Showing posts with label Bob Ong. Show all posts
Showing posts with label Bob Ong. Show all posts

Thursday, December 18, 2014

SI


Happy Thursday folks! How are you? Nag-umpisa na ba kayo ng simbang tabi este simbang landi este simbang gabi? Pasensya na nga pala at hindi gaanong updated ang bloghouse. 3 films na ang nipanood ko pero wala akong review like the Hunger Games, Penguins of Madagascar at ang recent na Hobbits. Siguro nektaym.

For today, book review muna tayo dahil merong new book si Bob Ong. Yes! After ilang taong pag-aantay, merong book si Bob Ong. Eto ay may pamagat na 'Si'. Oo, 2 letters lungs ang title, wag na mangealams.

Ang wento sa libro ay tatakbo sa walang pangalan na matandang lalaki na nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Dito ay babangitin niya ang ilan sa mga pangalan na magiging parte ng wento. Ang ngalan ng mga anak, apo, kakilala at ang kanyang asawang si Victoria.

Ang wento ay reverse story telling dahil ito ay mga fragments ng alala ng lalaki at ni Victoria at ng mga ibang character na nasa pabaligtad na ayos. Mula sa edarang 72, ang bawat taon pababa ay magsasaad ng mga pinagdaanan ng mga characters.

Maganda naman at hindi masyadong malalim ang wika o pananalita na ginamit sa libro. Madaling intindihin ang laman ng libro kaya di mo na kailanganganing mag-isip kung ano ang kaganapans. 

Makakaramdam ka ng sweetness ng mag-asawa, ang ngiti sa ibang kaganapan, ang lungkot sa mga nangyari sa ibang karakter at ang twist.

Kung ang content ng kwento ng libro ay bibigyan ko ng markang 9. Okay sa akin at pasado naman ang nilalaman ng bagong handog ni Bob Ong.

Pero.... pero... pero perong bukids..... Sa aking palagay, hindi makatarungan ang halagang 400 petot sa libro. Yeah, i know, hardbound... pero para sa mga madlang readers, maaari sanang nasa 150-250 range lang ang libro para na din sa mga students.

Hanggang dito na langs muna, Take Care folks!


Monday, December 19, 2011

Lumayo Ka nga sa Akin!

Malapit na ang MMFF..... papalapit na ang mga peliks na gawang pinoy na para sa pinoy. Eto ang panahon kung saan magkakaroon ng mga peliks na sinasabing pampamilya.

Hindi tungkol sa peliks ang post na ito but medyo relate sa movies. Eto ay tungkol sa new book ni BOB ONG na may title na 'Lumayo ka nga sa Akin'. 


Ang new book ni Bob Ong ay isang script type thingy na story at ito ay nahahati sa tatlo. Ang una ay Action.... Ito ay may titulong 'Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat'.  Ang second ay horror na may title na 'Shake, Shaker, Shakest'. At ang last part ng story ay drama na pinamagatang 'Asawa ni Marie'.

Di ko na bibigyan ng masyadong spoiler para masaya. bahala na kayong tuklasin ang pakikipagsapalaran ng mga bida sa taklong wento. :D

Ang husga sa libro..... 9. Oo, ka-iskor ng last book review ko about dun sa mananaggal na si Amapola. heheh. Bakit ko nasabi ang score? eto.

Another variation ng writing settings. Kung ang ABNKKBSNPLAKO ay pakwento at pasalaysay, Ang Alamat ng Gubat ay comics type/ illustrations,  ang mga kaibigan ni Mama Susan ay parang Journal Diary, sa new book its like reading a script at reading the dialogue ng mga characters.

Komedy naman ang libro ngayon at talagang mapapatawa ka sa mga panyayare at eksena ng mga tauhan.

downside lang ng libro kaya ko binigyan ng 9 ay kulay pink ang cover. Hahahah. Kapag babasahin mo ito sa labas ng bahay, lalo na sa mall... tiya pagtitinginan ka ng mga tao at iisipin na nagbabasa ng Precious Hearts books. hahaha.

Go grab your own copy na! heheheh. Thumbs up. Recommended book for christmas!

O cia, hanggang dito na lang muna, TC!