Showing posts with label tagalog film. Show all posts
Showing posts with label tagalog film. Show all posts

Monday, July 24, 2017

Kita Kita

Monday na! Kamusta naman kayo mga folks? okay naman ba ang naging weekend nio? Ako? keribels naman. At dahil dyan, segway na tayo kung ano talaga ang kontent ng blog na ito.

Pak! Movie review-reviewhan na ng pelikulang maugong sa facebook timeline na kumabog ata sa pelikula ng mga nagtratransform na sasakyan... 

Ang pelikulang 'Kita Kita'.

Wala nang babala-babala pa. Alam nio na maglalaman ito ng spoilers thingies so read at your own risk! Matanda na kayo!


Kung nakita nio na yung trailer, malamang knows nio na ang possible plot pero kunwari walang may alam kaya ichichikabels ko na ang ganaps.

So sa bansang hindi umaga, hindi tanghali at hindi gabi dahil ito ay bansang Hapon. May isang tourguide na pinay na itatago natin sa pangalang Lea (Hindi navarro at hindi Salonga).

Work-work-work-work sya tapos mega chenes siya ng bilang bilang thingy while narrating ang ganap sa buhay niya.

Malalaman na meron siyang sakang na jowa pero mukang di na sya priority at di pa natuloy ang kasal. Tapos as the story progress, malalaman niya ang lihim ng bowa niya na kalandian ang friend niya.

Sayonara sa years ng pagsasama ni pinay gurl at jap guy.

Then darating na ang challenge sa buhay ni ate gurl. Kasi mabubulag sya. Ang sanhi? kaka-jakol este kakulangan sa pagkain ng kalabasa este stress drilon.

Then dito na papasok si.....

Kabayan!

Habang bulag sa katotohanan si ate gurl, ay enter na sa eksena si pinoy guy neighbor. And he makes papansin ever to getching the atenshun ni ateng blind gurl.

Shemps, sa una, jirita corales si gurl dahil hello, bulag na nga sha, nabroken hearted tas may umeeksena pa sa buhay nia now.

Pero A for Ayfort si noypi guy at eventually ay nagkagaangan na ang loob ng dalawa.

Tapos may sex scene! Charot lang... hulsam naman yung film so walang bembangang naganap.

Since blind si gurl, dehins nia now na standard looking lang si guy at hindi yung ideal good looking artistahin guy. Pero dahil sa napapatawa ni guy si gurl, mukhang nagkadevelopan na.

At ng nagkakaigihan na... Darating na ang saklaps.

Na-tegibels si pinoy guy kasabay ng pagbalik ng paningin ni gurl.

At tapos, malalaman na ang reveal chuvachuchu.

Nagcrus na ang landas ng dalawa during the time na magjowawits pa si ate gurl at sakang boy.

Malalaman na connected si pinoy guy kay pinay gurl sa past...

Then end...

Before ko ibigay ang score, gayahin natin ang anik-anik na chuva sa peliks.. yung bilang-bilang. Magkakantuten tayo este count to ten.


One- Yung nanood ka ng mag-isa dahil napaka loner mo, walang lablayp at prends. One and lonely ganyan. Pati pwinestohan ko sa sinehan sa ibaba, ako lang ang tao, lahat nandun sa taas.

Two- Dalawa lang ang main focus sa peliks, ang side ni gurl at side ni guy. Super extra lang si sakang boy. At masasabi kong may chemistry, biology at alchemy yung dalawang bida ng film. Yung puso at saging.

Three- 3x na akong nakabasa ng post anik-anik about sa film mula sa facebook kaya naman medyo may idea na ako ng ganap sa film kaya siguro di ako super affected ng feels.

Four- mga apat na beses ko atang na-antisipeyt na si sigaw ng 'Kabayan' si guy para tawagin si gurl!

Five- limang beses akong kumanta ng Two Less Lonely People habang papauwi na ako mula sinehan papuntang bahay. Ganun katindi ang impact ng song ni ate KZ concepcion este Tandingan.

Six- May 6 na lugar sa peliks ang nais ko tuloy mapuntahan dahil sa film na ito. Yung sa may bell of happiness, Yung Canal thingy, yung mountain side, yung flowerfield, Yung red pagoda place atsaka yung sa Ashiyu spa-like thing. Dalin nio ako sa Japan! now na!

Seven- Kung meron lamang na Sapporo bear sa 7-11, nako, napabili siguro ako hahahaha.

Eight- Walong pares na magjojowa ang nakasama kong lumabas sa last full show. Tangina, ako lang ang walang lablayp sa loob.

Nine- nine ang score ng film na ito. Pero para mas-accurate, nasa 9.3579. Recommended film!

Ten- Bakit hindi 10 katulad ng mga post ng ibang folks? Kasi kahit kinda unique ang story for a pinoy film, somehow, nakapanood na ako ng peliks na may same keme na connected nga ang buhay ni boy and gurl lovestory.

Kudos to Kita Kita dahil maganda nga sya.

O sya, hanggang dito na lang.


Monday, January 2, 2017

Vince, Kath and James

Hey! Heypinewyir sa mangilan-ngilang readers ng blog na itwu! Kung nababasa ninyo ito, sure akong di kayo naputukan at tenkgad na safe kayo. Pero para safe, bilang ng 3 months tapos buysung ka ng preggy kit to check.

Today, tayo ay magkakaroon nanaman ng review-reviewhan ng isa nanamang peliks na kalahok sa MMFF. Yeah... impreness, di ko sya inabangan sa suking tindahan sa quiaps. Nag-effort ako sa ginaw ng sinehan para makanoods.

Pero bago yan, babala ulit, sa mga shokot sa spoilers kasi aabangan nila ito sa piniratang tabing or sa torrent sites or maipalabas sa cinema one ganyan or sa abs-cbn tv plus thingy, nakow, di ito pede sa iyo.

Okay na??

Let's begin.

So ang pamagat ng pelikulang ito ay nababasa mo naman sa title ng blog post. Pero para mas interesting, heto, ang poster na para ma-gets mo.


Di mo nahulaan? sige para makasigurado ka kung anong name ng film, heto na talaga ang poster.


Familiar yung title? Pano mula ata ito doon sa textserye na nakikita noon sa pesbuk na tyatyagain mong magbasa ng text messages screenshots para mapagdugtong-dugtong mo ang kwento. But wait, there's more.

