Thursday, August 30, 2012

Kasabihan...


Hindi sa Katawan nasusukat ang pagka-Lalaki

note: larawan ay napulot sa facebook

Wednesday, August 29, 2012

Go Planet!

Hello! Kamusta na mga folks and mga readers! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Syemps concerned ako sa mga readers kasi kung wala kayo, lalangawin ang di mabentang wento ko sa inernet (oo, inernet, kulang ng t kasi silent daw! hahaha).

For today, magbalik tanaw ulit tayo sa isang cartoon na ipinalabas noong 90's! Eto ay ang cartoon na may pangalang Captain Planet!

Captain Planet, eto ay magsisimula sa dyosa or protector ng earth named Gaia. Nabulabog ang kanyang beauty rest kasi may sumisira sa environment.

So gumawa sya ng way at nagpakalap ng limang sex ring! joke lang! 4 elemental rings at isang heart ring ang kanyang pinakawalan at ang rings ay napunta sa sampung kiddos! (natural joke nanaman kasi 5 nga lang yung rings, so 5 PBB teens lang ang nakatanggap)

Ang 5 rings ay may power depending sa 4 element except for the special ring. So merong kayang kumontrol ng earth or lups. Meron ding keri ang pagmanipulate ng wind mala avatar aang. Meron naman pwedeng kontrolin ang tubig. May fire bender este fire manipulator din. Tas yung special ring ay kayang kumontrol ng Heart... naks... puso ang kayang kontrolin! lols

At sa help ng 5 rings, kayang i-summon ang isang hero na may namesung na Captain Barbell Captain America Captain Planet! Kelangan lang magchant ng mga teens ng 'Ispirito ni Bakler, umapir ka ditey! Pero seriously kelangan may order ang chant... Dapat mauuna ang earth then Fire next wind tapos Water last ang heart. Tapos sisigaw ng Go Planet kapag lumabas na si Kap!



Kung gusto ninyong malaman ang look and mga info ng 5 teens, etoang nakuha kong detalye mula sa profile nila sa pesbuk.

1. Kwame

-Siya ang representative ng mga folks from Africa. Dahil nga taga Africa sya, kelangan chocolate brown ang kutis silka niyang balats. Tapos may kakayanan siyang mag-control ng chocolate este ng earth. Kahit na may powers sya ng lupa, hindi sya amoy lupa. Trip nialang ang gardening ganyan.

2. Wheeler

-Hindi po sya related kila ten at eight wheeler. Siya naman ang subo sugo from North America. Syempre, america so dapat maputi ang kulay ni koya at pa-gwapings ang peg. Hottie si koya kasi may power ng fire. Minsan nagbalak syang maging poi dancer sa hawaii.

3. Linka

-Siya po ang legally blonde ng grupo na mula sa Soviet Union or mas kilala as Russia. Ang gerlay na masyadong mahangin dahil may pwersa ng Wind. Mahilig sya sa pag-aaral ng mga birds kaya naman gusto niyang aralin ang bird ni Wheeler.

4. Gi

-Another girl for the teens. Siya ang representative ng mga Asians at nagmula sa Thailand (hindi kaya lalaki din sya? wachatink? nagduda tuloy ako sa gender nya!). Asa kanya naman ang kembot ng Water. Ilusyunada si ate kasi isa siyang self proclaimed Marine Biologist.

5. Ma-Ti

-Ang last member at sya ay ang kumakatawan sa Amazons (di po sya Amazona). Sa kanya napunta ang ka-eklatan ng Heart para ipalaganap ang love-love-love at mga caring, empathy at anik-anik na relate sa puso. May power din syang kumausap sa mga animals (parang may sapi lang at kinakausap ang animals?).

Syemps, di tatakbo ang wento kung walang mga kalaban at kontrabids so eto naman ang mga folks na walang awa, walang puso at mga sarap itapon at pagpapaslangin na mga hinayupak na walang alam gawin kundi sirain ang mother nature. Sila ang mga tinatawags Eco-Villains. Dito din kabilang ang mga counter ni Captain Planet na si Captain Pollution (summoned by the power of Deforestation, Toxics, Smog, Super radiation at Hate).


Ang palabas na Captain Planet ay educational para malaman ng mga kids like me (like me talaga?) na pangalagaan ang mother earth at ang kapaligiran. Naiinform na masama ang polusyon ekek at kung anik-anik na unti-unting nagpapapanget sa ating minamahal na planeta.

