Tuesday, November 17, 2015

Kwentong Korea: Before the Byahe

I'm back mga brokeback lols! Hello, hello at isa pang hello sa inyong napapadaan sa aking bloghouse. Bago matapos ang taon na ito at dumaan ang december ay kailangang maisulat na ang dapat masulats. Kaya naman heto na.

Last year, yah.... last year pa, taong 2014, August 24 to be exact, ay nagkaroon ng seat sale ang Air Asia. Ang mga opisberks ay napagdesisyunan na ito na ang tamang panahon para naman bumiyahe ng labas ng pinas. Kaya naman nagpa-book kami ng tix papunta sa bansa ng Endless Love..... South Korea.


Fastforward... around August ng 2015, nagsimula na kami na maghagilap ng mga kakailanganin namin para sa isang requirements para makatungtong ng South Korea, ito ay ang Korean Visa.

Opo! Opo! Tama po ang nabasa ninyo, di ka pedeng basta-basta na lang lilipad papuntang South Korea ng wala kang approval or Visa. 

Kung curious ka kung eme-eme ang mga requirements? Heto, i-bubullet-seeds ko ang needed.


-Application form, wag kang ano! Kailangan kang sumulat sa form nila and make fill in the blanks.
-1 piece passport size colored pic, wag yung basta mo lang crinop sa FB pics mo.
-Original passport, dapat valid pa for more than 6 months. Bawal ang pa-expire na.
-Photocopy of passport Bio (page 2), kahit richie-rich ka, wag mo ipa-photocopy lahat ng page
-Original Certficate of Employment, Yung may lagda ni Aling Puring ganyans
-Original Personal Bank Certificate, kailangang A for Afford mo daw ang pagbyahe palabas ng bansa.
-Bank Statement, record ng paglabas-masok ng kaban ng cash sa account mo.
-Photocopy of ITR, ayan... sinisilip din ang swelds mo na pinagpapaguran mo.

Kapag meron ka na ng requirements, pede ka na pumunta sa suking tindahan este sa Korean Embassy somewhere in BGC. Kelangan umaga kayo pupunta dahil ang submission ng mga anik-anik na needed items ay from 9am to 11am lamungs.

Sandali lang ang ganap dun, pilabalde ng slight, abot requirements, ichuchunky-check ni koya sa tabi ng pinto at bibigyan ka ng number. Tapos antay mo mag-flash ang numero mo sa 3 windows na available. I-abot ang requirements, kumanta ng chandelier part na "1-2-3-1-2-3-drink, 1-2-3-1-2-3 drink" then bibigyan ka na ng papel with the date kung kelan mo malalaman ang resulta ng raffle.

After ng mga 7-10 days ganyan, pwede mo na makuha ang results. Pero imbes na morning, sa afternoon lang pede i-claim ang results sa Korean Embassy. 

Here mo malalaman kung 'In or Out' ka. Dito ay may chance ka na masabihan ng ' You're no longer in the running to be Korea's Next Top Model'. Kaya kailangan mong magdasal na aprubahan ka. 

Kapag nakuha mo na ang result, eto ang look ng visa or sticker na kinabit sa isang pahina ng iyong pasaporte.


5 out of 6 ang resulta ng Visa application namin. Sa kalungkutang palad, may isa na hindi inaprubahan ng Korean Embassy. Na-sad kami pero kailangang magpatuloy padin ang ikot ng mundo. 

So gumawa ang mga kasama ko ng itenerary at naghanaps ng matutuluyan sa Seoul at nagprepare na din ng mga bagay bagay tulad ng kaban ng cash na Korean Won at nag-impake ng damit for Autumn.
 
 

Ready to go na...
Itutuloys......

Wednesday, November 11, 2015

Ang CORONasan Day 2 and 3

Hello! Habang ako ay nag-aantay ng pag-upgrade ng operating system sa aking laptop, naisip ko na ituloy ko na ang kwento ng pagpunta naming pamilya sa Coron, Palawan. So heto na po mga ka-khanto ang karugs ng wento.

September 28, Lunes, kami ay nag-almuchow muna ng aming breakfast sa aming tunuluyan kasi bundled or kasama na sa accom ang free breakky. After mag-almuchow, prepare na kami sa aming tour.