Dahil sa pagiging pemus ng textserye na itwu ay ginawa itong libro para sa mga naka free data na fb at di makita ang sandamukal na images.


Pero muka namang iba ito kasi may dagdag sa title... insert james sa dulo para naman daw totally iba. lols.

Heniway, so eto na nga! Magsisimula ang wento sa animated short film na tungkol sa batang girlay na may alagang aso. Nako, kung hindi ito ang mapapanood ninyo, baka fake po yung Vince, kath and james na iwawatch ninyo. tsk tsk.

Pero eto na talaga pramis. Magsisimula ang kwento sa effects-effects kemerut opening kung saan ang bawat post, text message, tweets at video calls ng mga tao ay biglang magflaflash sa screen upang mabasa, makita at mapakinggan. It's the social media world duh!

Tas ipapakita na ang mga bida ng wento. Enter sa auditorium ang basketball jock na si James, ang bff at nasnip na si Vince at ang bidang girlay na si Kath na sumali sa isang beaucon. Nope, hindi ito yung beaucon na sinalihan ni Trisha ng Die Beautiful.

Unang eksena palang, lam mo na agad na inlababo etong si Vince kay Beaucon gurl. Makikita mo din na type din ni James si gurl.

So eto na. Mag-nasnip o mag-pinsan etong si James at Vince. Nachochope at walang diskarte sa panchichicks daw etong si James kaya nagpatulong-tulong siya sa kanyang pinsan.

No choice si Vince kasi richie-rich ang insan niya at mukang may malaking jutang na loob siya dito kaya kahit na kras niya si Kath, umoo na lang siya.

So anong method ang ginamit? Syempre nag-text si boy kay gurl ala mystery person. May message katulad ng ganito.


E patola naman etong gurl, laglag panty sa text messages ganyan kaya rumereply back. ng ganito.


Nagkatawagan ang dalawang pabebe teens na Var and Cheer kasi ang names daw nila ay Var Sotto at Cheeripie pikachu charots. Dahil ang isa ay varsity player at isa daw ay cheer leader ng buhay niya.

And so nagkakapalagayan na via text ang dalawa but in reality, medyo love-hate-aso't-pusa etong sina Vince and Kath.

So asan sa eksena si James? Ayun, papakita sa screen at papakita ng katawan at dibdib thingy. Pero sa story ng film, busy sya sa balls ni coach este busy siya sa basketball ganyan.

Tapos moment of truth kuno. Kase nga diba, nagpa-bridge lang si James kay Vince so si James ang haharap na Var.

Then poof... naging magjowabels na ang dalawa. Walang patumpik-tumpik pa karakaraka. Boyfie and girlfie na si Kath and James at huhubells sa korner si Vince.

Pero dahil sa hilig ni James sa balls, medyo nawawalan siya ng time sa gf nia. Mas prefer nia kasi ang balls kesa sa possible pechay ni Kath. So medyo nagkakaroon ng gap. Nope, not energy gap ha! O, wag kang sumayaw ng milo song dyan!

At sabi nga, kahit nakatali na ang manok, minsan naaagaw itwu. Dahil pareho ng pinag-oojthan si Vince at Kath, mas nagkaroon sila ng bonding at time together. At doon unti-unting na-fall ang panty na ginarteran na ni kath lols.

At nagkaroon ng face to face! Nagdududa na etong si James sa closeness ni Kath at Vince kaya nakaisip siya ng not so uber bright idea. Makikipagkemerut siya kay Kath sa kwarto kasi alam niya na eepaloid ang insan niya.

Nagkaroon ng batuhan ng linya.

James: May relasyon ba kayo ng girlfriend ko?

Vince: Relasyon?

James: Hindi! Relation para conyo!

Kath: Relation?

James: Relasyon, relation, querida, kabetsin, fuckbuddy, jowangerZ, Relasyon!

Vince: James....

James: Wag mo kong ma-james-james! Ang tanong ko ang sagutin mo!Nilalandi mo ba jowa ko?

Vince: SECRET!!!!!

And thus nagkaroon ng dramarama sa tatlong character. Si Vince na nainlababo sa babaeng type niya pero nagpapaubaya dahil sa jutang na loob niya kay James. Si Kath na type si James dahil sa text messages pero nahulog ang loob kay Vince. At si Vince na mahilig sa basketball na di mabalanse ang ball-life at lablayp.

At kailangang may sapakan-eksena yung dalawang boys sa gym na parang di naman sapakat at parang nagtoppan at bottoman lang ang peg with matching parang ungol lols.

At nagkaroon ng ending. the end!

Sige na nga, sasabihin ko na nagkatuluyan si Vince at Kath sa dulo. Tapos sa sobrang sakit ng nadama nitong si James ay nagpasya siyang maging Dyakonong di na pedeng mag dyakolins.


Score ng film? Bibigyan ko ito ng 8.9. Maganda naman infairview. May kilig din at chemistry between VarCheer.

Effective dito ang ganap ni Vince. Infair, parang John Lloydish ang romcom prowess ni guy. At di hamak na mas manly ang aura kahit walang skin na ipinapakita sa screen. May times na hawig din siya kay Alden.

Si Kath naman, mahusay din naman, must be a baretto thingy. Husay sumapak charots. Maganda, okay din ang akting. May eksenang hawig naman siya ni Jessie/Jessy?? mendiola at Marian Rivers.

As for James, keri lang. sakto lang ang konyotic richie kid na varsity player.

Bakit di umabot ng 9ish ang score? eto kasi.....

Yung bespren ni Kath, kulang pa ng something. Kung beshie ka, dapat push mo ng tama ang friend mo. Dapat nagpayo sya na go na sa dalawang boylets kasi ang habahabahaba naman ng pubes ni girl abot hanggang edsa ganyan.

Tapos nakakapagtaka talaga na sa birthday party nitong si James, lahat ng tao sa place ay skinny! Seriously? Rich kidelyas tas lahat may abs at payatola? Parang di naman ganoon ang mga may kaya now, madalas may laman at taba kasi may pangkain sa fastfood!

At medyo shunga din etong si vince, e ano kung di ka labs ng mudraks mo at nakikitira ka sa tita mo. Ang mahalaga nagkakadatung ka and items and stuff. Nakikinabang ka ng thingies kaya wag na magjinarte!!!

