Showing posts with label nicaragua. Show all posts
Showing posts with label nicaragua. Show all posts

Wednesday, December 22, 2010

Survivor Nicaragua Finale!

Sunday sa amerika ipinalabas ang season finale at renion special ng aking sinusubaybayan na reality show, ito ang survivor Nicaragua. Since sa thursday pa ilalabas ito sa phil. tv, kailangan kong makahanap ng way para mapanood ito. Amportunately, maarte ang website ng survivor at ayaw magplay ng video kung outside the states ka so no choice ako. Buti na lamang at may ever realiable download folder kung saan makakahanap ng copy. So luckily, nakakuha ako ng sariling kopya. So for today, nais ko lang i-share ang tungkol sa top 3/ final 3 at ang winner ng survivor. :D

Unahin natin ang 2nd runner-up, si ate Sash. 


Si ate sash ang balbonic-bubonic na lalaki sa survivor nicaragua. Well, di naman sya totally gay pero tinatawag siyang ate shasha fierce dahil sa strategy play nia. Bakit sha naging 2nd placer? Well, mas madami kasi siyang binackstab. Zero votes siya mula sa 9 jury members. 

Ang 1st runner-up sa survivor ay si kuya Chase.


Si Chase naman ang physical guy sa top 3. Buff guy at young. Siya yung mga top contenders sa mga immunity challenges. Okay na sana ang gameplay subalit tila naasar niya ang iba sa jury sa pabago-bago niyang desisyon. Isa siyang butas na lata kung saan binubulgar niya ang mga strategy ng lahat. 

Ang sole survivor ng Nicaragua ay ang lalaking si Jud aka Fabio.


Ang real name nia talaga ay Jud pero noong unang episode, pinangalanan siyang Fabio dahil eengot-engot at accident-freak sya (laging nasusugatan). Good point ay lucky sya kasi nanalo sya ng back-to-back-to-back immunity challenge. Another factor kaya nakuha nia ang major points(5/9) ay dahil clean playing sya. 

So sad kasi puro boys ang nasa top 3 at walang naka-bikini ang nakapasok. O well. Let's wait for the next season ng Survivor.

Maganda ang twist ng season 22 dahil magkakaroon sila ng katulad sa Season 2 ng survivor Philippines na isla purgatoryo. Well, since American Survivor to, its called Redemption island.('an toroy lang').!

Saturday, December 4, 2010

The Quitters!

Winners never quit and quitters never win!

Nakaka-badtrip ang Survivor Nicaragua ngayong araw na ito. Dalawa ang nawala sa game ng survivor. Buti sana kung votation ang naganap pero hindi e, nag quit ang dalawa sa mga players.

Nakakajirita yung dalawang nag-quit at sumuko sa hamon ng survivor. nakakaasar isipin na nasayang ang effort ng ibang players na na-vote out habang sila na nakausad sa game ay biglang susuko.


Sarap sipain ni Naonka nigga na mag-quit! Dapat nag-quit na lamang siya noon pa at di na na-vote-out si Brenda. Ang kapal muks naman ng pes nia na nagpakasasa pa siya sa reward.


Gusto kong ibalibag si Purple Kelly kasi nag-quit din. Sayang lang ang nabuo niyang alliance kung aalis lang siya.

Nakaka-dissapoint ang episode pero wala tayong magagawa kasi desisyon nila yun. Pero di ko talaga maiwasan na manghinayang. Wala ng sexy girls sa game at kutob ko na lalaki ang mananalo sa bandang huli.

Sunday, September 19, 2010

Survivor Nicaragua


Wala ako sa mood kahapon na maglakwatsa sapagkat kahit sunday kinabukasan ay may pasok ako. Instead na maglamyerda ako at magpakalat-kalat sa megamall o tumambay sa boostore upang magbasa ng mga libro ay diretso sa bahay na lamang ako.

Same routine padin at todo effort ako sa pagtapos ng mga quest sa Dragonica at nagpupumilit magpalevel kahit mahirap. After 3 hours ng non-stop playing ay tinamad na ako. Nagvend nalang ako at nagtinda ng mga items sa game at sabay binuksan ko nalang ang telebisyon upang magpalipat-lipat ng channel para maaliw naman. Saktong sakto dahil pagkalipat ko ng channel ay napunta ako sa first episode ng aking pinaka-sasabikang show, ang Survivor.

Ang setting ng new survivor ay sa Nicaragua. Di ko alam kung saang kontinente iyon pero wala na akong pakialam basta may mapapanood na ako at aabangan every week. Hindi ko masyadong napaumpisahan kaya di ko alam ang mga names ng mga cast-away members. Pero ang inabutan ko ay tila divided na sa dalawang kung saan nagkaroon ng pilian. After ng hatian, inanounce na may hidden medallion na kailangang hanapin. After mahanap, may shocking revelation.....

Ang twist sa unang part ng game ay ang grupo ay divided between the younger people versus the oldies. Patay kang bata ka. Ang mga may sigla at may powers ng youth ay haharap sa challenges at makakatunggali ang mga tila magulang at grannies nila. Not bad for a twist.


Sa first episode, Natalo sa immunity challenge ang mga oldies. Ibig sabihin, isang gurangger-z ang mapapatalsik. Nagkaroon ng pagpupulong ang majority ng tao at ang decisyon nila ay tanggalin ang weakest link. Ang choices nila ay ung dating coach ng basketball na di ko matandaan ang name o ung girl na pastol ng mga kambing. Undecided pa talaga sana ang mga pips kaso naging unison ang desisyon nila kung sino ang tatanggalin dahil sa isang eksena. Ang eksena ay ang pagiging madakdak nung Babae. Paano ba naman ay tapos na ang interview session ng nag-butt-in sya at nakiusap sa host na may last words pa. Mega define pa sya ng matutulong nia sa camp at nagbuhat ng sariling bangko. Ayun, in the end, sya ang tsugi.

Anyways, para di naman masyadong boring ang post na ito ay heto ang mga larawan ng isang cast-away na may lahing asian ata. Ang pangalan ng girl ay Brenda Lowe. (mga larawan ay nakuha sa isang forums)