Saturday, July 30, 2016

Office Shenanigans



Hello folks! Papalapit na ang kapaskuhan at matatapos na ang 2016 hahaha. Ang advance nu? well, ganun ata talaga, ambilis ng panahon at oras.

Tagal-tagal na din pala ng huli akong nagwento ng personal na ganap sa buhay ko dahil sa tingin ko ay wala naman nagbabasa dito. Pero sa di ko madecribe na damdamin, nais kong magbuhos este magwento ng ganap. Well, mostly office stuff. Yan na kasi ang medyo personal na bagay na kaya kong maiwento.

1. Unang bagay sa taong 2016 ay new year para magsimulang muli. Yun ang akala ko. Pero sa pagpasok ng taon, same old shenanigans ang nagaganap. Same shiznez different day ganyan.

2. Sa team namin, may dadating na new members pero after a while, mawawala din. Bawal ma-attch dahil sa isang iglap pede silang maglaho. Mahirap makipagkaibigan kung napadaan lang naman sila.

3. Sa buong floor sa opisina, puro bago na ang mga mukha ang nakikita ko. Nakakalungkot na kapag maglalakad ako papuntang pantry or papuntang CR, wala akong kakilala. Aliens, aliens everywhere.

4. Medyo nakakainggit din na yung mga bago ay mas mabilis ang movement sa floor. Not the literal movement ha. But i mean the promotion/changes. Alam mo yung 6 months pa lang sila sa kumpanya pero umaalagwa na ang career growth nila.

5. Then yung mga kakilalang mga matatagal na din sa floor ay nagdecide na either magresign or malipat ng ibang department. Nakakadepress na maiiwan ka lang.

6. Halos 6 months akong nakikipaglaban sa katamaran at lungkot at depression na walang ganap sa work life ko. Yeah, i make gala pero pagbalik sa opisina, nagbabalik ang lungkot.

7. Dumating ako sa point na wala na akong motivation to work. Ang tanging iniisip ko na lang ay kung hindi ako magtratrabaho, wala akong kaperahan para sa mga gala etc.

8. Then nagkaroon din ako ng new team lead. Napromote yung past team lead ko. Bago nanaman ang adjustment na nagaganap. 

9. Tapos may kaganapang nakakainis. Yung tipong bawat galaw mo maay nagmamatsag. No not stalker thingy. Yung tipong may fault finder commitee na bawat pagkakamali mo ay nakareport ora-mismo hindi sa team lead kundi sa Ops manager. Ganung level na pamumulis.

10. Nabigyan ako ng NTE (notice to explain) chenelin. Nag-coaching sa behavior thingy at sinubukan ko naman mag-follow.

11. Yung nagpapakatino ka sa work pero meron talagang fault finder na OA kung makasita. For the second time, nareport nanaman ang namesung ko sa Ops Manager. Nakakaloka! Nagkamali lang ako ng pagsilip sa lunch schedule.

12. That' it! Napuno na ang salop ko. Yung lahat ng frustrations, sama ng loob, lungkot y nagsama-sama. Eto yung point na gustong-gustong-gusto ko na magsubmit ng resignation letter ko. Eto yung moment na ang sinisigaw ng utak ko ay 'SHUTANGINA!!!! MAGRERESIGN NA AKO! AYOKO NA! Oo, caps yun para intense.

13. Sa sobrang inis ko, nilinis ko ang aking cube at hinakot ko na lahat ng gamit ko sa aking locker. Sinimut ko ang mga anik-anik at nagtaxi ako pauwi, may namumuong luha sa mata (sa kaliwang mata, yung sa kanan parang walang luhang gustong lumabas).

14. Pero nahimasmasan ako after ng pep talks from friends na anyan lang at nakaalalay. Sila yung nagsabing wag munang isuko ang bataan chost. Sila yung nagsabing wag mong ibandera ang puting bandera.

15. Nagdecide ako na oras na para magkaroon ng pagbabago. Tulad ng motto noong nahalala si duterte.. Change is coming.

16. After 3-4 years ng huling attempt ko na mag-apply, nag-update ako ng resume ko. At habang nagtytype ng resume, maluha-luha nanaman me. Napaisip, mag 8 years na ako at ang konti pa lang ng mga nagawa ko at achievements ko sa company.

17. Nag-apply ako sa isang immersion program. Eto yung parang borrowed worker ka for another position para matry mo kung ano ang task and jobs na ginagawa nila. 

18. Kasabay nito pinag-apply ako sa corporate side ng department namin. Ambilis ng pangyayari. Naka-set-for interview agad.