Last ay di ko gets pano naconsidered na blog yung site ni DaVincui-Quotes kung technically iilang words lang gamit niya per post. More of a tweet and not a blog or micro blogging i guess.

Nasulit ko naman ang 230 ko sa peliks na eto eksep sa eksenang may nakatabi ako sa sinehan na so jologs na pinipicturan yung screen na andun sila vince and kath and kinda sorta live facebook posting na parang ngayon lang nag-sine. or baka camcording...  soooo kaderder!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take care folks!

Saturday, December 31, 2016

Die Beautiful

Hello mga beshies! Kamusta na?! O di na tayo magpapatumpik-tumpik pa at konting oras na lungs at 2017 na at kailangang humabol ng slight sa blogpost para naman masabi na buhay na buhay pa po ang bloghouse na ito.

For today ay magkakaroon tayo ng isa nanamang movie review-reviewhan mula sa recent MMFF 2016. Ang palabas ay may namesung na Die Beautiful.


Magsisimula ang peliks sa pagpapakita ng iba't-ibang uri ng magnanakaw na nasa bilangguan. Yes, wala na po ang takbuhan scene nila derek ramsey na nakaapak ng kamatis. Syemps, reremind ang mga folks na stealing is bad, and piraccy is bad too ganyan.

Then doon na tayo sa totoong takbo ng wento. Ipapakita sa unang parte ang ganap ng mga little miss chikititang bekbeks na uma-aura at kumakabogelya sa pagfafashion anik-anik ala project runway and next top model. Kaso nagalit ang pudrakels ng bekilet. ganyan.

Then papakita na ang bangkay ng isang ex-men, isang Tranny Goose, ang dead body body dancer ni Trisha Echeveria. Then malalaman ang mga detalye sa buhay niya.

Pak! Enter the eksena na ipapakita ang moment na ngjajajampon si Trisha ng isang baby gurl dahil kawawabels ang bata at ayaw kunin ng lola nito. 

Then return to normal scene kung saan ipapakits ang nagdalagang ampon ni Trisha na najontis pala kaya nakipagtanan at dehins knows na nadead failon na pala ang kanyang ina-inahans.

Flashback again! Ipapakits naman ang high school life, oh the high school life ni Trisha. Malalaman na ang original namesung niya ay.


Ishoshow dito na conserbatibs ang family niya at ang pudrakels niya at kinahihiya na bekbek ang kanyang junakis. 

Back to present din at jinejexplaination na nag-request pala itong si Trisha na kapag na tsugi sya, gusto niya, sa 7 days na burol ay magkakaroon siya ng 7 moon crystal power make-up, 7 transformation ng looks.

Then back to past at ipapakita ang iba pang ganap sa buhay ni Trisha like noong time to lumandi ang kepyas ni bakler at sumama siya sa campus heartthrob. At doon ay nadinig niya ang kanta nila Jessie K, Ariana Venti at Nicki Manas... ang Gang Bang..Gang Bang into the room (I know you want it),   Gang Bang all over you(I'll let you have it).

Ipapakits din ang mga pinagdaanan ni like pagsali-sali sa mga beaucon at paganap sa mga contest. Ishoshow din ang mga ganap na nag-udyok sa kanya na magpadagdag ng papaya (nope, hindi po naging walo ang boobs niya like the cows).

At syemps, as days goes by, ipapakits din ang 7 looks ni Trisha. Kung curious kayo kung sino ang look-a-like ni Trisha during the 7 days lamay? then, heto ang 6. hahahaha.


Bibigyan ko ng score na 9.230 (price ng tix sa sm east ortigas yung 230 hahaha) ang film na itwu. It's funny, witty, dramatic din at medyo may suspense tapos may labstory.

Mahuhusay din ang mga cast like ng bekiloublankong funeral parlor owner na si Lou Veloso, ang tatay ni Trisha na si Joel Torre, ang ate niyang si Gladys Reyes pati na din ang pagsulpot nila Eugene Domingo at Iza Calsado at ang jumugjug kembang kay Trisha noong HS na si Albie 'hindi nakabuntis kay andie eigennman' casino nice.

And for me... yung twist sa lablayp ni Trisha ang nakadagdag ng .230 sa score nia (aside sa actual presyo ng tix hahaha). Yung watdafudge... nakonek nila yun... Galing.

Award dito ay ang beshie ni Trisha na si Barbs. Walang Energy gap! Pak na pak without micronutrients defiency! Achieve na achieve ang bespren of the year ganyan!

Susundan ko pa sana ng isang peliks na papanoorin kaso baka madismaya ako kung di mapapantayan tong film na ito kaya nag-stop na ako.

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care and Happy New Year!

Saturday, September 17, 2016

How to be Yours

Yo! Kamusta na folks! I'm back! So ngayon ay merong time me na magpahinga sa bahay kaso may pampam mode na sisingit sa pag-seseries/anime marathon ko sa bahay. Eto ay ang pagsingit ng tagalog film ni mudrax.

At yan po ang akig irereview-reviewhan for today. Isang pinoy film with the title 'How to be Yours'.


Magsisimula po ang lahat sa isang bar. Loud music chuva ganyan. Tapos andun si boy kasama ang friends/opismates niya. Then mamemeet niya si girl na may mga kasama ding friends.

So nagkakilala si boy and girl sa party. Pumorma ng kemerut ang dalawa. Nagkahatiran sa isang place. At muntikan na silang magchukchakan at magkembular kaso panira ang mga housemates ni girlay. Ayun.... di nadiligan ang uhaw na lumpia ni girl.

Pero eventually mas nagkakilala pa ng todo si girl at si boy. At syempre dumating din ang point na maging magjowawits silang dalawa.

Tas malalaman ang life ng magjuwa. Si boy ay isang salesman ni Sia.... salesman siya ng Chandelieeeer... like a chandelieeeeer... I'm gonna swiiiiiing... ganyan!

Si girl naman ay isang cooking masterchef kemerut. From a fambam ng mga doctorquackquack chenes, siya lang ang nahilig sa culinary cooking.

