Friday, July 24, 2015

Minions

Hello! Huli man daw ay nakahahabol din kaya naman eto ako at magrereview ng isang peliks na hindi na super fresh pero doncha worry, di pa panis. Medyo malamig lsang. Eto ay ang pelikulang Minions.


Wala na akong warning ekek, jusme, 2 weeks na to sa sinehans atsaka bago pa mailabas sa moviehouse ay meron na torrent versions so wag na mag-inarts.

Nasisimula ang lahat sa karagatan kung saan doon ipapakits na nagsimula ang taklong minion na nagiging follower ng isang orgnisim pero due to foodchain thingy, ang mga sinusundan nila ay natetegi one by one by a higher species.

Then ninarrate ang adventures ng mga minions sa paghahanap ng kanilang bossing. Ipapakits ang bossing dino nila, ang boss caveman, boss egyptian, boss dracula at soldier boss. Pero dahil medyo malas ay napapahamak ang bossing nila at natetegi.

And in one point, hinabol ang mga minions ng napahamak nilang boss at sila ay napwersang manirahan sa isang icy cave kung saan gumawa sila ng sariling civilization.

Subalit nawalan sila ng energy kung wala silang big boss na ifofollow kaya naman medyo nanghihina sila at walang gana.

So nag-volunteer ang isang minion named Kevin (hindi bacon ang apelyido). Naghanap siya ng makakasama para maghanap ng boss sa outside world. Nakasama niya ang navolunteer na si Stuart (hindi little ang apelyido) at si Bob (hindi marley ang apelyido).

Then in the outside world, napunta sila sa USA at doon nila napanood ang isang announcement about sa isang Evil convention  o ang pagsasama-sama ng mga evil folks/villains.

And so travel to the destination ang tatlo at doon nila makikilala ang isang main female villain ng time na iyon called Scarlet Overkill. Doon sa event ay naging under sila ni Scarlet at sila ay binigyan ng mission, ang kunin ang korona ng Queen ng Brit.

Ngunit dahil sa turn of events, instead na just nakawin ang crown, nakuha ng minions ang korona at pwesto ng Queen. At dahil dyan, nagalit si Scarlet at hinunt niya ang taklo.

At dito ko na icucut ang wentobells.

Score for the minion film????? 

Bibigyan ko din ito ng 8 similar to Ant-Man.

It's an okay film. Funny and cute pero kaya hindi ko mabigyan ng mataas na score ay dahil mas natawa ako sa actual trailer. Parang yun na kasi yung highlight eh. Sapat lungs yung tawa ko like hahaha pero hindi bwahhahayahahah. 

Bumawi lang ng slight yung cute scenes ni little Gru with the Minions sa dulo.

O cia hanggang dito na lang.

Tuesday, July 21, 2015

Ang Sleeping Quarters

 credits to owner ng pic

Hembak! Aside from movie review-reviewhan at random-randoman post, meron naman ibang topic ang nadidiscuss dito sa aking bloghouse. Eto ay ang mga anik-anik things na aking napupuna.

Dito sa aming opisina, simula ng lumipat kami from Eastwood to RBC, may isang place dito na naging popular na sa mga empleyado. Eto ay ang sleeping quarters. Dati naman meron din naman pero pupunta ka pa sa condo at doon matutulog. Now, nasa floor lang ng office ang room with beds na matutulugan.

Ako ay minsan na gumagamit ng sleeping quarters ng opis at today ay nais ko lang isalitype ang mga taong nakikita/ pangyayari na naoobserbahan o napapansin.

note: Male sleeping quarters lang ang info, hindi po co-ed ang girls at boys sa tulugan.

1. May mga Joy Reservers na employees na nag-iiwan ng kanilang baggage counters sa kama kahit di pa naman sila matutulog. Inaakala nila na parang hotel type na pede kang magdibs ng bed at iwan ang gamit at umalis ng ilang oras at bumalik for rest.

2. Andito ang Resident ng Sleeping Quarters na may mga bahay naman na malapit or malayo pero buong 5 work days ay sa sleeping quarters nakatira. Ginawa na nilang tirahan ang opisina at sa restday na lang sila umuuwi.

3. Merong Snorlax. Eto naman yung mga ayaw mong makasabay sa pagtulog dahil very disturbing ang kanilang hilik. Yung akala mo nakalunok ng barko o kaya tren at matindi kung mambulabog ng pahinga.

4. Madalas ay makakakita ka ng hoarders sa sleeping quarters. Sila yung kung gumamit ng unan ay wagas. Eto yung tatlo-tatlo ang unan. Isa sa ulo, isa sa paanan na ka-cuddle. Wala silang pake like the pabebe girls kung walang unan ang ibang matutulog.

5. May times na may makakasabay ka na kampon ng kadiliman. Sila yung takot sa liwanag. Eto yung mga kukunin ang kobrekama ng iba at ipantatakip para madilim ang bed space nia. Minsan for privacy ekek ata... 