Sa di ko mawaring reason, medj late ang iskedyul na pinili ng aking sisteraka. Mga 9 na ata yun at almost 10 ng kami ay sunduins.

Syempre nag bangka kami for tour dahil alangan namang mag traysikol kami sa kalagitnaan ng karagatans. Medyo makulimlim ang kalangitan with rainshowers pero walang makakapigil sa amins.

Ang unang spot na pinuntahan namin ay ang Siete Pecados or ang marine sanctuary spot na napapalibutan ng 7 islets (maliliit na isla). Dito ay pede kang mag-snorkels-snorkels to see some fishies and corals stuff. Dahil nga majulanis morisette ay medyow malabo ang tubig kaya di mo masyadong dama at F na F ang ganda ng katubigan.







Then next naman ay ang Lake Kayangan na tinaguriang pinakamalinis/Malinaw na Lake daw. Akala namin na pagdaong ng bangka sa place ay bubungad na sa amin ang lake. But no! Kailangan daw kaming mag-hike/trek muna bago ito matunton.

At dahil gurangerZ na ang mga parents, ako at ang magbowang sisteret at boyfie niya na lang ang nagpatuloy. Di ako informed sa hiking na ganap. Medyo kahingal ng slight paakyats at kailangang mag-mambo no. 5 paakyat ng steps patungo sa first stop kung saan ito ang viewing deck thingy.




After ng view deck thingy, kailangan mong mag-hike pababa para naman mapuntahans ang Lake Kayangans. Sulit naman ang effort kasi maganda yung place. Kahit medyo matao ay malawak ito para sa lahats. Mas maganda sigurs lalo kung maaraw ang kalangitan dahil mas magbribrighten ang color ng water.







Then ang nakakahingal na akyat bundok muli pabalik sa pinagdaungan ng aming vengaBoat kung saan nakatambay ang mudraks at pudraks.

At dahil nakakaTomJones ang mag-trek ay oras na para kami ay mananghalians. You know, dahil medyo nabore sigurs kaka-waiting in vain ng parents sa boatness. So pumarada muna ang bangka sa Banol Beach at doon kami lumamowns.





Matapos kumain at magpababa ng slights ay bumiyahe na ulit ang bangka. Medyo near lang sa Banol Beach, mga ilang tambling lamang ay ang sumunod na desti, ang Skeleton Shipwreck. As the name itself, dito may lumubog na barko at kita mo ang skeleton ng boat. Medyo malalim ang kinalalagyan ng boat kaya mahirap maabot ng jijicam. It's another place for snorkeling.




Tapos tumakbo ang boat papunts sa Twin Lagoon. Sa stop na ito, medyo masakit ang ulo ng boyfie ni ateng kaya naman well, kami lang magkapatids ang nagswimswim sa kabilang lagoon ng twin lagoon.







Sumunod naman ay ang Barracuda Lake. Ito ay ang lake na pinamumugaran ng mgaShoulda-Woulda-Coulda-Barracuda fishies. Dito nagtry naman kaming mag underwater pics.



Then tapos na ang tour at balik na kami sa resort at nagswim-swim mode muna sa pool. Then nagdinner naman kami sa resto named Santino's, nope, hindi po yung resto ng bagets na nagdadasal sa ABS-CBN.





Day 3, September 29, ikatlong araw namin. Eto nadins ang araw na uuwing pa-manila ang magboyfie. Pero bago yun, nag-City Tour na hindi City tour muna kami. Unang pinuntahan ay ang pagawaans ng mga kasoy. Then ang Maquinit Spring (sayang nga lang dahil sa kakulangan sa oras, masarap sana magbabad sa mainit na tubig). at nagMambo No. 5 nanaman sa Mt. Tapyas.








Then sa hapon, free time lang ginawa namin at tambay lang sa resort at lakad-lakad sa area. NagDinner naman kami sa Balinsasayaw.


Kinabukasan, September 30, time to head home na to Manila. AT ditow na nagtatapos ang adventure namin sa Coron. Masaya, medyo nakakapagod. 

Hanggang dito na lang muna. Take Care!