Showing posts with label addams family. Show all posts
Showing posts with label addams family. Show all posts

Wednesday, October 31, 2012

Halloween Cartoon

Ilang oras na lang at papatak na ang 12 midnight. At eto ang eksaktong oras na magpapaalam na sa October and mag-oOla na sa November. Ibig sabihin din, Nov. 1 na, araw na ng mga patays.

Well, for today, balikan lang natin ang apat-dapat, dapat-apat na cartoons na havey at hindi waley kapag undas. Sakto kasi ang tema. mga takutan cheberlins.

1. Casper


Ang multong mabaet. Sya ang friendly ghost na walang bad bones sa katawan. May kaibigang witchy red riding hood named wendy. At may mga kasamang ghost na medyo meanies.

2. Real Ghostbusters


When there's something strange, in the neighborhood.....who you gonna call.... ghostbusters! Sila ang groupies na cumacapture ala pokemon sa mga monster/ghost na gumagambala sa tao.

3. Addams Family


Anong sinabi ng pamilya ni Bella at Edward... wala.... Dahil kumpletos rekados ang mga characters sa pamilyang ito! Fave ko dito si 'thing', yung kamay na may sariling isip.

4. Scooby Doo


Mystery ba kamo? kababalaghan eklachus? Then, eto ang cartoon na nagsosolve ng mga mysteries and shenanigans. Isama mo sila Fred, Daphne, Velma at Shaggy.

o Cia, hanggang dito na lang muna. Pambawi post lang at pahabol for my october month. Take Care!