Showing posts with label Minions. Show all posts
Showing posts with label Minions. Show all posts

Friday, July 24, 2015

Minions

Hello! Huli man daw ay nakahahabol din kaya naman eto ako at magrereview ng isang peliks na hindi na super fresh pero doncha worry, di pa panis. Medyo malamig lsang. Eto ay ang pelikulang Minions.


Wala na akong warning ekek, jusme, 2 weeks na to sa sinehans atsaka bago pa mailabas sa moviehouse ay meron na torrent versions so wag na mag-inarts.

Nasisimula ang lahat sa karagatan kung saan doon ipapakits na nagsimula ang taklong minion na nagiging follower ng isang orgnisim pero due to foodchain thingy, ang mga sinusundan nila ay natetegi one by one by a higher species.

Then ninarrate ang adventures ng mga minions sa paghahanap ng kanilang bossing. Ipapakits ang bossing dino nila, ang boss caveman, boss egyptian, boss dracula at soldier boss. Pero dahil medyo malas ay napapahamak ang bossing nila at natetegi.

And in one point, hinabol ang mga minions ng napahamak nilang boss at sila ay napwersang manirahan sa isang icy cave kung saan gumawa sila ng sariling civilization.

Subalit nawalan sila ng energy kung wala silang big boss na ifofollow kaya naman medyo nanghihina sila at walang gana.

So nag-volunteer ang isang minion named Kevin (hindi bacon ang apelyido). Naghanap siya ng makakasama para maghanap ng boss sa outside world. Nakasama niya ang navolunteer na si Stuart (hindi little ang apelyido) at si Bob (hindi marley ang apelyido).

Then in the outside world, napunta sila sa USA at doon nila napanood ang isang announcement about sa isang Evil convention  o ang pagsasama-sama ng mga evil folks/villains.

And so travel to the destination ang tatlo at doon nila makikilala ang isang main female villain ng time na iyon called Scarlet Overkill. Doon sa event ay naging under sila ni Scarlet at sila ay binigyan ng mission, ang kunin ang korona ng Queen ng Brit.

Ngunit dahil sa turn of events, instead na just nakawin ang crown, nakuha ng minions ang korona at pwesto ng Queen. At dahil dyan, nagalit si Scarlet at hinunt niya ang taklo.

At dito ko na icucut ang wentobells.

Score for the minion film????? 

Bibigyan ko din ito ng 8 similar to Ant-Man.

It's an okay film. Funny and cute pero kaya hindi ko mabigyan ng mataas na score ay dahil mas natawa ako sa actual trailer. Parang yun na kasi yung highlight eh. Sapat lungs yung tawa ko like hahaha pero hindi bwahhahayahahah. 

Bumawi lang ng slight yung cute scenes ni little Gru with the Minions sa dulo.

O cia hanggang dito na lang.

Thursday, June 25, 2015

Happy Meal: Minions 2015

Hello, hello, hello at isa pang hello! Kamusta, kamusta, kamusta at isa pang kamusta?! I'm back with blogenergy kaya naman may post agad-agad.

Noong ako ay munting bagets pa lungs ay mahilig na ako sa laruans ng happy meal ng mcdo. Dahil magaganda ang kanilang toys ay gusto ko na nagpapabili ng pasalubs sa parents ko nito at nangongoleks mey.

Now na malaki na me, minsan patuloy padin ako sa pagbili at pagtangkilik sa happy meal.

Last month, nakita ko sa inaabangan kong FB page ngHappy Meal toys na nagstart na ang Malaysia sa pagrelease ng new happy meal toys and so i prayed na sana meron din sa pinas. 

Mukang dininig ang prayers ko dahil last week, nabalitaan ko na merong pre-reservation chuva ang Mcdonalds for the upcoming Happy Meal nila. At syemps dahil gusto ko ito ay isa ako sa nagpareserve.

Sino ba naman ang di magpapareserve ng toys kung cute naman na figure thingies ng Minions ang available. Ito ay dahil nadin ipapalabas this July ang peliks na Minions.

2013, nakakolekta ako ng Minions Happy Meal din so kailangan meron ako this year.

So without further ado.... heto na sila...

 Front set box

Back ng box

 Ang nasa loob

 Ang lamans

 Minion Caveman

 Groovy Stuart

 Chatting Bob

 Marching Minion Soldier

 Lava Shooting Kevin

 Guitar Strumming Stuart

 Minion Vampire

 Guard Minion

 Martial Arts Minion

Egyptian Hula Minion

Jollibee mascots loves Minions

For the set of 10, keri lang naman ang mga designs pero i think medyo kalokalike yung Marching Minion Soldier at Minion Guard because of the headgear nila. Siguro mas maganda kung may variety katulad ng ibang design na avail sa ibang bansa like Australia or Brazil. And maganda ang sa Australia dahil 7 sa designs ay talking minions which is coooooool.

 Brazil

Australia

Oh well, keri langs. Sapat naman ang ligayang dulot ng Minions. At dahil dyan, kaabang-abang ang upcoming film nila....

O sya, hanggang dito na lang muna! Take care!

Saturday, July 20, 2013

Authority Hoodie

Yo! Musta! Happy Weekend guys! Kamusta na keyow? Ako? Heto, medyo unuubow pero chill lungs, medyo dry kap pero nagmemedicine naman.

Heniway, wents/ promote mode lungs ako. hahahaha.