Hanggang dito na lang muna mga planeteers!!!! Tandaan, When your powers combined... I am Captain Planet! Wahahahaha. Take Care!

note: images ay nakuha sa google larawans. :p

Salamat sa nakapansin sa mali. :D

Tuesday, August 28, 2012

LSS: Sirena

Una kong narinig sa radio station habang may voice over ng drama-dramahang kwento. Tapos narinig ko nanaman noong isang gabi sa Gandang Gabi Vice. Tapos kanina, fineature ang storya ng rapper na si Gloc-9 at eto nanaman at na-LSS nanaman....
 
Bang! Tumatakbo ang lyrics ng Sirena by Gloc-9 feat. Ebe Dancel.
 
 
di ko ma-embed, nag-eerror kaya direct link na lungs sa youtube
 
Ang video ay tungkol sa isang sirena..... Well, technically, sila yung mga shokoy that gustong maging sirena. Yep, eto ay kwents ng mga nasa tinatawag na Okama or kalahi nila Markova.
 
Ang rap song ay tumatalakay sa mga chuvarloo na binubully at minamaltrato ng mga father-dear nila kasi di tanggap ang pagiging berde at shoke nila. Yung mga moments na jinojombag at nilulunod-lunod eklat para maging straight ang naka-bend-over na guy este gay.
 
But then, at the mid and last part, it shows na ang minaltratong beki ay daig pa ang tunay na lalaki dahil nagawa nilang alagaan yung father-dear na kinyombag sila.
 
Buti na lungs at pag LSS ako ay tumatakbo lang ang lyrics sa aking utak, kung nagkataon.... mapapakanta ako sa lyrics ng Sirena.... wahahaha....
 
o, bonus, di lang tube video, me kasamang lyrics. Sige, itodo na ang LSS!

Bebe GandangSirena :p
 
[Ebe Dancel]
Ako'y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Simula pa no'ng bata pa ako,
Halata mona kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito,
Magaling sa chinese garter at piko
Mga labi ko'y pulang pula,
Sa bubble gum na sinaba
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila"
Habang kumekembot ang bewang,
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Nga galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan,
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumlambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot.

[Ebe Dancel]
Ako'y isan sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Hanggang sa nagibibinata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala 'to
Pero bakik parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,
Sa dapat makita ng inyong mga mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama nanaman itay, di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

[Ebe Dancel]
Ako'y isan sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[Gloc 9]
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita
Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan
Ngayon sa inyong kaarawan, Susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y nakaduster
Isang gabi, ako'y iyong tinawag, Lumapit
Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

[Ebe Dancel]
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga,
Sa'kin kayo ay bibilib
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko'y di tutumba...

 
O cia, Hanggang dits na lungs muna! Take care!


Monday, August 27, 2012

Thalia! Thalia!

Arborin muna natin ang kapangyarihan ni Ida ng Shaider at sabay-sabay natin sabihin.......................
'Time Space Warp, Ngayon Din!'
 
Babalik tayo sa dekada nobenta kung saan hindi pa puro kapokpokan at pangangabetbetbet ang usong tema ng mga teleserye (tama ba Shaina, Jake at Bangs?) Di pa din uso ang mga pabibong bata batuta tulad nila Lorenzo at Agua Bendits.
 
Well, ang uso noon ay ang istoryang mahirap si girlalu na maiinlab sa isang richie-rich boy na minsan ay mabalahibo ang mga dibdib at pumuputok ang mga maskels. Tapos syempre, hahadlang sa pagjujugjugan este pag-iibigan ng dalawa ang pamilya ni boy kasi nga langit-lupa-impyerno...im-im-impyerno...saksak-puso-tulo-ang-dugo ang pagitan ng lovers.
 
Tapos syemps kailangan may gantihan factor at iikot ang mundo kasi bilog ang utot este bilog ang mundo at ang poor girl ay magiging rich at magiging babangon ako at dudurugin kita ang peg. May i revenge ang drama!
 
But in the end, magiging happy ending ang vajayjay at talong ni girl at ni boy at they lived happily ever after.
 
Nakabalik tayo sa panahon kung saan sumikat ang tinaguriang telenobela queen.... ang panahon ni Thalia!
 
Sino bang hindi nakakakilala dito sa babaeng ito na naging popular during 90's at kaya mostly ng ibang chikiting patrolna iniluwal sa pechay ng mga mga magulang ay may namesung ng mga popular na mexicanovela like Marimar o kaya may Maria ang name... Maria Mercedes, Maria Mae, Maria Malaria at Maria Ozawa.
 