At ng maging sila na... Natuloy din ang inaasam-asam nilang pagniniiiig. Nagboomboompow sila at nag oooh...aaaah... ooooh sila sa opisina na boy. laplapan gallore ganyan. 

Happy ever-after na ba agad? Syempre hindi. Natural dapat may conflict thingy na magaganap. Dapat hindi lang sweetness, meron ding saltiness at hotness and spice ganern.

May dalawang klase daw ng tao, Yung Career over love at Love over career. 

Originally si boy ay career over love noong una pero naging Love over career ang peg noong nameet niya si girlay.

Si girlay naman, noong nagkaroon ng trabaho, slowly evolving siya from love over career to career over love. Kinain na siya ng sistema. lols

So ang ending? 

Nagkaroon ng pagpili... Career or love ganyan. Sacrifices chenerlins and decision making things.

For me... sakto lang naman ang peliks. It's okay, pero walang super kilig factor. Storyline is good pero parang medyo may kulangs. Okay naman ang chemistry ni Bea at ni Gerald sapat naman.

Pero sa tingin ko, kaya di naging matagumpay ang relasyon ni boy at ni girl ay kulang ang effort ni girl. Like kung wala kang time sa juwaers mo masyado, why not give a surprise sleeep blowjob kay boy. Baka sakaling may ma-appreciate na effort ganyan!

Saka sobra sa po.... upo.. grace poe... fernando poe....

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Sunday, July 17, 2016

The Achy Breaky Hearts

Hello Julyness! Grabe! Isang buwan pala ang pagitan ng huling post ko at isa nanamang movie review-reviewhan nanamans ang mababasa ninyo here. Pasensya na, di ako makapagwento ng personal dahil may mga rason na pumipigil muna sa akin.

Heniway hiway, ang pelikula ngayon ay ang film na kapapalabas lang sa sinehan pero mabilis ang mga friendship na pirats at nailagay na nila agad sa dvd itong peliks naito. Hombilis lang no?
 
 
So without further ado, heto na ang film na ' Achy, Breaky Heart'.... insert L.A walk dance grove here...

Magsisimula ang peliks sa pakita ng mga manika na nagmomonologue thingies about love.
 
 
Then ipapakita ang isang babaeng itago natin sa pangalang 'MayAmor'. Isa siyang girlita na medyo sawi at bokyakels ang lablayp sa simula. 
 
 
Pero papasok sa eksena ang unang guy na magpapalaglag panty niya. Ito ay si Sir Eduardo. Isa siyang custumer ni girlay sa jewelry store na pinagtratrabahuhan ng merlat. 

Bibili si guy ng singsing at for some reason, pinasukat niya ito ay Mayamor to make sukat. Nagkasya pero hindi matanggal ang singsing kaya naman hinigop ni Eduardo na parang may nilolipop na junjun chost.

Then bumalik si Eduardo dahil na reject ang kanyang proposal. Sinamahan ni Mayamor si Eduardo para i-winback ang GF ni guy subalit nalaman nila na may ibang kalandian na ito at pumasok ito sa motmot.
 

Then pasok naman sa eksena ang X ni Mayamor na si Sir Chrief. Nagkrus ang landas ng dalawa sa isang seminar achuchuchu kung saan speaker si Sir Chief at sa awkward situation, may ay ask question si merlat na medyo patama sa kanyang X-men.
 
Sa una medyo galit-galitan si gerlay sa kanyang X subalit ng malaman niya na may pagtingin pa din si guy sa kanya at humihingi ng second chance, tila nagbago ang ihip ng hangin.
 
Ang haba-haba ng pubic hair ni MayAmor.  Dala-dalawa ang boylets na naghahabol sa kanya. Kaso medyo di makapagdecide ang kanyang bahay vajayjay dahil ang isa ay baka ginagawa siyang rebound (dahil kakabreak pa lang ni guy sa kanyang gf 2 months ago) while ang isa ay ang kanyang past (kung saan may naging history na niloko sya).

Pero dumating na ang mga conflict. Nahulog na si Mayamor kay Eduardo subalit nalaman niyang di pa nakakamove-on si boy sa ex nito. Then triny ni girlay na mag-turn to Sir Chief kaso ramdam ni guy na sa iba nahulog ang loob nito. Kaya ayun. poof. Double heartbreak ang nadama ni girlay.

At the end of the film, naging masaya na lang si Mayamor na single siya. Pero umeksena nanaman ang dalawang boylets. At doon na nagtatapos ang peliks.

Score ng movie? Bibigyan ko ito ng Achy Breaky 8.8 Maganda naman. Magaling ang mga actors and actress sa pagganap. Nararamdaman mo ang mga kilig moments at ganaps. Mahusay din ang mga support casts katulad ng mga Titas or ang mga beshies ni Mayamor pati ang kanyang mudraks.

Bakit humantong sa bawas na score at di umabot sa 9? For me kasi parang pinaasa ng peliks ang mga tao kung sino talaga ang napili.. Like... seriously??! You can't have both dude mayamor. You need to choose and set somebody free. hahahaha. Affected?

O well, trip ni scriptwriter at story maker ang ganung ganap so wala na akong magagawa. hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Monday, April 4, 2016

Your Place or Mine


Hey der! Kamusta? Isa nanamang review-reviewhan ang post ko for today dahil yun na lang muna ang kaya kong isalitype at iwento.

Ang peliks for today ay hindi bago kasi medj luma ng ng very light. Ito ay ang pelikula na galing sa wattpad na pinagkakitaan at naging libro tapos ginawang peliks. ito ay may namesung na 'Your Place or Mine'.

Wala na warning for spoilers, jeskelerd dahil wala naman atang papatay kung isambulat ko ang buong storya ng wento.

SO ganto ang ganap....

Once may heartbroken na girlay named Haley. Sa sobrang di niya kayang tanggapin na break na sila ng jowa niyang named Vince, nagpakalasing siya sa isang bar. 

Doon ay aalalayan siya ng di niya pa kilalang guy pero inanamedrop ko na Russel ang name. Si Russel ay na love at first sight chenelin at tinulungan niya ang lasheng na gurl.

Dinala sa condo si drunk gerl at nagdala ng foods. Doncha worry walang nabugbog. Dahil lasing at broken hearted, ayun, pina-break that kropekpek ni Haley kay Russel at nag boomboomboom sila.

