Showing posts with label The morning rush Top 10. Show all posts
Showing posts with label The morning rush Top 10. Show all posts

Wednesday, December 19, 2012

The Morning Rush Top 10 Book2

Almost 1 year na pala ang nakalipas simula ng mabasa ko ang book 1 ng libro ni Chico and Delamar's The Morning Rush Top 10. And now, nabasa ko na din ang kanilang second book. At ito ang bida for today's post.


Last saturday, bago ako umattend ng SBA 2012, dumaan kami ni Unni sa National Bookstore para bumili ng children's books na idodonate. At kasabay noon, doon ko nakita na nireleased na pala ang iakalawang libro ng TMR. So sa halagang less than 200 (di ko kasi matandaan kung 180 or saktong 200 yung book) e binili ko na.

Book 2? Nagtatanong kayo kung ano ang Book 1? Click here. So ang book 2 ay almost the same lang ng book 1. Ito ay compilation ng mga Top 10 kung anik-anik category na malamang ay nadinig na ng ibang tao sa radio program na The Morning Rush.

Ano ang difference? Kung clinick mo ang link papuntangbook 1, mapupuna mo na siChico and Delamar ang nasa coer. Now... may bago silang tropapips.... si Gino. So ngayon, taklo na sila sa cover.

As i mentioned na, almost the same lang. May funny at may so-so at for me may mga waley contents pero okay naman ang over all. Mas madami ata ang top 10 dito sa book 2. Ang score for this book ay 8.3. Yep, nabawasan ng .2. Para kasing wala akong gaanong halakhak na nadama while reading it e. Like yung iba, napa-a...-okay lang me. 8 dapat ang score ko pero naging 8.3 kasi may free stickers sa back portion ng book. hahahah.

O cia, hanggang dito na lang muna. Baka magmallmodeako laters. Take Care folks!


Monday, December 26, 2011

The Morning Rush Top 10

Ang pasko na ata ang may pinakamahabang araw kanina/kahapon. Di ko alam kung dahil lang ito sa konti ang tulog ko or dahil wala ako ginawa maghapon. Taong bahay mode lang ako. 

Anyway, for today ay she-share ko lang yung book na nabili ko lang noong isang araw at nabasa ko din agads. Ito ay ang 'The Best of Chico and Delamar's The Morning Rush Top 10'. Ang haba ng name ng book no?


Una kong nagkaroon ng idea about sa TMR dahil sa blog ni Moks kung saan nipopost nia ang mga galing sa TMR. Ayun, nag-eenjoy ako sa mga samu't saring post. At medyo naging fan na din me ng TMR. 

Ang laman ng book ay iba-ibang top 10 na syemps ay nagmula sa radio show na The Morning Rush. Mga nakakatawa at nakakabangag na mga hirits.

Ang iskor ng book? hmmmm. 8.5 siguro. Oks naman. Nakakatawa. Pero syemps yung iba parang naisabog na sa mga text jokes at facebook status or kaya nagamit na ng mga comedians at nabasa na din sa ibang books kaya naman medyo swak lang.

Sa murang halaga na 175 pisus, swak na ito pantanggal ng loneliness na nadama nitong pasko. wahahahaha.

O cia, hanggang dito na lang. Kelangan ko pa pag-isipan at itype ang gagawin kong entry sa contest ni Gasul. Oo, ako na ang antagal gumawa at umaksyon. lols.

TC!