tegi.

Di ko na masyadong iwewents yung ganap about sa swerteng nakuha ni coco and stuff. Basta sweswertehin sya at dito magcru-curth ang landath nila ni Krith Aquino, the old owner ng bagua 10 yearth ago.

Then ipapakita ang eksena na pamangkin/kamag-anakan ni Lotus Feet yung old lady na nagpapanakaw ng Bagua. Nagtry itong kausapin ang matandang white lady-ish thingy na si Lotus Feet pero waley, instead na maiuwi niya back to china ang Bagua, kinuha ang kaluluwa ni old lady.

Ipapakits na si Kris Aquino or Joy as screen name. Nag-flashback ang ganap last movie at ipinakita ang naging buhay ni Kris after at pinakita na may lablayp na sya. At don't forget the ads na nasa movie like the ilaw-ilaw thing, padala thingy at yung pansit thingy. Kailangan maipasok sa peliks ang sponsors.

Then it shows na dalawahan na ang pagpatay ni Lotus Feet. Bakit dalawahan? Buy 1 take 1 ang peg. Pero ang eksplanasyones dyan, epaloid yung pamangkin na kinuha ni Lotus Feet kaya ayun, power of two na ang ganaps. Epal kasi.

At syemps kailangan daw maputol ang sumpa! Kailangan sirain nanaman ang hinayupak na lecheng Bagua. Dito i-eexplain ni mr. shoo li na mga kapekpekang naganap na dulot ng Bagua at ang paraan pano ito maputol. Dito lalabas ang previous owners na nagsurvive like Krith Aquino and Cherry Pie.

Then daming ganap and stuff hanggang sa madami pang napatay ang killer Bagua. Hanggang sa dumating na sa peak ng wento na over-over na kailangan na talagang mawasak ang bagua.

Dito ay eepal ang mga warfreak at tambay sa manila na hahadlang sa landas nila Kris at bubugbog sa mga bida. Habulan-habulan ekek hanggang mapunta si Kris sa Taoist Temple para basagin ang Bagua.

Pero boo-hoooooo, sorry ka kristetha dahil you failed. Akala mo nabasag mo ang hinayupak na pakingshet na Bagua pero hindi. Deads na si Coco Martin dahil sa mga tambay ng Manila at mukang may Feng Shui3 na magaganap sa future na malay mo, 3 na souls na ang kukunin. 

Score? ummmm. 7.6 out of 10.

First movie is way more scary than the second installment. Di ko gets ano pinaglalaban nung pamangkin ni Lotus feet e hindi naman siya yung mismong nakaranas ng paghihirap noong tiya niya. Atsaka dapat si Lotus Feet pa ang may uber galit. Basta parang may flaw yung new reason ng hatred nila Lotus Fleet.

Technically keri naman ang Feng Shui 2 pero not that great.

O heto, pampaswerte.

O cia, hanggang dito na lang. Take Care.

Friday, December 26, 2014

Pasko na, Random ko...


O hei! Kamusta na kayo mga folks? Greet ko muna kayo ng Merry Christmas kahit na kahapon pa ang pasko. You know, busy ng slights.

Bago ako magshare ulit ng GK adventure, random-random muna para updated naman kayo sa mga anik-anik kahit na ayaw nio hahaha.

1. Nagseason finale na ang survivor, ang nanalo ay si Nadiya na 2x joiner ng Amazing race pero di pinalad. Pero infair, nanalo sya sa survivor due to great gameplay.

2. Nag finale na din ang nipapanood kong Amazing Race. Ang nanalo naman doon ay ang Candy Scientist thingy. Trivia, sa season 25 ng Amazing race, dumaan sila sa pinas.

3. Pasko na, at alam nio dapat na sa ganitong panahon ay panahon ng MMFF. Sa aking pagchecheck ng movies, mukang ang trip ko ay ang Feng Shui2 or yung English Only Please. Pero abangers sa DVD na lung.

4. Personally, i gained weight nanaman this 2004. Gash, yung ipinayat ko ng 2013, nawalang parang bula. Need mag-diet for 2015.

5. Oks na ang mudrakels ko, Nagraradiation thingy na lungs everyday para daw mag dry yung mga veins veins stuff sa tinapyas na boobie.

6. Medyo nahaggard ako ng slight this christmas season. Anhirap maghagilaps ng pangregalo sa mga kiddos and friends. Jampakan sa malls at ang price, jusme, nakakaluwa ng mata. lols.

7. Woops, dito ko sa bandang gitna ipapasok ang wentong opis. Medyo annoyed ako ng slight sa opisina namins. hahaha.

8. May mga feelingerong team kasi na lagi na lang sila ang anak ng dyos na laging naka-special task at di nagcacalls. Yung laging may meeting and shenanigans. Tapos kami ang sumasalo ng calls. Kapagods.

9. Last Dec. 13, nag christmas party ang company namin at di nanaman me nanalo ng any prize. Sayang kasi anlaki ng prize like 3,500 USD, 2,500USD, mga trip to bora or cebu and Gaming showcase and iPhone6.