After the one night stand ay akala ni Haley ay di niya na makakasalamuha si boy na kinemerut niya. Pero no, nagkatagpo sila. At naulit pa ang magCaCanton nila.

Then eeksena na ang mudraks ni Haley. Turns out na nabaon sa jutangina ang fambam nila at para mabayaran ito, ipina-arrange marriage like the intsik and the indians ang junakis niyang si Haley.

NO! Ayaw ni Haley kasi naniniwala siya sa forever ganern. Ayaw niya ng arranged. Pero wala siya magawa dahil putragis ang mudraks niya, mapilit.

Ayun. Magmimeet na sila. Then poof. tama ang hula nio na si Russel nga ang boy na naka-arrange kasal ni Haley. So masaya ang kepyas ni gurl kasi knows na niya ang size ng wawarat sa kanya every night.

SO syemps kailangan may  mga conflict na ganap sa wento dahil hindi pedeng walang conflict, else, magiging bland at walang something.

Eto nga. Sa side ni boy, may kuyakoy siya na nakipagtanan sa ibang gerlay at siya dapat ang original na ipapakasal kay Haley. Tapos bigla siyang pumasok sa eksena at nag-volunteer na siya na lang ang bebembang ganyan.

Tapos sa side naman ni gurl, may isang boylet na umaalig-aligid sa kanya. Ito ay si Seth. Siya ang tila boy bestfriend ni Haley pero alam mo na may gusto siya kay gurl. Pero tanga at nagpaubaya ganyan.

So ang ending, nabuntis si Haley sa shamodmod ni Russel and they lived ever after.

Score? um.... 7. Keri lang. Sana more flesh pa dahil tila doon din naman nagsentro dapat ang wento. Hello, title pa lungs, your place or mine, unang papasok sa isip mo ay ang pagchuchukchakan ng bida.

Kung ako gumawa ng wento nito, ganito dapat ang sexena. Since its all about sex. hahaha

Part1: First hook-up at one night stand ni Haley at Russel sa place ni guy.

Part2: 2nd sexcapade ni Haley at Russel sa place ni gurl para kwits.

Part3. Kembular scene ni Russel with his exes named Vanessa and Camille. 

Part4. Nagkembutan si Haley at si Seth.

Part5. Nalaman ni Russell ang ganap ni Haley at Seth kaya may batuhan ng lines.

Russel: Ano chong? Masherep ba ang asawa ko ha?

Haley: Let me explain Russel.

Seth: Don't explain, Fried Rice dapat or yang chow, kakasawa ang plain.

Part6: Paghihiganti ni Russel. Ang fencing ni Russel at Seth. 

Part7: Gaganti si Haley. Threesome with Vanessa at Camille.

Part8. Nagkabistuhan na, orgy na between Haley, Russel, Seth, Vanessa at Camille.

end credits: Kembutan ng mga other characters. lols

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Friday, September 25, 2015

Heneral Luna

Ahoy! Bago matapos ang september, kailangan malagyan naman ng blogpost ang bloghouse na 'to kaya naman sumugod agad me sa sinehan para mag mini-mini-mayni-mu ng peliks.

After shift, sugod mga kapatid me sa Megamall at nawindang ako dahil pila-balde ang sinehan. Like it's thursday pa lungs at di pa naman swelds day pero bakit andaming manonood.

So nacuriosity me at may i silip and kinig what ba ang bukambibig nila. And it is Heneral Luna. Ang tagalog films na medyo umiingay sa social media and spread of mouth.


So kahit juskopong pineapple na mahaba ang pila ay bumili na din ako at nagdecide na manood.

Ayaw mong maniwala? eto kuha ng nyelphone ko ng pila.




Woops-kiri-woops, bago ko iwento ang peliks di ko na sasabihin na may spoilers unless di nio natutunan ang history. hahaha. Chost. Pero kung takot sa spoilers, wag basahin.

Oks na?? so simulan ang kwents.

Magsisimula ang wento around 1898. Wala na ang mga spanish breads pero dumating naman ang mga uhmericans. May pro and against sa helplaloo ng US.

So dito na papasok ang mga familiar names na napag-aralan nio sa school.

Heto eenter ang main bida na si Heneral Luna. ang kapatid ni Juan Luna. Siya ang War leader ng pinas against sa US.


Makikilala ang mga part ng cabinet ni Aguinaldo. Kasama ang prime minister-ish na si mabini at ang mga negosyanteng folks na sila Paterno at Buencamino.





Papasok din sa wento ang mga tauhan naman ni Heneral Luna sa pakikipagdigma. Ang mga sundalong kanyang karamay sa pakikipagdigma.






Makikilala din ang mga pasaway na mga tao na may galit kay Luna at ayaw sumunod sa orders dahil por-Aguinaldo ito.



Pasok din sa kwento ang isang bayani din sa pakikipagdigma na si Gregorio Del Pilar. Isama na din ang isang binata na nag-iinterview kay Luna.



And lastly ang dalawang babae sa buhay ni Heneral Luna. Ang mudraks at ang kaulayaw niya.



Sa ending.... pinapatay si Heneral Luna ng isang inutil na presidenteng si Aguinaldo. Nakakabuwisit yung pag-massacre nila kay Luna. 

Score for this film is 9.87 almost perfect! Ibang level! Woooooooh! Athtig!

-Ang war scenes ay mabangis. Ang barilan ay hindi pucho-puchoish na pagpapaputoks ng baril.
-Magaling ang lengwaheng ginamit. Di super lalim, di rin super bakya.
-May dose ng comedy, hindi ka mamamatay sa boredom.
-May konting pabebe/bed scene chuva.
-Ang mga linya na ginamit ay may hugot at sapak.
-Mabubuwisit ka sa mga kontrabids sa buhay ni Luna.
-Mapapa-punyetakels ka sa ginawa nila kay Heneral Luna upang siya ay mapatay.
-Maganda ang cinematography at location ng mga shots.
-Mahuhusay ang mga actors na gumanap, hindi mga pacutie lang.
-Mapapa-clap-clap ka sa huli.
-At the end of the film, naibabalik nito ang pagkamakabayan mo.
-Merong aral na kapupulutan.
-Ang kalaban nating pinoy ay ang pag-una sa Pamilya at ang kalabang kapwa pinoy.

