Showing posts with label nuffnang. Show all posts
Showing posts with label nuffnang. Show all posts

Friday, October 11, 2013

Wish Ko Lang AirAsia Zest


Dear Ate Charo,

Itago ninyo na lang po ako sa pangalang 'Khanto'. Isa po ako sa isa sa mga tao na nahihilig na po sa paglalakwatsa at pagbyahe sa kung saang lupalop ng pinas. Sumulat po ako para humiling na sana ay mapagbigyan po ako sa mga destinasyon na aking minimithi.

Ay, teka lang po, muka po atang mali ang aking sinusulatan. Erase, erase, erase na lang po. 'K Thanks bye!'.

Dear Ate Vicky Morales,

Ako po si 'Khanto' na nagkamaling sumulat sa kabilang istasyon upang humiling na sa ay mapagbigyan akong makapagbyahe sa mga lugar na aking gustong balikan. Heto po sa ibaba ang tatlo sa mga nais kong mapuntahang muli.

Unahin ninyo na po ang Cebu. Maygas Ate Vicky, ansaya pong magpunta dito. Nais ko pong mapasyalan muli ang Oslob at makasabay sa paglangoy ang mga malalaking isda na mga 'whale sharks'. Mababait sila at di nangangain ng tao kaya naman nakakamangha na makita sila ng personal at makapagpa-photoshoot kasama sila. Heto po kalakip ang family picture naming mga Butanding.


Maliban sa Oslob, okay din pong puntahan yung Sky Adventure sa Crowne Regency at maglakad sa isang mataas na gusali o kaya po ay mag-zipline. 


Pangalawa po sa aking hihilingin ay ang makapunta sa Puerto Prinsesa. Alam niyo po ba na enjoy mamasyal sa main city ng Puerto Prinsesa? Masarap po ang mga tinapay sa Baker's Hill at masarap din po tumambay sa Mitra Ranch.


Isa pa sa mapupuntahan at maipagmamalaking lugar sa Puerto Prinsesa ay ang kanilang Underground River. ate Vicks, astig po ang place na ito.


Ang huli po sa aking hiling ay ang makapasyal muli sa Tagbilaran. Alam ko po medyo di po masyadong nakaka-recall ang name na Tagbilaran so para mas madali ay i-associate po natin sa pangalang Bohol. Isa po sa ayos mapasyalan ay ang 'Hinagdanan Cave' kung saan pong pwede kang magpa-picture na kakabog kay Ate Nora, may himala!


Pero ate vicks, syempre wag na tayong magpaligoy-ligoy pa, di na po ako magpapatumpik-tumpik pa-kara-karaka, syempre ang dapat pasyalan sa Bohol ay ang Chocolate Hills at makita ang Tarsiers at kumain sa Loboc Riverwatch buffet. 


Nagmamakaawa po ako ate vicky na inyong tuparin ang aking hiling... Lalo na po at ngayong darating na Oktubre 15 ay aking kaarawan at gawin na ninyong birthday gift ang pagbyahe sa kahit isa sa tatlong lugar. Pero kung bongga kayo, why not lahat po. hehehehe.

Wag po kayong mag-alala Ate Vicky, di ninyo na kailangang hanapin si Darna para mailipad ako sa mga lugar na nais kong puntahan. Alam po ba ninyo na may partnership na ang AirAsia at Zest at ito ay naging AirAsia Zest. at dahil dyan, AirAsia Zest may now take you to destination at affordable price! But wait, there's more ate Vicks, dapat mo din malaman na AirAsia Zest flies from Manila. Tama ang nababasa mo ate vicks, di na kailangan pumunta ng Clark kasi meron ng flight from Manila!

Heto pa, ang AirAsia Zest ay may mga flights papunta sa mga lugar tulad ng Cebu, Davao, Kalibo (Boracay), Puerto Prinsesa, Tagbilaran, Cagayan De Oro. But wait, there's more pa! May lipad ang AirAsia Zest palabas ng pinas tulad ng Kuala Lumpur, Kota Kinabalu, Shanghai, Incheon. Bonggang-bonggang-bogambilya diba?! Kaya nga po AirAsia Zest, The Right Way to Fly!

Hanggang dito na lang muna Ate Vicky, salamuch sa pagbasa at Wish ko Lang na matupad ang aking hiling. Take Care po. 

Nagmamahal,
Khanto
-=-=-=-=-=-
Heto ang aking blogpost para sumali sa Blogger Contest ng AirAsia Zest. Samahan nio ako mga friendship na sana manalo mey. hahahaha.