 At infairview, kahit ang palabas ay tumatagal ng halos kalahating taon (oo, mahaba lagi ang mga mexicanobela dahil andaming singit at dragging scenes) e sinusubaybayans yan!
 
Isipin mo, sa serye ni Thalia mo makikilala hindi lang ang storya ng main bida pati na din ang storya ng supporting actors at supporting ng supporting actors pati ang supporting ng supporting ng supporting actors!! Kahit nga mga tindero/tindera ata merong story e! San ka?
 
Syemps, para naman may recall kayo sa nishashare kong tao,heto ang sample ng palabas niya.
 
1. Marimar
 
2.Maria Mercedes
 
3.Maria La del Barrio
 
4.Rosalinda
 
Sa kasikatan noons ni Thalia, kasama sya sa nagiging cover ng mga notebook ng mga students! Imagine,mga kiddos sa school ang cover ay ang pes nia!
 
At dahil nga sikatkatkat e nag-remake ang dalawang stations ng serye.... Lumabas ang Marimar, Rosalinda at Maria La del Barrio.Unfortunately, mukang di na na-remake si Maria Mercedes. lols. Hindi na ata bumenta sa mga new generations.
 
woopps, tapos na ang time space warp..... Hanggang dito na lang. Take Care folks! Si Senyor!!!!!! wahahah


Sunday, August 26, 2012

MAC

Hello Philippines and hello blogworld! Kamusta naman kayo? Uy, mukang happy-happy ang karamihan kasi makakaranas nanaman ng long weekend ang mga empleyadong nasa normal ang iskedyul... yung sumusunod sa PH calendar.

Teka, bago ako magpatuloy, di ko alam pero parang wierd ang font ng post ko habang nagtataype. Epekto ba to ng taklong araw na hindi nakakaharap sa ibang pc? wierd lang ng paningin kows. Parang hanliliit ng fonts.

Well henyway, magwewents lang ako ng kaganapan.

Last Thursday hanggang sa Kahaps, ako ay nasa #MEKERI (makati na inislang) dahil isa ako sa chosen organism na nabigyan ng chance na magtraining ng MAC LION OS. 

So for 3 days (well, haktwali 2 days na lang kasi di counted ang saburday) ay a for effort me sa pagpila upang makasakay ng ep-eks papuntang Ayala at kelangans may allocated na 1.5 hours para sa byahe dahil expect the unexpected traffic at lakad mode.

Kapagodz at ka-hagardo versoza ang peg kasi eport ang gumising sa bed weather tapos antay mode pa sa sasakyan.

Pagdating naman sa actual training, medyo nakaka-stun ang kaganapans. Syempre, MAC ang training therefore MAC computers ang gamit. E syemps, di naman me richie rich kaya never pa ako nakahawaks/ nakahandle ng Mac PC. Kahit Iphone ay di din me gamay. 

Tapos, tapos, sa taklong araw na iyon, ang scumbag stomach ko nagiging kupaloid talaga. Ayun, sira nanaman ang tyan kows. Yung eksenang anhirap dyumebs kasi hindi ito katulad ng CR sa opis na may Bidet at konting tao ang gumagamit ng kubs at malinis. Tapos kumukuru-kurugrug pa. Ang hirap magdecide kung nadyedyerbaks or najujutot langs. taragish!

Pero inferview, busog sa pakain during training. Heheheh, walang gutom moments. Ang pinagkaibahan lungs, wala ang unlimited softdrinks kasi walang softdrinks dispenser dun. hehehe

At sa last day, nagkaroon ng exam, mock exams lang. At ako ay bagsak. kaasar-cesar. Hhahaha. Ako na ang bagsak pero nakakatawa pa ako? Ganun talaga. Anong gusto ninyong gawin ko, magngingingisay sa kalsada at mag-antay na umulan saka umiyak? lols.

May natutunan ba ako sa training? Oo..... um.... sorta.... kinda confusing kasi nga sanay na sanay me sa ordinary kimpyuter diba.... pero infairview, mukang magandang gamitin ang MAC computers.... Kung may kadatungan lang talaga, bibili ako. hahahah.

Lumuwa na mata ko sa Training

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Friday, August 24, 2012

TV Station Logo

Medyo wala pa akong time magwento ng mahaba-haba at medyo may effort kaya naman pagpasensyahans nio na ang mga down the memory lane peg post.

Natatandaan nio pa ba ang logos na nasa ibaba? Heheheh, Yan ang mga sinaunang logo ng 3 networks na pinapanooran ko noon. 