Napaisip lang ako, kung ang kaganapan noon ay naganap sa panahon natin now, marahil eto ang magaganap.

-Upang magkaisa sa pakikipaglaban sa dayuhan, kailangan nating makalikom ng milyon-milyong tweets with the hashtag #ParaSaBayan.
-Kailangang malaman na traidor etong si Aguinaldo kaya kailangang ipakalat sa social media ang mga meme tungkol sa kanya.
-Baka magkatraffic kapag sumugod ang mga sundalo kasi tigi-tigisa sila ng car or sandamukal na puj at pub ang gagamitin.
-Possible na naka-wheels si Apolinario Mabini.
-Mag-sex-via-skype na lang si Luna at Isabel
-Past time ng mga sundalo ang pag-C.O.C at dota.

Hahahaha. Hanggang dito na lang muna. Maghahanda pa ako ng damit ko sa aking bakasyones na padating this saburdei.

Please do watch Heneral Luna sa Sinehan! Juskopo! Utang na loob, maganda ang pelikula. Hindi na kailangan mag interview ng mga watchers saying 'ang ganda po' or 'number 1, number 1'. Mahusay ang mga gumanap at hindi half-cooked emotions ang madarama. Dekalidad to! It's been years na nanood ako ng sine na puno ang sinehan, taas at baba at pati yung sobrang lapit na sa screen.

Wag muna magpirata... sa ibang peliks na lang kayo mag-pirate dvd.

Take Care folks!

Friday, August 14, 2015

The Breakup Playlist

Hello! Kumusta? I'm back from my restday at ngayon ay magshashare lang ako ng peliks na aking nipanood. Nope, hindi ito Fantastic Four at hindi rin ang Attack on Titans. Ito ay isang pinoy film..... 

Syempre, dapat binasa mo ang title ng post para naman knows mo na ang namesung ng movie review-reviewhan for today. And walang BABALA asawa ni BABALU. alam ko namang kahit ma-spoil kayo ay wala kayong pake. hahahaha.


Magsisimula ang peliks sa breakup. Hiwalay ang puti sa decolor!  Nagpapababa na sa sasakyan si girlay at mag-qui-quit na sa banda. Ansabi ni boy, 'Go now go! walk out the door! just turn around now, coz you're not welcome anymore!'. Then play the song 'Paano ba ang magmahal'.

Flashback, bago ang breakup, kailangan ipaalam sa viewers ang start ng pag-iibigan chuchu. Malalaman na nagstart ang pagtatagpo ng dalawa sa isang music camp ekekers. Na-impress si boy sa ganda ng boses ni girl. Nagkakwentuhan sa tabing dagat ganyans.

Then lantod-lantod mode si boy kasi gusto niyang makasama sa band si girlay. Pero me hadlang. Gusto kasi ng fambam ni girl na maging lawyer siya. Dapat aral muna bago landi. 

Pero parang pabebe girls si boy at girl at walang makakapigil sa dalawa. Kailangang maglandian at magkadevelopan ganyans.

Then back to present. Malalaman na may nagrerequest kay boy at girl na magkasama sa isang concert ng teen labtim na wala akong pake! Pero ayaw pumayag ni girlay dahil una, makakasama niya ang kanyang Brand X. Pangalawa, gusto niya ng malaking TF (technical foul chost, talent fee).

Tapos balik sa past ulit. Parang film ang dalawa kasi nagkadevelopan until nagdecide na si girlay na bumukod na sa fam at magfulltime banda rito banda roon.

Ang sumunod ay sumikats ang banda ganyan. Nagiging pemus nadin si girlay at doon pala magsisimula ang rift. Insecurity guard ang peg ni boy kasi nakukuha na ni girl ang limelight. Nagiging bitter ocampo na ito as time goes by.

At dito na kokonek ang eksena doon sa unang part kung saan naghiwalay na ang puti sa decolor. Break na. Wala na ang heart-heart, hurt-hurt na.

Pero turns out, inlababo padin pala si boy at he makes Sorry Sorry Sorry Sorry Naega naega naega meonjeo. Pero medyo pusong bato na si girlay. Ayaw niyang tanggapin ang sorry sorry.

Pero hello.... mahaba na masyado ang peliks. Kailangan may closure. Kailangan magkabatian na ang dalawa. The End.

Score for this peliks? 8. Sakto lang. Walang kilig factor kasi between the 2 artista. Parang hindi believable na na-inlab ako sayo kala koy pag-ibig ko ay tunay pero hindi nagtagal lumabas din tunay na kulay! stupid! Ramdam naman yung saket ng break-up which is good. At okay naman ang closure. Kaso may kulang lang. Kulang ng magic. Hindi bagay ang tambalang PioSa (piolo at sarah).

O sya, hanggang dito na lang muna mga folks! Take Care!

Saturday, February 7, 2015

Bet Kita Walang Thing Called Tadhana



I love you sabado, pati buong linggo. Hello there. Dahil deadmadela na ang wentong japan at wa naman interested ay di ko na ito itutuloy.

Joke. Postponed lungs ay day 3 ng Japan adventure. lols.

For today, review-reviewhan mode tayo at hindi lang isa, dahil buy 1 take 1 tulad ng angels burger ang review for today. Dalawa, isang libro at isang peliks ang post for today.

Unahin natin ang book review. For our first topic, isang tagalog film na dapat ay irerelease sa araw ng mga puks este puso pero imba ang robinsons galleria at nirelease na agad nila ang book ni Bekimon called ' Bet Kita Walang Echos'.


Eto ay tungkol sa isang babaitang bekilou blanko na junak-junakan ng dalawang beks na nag-transfer sa isang schooliosis. Si Babaitang bekilou ay may kapangalan na popstar princess at Balat-patatas queen... Sarah. 

Sa school ay makaka-SEB joke, makikilala niya ang isang guy na gwapito, matalino at pak na pak na may namesung na Cedie.... ang munting prinsesita, este Cedric.

Malalaglag-t-back/panty ni Sarah at mabebet-na-bet-pakbet niya si Cedric kaso may alinlangan eto dahil may probability na may green blood si Cedric or may chance na paminta ito.

Ano ang mangyayari sa storya nila? Aba, secret, walang clue veloso. Di ko iwewents dahil dapat ay mag gets kayo ng book at basahin ito.