Saturday, September 1, 2012

Online Teens


Ang kabataan nga naman ngayon... iba na! Noon, ang ligawan at pagpaparamdam ng anik-anik o saloobin ay dinadaan sa nakaw-tingin, pasulyap-sulyap, via secret admirer at mga pasulat-sulat. Pero ngayon, iba na..... Pede ka na magpapampam at magpasiklab and show the love via inernet (oo, inernet, silent kasi yung unang t. lols).


Tulad na lang ng eksenang eto....may isang teeny na gumawa ng video with matching sing and dance para sa kanyang natitipuan. Ayun, mega-post at binandera sa youtube.... naging viral.

And so after naging famous ang song na anna banana na gawa ni Derek, poof.... may sagot na ang dalaginding na type nia. Panoorin ang video sa baba.


Para sa kumpletong video ni Anna 'Maldita' banana, eto ang video sa baba.


Nako, wrong choice kasi ang teenilet na si Derek.... Di naging mahusay sa pagpili ng kras! Dapat kasi dinudurog na lang yang si Maldita Banana. 

Pero kung ako kay Derek, dapat mamili na lang sya ng iba. Malay mo, makilala nia si Dolly Dalandan, Pookie Pakwan, Pepita Papaya at iba pa. andami kayang prutas na pede niyang mapitas!

Or, pede din niyang ligawan ang aking pamangkin... Itago na lang sa alyas na Melissa Melon. Sweet sya, sweet at higit sa lahat sweet! hahahaha. 

Pero kung may mga wanna be girls na gustong maging anna ni Derek, pede naman sila pumunta sa link na 
www.dereksnewanna.com at magsubmit ng video entry at ieksplika in one word (joke lang, 2 sentence.... joke ulit) kung bakit sila ang dapat piliin. Pwede pa silang manalo ng Samsung Ultrabook at makasama sa patalastas ng PLDT MyDSL.

At dahil sa gantong pagkakataon... makagawa nga ng video para mag-express ng feelings.... Joke lang. jhahahah

O cya, hanggang dito na lang. Take Care

Thursday, December 9, 2010

My Christmas Wish this Year: A NOKIA C7


Etong 2010, naka-ilang beses na akong sali sa mga pakontest at promo kung saan maaaring manalo ng cellphone. A for Ay-ffort ang aking ginawa para mapanalunan ang jackpot na cellphone pero di ako nagwagi. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sabi nga nila, try and try until di ka sumablay. So heto ako at humihiling na sana ay dingin ang tinig ng anghel na malambing( wag kumontra!).

Sa tulong ng pixy na si tinklebell at kasama ang mga dwarfs na sila jolly at sneezy, sana ay pakinggan ang wish ko na mapanalunan at makamit ang isang Nokia C7.

Bakit nga ba ako humihiling sa mga alipores ni santa ng tulong upang magkaroon ng cellphone na Nokia C7? Marahil kasi gusto ko kasing madanasan ang magdududutdot sa isang full-touch glass display. Aba, nais naman ng daliri ko na-mag-touch-touch sa sceen at hindi di pindot sa mga buttons lamang.

Wait, there's more! (parang sa home shopping network lang ah). Kaya nais ng malinis kong puso (oo, malinis! Zinonrox ko at binabad ng 30 mins. gamit ang sabong may scrubbing powers) ang phone na ito ay dahil sa taglay na 8 Megapix na camera. Nais kong makuhaan ang mga magaganda at masasayang Christmas moments gamit ang ubod ng linaw na camera. Ultimong ang mga nagpaparty na langgam at nagsasayawang mga insecto ay makukuha ang larawan. 

Lastly, dahil sa mga iba pang features tulad ng craft design, integrated social networks, maps and apps at best in mobile entertainment; baka mahanap ko ang aking soulmate. O sya, kung ayaw nio ng soulmate, baka pede ang first girlfriend. Bakit ko nasabi to? Kase ganto:

Hypothetical situation:
Ako ay nasa bar, partey-partey! Then sa isang sulok ay may napaka-ganda at seksing babae na itatago na lamang natin sa pangalang Ellen Adarna (FHM december 2010 cover).

friend1 approaches Ellen: Hey! Have you met Khanto?!
Ellen: oh, Hi! How are you?!
Khanto: I'm great. you look familiar. Kamukha mo kasi yung magiging girlfriend ko eh. 
Ellen: Talaga?
Khanto: Yep. Actually i-aadd ko na nga siya sa aking facebook so can i get your email address?
Ellen: Sure. here, i'll type it in your cell.
Khanto: btw, pwedeng magpapicture sa future girl ko?
Ellen: Why not. 
Khanto: If in case you want to see me, just send me a message, i will use the map with gps navigation to be there for you.
Ellen: how sweet. kiss. hugs.

Sa December 24, sana ay matupad na ang aking hiling :D