Hello mga ka-khanto, kilala nio pa ba me. lols. I know super dalang na lang naman ng mga nagsusulat sa blog at nagbabasa ng blogpost pero heto padin tayo, sulat lang pag may time upang ibuhos ang mga ganap-ganap at anik anik in life.
Isang buwan na lang at matatapos na ang taong 2023. And I can't wait na din na matapos ang taon na ito dahil andaming nangyari somehow in my life for this year. and yun ang aking iwewento somehow, somewhere,somedayyyy hahahah.
January
- Kinasals ang aking sisterets sa kanyang long time boyfie.
- Gastos din dahil eto yung time na patapos na ang time ko ng braces at kelangan na bayaran yung balance.
- Tas another gastos to avail retainers isang de-bakal at isang clear
- Kasama din sa gastos yung pagpapa-fix-bridge ng ipins
- medj slight pahirapan lang naman ng paghanap ng formal wear coz walang for big sizes.
- I ended up renting na lang kesa bumili ng coat.
- Naitawids naman ang buwan ng enero.
February
- Love month pero parang di naman love month. hahahaha
- Eto yung panahon na nagstart na akong mag empake ng gamit at aniks aniks for the upcoming lipat bahay.
- Prepare ng mga bubble wraps, balikbayan boxes, packaging tapes at check if may for disposals.
- Eto din yung may ganap sa opis na parang magkakaroon ng squad squad thingy so i have to prep things to share knowledges.
March
- Lipat bahay month na. Medj mabigat sa kalooban na aalis na ng Pasig.
- Hello Binangonan Rizal. Officially probinsyano na me.
- Paglipat sa new balur is an adjustment.
- Kailangan pag-aralan ang commute diskarte from bahay to opis.
- Time allocation is around 2-3 hours for byahe.
- Walang masyadong fastfood within area kaya olats ang grabfood at foodpanda.
April
- Summerish feels, steel adjusting sa new balur
- Joined team building kineme from old team papuntang zambales.
- Time to unwind ng very light
- yung normal na uwi from zamba to manila, +2 hours pa kasi byabyahe pa papuntang Binangons
May
- Catch up session with office berks
- Tas nagkaroon ng A.P.E sa opis, so matik na obese 2 na yan.
- Di na ako nagpabudol na mag avail ng salamin hahahaha
June
- Rainy season, anhirap magcommute from binangonan to pasig.
- Buti 2x a week na lang ang return to opis mode.
- Pero medj draining sa energy ang byahebels pota.
- Medj late ang summer outing ng opis, imagine rainy seasonish na.
- For the 4th time, nasa whiterock resort nanaman ang company outing
July
- Nag VL for Toycon. So nagbyahebels from binangonan to SMX
- pagod is real. Yung byahe ko 6am palang ng umaga umalis na ng bahay.
- Nakadating sa SMX ng almost 10, tas mga 2-3 hours lang doon tas byahe na pauwi coz super ayaw ko na pumila balde sa pagsakay pauwi.
- May company event kami na may check mode sa Edsa Shang
- and this is the month na may twist sa buhay, inatake ng stroke ang pudrakels ko.
- While nasa mall sha, bigla daw nahilo at nahirapan makahinga, tas medj not responding na daw sha kaya dinala na sa nearest hosp.
- Pagdating sa Medical City, tinawagan kami kasi hirap na makahinga and we had to agree na i-intubate na sha.
- From puyats, byahe ng gabi from binangonan to hospital.
- Dito nalaman namin na crit and we are asked if ooperahan.
- Kaso, hutangina, apacca mahal sa Medical city. Imagine 24 hours, nasa 150k na bill namin.
- Dahil sa kakapusan ng salapi, nilipat namin ang pudraks sa public hosp.
- Dito, kinapalan ko din muka ko to post sa fb to seek for donation. Alam mo yung feels na alam mong nasa laylayan ka din ng lipunan kasi wala kang pera and luxury to make sabi sa doktor na kahit na ano gawin nia, di importante ang gastos.
- Yung RD ko na Tuewed, nakadedicate na magbantay sa hospital.
- First night ng pudraks sa room nia, namatay yung roommate nia, gosh, ambigat sa kaloobans.
- Di ko alam if naririnig ng pudraks ko iyak ng pamilya sa room.
- Medyo sinet ng expectation sa amin na medj slim chance na lang din survival ng pudraks pero di nila masabi kung ano duration or timeframe.
- Nag bday ang pudraks sa ospital. no celeb, treated as just ordinary day sa hosp.
August
- Nasa hospital padin ang pudrakels, coma state and no response.