Score ng book? 9.5. Nuks, hontoos! Well, imperness, hindi sya compilation lang ng anik-anik na quotes or kasabihang ewan or banats or stuff na parang nabasa mo na sa chwirrer or sa somewhere. Di rin cliche-ish ang wents like the usual wattpadish books out there na heaven knows mo na ang storyline.

Maganda ang delivery dahil sa touch of humor and wit plus the keribels na gay linguish na ginamit sa libro. Madaling maarok ng braincells ang mga kemerut language.

Di rin nakakaskip-read ang pagbasa dahil hindi uber lengthy ang paragraphs and chapers kaya naman maeengganyo kang mag turn to next page.

Next dumaks naman tayo sa peliks na kanina ko lang napanood pero last restday ko balak talaga panoorin lalo na sa unang araw na isabak ito sa local moviehouse. Ang peliks ni Angelica at angelito Batang ama... 'That Thing Called Tadhana'.


Magsisimula ang wents sa babae nanaman... Bakit sa merlat nanaman eevolve ang ikot ng storya? Tanong natin kay kuya kim. Heniway, nasa airport si girlay ng Rome played by AngelicaP. Dito ay overload ang kanyang baggage counter at kailangan niyang magbawas, nope, di sya jejerbaks, need niyang magbawas ng laman ng bagahe.

Dito eenter the dragon si mature version ni Bagito, si Angelito batang ama. Iooffer niya na ishoot that balls na lungs sa kanyang bagahe ang ilan sa extra items ni girlay para wala na problema.

Then magkakaroon na ng revelation at mag-va-vagina monologue si girlay dahil hiniwalayan siya ng putanginang jowabels niya for 8 fucking long years. Yeah, 8 years, imagine, 8 putragis long years.

So binuhos as in buhos much ni girlay ang saloobin at mega chika niya ito kay boy na listener ng punyets na kabiguan at dalamhati ng beauty merlat.

From Rome to Manila to Bagiuio bound ang drama ng nagchichikaminute na boy and girl to sagada para lang maka-move on. At syemps, magkakadevelopan ang dalawa pero walang jerjer at boomboompow na nakakadisappoint ng slight.

At bibitinin ko ang wents kasi susuggest ko na manoods kayo dahil sulit naman ang bayads.

May score din na 9.5 ang film like the book kasi maganda ito at hindi rin uber cliche-ish and predictable ng over-over ang storyline. 

Magaling din ang hugot moments ni AngelicaP dahil F na F as in Futangina na Futangina ang mga lutong ng mura niya para lang may umf ang linyang bibitawan which is realistic.

Mahusay din ang delivery ni angelito dahil swabe ang emote at hindi robotic at hindi parang dinaan lang sa looks kaya nakuha sa role nia. Nope, may taglay na acting prowess ang actor na nabigyang hustisya naman kanyang ginagampanan.

Swak para sa mga medyo sawi at may hurtness pang nadarama ang movie na ito at pweds din sa single at sa mga magjojowabels.

Parehong approved ang libro at movie kaya naman go go go sago at basahin na ang libro or panoorin na ang peliks or gawin both, magbasa ka while watching para multitask ang peg.

O, hanggang dits na lang muna, nektaym na ang part 3 ng Japan. Pramis, isusulat ko neks iyon.

Take Care folks!


Saturday, January 10, 2015

Island Dreams


Hello mga kapuso, kapamilya, kapatids.... andits nanaman me at tumitipa ng anik-anik para naman may laman ang aking bloghouse for the year of the ram.

Sa araw na ito, ang review-reviewhan  for today ay ang peliks na parang never heard ko sa tv or sa pesbuk pero nakita ko sa suking dvdhan. Ang film na 'Island Dreams'.


Ang wento ay tungkol sa isang babaeng taga barrio na gustong paputukin ang boobelya na nag-aarnis-arnis ekek. Then kailangan niya ng kaban ng cash para sa dream niyang maging artista kaya naman A-for-effort sya to be a tour guide kahit na dehins sya accredited. Ayaw nia daw maging pokpok kasi sikipsikipan at virginal ang peg ni ateng.


Then darating si boy kanuto na straight na straight na parang ruler na nagpunta ng pinas dahil sa isang video ng jowawits na namasyal noon sa pinas at nagpunta sa tinatawag na 'True Love's Peak'. Nais niyang makarating doon sa lugar na iyown.

So naghabal-habal sila sa isang motor at tiyak na feel ni girl ang pagkudkod ng batuta ni boy at naglandian to the max at may corny scene about sa naengkwentrong bantay chuva na tinakbuhan nila hanggang sa may eksenang nagpakita ng upper body si boy at nag-flex ng gumagalaw na manboobs at umihi kunwari na kilig pekpek naman ng slight si girl.


Yung pinagdalhan ni girl kay boy ay hindi ang orig na 'True Love's Peak'. Nabudolbudol gang si boy at nagtantrums at nagtampurorot at nagwalk out kung saan nagkaroon ng extra habal-habal na wala naman noong unang byahe,

At nagsorry si girlay at dinala nga si boy sa tamang place at nalaman niya ang tunay na ganap kay boy at si jowawits niya na deads na pala. After nun, nagka-inlababo na si straighty boy at virginal girl.

Nag-kiss ang dalawa at muntikan na maka-home-run si boy pero maarte si girl at nag-inarte kasi aalis na daw si boy. Hanggang makaalis na nga si boy at nakabalik  and then may forever na daw. END.

Ang score? isang haliparot na 7. Oo, syete lang para sa film na itow. Vuket? Tanga si girlay, ulam na tinangihan niya pa, like duh, pede na syang magpapunla at makuha ang kembot at kaban ng cash, nag-iinarte pa. Nyahaha. Saka nakasira talaga yung walang wentang scene na tumakbo sila sa goonish. Sapat lungs na sa jibidi lang nipanoods. Hahahaha.

Hanggang dito na lungs muna. Tekker!

Tuesday, August 26, 2014

Talk Back and You're Dead


This week, isang araw lang ang restday ko dahil magkakaroon kami ng team building cheverlins sa darating na saturday. At dahil 1 day RD lungs ako, kelangan magsulit ng araw kaya naman aside sa pagpunta sa divisoria sa pagcheck ng possible ng regalo sa bday ng aking inaanak, nanood ako ng movie.