GMA♫♪It's where you...you...you...It's where you belong!!! ♫♪

ABS-CBN♫♪ABS-CBN, may handog na saya... Lilipad ang Sarimanok... abangan kung saan pupunta! ♫♪

IBC♫♪ Narito...Narito... ang damdaming totoo... Ang buhay at ang lukso ng bayan ko... ng bayan ko! ayayayay..

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care! Happy Long Weekend sa makakaranas nun!

Ang Pera Noon

Thursday, August 23, 2012

Mighty Morphin!

♫♪Go go power Rangers! Go go Power Rangers! Go go Power Rangers, mighty morphin power rangers!♪♫

Kung nagtataka kayo kung bakit sa random post ko kahaps ay power ranger ang picture, well heto ang kasagutan. Yun ang senyales kung ano ang topic for today! It's Morphin Time!!!


Mighty Morphin Power Rangers, ayan ang napakahabang name ng unang power ranger na inilabas sa pilipinas. I know part sya ng sentai fever pero kasi this is different since eto ay rights na binili ng mga kanuto para mag-ere ng sentai at tawagin itong Power Rangers!


Ang palabas na ito ay ingles at hindi dinub sa tagalog kaya naman kung batabatuta ka noong ipinalabas eto sa telebisyon ay tiyak na nosebleed ang peg mo. Or, iniintindi mo ang show base sa visuals o sa action at echipwera na ang dialog much.

So ano ba etong palabas na Mighty Morphin Power Rangers talaga mga ate at mga kuya? Well, ito ay tungkol sa limang (pero naging anim kasi buy 5 take 1 free) pbb teens na napili ng isang floating head na tinatawag na Zordon. Si Zordon at ang robot na tinatawag na Tinapay este Alpha 5 ay pinili ang 5 colorful teens na kung makadamit ay match na match at terno sa kanilang color code.

Alpha 5 and Zordon

Kung gustong makilala ang lima..... but wait there's more, read in a few more minutes and i will add 1 ranger free!


1.
Name: Zack Taylor
Mighty Morphin Black
Morph: Masterdon
Birthday: May 3
Zodiac: Taurus
Favorite Cologne: Blackwater

 
2.
Name: Kimberly Ann Hart
Mighty Morphin Pink
Morph: Pteradactyl
Birthday: February 14
Zodiac: Aquarius
Favorite Cartoon: Pink Panther

 
3.
Name: Billy Cranston
Mighty Morphin Blue
Morph: Triceratops
Birthday: April 1
Zodiac: Aries
Favorite Song: Blue Jeans

 
4.
Name: Trini Kwan
Mighty Morphin Yellow
Morph: Sabertooth Tiger
Birthday: August 9
Zodiac: Leo
Favorite Pizza: Yellow Cab

 
5.
Name: Jason Lee Scott
Mighty Morphin Red
Morph: Tyrannosaurus
Birthday: October 20
Zodiac: Libra
Favorite Bakeshop: Red Ribbon

 
6.
Name: Thomas 'Tommy' Oliver
Mighty Morphin Green/White
Morph: Dragonzord/ Tigerzord
Birthday: October 20 (ginaya si red?)
Zodiac: Libra (copycat kay red?)
Favorite Ointment: White flower

Syemps, kung nakita ninyo ang kanilang mga sasakyans, kelangan makita nio din ang kanilang wobots. Oo, nagcocombine ang kanilang sasakyang dinos at nagiging powerful warriorobot.


and last but not the least, kelangan mayroong kalabs. Aanhin mo ang tagapagtanggol kung waler namang kontrabids diba?


Ang Mighty Morphin Power Rangers ang memorable sa akin kasi eto ang tumatak sa pagiging batang 90's kow. Imagine,nagkaroon pa ng peliksto sa pinas at nipanood ko yuns. hahahaha.

O cia, may pasok pa ako maya. hahahah. Take Care.

note: hindi sa akin ang mga pictures, at ineffortan ko lang at nag-collage-collage eklachus para hindi over-pix ang post na ito.

Wednesday, August 22, 2012

Another Random Day

Kamusta na folks? Walang specific topic today kaya naman kung ano-anong bagay lang na nais kong isalitype. Walang basagan ng trips. :p


1. Last mon-tue, nagpanggap akong naramdaman ko ang long weekend pero technically ay ordinaryong araw ko lang ng pahinga.

2. Last week, aligaga me kung anong susuotin ko sa kasal na aking dadaluhan. You know naman, missing ang mga damit ko dahil sa baha. Buti na lang at narecover ang slacks at leather shoes ko. Long sleeves na lang binili ko. 

3. Ayan, so monday, dumating yung day ng kasal. Well, since purita ang peg, nakisabay lang ako sa mga klasmate ko na may kotse. 

