Showing posts with label john paul encinas. Show all posts
Showing posts with label john paul encinas. Show all posts

Thursday, October 25, 2012

John Paul Encinas, Bagong makukuyog?

Remember Barney? Hindi yung purplish dino na kung makakanta ng i love you-you love me ay with matching feelings. Ang tinutukoy ko yung si Barney na nakuyog at na-bully kasi nakuhaan ng iyoutube vid na nang-aano ng mmda chuvaness.

Well, well, well, may gustong umeksena at mang-agaw ng trono at nais mabully ng mga netizens. Naku-naku-naku. gagawa na lang ng init ng ulo ay natyempohan pang may CCTV ekek. Ayan, caught in act ang ginawa.

Makikita sa video na binuhusan niya ng water (water bender ang peg? o kaya mala-bituing walang ningning?)  ang kahera ng isang kainan tapos binato pa ng mineral water bottle tapos gusto pang ipalamon sa kahera ang kaban ng kash nia! Maygas! Brutal!


O, eto naman ang side ni koya, nambastos daw si ateng karinderya girl. 


Kayo, sa palagay ninyo? May K as in karapatan ba si koya na umasal ng ganun despite sa sinasabi niyang barubal na ugali ni acheng karinderya?

Tsk tsk tsk, naku. Goodluck na lang kay koya dahil malamang sa alamang ay pagpipiyestahan ka na at trending pa! 

O cia, hanggang dito na lang muna.