Dahil may nagsasabing shonget at may nagsasabing maganda ang Ninja Turtles at Rouruni Kenshin, nagtry ako manood ng pelikulang pinoy. Oo, tagalog film ang pinanood ko.

Ang name ng film ay 'Chalk Buck end Yore Did'. Joke, Talk Back and You're Dead ang title nito na hango sa isang libro/wattpad story tulad ng Diary ng Pangit at She's Dating the Gangster.

Ganto ang synopsis ng peliks. Sa isang mall, may agaw eksenang pangyayari dahil may isang girlay na kinoconfront ang jowa niyang two-timer. Sa isang bookstore, yung bidang babae name Sam ay nakita na ang kanyang friendship ay yung babaeng gumagawa ng moments.

So to the rescue ang peg ni Sam at pinagtanggol ang kanyang friend against sa gwapong lalaki. Sa kasagsagan ng eksena, nasampal niya yung lalaki sabay umeskapo sila.

Then napag-alaman na joke at prank lang nung friend niya yung pag-eeksena. And the unfortunate thing ay yung lalaking sinampal niya ay kilalang notorious na gang leader ng mga boylets na galing sa all-boys school called Lucky 13.

Pagkatapos noon, pinuntahan siya sa kanilang all-girls school at hinahanap siya ng grupo ng mga kalalakihan. Tapos ay biglang tinanong siya noong lider ng gang na maging girlfriend siya.

Then medyo hate-hate muna ng slight pero nadevelop din si girl kay guy kahit badboy-badboy ang peg. Then may kilig moments and stuff like that.

Pero it turns out, against ang family ni girl na may relasyones si girl kay Gang leader. At ipinagkasundong ipakasal si girl sa right-hand-man ng leader ng gang named Red. 

Pero me against the world ang peg and cheverlins pero sa huli, sila pa din ang nagkatuluyan. 

The End.

Rating..... 7.2! Yah! 7.2 lungs at lumelevel lang ang peg like the She's Dating the Gangster.

reasons bat ganon?

Una, nabasa ko yung first half ng book at based sa nakita ko, may mga discrepancy sa ilan sa moments na kinuha at pinulot sa book1.

Then, the set of actors... Gaaaahd. It's the same casts from Diary ng Panget! From the core bida like James, Nadine and Yassi (si Andre Paras lang ata ang wala at pinalitan ni Joseph Marco) to the kikay girls from DnP, to the other guy at si Candy Pangilinan. Sana pumili ng ibang mga tao naman... 

The story plot ng book at movie ay medyo magulong ewan na cliche'ish and stuff. Gansters nanaman? Tapos medyo mababaw at paspas ang bandang flow.

Pero infairness, kaya lamang ng .2 ang score ng Talk Back sa She's Dating ay dahil mas may chemistry ang Jadine kesa Kathniel. Iba yung on sceen labteam nila. Bagay naman kay Joseph Marco yung role na Red na sa tingin ko ay di akma kung napunta kay Andre Paras (if full DnP cast ang kinuha).

Abangan na lungs ng slight sa Dvd. lols.

Siguro mas bagay ang cast kung sa librong 'Para sa Hopeless Romantic' sila inilagay.

O cia, hanggang dito na lungs muna. 

Take Care!

 

Wednesday, August 20, 2014

Barbers Tale

Midweek na! At eto ay ang aking persday op work. Wednesday is the new Monday for me eh. Ganun talaga kapag kakaiba ang work schedule.

Anyway, for today, review-reviewhan nanaman para sa peliks na aking nipanood nitong nagdaang restday ko. Nope, hindi ito tungkol sa apat-dapat-dapat-apat na kumpare ni Pong Pagong. Hindi rin ito yung peliks tungkol sa asawa ni Richard Gomez na si Lucy. Ang peliks ay ang film na pinagbidahan ni Eugene Domingo, ang Barbers Tale.


Ang story ng pelikula ay iikot sa isang babae na itatago natin sa pangalang Marilou. Si Marilou ay ginampanan ni Eugene Domingo.


Madaming saklap moments ang pagdadaanan ni Marilou. Mula sa panahong 1975 kung saan medyo oldies ang pamumuhay at ang bayan ay under ng Martial Law.

-Minamaliit ng asawa,
-Tumitikim ng puta ang asawa
-Walang anak dahil patay na ito.
-Naging balo (widow) dahil namatay ang asawa
-Dalawa tao lamang ang tinuturing na kaibigan
-Ninang ng isang binata na sumapi sa NPA/rebelde
-Pinakiusapan na tumulong gumamot sa isang sugatang NPA/rebelde
-Ang tinulungan niyang rebelde ay kapatid ng pokpok na tinikman ng asawa
-Nagkaroon ng bagong friend sa katauhan ng asawa ng mayor
-Namulat sa kabaluktutan ng gobyerno at lihim ng mayor
-Namatayan ng kaibigan (asawa ni Mayor)
-Pinatay si Mayor
-Nagtago sa militar

Ang hirap isalaysay ang detalye ng wento kasi medyo kamplicated. Hahahaah kaya naman binullet form ko na lungs.

Maganda ang film dahil simple pero may kurot at may sundot ng konting komedya, may konting laman at merong budbod ng kaalaman at pagbubukas ng isipan.

Pinakita dito ang side ni Marilou bilang isang asawa, ninang, kapitbahay, kaibigan, barbera at isang namulat sa mali ng gobyerno.

Ibang Eugene Domingo ang nasaksihan ko sa film dahil hindi yung usual na palengks type acting na loud and bubbly and jolly ang ginampanan ni Uge. Imbis, medyo silent, subtle at demure type ang peg.

Pero iba ang atake sa pagdrama lalo na yung part na nagfocus sa mukha ni Uge yung camera tapos tumulo yung luha niya.

Di rin nagpatalo ang husay ni Iza Calzado na gumanap bilang asawa ng mayor. Magaling din ang acting prowess. With matching g2g kissing.


Ganun din ang friend ni Marilou sa peliks na ginampanan ni Gladys Reyes. Mahusay.

Bibigyan ko ng 9.5 ang peliks. Kakaibang pelikulang pinoy na napanood ko.

O sya, hanggang dito na lungs muna.Take Care folks!