Medyow uso ang minions ngayon at isa ako sa nahibangers sa cuteness ng mga despicable but cute yellow creatures named minions.

At aside sa happy meal toy, may isang minion related item akong nibili..... heto ay ang Minion Hoodie.

Una ko tong nakita sa pesbuk na minowdel ng isang ka-owpismate at ako ay na-fall sa cuteness ng item kaya naman ako ay nagpareserves at bumili.


After a week, nakuha ko na yung nipabili ko at ako ay naaliw much. hehehe, ang cute kasi talaga. Ayun, nipektyurans ko pa at nisuot with selfie.



Ang nagbebenta ng hoodie na ganto ay may namesung na 'Authority Hoodie', AH! for short. Madalas mong makikita sila kapag may events like cosplay thingy and stuff.

Heto pa ang ilan sa sample pics nila, kaso sold out na (note: ang larawan sa ibaba ay di ko po pagmamay-ari at nakuha lamang for pabida purpose regarding the store/nagbebenta ng hoodies)

 Jack Frost Design Hoodie

 Adventure Time Hoodie

Panda Hoodie 

Assassin'sCross hoodie

Heto po ang pesbuk page ng Authority Hoodie!

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Tuesday, June 25, 2013

Minion Days!

♫♪♫♪ba-ba-ba-ba-ba-nana (2x)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
potato-na-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
togari noh pocato-li kani malo mani kano
chi ka-baba, ba-ba-nana♫♪♫♪

Good Morning folks! Howayu? Ampayntenkyu? Sana ay okay kayo.... dahil pag okay kayo, okay na din me. hehehehe.

Last friday, while checking chwirrer and blogs, napag-alamanan ko na may new happy meal in town! So ako  naman ay nacurious kaya nung may time, nangusisa ako sa mcdo at tumingin kung available na nga ang sinasabi nila. And poof! Meron nga! 

Ang toy ng Happy Meal ay hango sa mga characters sa upcoming movie na Despicable me 2. At ang focus ng toys ay ang mga cuddly yellow minions.

Matagal-tagal na din me na di nag-Hahappy Meal kasi yung mga recent toys nila medyo mababa ang  score for me. Parang walang gaanong quality at kinda small compared sa mga toys noon like the 101 Dalmatians, Around the world snoopy and more.

Nung nakita ko at binusisi, pwede na at lagpas ng 5 points ang score niya at medyo cutie ang designs kaya naman i decided na sumabak at bumili na din.

Bakit Minion days kamo ang title? E kasi for days, while nasa labas ng house or nasa work, aba, mcdo lang ang kinainan ko. Masuka-suka me at ma-umay sa fastfood para lang mag-happy meal. nyahahaha.

Sumatotal na siyam ang desenyo ng Happy Meal ang available pero i decided na kunin lang yung 8 designs at iwan yung isa kasi for me, di ako totally satisfied sa kakayanan nung last toy saka i don't know.... di kasi cutie yung evil minion eh.

Heto ang mga larawans ng mga nakuha ko.


1. Tim Giggling- Kailangan mong i-shake-shake yung toy na nagproproduce ng mala-giggling sound


2. Tim Giggle Grabber- Same sa nauna, pero this time, pag pinindut-pindot yung sa likuran, bumubukas-sara yung kamay.


3. Tom Googly Eyes Grabber- Same effect ng grabber kung saan bumubukas sara ang kamay tapos ang eyes nito ay nagmomove from left to right ganyan.


4. Jerry Breakdancing- Windup toy na umiikot/ nag-iispin na sorta-kinda parang nagbrebreakdance daw.


5. Dave Gadget Grabber- Well, yung gadget niya lang yung gumagalaw na parang pincher something...


6. Stuart Babbler Grabber (left)- Same grabber thing na bumubukas sara ang kamay pero nagproproduce ng miniotic sound/laugh.

7. Stuart Light Up Grabber (right)- same grabber thingy pero ang difference sa nauna naman ay instead of laughing sound, umiilaw to.


8. Evil Minion Chomper- parang imitation ng trolls kung saan may hair sya tapos nabubukas sara yung mouth na chuma-chomp-kinda-thing. (reminds me yung pugitang kontrabida sa little mermaid)

Alin-Alin-Alin ang naiba?

Kung curious kayo kung ano yung pang-syam? Eto link ng isa sa blog na sinisilip ko kung may new Happy Meal Toys.


At.... sa ibang bansa, specifically sa AU, iba ang set nila..... Heto ang larawan na napulot ko sa website ng Australian Happy meal.


Kung yung sa Australian designs ang inilabas, malamang kinuha ko yung Evil Minions kasi maganda yung babbler thing. Saka hindi lahat magkakapareho ng purpose na puro grabber thingy, may variety.

Score sa toy???? Wow... may ratings? May review-reviewhan? Oo, meron. Bibigyan ko ng 8. Pwede na din pero not the best. hahahaha.

At dahil 5 days din akong nag-mcdo...... iwas muna ako sa fastfood na ito. Maygawd. Nagrotation ang pagkain ko from burgermcdo to spaghetti to chicken nuggets to fried chicken to hamdesal. Lols. Umay much.

O cia, hanggang dito na lang muna. Kung sino mang may mabait na puso na manlilibre ng final evil minion, hahahaha, tumatanggap po me ng regalo. lols.

Take Care folks!