19. Maayos naman sa aking palagay yung interview ko for the immersion pero alam ko na sablay ako sa interview sa ibang department. Yung kaba level ko ay nag 'Pak! Ganern! Banglebel!'. Tapos i know sablay din ako sa sagot ko. And from there i know na i have slim probability na mtanggap.

20. Now, nalaman ko na ang resulta. Bagsak nga ako sa corp application pero pasado ako sa immersion. Napaisip ako na kung may nagsarang pintuan, meron namang ibang nagbukas.

Sa lunes, simula na ng slight change sa work life ko. And i'm getting over the dramalala ng buhay trabaho. Andyan naman talaga ang changes at wala naman akong magagawa kundi makipagsabayan sa pagbabago.

O cia, hanggang dito na lang muna ako. Take Care!


Sunday, July 17, 2016

The Achy Breaky Hearts

Hello Julyness! Grabe! Isang buwan pala ang pagitan ng huling post ko at isa nanamang movie review-reviewhan nanamans ang mababasa ninyo here. Pasensya na, di ako makapagwento ng personal dahil may mga rason na pumipigil muna sa akin.

Heniway hiway, ang pelikula ngayon ay ang film na kapapalabas lang sa sinehan pero mabilis ang mga friendship na pirats at nailagay na nila agad sa dvd itong peliks naito. Hombilis lang no?
 
 
So without further ado, heto na ang film na ' Achy, Breaky Heart'.... insert L.A walk dance grove here...

Magsisimula ang peliks sa pakita ng mga manika na nagmomonologue thingies about love.
 
 
Then ipapakita ang isang babaeng itago natin sa pangalang 'MayAmor'. Isa siyang girlita na medyo sawi at bokyakels ang lablayp sa simula. 
 
 
Pero papasok sa eksena ang unang guy na magpapalaglag panty niya. Ito ay si Sir Eduardo. Isa siyang custumer ni girlay sa jewelry store na pinagtratrabahuhan ng merlat. 

Bibili si guy ng singsing at for some reason, pinasukat niya ito ay Mayamor to make sukat. Nagkasya pero hindi matanggal ang singsing kaya naman hinigop ni Eduardo na parang may nilolipop na junjun chost.

Then bumalik si Eduardo dahil na reject ang kanyang proposal. Sinamahan ni Mayamor si Eduardo para i-winback ang GF ni guy subalit nalaman nila na may ibang kalandian na ito at pumasok ito sa motmot.
 

Then pasok naman sa eksena ang X ni Mayamor na si Sir Chrief. Nagkrus ang landas ng dalawa sa isang seminar achuchuchu kung saan speaker si Sir Chief at sa awkward situation, may ay ask question si merlat na medyo patama sa kanyang X-men.
 
Sa una medyo galit-galitan si gerlay sa kanyang X subalit ng malaman niya na may pagtingin pa din si guy sa kanya at humihingi ng second chance, tila nagbago ang ihip ng hangin.
 
Ang haba-haba ng pubic hair ni MayAmor.  Dala-dalawa ang boylets na naghahabol sa kanya. Kaso medyo di makapagdecide ang kanyang bahay vajayjay dahil ang isa ay baka ginagawa siyang rebound (dahil kakabreak pa lang ni guy sa kanyang gf 2 months ago) while ang isa ay ang kanyang past (kung saan may naging history na niloko sya).

Pero dumating na ang mga conflict. Nahulog na si Mayamor kay Eduardo subalit nalaman niyang di pa nakakamove-on si boy sa ex nito. Then triny ni girlay na mag-turn to Sir Chief kaso ramdam ni guy na sa iba nahulog ang loob nito. Kaya ayun. poof. Double heartbreak ang nadama ni girlay.

At the end of the film, naging masaya na lang si Mayamor na single siya. Pero umeksena nanaman ang dalawang boylets. At doon na nagtatapos ang peliks.

Score ng movie? Bibigyan ko ito ng Achy Breaky 8.8 Maganda naman. Magaling ang mga actors and actress sa pagganap. Nararamdaman mo ang mga kilig moments at ganaps. Mahusay din ang mga support casts katulad ng mga Titas or ang mga beshies ni Mayamor pati ang kanyang mudraks.

Bakit humantong sa bawas na score at di umabot sa 9? For me kasi parang pinaasa ng peliks ang mga tao kung sino talaga ang napili.. Like... seriously??! You can't have both dude mayamor. You need to choose and set somebody free. hahahaha. Affected?

O well, trip ni scriptwriter at story maker ang ganung ganap so wala na akong magagawa. hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!