4. Medyo iba pala ang wedding kapag christian ang kinakasal. Medyo madaming ekplanasyones and prayer thingy during ceremony. Pero keri lang. Di naman ako nasunog sa loob ng simbahan eh.

5. During reception o yung chibugan part, may pinakitang video yung ikinasal na mga pics nila noong bata pa. Naisip ko, kung ako ang ikakasal, walang ganun kasi wala na ang mga pics from the past, na-ondoy na at nasunog na noong nasunog yung haus namin sa probinsya.

6. Teka, kasal agad ang nasa isip? e wala pa ngang jowa na pagproproposan at wala pang babaeng pakakasalan. lols.

7. Yung isa kong klasmate, nagkaroon ng baby kasi iniwan sa kanila ng magulang yung bata. Grabs, wala puso yung mother dear na yun.

8. Mahirap pala proseso ng pag-ampon dito sa pinas (base sa kwentuhan due to the baby incident thingy)

9. After weeks ng pagtambay ko at pagtulog/pagligo sa opisina (literal na naging bahay), home sweet home na me. tama, sa bahay na ulit ako natutulog for the past 2 days.

10. For 3 days, bukas hanggang saburday, Makati bound ako. Natuloy na kasi yung training na naudlots noong nagka-habagats. 

At hanggang dito na lang muna. Wahehehehe. Take Care folks!

Tuesday, August 21, 2012

Memory Lane2

Sunday, August 19, 2012

Magic Knight Rayearth

♫Kami’y narito asahan niyong magtatanggol
Makikipaglaban…para sa kapayapaan.♫♪

♫♪Ang lahat ng nilalang dito ay may karapatan
(sa magandang bukas!)
Kung merong gumugulo ay wag mag-alala
Kami ang dakilang tagapagtangol nyo,
sa lahat ng oras
Handa kaming tumulong…
Ang aming mga kapangyarihan,alay sa karapatan♪♫

♫♪Kami’y narito asahan nyong magtatanggol,
Makikipaglaban para kapayapaan at kaayusan,
Kami’y asahan nyo
Hanggang sa dulo ng mund♫♪

Kung nakanta ninyo ang lyrics na nasa itaas, siguro ay napanood nio sa telebisyon ang anime na dinub sa tagalog. Tama.... ang tinutuks ko ay ang anime na may pamagat na eksaktong-eksaktong katulad ng title ng blogpost na ito. hahaha


Magic Knight Rayearth- eto ay anime tungkol sa taklong dalaginding na nag-aaral sa magkakaibang iskul bukol. Sila ay biglang nasummon from earth sa bagong mundong tinatawag na Cephiro.

Dito malalaman nila na ang prinsesang nag-summon sa kanila (Prinsesa Emeraulde) ay na-kidnap ng isang guy na tinatawag na Zagato. Tas ang mission ng taklong chikas ay i-save ang prinsesa.

 Ang malantod na lovers
(Zagato and Emeraude)

Pero wait! Syempre may twist eklavoo. Kasi ang prinsesa pala ay inlababo sa kanyang kidnaper at meron silang mutual understanding ever. Kaya pala kinidnaps si prinses ay dahil ayaw ng kanyang lover na nakasalalay lang sa kamay ng prinsesa ang future ng planet nila.

Sa anime na ito, makikilala nio ang taklong primary character. Kilalanin sila sa baba.

1. 

Japanese name: Fuu Houjii
meaning: Wind of Phoenix Temple
pinoy name: Anemone
Birthday: December 12
Magic Knight of Wind
attacks/spells: Emerald Typhoon and Emerald Cyclone 
robot: Windom
lovelife: Ferio
Cellphone Brand: Blackberry
Network: Smart
 
2. 

Japanese name: Umi Ryuuzaki
meaning: Sea of the Dragon Blossom
pinoy name: Marina
Birthday: March 3
Magic Knight of Water
attacks/spells: Water Dragon and Azure Hurricane
robot: Ceres
lovelife: Clef
Cellphone Brand: Samsung
Network: Globe

3.

Japanese name: Hikaru Shidou
meaning: Light of the Lion Shrine
pinoy name: Lucy
Birthday: August 8
Magic Knight of Fire
attacks/spells: Arrow of Fire and Crimson Lightning
robot: Rayearth
lovelife: Lantis and Eagle (dalawang boylet? PBB TEENS?)
Cellphone Brand: Cherry Mobile (Dual Sim)
Network: Sun/ TalknTxt

Bukod sa taklo syempre, may iba pang characters pero di ko na eeelaborate at idididscuss much kasi kulang na sa space (kulang sa space? Parang cellphone? Parang twitter? limited?)

