Monday na! Kamusta naman kayo mga folks? okay naman ba ang naging weekend nio? Ako? keribels naman. At dahil dyan, segway na tayo kung ano talaga ang kontent ng blog na ito.
Pak! Movie review-reviewhan na ng pelikulang maugong sa facebook timeline na kumabog ata sa pelikula ng mga nagtratransform na sasakyan...
Ang pelikulang 'Kita Kita'.
Wala nang babala-babala pa. Alam nio na maglalaman ito ng spoilers thingies so read at your own risk! Matanda na kayo!
Kung nakita nio na yung trailer, malamang knows nio na ang possible plot pero kunwari walang may alam kaya ichichikabels ko na ang ganaps.
So sa bansang hindi umaga, hindi tanghali at hindi gabi dahil ito ay bansang Hapon. May isang tourguide na pinay na itatago natin sa pangalang Lea (Hindi navarro at hindi Salonga).
Work-work-work-work sya tapos mega chenes siya ng bilang bilang thingy while narrating ang ganap sa buhay niya.
Malalaman na meron siyang sakang na jowa pero mukang di na sya priority at di pa natuloy ang kasal. Tapos as the story progress, malalaman niya ang lihim ng bowa niya na kalandian ang friend niya.
Sayonara sa years ng pagsasama ni pinay gurl at jap guy.
Then darating na ang challenge sa buhay ni ate gurl. Kasi mabubulag sya. Ang sanhi? kaka-jakol este kakulangan sa pagkain ng kalabasa este stress drilon.
Then dito na papasok si.....
Kabayan!
Habang bulag sa katotohanan si ate gurl, ay enter na sa eksena si pinoy guy neighbor. And he makes papansin ever to getching the atenshun ni ateng blind gurl.
Shemps, sa una, jirita corales si gurl dahil hello, bulag na nga sha, nabroken hearted tas may umeeksena pa sa buhay nia now.
Pero A for Ayfort si noypi guy at eventually ay nagkagaangan na ang loob ng dalawa.
Tapos may sex scene! Charot lang... hulsam naman yung film so walang bembangang naganap.
Since blind si gurl, dehins nia now na standard looking lang si guy at hindi yung ideal good looking artistahin guy. Pero dahil sa napapatawa ni guy si gurl, mukhang nagkadevelopan na.
At ng nagkakaigihan na... Darating na ang saklaps.
Na-tegibels si pinoy guy kasabay ng pagbalik ng paningin ni gurl.
At tapos, malalaman na ang reveal chuvachuchu.
Nagcrus na ang landas ng dalawa during the time na magjowawits pa si ate gurl at sakang boy.
Malalaman na connected si pinoy guy kay pinay gurl sa past...
Then end...
Before ko ibigay ang score, gayahin natin ang anik-anik na chuva sa peliks.. yung bilang-bilang. Magkakantuten tayo este count to ten.
One- Yung nanood ka ng mag-isa dahil napaka loner mo, walang lablayp at prends. One and lonely ganyan. Pati pwinestohan ko sa sinehan sa ibaba, ako lang ang tao, lahat nandun sa taas.
Two- Dalawa lang ang main focus sa peliks, ang side ni gurl at side ni guy. Super extra lang si sakang boy. At masasabi kong may chemistry, biology at alchemy yung dalawang bida ng film. Yung puso at saging.
Three- 3x na akong nakabasa ng post anik-anik about sa film mula sa facebook kaya naman medyo may idea na ako ng ganap sa film kaya siguro di ako super affected ng feels.
Four- mga apat na beses ko atang na-antisipeyt na si sigaw ng 'Kabayan' si guy para tawagin si gurl!
Five- limang beses akong kumanta ng Two Less Lonely People habang papauwi na ako mula sinehan papuntang bahay. Ganun katindi ang impact ng song ni ate KZ concepcion este Tandingan.
Six- May 6 na lugar sa peliks ang nais ko tuloy mapuntahan dahil sa film na ito. Yung sa may bell of happiness, Yung Canal thingy, yung mountain side, yung flowerfield, Yung red pagoda place atsaka yung sa Ashiyu spa-like thing. Dalin nio ako sa Japan! now na!
Seven- Kung meron lamang na Sapporo bear sa 7-11, nako, napabili siguro ako hahahaha.
Eight- Walong pares na magjojowa ang nakasama kong lumabas sa last full show. Tangina, ako lang ang walang lablayp sa loob.
Nine- nine ang score ng film na ito. Pero para mas-accurate, nasa 9.3579. Recommended film!
Ten- Bakit hindi 10 katulad ng mga post ng ibang folks? Kasi kahit kinda unique ang story for a pinoy film, somehow, nakapanood na ako ng peliks na may same keme na connected nga ang buhay ni boy and gurl lovestory.
Kudos to Kita Kita dahil maganda nga sya.