Kamusta na mga madlang pips? Marahil nag-eenjoy kayo sa inyong long weekend. Well, ko naman ay nasa long boredom. lols. Walang magawa, laging nakatunganga at parang timawa. Anyway highway, dahil sa boredom sa shift namin, ang ilan sa aking ka-ops ay nagkwekwentuhang at nagpapalitan ng kuro-kuro, napunta ang usapan nila kay Anna Larrucea tapos sa movie na kinabilangan niya. Kung dehins nio knows siya, siya ay isa sa sikat na miyembro ng kiddie heroes ng taong 90's.
Syempre pamigay na sa title kung tungkol saan ang post na ito. Ito ay walang iba kundi sa mga mga batang nabigyan ng powers at naging tagapagligtas ng earth. Sila ang Batang X (insert song: Batang X-x-x-x-x- Batang x)
Ano nga ba at sino nga ba ang mga Batang X? Base sa aking natatandaan, sila ay mga kiddielets na nakidnap at inenhance ang kanilang mala-mutant powers. 5 neo-kiddielets ang espesyal na dinukot at napag-eksperimentuhan. Sino-sino sila? eto ililista ko pa.
1. A-gel- Siya yung batang pilay na may kakayahang lumipad. Ang real name ng bata-batutang ito ay Anghel Arsenal. Ang bagets na artista na gumanap dito ay may name na John Ace Zabarte. (salamat sa wiki).
2. Kidlat- Siya ang kapatid ni A-Gel. Isa siyang bulags then naging mala cyclops ang dating kasi may eye blast na sya. Real name ay Kiko Arsenal. Ginampanan siya ni John Pratts na kapatid ni Camille. ahahaha
3. G:Boy- Ang kid naman na ito ay ginawang powerful kasi nagkaroon siya ng super strength. Real name ng batang ito ay Bugoy (walang last name). Ang batang actor ay may name na JC Tizon.
4. 3-Na- Oo, parang jejemonic ang name kasi original name ay Trina De la Paz. Ang batang ito ay may powers na maging imbisibol. Ang girl na gumanap dito ay si Anna Larrucea, ang pantasya ng kabataan noon.
5. Control- Walang real name ang batang to kasi he is so anonymous. Basta parang si Prof. X sa talino at di makakilos at nasa headquarters lang. Ang batang gumanap dito ay si Janus Del Prado.
O para knows nio kung ano itsura nila in colored and black and white pic, heto tingnan sa ibaba.
Ang kalabs nila dito ay si Aiko Melendez na gumanap na Dr. Axis, sya ang nagpakidnap sa mga kiddies. At isa pang kalabs ay si Chuck Perez na tinawag sa namesung na Zygrax (kamag-anak ni Phlanax).
Sa pagiging popular nito, nagkaroon pa nga ng tv series ang show at nagkaroon din ng revival na sinabing new generation ng batang X.
Hayyys.... Wala langs. Nakaka-miss ang childhoods. Wakokokkok. O cia, hanggang dito na lang muna. TC and enjoy the ever long weekend!
Note: ang mga larawan ay nakuha sa pesbuk page nila at sa pamamagitan ng google search. :p
whahaha namiss ko bigla to...niremake to ng tv5 eh bigfoot ang gumawa/produce if im not mistaken hehehe....
ReplyDeleteisa sa mga fave show ko, namiss ko yung movie nito...zero mali ka.. MPB Primedia nagremake hehehe :D pero alam ko same channel? tama ba gelo?
ReplyDeletePinantasya mo rin ba si anna larucea? hehe. Joke. ilang taon na kaya sya ngaun?
ReplyDeleteLakas maka-reminisce nito! Naalala ko pa ung "operation" scenes nila. hihi
ReplyDeleteilang beses ko ding pinanood sa tv nga lang hahaha. reminiscin talaga!
ReplyDeletenalala ko nga to.back to memory lane at nakakamiss kahit na kung iisipin mo now parang walang wenta lang .hahaha.
ReplyDeletehahaha kabataan blues.. hahaha...
ReplyDeletenaalala ko to..sikat pa ang ANG TV nyan..bata pa ni Janus at John Prats dito...
ReplyDeletehehe old skul photos batang i wish ganun din ako ng bata ako, nice post sir
ReplyDeleteahahaha..nostlagia again! :D
ReplyDeleteasan na kaya ang mga batang itey? parang si john prats lang ang active pero batang height parin..hehehe
Shet! Nakaksyet. Di ko to alam. Hahaha. Di ko kilala kahit isa. LOL. Anong taon ba itwu?
ReplyDeletewoaaaahhhh, yan ang kauna unahang pelikula na napanood ko sda mundong to. Dalawang taon o tatlong taon ho ako nyan. yiiiii. hangkyot!
ReplyDeletenapanood ko yan noon..
ReplyDeletehahaha. ilang beses ko tong napanood noong kabataan ko. haha. matanda na? hindi pa naman. fresh pa rin. haha
ReplyDeletehahahha! natawa ko inferness. childhood days..
ReplyDeletewahahaha!!! old school to!!!! astig!! ang bata ba ni john prats saka ni ana larrucea dito.. hahaha
ReplyDeletepag sinabi kong napanood ko ito at naabutan ko silang lahat nung bata pa sila.. ibig sabihin matanda na ako? LOL
ReplyDeletewahahahah.. panalo ito.... isa sa mga peborit kong pelikula noon.... har har har har!
ReplyDeleteWahahaha asan na kaya sila ngayon? Naalala ko diring diri talaga ako nun sa itsura ni Control.
ReplyDeletelike this post so much,, sana may new version ulit
ReplyDeletesobrang naadik ako kay Anna Larrucea nuon
ReplyDeletenaalala ko pa ung part nung song... it goes something like this.. ehem ehem ehem... "bulag na nakikita ang lahat... pilay na mabilis tumakbo... batang magnanakaw na kasing lakas ni superman.. batang x... batang x.. batang batang batang batang batang x... batang x.. batang x... batang batang batang batang xxxxxxxxx.... batang isinilang sa mundo'y naguluhan.. batang di pinapansin ng mga magulang.. batang nangulila at natuto na magnakaw (repeat chorus.. ung maraming batang x i mean). :)
ReplyDelete