6. Saklap much kung ang makakasabayan mo ay ang mga Kaderders. Sila yung minsan ay anlakas ng ubo tapos watdafuck, makakarinig ka ng parang plema at parang dumura. Meron naman na may sipon at gagamitin ang bedsheet as panyo??? at worst ay ang feeling nasa bahay at sa sleeping quarters nag-Jaclyn Jose at pinunas sa bedsheet ang shamodmod dahil nangamoy clorox-ish ito.

7. Ayaw ko na nakakasabay sa sleeping quarters ang mga may mga gadgets. Sila yung nanonood ng series or naglalaro ng games sa loob ng room. Yung anlakas ng liwanag na galing sa phone nila at medyo nakakasilaw kasi darkish ang room.

8. May times na mahimbing ang tulog mo tapos maiistorbo naman ng Bingi. Sila yung kapwa mo bumoborlogs at nag-set ng punyemas na alarm pero hindi magising-gising. Eto yung mga times na 5 minutes na yung alarm at di man lang nagigising.

9. May ilang chances na may makakasama ka na medyo smelly. Eto yung may anlakas na smell ng paa o kaya naman ay tokpu atsaka minsan amoy alak (yung mga galing inuman at di na umuwi kasi may pasok at nagpapalipas amats). 

10. Nagkaroon ako one time ng experience na mayroong Call Center Agent sa sleeping quarters. Eto yung mga tao na sinasagot ang calls nila sa loob mismo ng room kung saan ang karamihan ay tulog. At di lang basta pagsagot ang ginawa, nakipagtelebabad pa ang hinayups.

Ilan lang yan sa mga napansin ko at meron pang iba. Medyo nakakaasar-cesar makasama ang mga nabanggit dahil istorbo or hadlang sila sa pagtulog mo.

Hahhaah, napasulat ako ng di-oras dahil gusto ko sana magpowernap sa sleeping quarters for 1 hour kaso walang available na unan at meron liwanag na mapapansin mula sa kups na nanonood ng series sa loob.

Hanggang dito na lang muna. TC!

note: nadagdagan na yung listahan ko... meron na pala akong post dati... http://khantotantra.blogspot.com/2014/04/sleeping-quarters-shenanigans.html

Thursday, July 16, 2015

Ant-Man

Heyders! Kamusta na kayo? I'm back from my bakasyones to Palawan. Gusto ko na sanang iwento pero hahahah, slightly tamad-tamaran. lols.

Heniwei-Highway, andito nanaman me para magbigay ng movie review-reviewhan sa peliks na kakapanoods ko pa lungs kahaps. Nope, hindi Minions kasi last week yun, sayungs. Pero kung hindi mo nabasa ang title ng post na ito, ipapaalam ko sa iyo na ant-Man ang name ng peliks.

wooooops! Alam kong may probability (nuks, probability??? statistics??) na di mo pa napapanood kaya may warning na spoilers ahead..... Bahala ka kung gusto mong ipagpatuloy or hindi.










Ready????



Magsisimula muna sa isang pagtatalo ng mga medyo gurangers na parang associates sa isang kumpanya. May pinagtatalunan sila about something pero hindi mo masyadong bibigyan ng pansin ito kasi they don't explain about it much.

Then skip na dun, focus na sa bida ng peliks. Nakikipagsapakan si leading man named 'Scott Lang' sa isang kulungan. Then it turns out na farewell sapakan thingy lang. Then malaya na si guy.


Kinda boring thingie kasi ipapakits ang background at buhay ni guy na nakulongs ganyan tapos may pamilya siya pero di niya makuha ang visitation rights kasi nga waley siyang kaban ng cash ganyan.

Then shift eksena, Yung sa corporate thingy ulit, dito mapag-aalaman na yung isang boss ng company na bumisita at magdidiscuss about sa isang project kung saan kayang mang-shrink ng tao para gawing tila super soldier with the aid of a suit called 'Yellow jacket'.


Sa part na ito makukutuban mo na kung sino ang kalaban. Ito ay ang creator ng yellow jacket na bokaloids na guy.


Okay, back ulit sa bida dahil di siya makakuha ng job (not blow at hand) ay nakipagdeal siya sa friendship niya na nakawin ang isang vault na napababalitang pagmamay-ari ng isang mayamang matanda.

So here comes Lupin the third ang peg. Nakaw moments at pinakita ang skills ni leading guy sa kanyang burglary skills.

Pero ang nanakaw niya ay hindi kaban ng cash at hindi rin golds. Isang suit and helmet thingy ang kanyang nakuha.

Then nalaman niya ang sikreto ng costume, nakakapagpaliit ito. Hindi nakakakapagpaliit ng tyan kundi buong size ng tao.

Then yada-yada-yada adventure ni guy as a tiny man. At nagdecide na isauli ang lechegas na costume.