Maganda ang anime na to kaya naman mayroong season 1 at season 2. Di ko na din iwewents kasi gahul na sa oras. (may time limit?).

Last na, syemps, di makukumpleto ang Magic Knight Rayearth timewarp kung di makikita ang famed rabbit-like pet..... si MOKONA!!! :D


O cia, hanggang dito na lang muna. TC folks!

Saturday, August 18, 2012

Memory Lane 1


Larawan napulot sa pesbuk ng batang 90's.

PW Protected


Aler! Nais ko lang naman mag-vent out ng nasa isipan ko pero syempre kailangan kong maging careful kasi anything i say can be used against me. 

At dahil dyans, kelangans password protected ang post ko.

O cia, hanggang dito na langs muna! TC!

Friday, August 17, 2012

Crayon Shinchan!

After ng magkasunod na book review, tila napagod ata ako at tinamaan nanaman ng sakit na katam. Oo, tinatamad nanaman akong magbasa kahit na merong tagalog book at hindi lang inglis nosebleed book.

For today, magbalik tanaw lang tayo sa isang cartoon na sumikats noon sa pinas. Ito ay ang Crayon Shinchan.

Ang crayon Shinchan ay isang cartoon na sumikat hindi sa giant networks na ABS at GMA kundi sa IBC 13 (oo, totoo, may Channel 13 po at hindi lang channel 2, 7 at 5 ang channel sa pinas).

Ang nasabing programa ay ipinapalabas tuwing gabi na medyo kalaban ang mga lecheserye ng giant networks. Eto ang combobreaker sa walang puknat ng kapekpekan na drama-patayan-higanti ek-ek ng mga soap operas.

Ang kwelang cartoon na ito ay iikot sa kung-ano-anong shitnis at eksena ng batang si Shinchan (batang naka-red shirt) kasama ng mga tauhan tulad ng kanyang mudrakels na si Carmen at ng pudrakels na si Bert. Kasama din sa halo-halong story ang pagsulpot ng super cute na aso nilang si Puti at pati ang mga kaklase nia from kindergarten.



What's good about the show? Well, kakaiba sya sa normal na anime. Tingnan mo ang drawing at masasabi mong it's really unique. Tapos haluan mo pa ng makulit na pagdub ni Andrew E. at ang mga minsan ay umeeksenang paghuhubo ng batang paslit. gugulong you sa pagtawa.

habang nagsesearch ako ng larawan sa net, napansin ko na may kapatid pala si Shinchan. Ngayon ko lang nalamans. hahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care and TGIF folks!

Thursday, August 16, 2012

Confessions of Klitorika!

Waraps! Kamusta naman kayo mga folks? Mukang busy kayo lately ah.... mahina kasi ang dalaw (me ganun?) hahaha. Well, anyway, eto ang isa nanamang book review for you all na minsan ay may trip magbasa ng kung anong mababasa.

Kung kahapon ay na-feature sa aking bloghouse ang unang libro ni Klitorika, ngayong araw na ito, hindi ang 2nd book ang featured. Eto ay ang pangatlong libro na fresh from the press according to National Bookstore! Oo, bagong release langs.

As you all know, hindi ko mahagilap ang book 2 ni Klitorika kaya wala akong magawa kundi mag-jump sa book 3. So let's get it on.


Ang pangatlong book ay ang pagpapatuloy ng makulay, nakakatawa at nakakawiling story ni Klitorika. Dito syempre ay isinasaad nia ang mga ganap at mga boom-boom-pow eksena at moments ng buhay nia.

Dito sa librong ito natalakay ang moment kung saan medyo na-iisnab ang alindog ni Klitorika ng kanyang partner. Imagine, ang manok na ang todo lapit, walang eskabeche at kembyular scenes! 

Dito din isinalaysay ang adventure ng bida sa ibang lugar kung saan namit nia ang another guy. Dito ay hindi lang kembot at kembang ang nangyari. Hindi lang tikiman ng putahe ang eksena dahil nakaramdam sya ng iba..... Hiniram nia ang linyang....'Sabel.... This must be Love!' joke.

Nahulog hindi ang panty , kundi ang puso ni Klitorika. Pero mali.... Dahil may 10 years partner sya at si guy ay may asawa at kiddos.

Ang nakakalerks, Nabukelya! Ang misis ni guy ay naging reader ng kanyang blog! Patay!