10. Yung christmas party ng current team ko ay so-so lang. And since di ko masyadong ramdam ang unity sa team, nag-christmas party kami ng old teammates (mas happy ako sa piling ng mga dating ka-team kahit resigned na sila or iba na ang position sa office).

11. Etong pasko, solo lang ako sa bahay dahil nasa probinsya ang parents ko at ang sister ko ay kasama ang jowa sa baguio. Di ako nag-celebrate ng noche buena.

12. Here sa office, buti konti lang ang calls, pero kailangan pumasok for double pay. lols. Kailangan ng kaperahan for travel plans ng 2015.

13. Next week, same din, may pasok ako ng New Year. I'll treat it as a regular day na lang para walang kirot, walang sakit lols.

14. Bumili ako ng new books, hopefully ay mabasa ko na sila.

15. Advance Happy New Year sa INYO na walang sawa na napapadpad here sa bloghouse ko. Nawa ay swertehin kayo much this 2015. Ingats palagi!

Take Care.

Monday, December 22, 2014

The Gawad Kalinga Adventure 2

Ikalawang araw na ng Gawad Kalinga experience sa may Cavite. Ang almuchow namin ay naka-set around 6:30am dahil pagsapit ng 8am, kailangan na naming pumunta sa GK site para magbanat ng buto-buto.

Sa unang araw ng gawa namin(2nd day ay ang 1st day of work), required kaming suotins ang free GK shirt namins saka ang name tags dahil hindi pa naman kami gaanong magkakakilala by names ng mga kasamahans. Bago pumunta sa site, picture muna pati sa jeep na sasakyans.



Then fly na ang jeep sa site na mga 15-20 mins ride lang.Pagdating sa site, kailangan may morning exercise muna. For this day, ang group ng Taiwanese ang naka-toka para mag lead ng stretching and warm-ups. Right after that, designation ng tasks and work na gagawins.

 But before that, let me take a selfie lols

Ang tasks na availables ay pagpintura ng balur, pagkuha ng panambak na lupa para maflat ang sahigs, mag-igib ng tubig at buhangin at ang paglalagay ng hallowblocks sa septic tank na ginagawa pa lungs.




Ang trabaho at pagbabanat buto ay mula 8am hanggang 11am. Then antay na mag-serve ng foodang for tanghalians at mahinga habang tirik na tirik ang haring araw. Balik trabaho pagsapit ng 1am to 3am.

After ng work, pagsapit ng 3pm, may mga mini aktibidades na ganap. Sa araw na ito, merong kaming cultural thingy kung saan for every groups ay magpapakita ng mga bagayor anik-anik na part ng kanilang culture thing.

 Ang mga observers, co-Trenders, kiddos and mga parents

Unang sumabak ang grupo ng Japanese kung saan may costume pa silang kimono thingy. Kasama noon ay ang small skit about samurais and ninja.




Next ay ang from team Australia kung saan nagpakita sila ng small stuffy ng Koala atsaka nag-sample ng isang famed palaman/spread called Vegemite.



Then ang Team USA na nag-feature ng isang fave sports nila sa states... Nope, not basketball (ishoot mo-ishoot mo- ishoot mo na ang ball) eto ay ang Football... American Football. Nagsample ng play and cheering.




Sumunods naman ang team EMEA (europeans) kung saan may dala silang mga postcards na ipinamahagi showing the places sa kanila.



Kasunod ay ang team Taiwan kung saan may niluto silang parang pudding type na foodie na pagkain nila doon. Nalimutan ko na ang tawag lols.



Syemps, papahuli ba ang Team GILAS? chos, Team Pinas ang huling nagshare ng culture thingy. Nope, di kami sumayaws ng Pandanggo sa Ilaw or Maglalatik or Tinikling or Singkil. Ang featured ay ang pinoy festival games anik-aniks.

 Kadang-kadang sa bao

 Pukpok Palayok

 Sack Race

 Luksong Tinik

After nito, back to base camp na muna. Dinner ng 7pm at small talk about sa kaganapans ganyans. Share-share ng realization and stuff pati ng possible na palaro para sa carnival/perya type thingy sa day3 ng work.



And that's a wrap for day2. Nakakapagods na masaya :D

note: muli, ang mga larawan ay hindi lamang sa akin, yung iba ay grabbed from FB friends na may shots ng anik-aniks. :D

Thursday, December 18, 2014

SI


Happy Thursday folks! How are you? Nag-umpisa na ba kayo ng simbang tabi este simbang landi este simbang gabi? Pasensya na nga pala at hindi gaanong updated ang bloghouse. 3 films na ang nipanood ko pero wala akong review like the Hunger Games, Penguins of Madagascar at ang recent na Hobbits. Siguro nektaym.

For today, book review muna tayo dahil merong new book si Bob Ong. Yes! After ilang taong pag-aantay, merong book si Bob Ong. Eto ay may pamagat na 'Si'. Oo, 2 letters lungs ang title, wag na mangealams.

Ang wento sa libro ay tatakbo sa walang pangalan na matandang lalaki na nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Dito ay babangitin niya ang ilan sa mga pangalan na magiging parte ng wento. Ang ngalan ng mga anak, apo, kakilala at ang kanyang asawang si Victoria.