But no..... it's a trap.... Yung may ari ng costume/suit ay yung mayamang corporate thingy old guy named Hank Pym na original Ant-man. Dito nakipag deal ito kay scott na maresolve ang family problem nito kung tutulong ito na nakawin yung 'Yellow Jacket'.

So medyo ubos oras thingy sa coaching and training and stuff pati ang mga info about the ants na makakatulong sa kanya.


Then syemps, medyo boring naman ang film kung walang girlay for the boylet ng story. So andito ang junakis ni Hank Pym na magtuturo din at magtratrain sa bida.


Bago makumpleto ang training ni new Ant-Man, ay binigyan siya ng task na kunin ang isang bagay sa isang place. Pero unfortunately, yung place pala ay HQ ng Avengers/SHIELDS. Dito ay makakaharap niya si Falcon.


Then sa pagnakaw, nagkaaberya ganyan dahil alam na pala ng kontrabids ang galaw nila Hank Pym thingy tapos syempre para magreach na sa action part, may laban na ng bida at ng kontrabida. Ant-Man vs. Yellow-Jacket.



And then naglaban na nga at dito ko na tatapusin ang narration. Hahahahah.

Score ng peliks??? 8.

Sakto lang. Keri naman. Di naman chaka pero di rin super duper wow. Sapat lungs.

Okay naman ang humor, ang action, ang slight romance and family factor pero hindi great. Okay naman na malaman ang background ng isa pang hero.

BTW, may 2 end credits. Yung pagpapakita ng Wasp Costume para kay girlay at ang pagpapakita kay Captain America.


O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

Wednesday, July 1, 2015

Julrandom Post


Hulyo...... at Hulyaaaaaa..... kambaaaaal ng tadhaaaaaanaaaaaa.

Hellows mga folks! Hulyo na! Yeah, you know, July. Nasa 2nd half na tayo ng taong 2015. Ilang tambling na lungs at -ber months naaaaaa. Makakarinig na tayo ng jinggambels at samaybahay ambati songs.

Pero bago yan.... Well, Random post to keep the bloghouse agiw-free....

1. Nabalitaan nio na ba na yung kid celebrity noon na si Jiro Manio ay kakalat-kalat daw sa Naia3? Oo, yan ang latest buzz sa fb.

2. Naging rainbow colored shenanigans din ba ang profile pic ng mga friendships nio sa FB? Yan ay dahil nagcecelebrate ng anniversary ang NIPS. Nips, Nips! 

3. Kung naniwala ka sa number 2, nakow, gullible ka or nakiki-uso ka lungs. Dahil yun sa Pride thingy coz approved na sa US ang same-sex marriage. 

4. Ang nae nae at twirk it like miley ang common song sa mga videos sa FB.

5. For 2 months (july-aug), normal employee ako. Isa ako sa nakikipag patintero sa jeep, nakikipag habulan para makasakay, nag-aamazing race makahanap ng ride, nakikipag trip to jerusalem para makaupo at feels like bananaboat sa pagsabit sa jeep.

6. This july, makaka-check-in ako sa Sofitel dahil sa isang company event. Kung hindi dahil sa mga ganto, di ako makakapasok at makaka-experience makapag hotel na yayamanins ganyans.

7. Antindi ng issue kay Binay... Like hontindi!

8. I'm slowly adjusting sa new team ko here sa opis. 

9. Ano ba mas maganda, waterproof digicam or goPro? 

10. PBB is back.... at ang nababasa ko sa forums... aba may shiniship na labtim ng parehong boys... #Bazo #Kenley 

11.Ano ang pinagkaibahan ng namimiss at naaalala?

12. Not sure kung sa sinehan papanoorin ang minions or abang na lungs sa downloads.

13. May new manga akong binasa last weekend kaso bitin. Ang title ay 'The Gamer'. maganda naman.

14. Odd, yung yahoomail ko, di ko ma-access at kahit mag change password, maysira ang site/process.

15. Malapit na ang 4th of July na holiday sa US pero di rin naman holiday sa opis.

16. Inaantay kong mapalitan yung phone ng mudrakels ko para manahin ko ang iphone nia... Hahaha, if ever makakaranas na me makahawak ng iphone at hindi cherry nyahaha.

17. Di ko gets minsan ang Pride/talangka mindset ng pinoy. Yung matalinong gurl na mataas ang score sa UP, pinagdududahan at binabash dahil may dugong chinese. Pero kapag celeb na sumali sa mga contest sa ibang bansa, oa ang support. 

18. Sana mawala na ang Mers thingy ng Korea.

19. Alam nio ba, may likers na naliligaw sa bloghouse na to? Nagugulat ako na may nag-lilike ng fan page ng Kwatro Khanto sa FB. nakakabiglaaaaa.

20. Yung DMCI and luneta thingy issue.... jusko, andaming keyboard warriors. Pero yung iba naman, di naman pumapasyal sa luneta. Lakas magngangangawa.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!