At sa bandang duls ng wento, may dramatic story. May-gas-pulgas!

Bibigyan ko ng almost same score ang book na to. 9.2!!

Nagtataka kayo kung bakit ganun? May bawas ng .1? E kaso may part na nag-skip ako... Medyo di ko na-feel yung eksenang esapin ni bitter1 at bitter2 na kaibigan ni klitorika.

O cia, hanggang dito na lang.

PS: nagpapasamuch ako sa aking opismate na may giigicam kaya nakakuha ako ng larawan ng librong nabili ko. Thanks MichelleS :p

Wednesday, August 15, 2012

Memoirs of Klitorika!

Hello there! Kamusta naman kayo? Well, hopefully okay naman kayo. ako? Oks pa naman. Medyo sem-sem naman. Pero medyo bagots me nitong nag-restday ako kasi wala pang TV at dvd sa bahay since nililinis pa. 

Di ako nakatiis mga ate mga kuya kasi kahapon, nagshopping ako ng libro. Oo, ako na ang nasalanta ng baha at nakuha pang mamili ng librong mababasa. Sensya na.... bisyo ko kasi minsan ang magbasa ng book na trip ko ang title or synopsis.

So for today, ibibida ko sa inyo ang isa sa mga libro. Ito ay ang Memoirs of Klitorika!

Actually, ang fresh from the press ay ang 3rd book na Confessions of Klitorika pero hinanap ko ang book 1 and 2. Unfortunately, tanging ang book 1 lang ang nahagilap ko at walang trace ang book 2. sucks.

Note: Salamuch sa isang opismate, nakakuha ako ng own pic ng libro ko. Thanks MichelleS

O ha, picture pa lang ng cover, boom na boom at panalong panalo na! At malalaman mo na kaagad na ang libro ay for Mature audience only. Meaning kelangan nahiwa na ng labaha ang inyong senyorita. joke. Meaning bawal magbasa ang isip-bata at pure and fresh ang peg! Bawal na din siguro yung nandidiri sa usaping sex and everything about sex related stuff.

Sa librong ito makikilala ang babaeng tatawagin nating si Klitorika. Dito kanyang isasalaysay ang mga anik-anik from pagdadalaga with the bloody mary story up to chuva chuchung lumalablab at kras-kras to eksenang nagka-bowa at naging the other woman.

But wait! There's more! Meron din ang mga kwento ng mga lalaking dumaan sa kanyang alindog. Ang Jack na namit nia sa barko, ang kanutong Caucasian na namit nia sa mall, andyan din ang naging ka-room nia sa Laguna and more spectacular stories!

Maganda ang book at mahusay ang narrative prowess ni Klitorika! Winner at pasok na pasok sa jar! Bibigyan ko ng 9.3 na score. wow, mataas, hehehehe. Hotness!

O cia, hanggang dito na lang muna. 

pahabol: Ang presyo ng libro ay wala pang 100 dahil may discount pa from National Bookstore! :p

Sayang talaga, wala akong book 2!!!!!

Tuesday, August 14, 2012

Ang conyo!


Nananahimik sa isang parte ng bahay si Dora ng dumating ang kanyang ina.

Ina: Dora, anak. Inenroll pala kita sa school. Mag-aaral ka na sa isang mamahaling paaralan. 

Dora: But Mom?! You know that i don't want to go school!

Ina: Pero kailangan mong mag-aral! Hindi pwede yung kung saan-saan ka lang naglalakwatsa!

Dora: Mom!! I said I Don't want to! And as if I need to! We're rich remember?! Like i don't need to work someday just to have money to buy food and stuff.

Ina: Anak, tigiltigilan mo nga yang ilusyon mo! Nag-drodroga ka ba? Kelan tayo naging mayaman?

Dora: Yadah-yadah! Whatever! I won't go to school! I want to travel from one place to another!

Ina: DORATELLA MAGSAMPAY!!!! Nagdrodroga ba kayo nig bestpren mong si Boots?! Saka tigilan mo na nga ang pag-iinglis! Nakaka-nosebleed!

Dora: Now you're bringing up Boots to this stupid conversation! How mature of you mommy! And, we're not taking illegal drugs. 

Ina: a basta, kung kailangan kaladkarin kita sa mamahaling eskwelahang yun, gagawin ko! Kailangan mong mag-aral! Pero kung ayaw mo, maghanap ka ng mapapangasawa mo doon na MAYAMAN!

Dora: Is that all? With my alluring beauty, i can make any rich guys out there to marry me! Make sure that you keep your promise mom!