Ang wento ay reverse story telling dahil ito ay mga fragments ng alala ng lalaki at ni Victoria at ng mga ibang character na nasa pabaligtad na ayos. Mula sa edarang 72, ang bawat taon pababa ay magsasaad ng mga pinagdaanan ng mga characters.

Maganda naman at hindi masyadong malalim ang wika o pananalita na ginamit sa libro. Madaling intindihin ang laman ng libro kaya di mo na kailanganganing mag-isip kung ano ang kaganapans. 

Makakaramdam ka ng sweetness ng mag-asawa, ang ngiti sa ibang kaganapan, ang lungkot sa mga nangyari sa ibang karakter at ang twist.

Kung ang content ng kwento ng libro ay bibigyan ko ng markang 9. Okay sa akin at pasado naman ang nilalaman ng bagong handog ni Bob Ong.

Pero.... pero... pero perong bukids..... Sa aking palagay, hindi makatarungan ang halagang 400 petot sa libro. Yeah, i know, hardbound... pero para sa mga madlang readers, maaari sanang nasa 150-250 range lang ang libro para na din sa mga students.

Hanggang dito na langs muna, Take Care folks!


Monday, December 8, 2014

The Gawad Kalinga Adventure


Zup guys! Malamig na desyembre sa inyong lahats. I know na busy much ang karamihan dahil sa papadating na bagyong Ruby (hindi Rodriguez ang apelyido). I'm back nga pala from hiatus sa pagsasalitype. Same reason for the last past months, katam.

Anyway highway, for today, nais ko lang magshare ng naging ganap last November. Nope, it's not the No shave novemner thingy at hindi rin haluwin eklachus.Ito ay tungkol sa 1 week na pahinga sa nakakapagod and exhausting hell week sa office (biglang dami ng calls at queueing much). Sa 1 week na iyon, ako ay nag-join sa tinatawag na Gawad Kalinga.

Ano ang Gawad Kalinga? Eto link... hahahah Pindot here

Plasbak, 6 years na ang nakalilipas ng pumasoks me here sa kumpanya at noon ay nababalitaans ko na yung tungkol sa 'GK' na kwento ng mga folks na nagvovolunteers sa ganito.

Masasabi ko na sa mga nakalipas na taons, curious ako kung talagang enjoy at masaya ang pagkakawang gawa shenanigans and stuff like that.

This year, nakapagdecide ako sa sarili ko na nais ko ding maranasan ang pagsali sa GK kaya naman lakas loob akong nag-sign up at umasa na mapasali. At swerte much ay natanggap ang aking application. Nakatakda ang GK week ng Nov. 17-21.

Weeks before ang ganaps, kinakabatutan me at worried ng slight kung anong mangyayari. Like kaya ko ba? Andaming mga what if what if na tumatakbo sa isip ko at kung anik-anik pa. Pero naisip ko na bahala na, just go with the flow na lungs.

Inorient na din kaming mga PH volunteers ng aming HR kung anong magiging takbo at proceedure and stuff like that. Mga possible na gagawin at ang tila itenerary for the week.

Sumapit ang lunes, Nov. 17, around 8 am ay nagmeetup kaming mga volunteers sa main PH office para antayin ang mga makakasama namin. Heto ang bilang ng volunteers: 7 pinoy volunteers tapos 3 from our USA region, 4 sa European region, 4 sa Japan, 2 from Australia at 6 from Taiwan.

So sa morning, introduction lang from co-volunteers at short tour sa aming office. Medyo nakakahiya kasi ako ang nag-tour sa kanila sa floor namin at sa sobrang mahiyain me, medyo hambilis ng quick tour. lols.

Matapos noon, diretcho kami sa HQ ng Gawad Kalinga for Orientation and briefing ganyan. Doon na din kami nag lunch at saka ibinigay ang starter kit (bag with items like shirt, gloves, hat at sleeves protector- yung main pic sa blogpost).



Then byahe na kami to the GK site na located sa Cavite.

After ilang oras ng kembot este byahe, nakadating na kami sa resort kung saan kami mag stay ng ilang gabi. Ito ay may namesung na La Traviesa.




Sandali lang kaming at nag-set ng gamit namin dahil fly kami sa main site kung saan kami magwowork for the next 3 days.







Adter a quick tour, sa hapon, nagkaroon ng mini game thingy so that makabond ng volunteers ang mga kiddielets. 




Pagsapit ng gabi, after ng dinner, kami ay nag-ayos ng mga donations ng clothes and toys and food at nag-pack kami. Ito ay ibibigay sa mga pamilyang naninirahan sa GK site.





After nito, ang ilan ay nagpahinga na at ang ilan ay nag-charade games bago matapos ang Day 1.

At dito ko muna tatapusin ang wento ng GK adventure. :D Abangan ang susunod na ganaps.

Note: Ang karamihan sa larawan ay kuha sa camera ng kasamang volunteer na si Geno. (wala akong masyadong kuha sa Day 1).