- Juggling time to make pasok sa opis tas pag walang magbabantay sa hospital, aabsent para may taong nakabantay.
- Medyo eto yung start na tiuruan na kaming mga nagbabantay on how to feed the pasyente using yung parang pump na nakakonekta sa feeding tube na rekta sa ilong/lalamunan ng pasyente.
- Yung room ng pudrakels is shared room, may 4 beds, and medj masaklaps na yung mga roomies ni pudraks nag eexpire.
- Shuta, ambigat sa loob na mag iiyakan at maghuhurumentado lovedones ng mga pumanaw na pasyente.
- Yung isang roomie ng pudraks ko, nakarecover at nadischarge, so somehow ang mudrakels parang nakakapit sa mindset na if gumaling yung katabi, may chance makauwi din ang pudraks.
- Nagkaroon ng another attack ang pudraks, at buti narevive, pero sabi sa tagal na walang oxy, 9 mins nag-resusitate, ininform kami na next time if mangyari ulit, 5 mins na lang ang attempt to revive.
September
- Medj nagpapahaging na mga nurse sa ospital na papauwiin na ang pudraks at i home care na lang.
- Eto na yung time na napapaisip na kami na kumuha ng caregiver kasi may work kami at di na namin pede abalahin mga pinsans to make rotation sa pagbantay.
- Pinabili din kami ng mga gamit like mga diapers, suction machine, tanke ng oxygen, and stuff.
- Nakapag one-day Team building pa me despite the shenanigans. one day to slight unwind.
- Sept 18, dumating na unang delivery ng mga biniling items ng sister ko, kaso may problema sa oxygen machine.
- Sept. 19, napalitan na yung machine at inasikaso na ang pag discharge sa pudraks. nakahanap na din ng caretaker na magbabantay at magpapakain sa pudraks.
- Inabot na ng hatinggabi bago tuluyan naka fully settle sa bahay at nauwi ang pudraks
- Sept. 20, wala pang halos 24 hours na nasa balur ang pudraks, ng bawian sha ng buhay.
- naiwan pa ng mudraks cellphone nia kaya di namin alam pano sha cocontakin to inform na wala na ang pudraks.
- Asikaso mode din sa mga dadalin para punerarya.
- di pa nakakarecov sa gastusin sa mga binili for homecare, another gastusin para sa libing.
- Sept. 21-25 ang lamay, bakit mahaba? kasi namatayan ng tatay yung asawa ng auntie namin so aantay namin na makabalik sila from mindoro.
- ilang days kami na wala sa bahays at andun lang sa funeral place.
- busy din sa pag gawa ng video kineme.
- Buti na lang medj may alam sa paglalamay yung caregiver na nakuha namin, kahit na technically 1 week lang namin nakuha service nia.
- and the house feels officially empty sa pagpanaw ng pudraks.
October
- Birthmonth pero parang di naman kasiyahan ang buwan.
- Tuloy ang buhay, back to work and stuff.
- Sa birthday, kumain sa resto with fam. yun na yun
- Tas asikaso for the 40 days ng kamatayan ng pudraks.
- Nagrelease na ng first part ng DLC ng pokemon pero feels like meh.
- slight changes to work since part na pala ako ng training team na nagcoconduct ng TOI at trainings sa mga members.
November
- Nothing much for november.
- Nagcelebrate ng bday sa balur ang mudraks.
- Ang mahirap lang na now wala na ang pudraks, di naman maiwan sa bahay mag-isa ang mudraks.
- yung 2 days na naka-return to opis me, kelangan night before the day, di ako sa bahay matutulog dahil walang masasakyan sa village ng madaling araw.
- Yung eksenang slight nakakaawa maiwan mag-isa yung nabyuda mong mudrakels pero need mo din naman mag comply sa opisina na dapat pumasok ka ng atleast 2 days sa opis.
- Medj nakatikim ng slight break ng magpunta ng Baguio to attend ng kasal ng dating teammate at travel friend.
- Dito lang me ulit parang nakahingahinga at pahinga with all what have happened since july.
December
- Nag join sa team building at christmas party
- May mga event ganap sa opisina na need mag participate.
- slightly envious sa mga officemates na nag-japan due to contest shenanigans.
- Hoping na sana sa upcoming christmas party ay manalo naman sa raffle, kapalit to ng mga hardships na ganap recently.
- May mga times na mapapaisip ako sa bahay na mga what ifs, regrets to bond more with pudraks, maiisip mo na usually andun sha sa area ng bahay nagluluto or naglalaba.
Yun lang naman muna... i just need to drop things into writing kaya muling nagsusulat ng slight here sa blog.
TC guys if meron pa mang dumadaan dito.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???