Ina: Oo, kung ayaw mong mag-aral, mag-asawa ka ng mayaman! Gayahin mo yung kwento ni Shan Cai! Maghanap ka ng iyong Dao Ming Zi!

Dora: O puhleeeaaaase mother! Shan Cai is so stupid! I am not with that same level! I'm far more intelligent and seductive than that stick figured girl!

Ina: Weh?! Talaga lang ha! 

Dora: But of course! Well, Maybe you should try enrolling me to an all boys school! I will surely get all the straight boys attention! Remember Hana Kimi?

Ina: Aynaker, mangarap ka ng gising! Sa laki ng papayang nakakabit sa harapan mo, magagawa mo kayang mag-panggap na lalaki ka?!

Dora: Alright! Fine! I will go to that famous school for the rich kids and will make sure that i have a boy begging for my heart!

Ina: O cia, madami pa akong gagawin! Eto nga pala bente, pambili nio ng chichirya ni Boots!

Dora: Thanks mom! You're the best! Mwah!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Ang mini istorya ay nabuo ko lang habang ako ay namamasyal kahaps dahil restday ko.

Una sa jeep, may nakasabay akong 4 call center folks na todo lakas ang kwentuhan about accent and stuff and everything. nakakalerks! 

Tapos dumaan ang jeep sa conyotic school na La Salle Greenhills kung saan ang mga students ay sinusundo ng Car! Yung sobrang trapik kasi puro kotse ng mga sosyalistang kiddos ang nakapark sa daanan. Ansarap pasabugin!

And lastly, sa galleria kahapon, andun ang mga inglish speaking kids from poveda.

*-*-*-*-*
Nag-book hunting ako kanina at nakabili ng apat na books. Sayangs at wala akong camera para kuhaan ng pics pero may isang nakaka-excite basahin. hehehe. abangans.

O cia, hanggang dito na lang, TC!

Sunday, August 12, 2012

Mask Rider Black!

Batang 90's ba you? Kung sagot mo ay oo, siguro naabutan mo sa telebisyon espisipikali sa channel 13 ang palabas na ibibida ko sa araw na ito. Ito ay ang Mask Rider Black!


♪♫Toki o koero sora o kakero kono hoshi no tame♫♪
*insert opening song


*Insert rider pose


Rider.......Change!!!!

Magsisimula ang wento sa kasagsagan ng Heypibertdei ng magkapatid na si Robert Akizuki at Stephen Akizuki. Ang dalawang brotherhoods ay na-Man-nap este nakidnap ng mga kulto-kultuhang tinatawag na Gorgoms.

 Ang mga kuto este kultong Gorgoms

Ang dalawang binate binatilyo ay na-gangbang at minolestya (joke lang). Actually, inoperahan sila (hindi po sila ginawang tranny). Sumailalims sila sa operasyones upang maging cyborg eklats dahil ang magkapatids ay kandidate sa Mr. Philippines pagiging Gogom Creation King.

Pero kelangan may intervention sa plan ng kalabs at ang step-no-step-yes-step-dad ng dalawang binata ay umepal at pinatakas ang dalawang bata bago sila ma-brainwash. Pero sa kasamaang palads, isa lamang ang nakaligtas at ito ay si Robert Akizuki.


Nalamans ni Robert ang detalye ng anik-anik na chinismis sa kanya and thus, sya ang naging bida sa wento. Dito na niya nagawang mag-transform from human to cyborgish black tipaklong na tinawag na Mask Rider Black.


At dito magsisimula ang pakikipagsapalaran ng bida laban sa mga kung anong kapekpekan ng mga kultong Gorgoms. Dito din tatakbo ang malandyutay este madramang tagpo sa pag-attempt niyang iligtas ang kapatid na magiging kalaban nia sa serye (si Stepehn ay naging kalaban named Shadowmoon).

 Shadowmoon

Sa seryeng ito, makikita ang kagilagilalas at kapanapanabik na mga laban ni Mask Rider sa mga halimaw na kung ano-ano ang forms.

Malalaman mo din ang famous 'finish him' attacks ng bida tulad ng Rider Punch at Rider Kick. Meron din syang extra talents like Rider Chop, Rider Sensor at Rider Flash.

Makikilala nio din ang dalawang motor ng bida. Ang popular na sila Battle Hopper at ang Road Sector.

 Mask Rider Black with Battle Hopper

 Mask Rider Black with Road Sector

Eto nga pala ang opening song ng legendary Mask Rider Black!



Nakakamiss ang palabas na ito. Isa sa memorable tv shows ng aking kabataan! :D O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Note: Images ay napulot sa google.