Thursday, August 23, 2012

Mighty Morphin!

♫♪Go go power Rangers! Go go Power Rangers! Go go Power Rangers, mighty morphin power rangers!♪♫

Kung nagtataka kayo kung bakit sa random post ko kahaps ay power ranger ang picture, well heto ang kasagutan. Yun ang senyales kung ano ang topic for today! It's Morphin Time!!!


Mighty Morphin Power Rangers, ayan ang napakahabang name ng unang power ranger na inilabas sa pilipinas. I know part sya ng sentai fever pero kasi this is different since eto ay rights na binili ng mga kanuto para mag-ere ng sentai at tawagin itong Power Rangers!


Ang palabas na ito ay ingles at hindi dinub sa tagalog kaya naman kung batabatuta ka noong ipinalabas eto sa telebisyon ay tiyak na nosebleed ang peg mo. Or, iniintindi mo ang show base sa visuals o sa action at echipwera na ang dialog much.

So ano ba etong palabas na Mighty Morphin Power Rangers talaga mga ate at mga kuya? Well, ito ay tungkol sa limang (pero naging anim kasi buy 5 take 1 free) pbb teens na napili ng isang floating head na tinatawag na Zordon. Si Zordon at ang robot na tinatawag na Tinapay este Alpha 5 ay pinili ang 5 colorful teens na kung makadamit ay match na match at terno sa kanilang color code.

Alpha 5 and Zordon

Kung gustong makilala ang lima..... but wait there's more, read in a few more minutes and i will add 1 ranger free!


1.
Name: Zack Taylor
Mighty Morphin Black
Morph: Masterdon
Birthday: May 3
Zodiac: Taurus
Favorite Cologne: Blackwater

 
2.
Name: Kimberly Ann Hart
Mighty Morphin Pink
Morph: Pteradactyl
Birthday: February 14
Zodiac: Aquarius
Favorite Cartoon: Pink Panther

 
3.
Name: Billy Cranston
Mighty Morphin Blue
Morph: Triceratops
Birthday: April 1
Zodiac: Aries
Favorite Song: Blue Jeans

 
4.
Name: Trini Kwan
Mighty Morphin Yellow
Morph: Sabertooth Tiger
Birthday: August 9
Zodiac: Leo
Favorite Pizza: Yellow Cab

 
5.
Name: Jason Lee Scott
Mighty Morphin Red
Morph: Tyrannosaurus
Birthday: October 20
Zodiac: Libra
Favorite Bakeshop: Red Ribbon

 
6.
Name: Thomas 'Tommy' Oliver
Mighty Morphin Green/White
Morph: Dragonzord/ Tigerzord
Birthday: October 20 (ginaya si red?)
Zodiac: Libra (copycat kay red?)
Favorite Ointment: White flower

Syemps, kung nakita ninyo ang kanilang mga sasakyans, kelangan makita nio din ang kanilang wobots. Oo, nagcocombine ang kanilang sasakyang dinos at nagiging powerful warriorobot.


and last but not the least, kelangan mayroong kalabs. Aanhin mo ang tagapagtanggol kung waler namang kontrabids diba?


Ang Mighty Morphin Power Rangers ang memorable sa akin kasi eto ang tumatak sa pagiging batang 90's kow. Imagine,nagkaroon pa ng peliksto sa pinas at nipanood ko yuns. hahahaha.

O cia, may pasok pa ako maya. hahahah. Take Care.

note: hindi sa akin ang mga pictures, at ineffortan ko lang at nag-collage-collage eklachus para hindi over-pix ang post na ito.

28 comments:

  1. galing ha, detailed talaga eh... bringing back my childhood memories, salamat dito pre

    ReplyDelete
  2. may mga cards ako neto before, tapos nililibing ko kasi sabi nila dumadami daw pag nililibing sa lupa..wahahaha uto-uto lang?

    tapos ako kunwari si trini kasi asian..lakas maka pretend! the good old 90's! ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, inilibing? time capsule tabians?

      Delete
  3. schedule neto is every friday i think 9pm before are you afraid of the dark..haha..friday habit.
    blue ranger ako!!!! go billy!!! the geeky one..haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, after ng .... are you afraid of the dark!

      Delete
  4. green ranger talaga gusto ko ! :D

    ReplyDelete
  5. Trivia: The Red Ranger became a gay porn star.

    :)

    ReplyDelete
  6. gogo power rangers mighty morphin power rangers hahaha
    si rita ata pinaka kilala kong villain nila

    ReplyDelete
  7. Whee! tama si Sendo, I still remember this sentai saka yung Are you afraid of the dark?

    ReplyDelete
  8. noon gandang-ganda ako sa robots nila.. pero ngayon.. parang laruan lang pala itsura nila.. hahahaha

    ReplyDelete
  9. panalo, parang host lang... maka-introduce pang hello philippines and hello world ang dating.. you na!! :P

    ReplyDelete
  10. aliw na aliw ako sa post mo.. namiss ko tuloy yung elementary days ko... nung mga panahong yon nag iilusyon pa kami na mga super hero kami at myembro ng power rangers :)

    ReplyDelete
  11. Black ranger gusto ko basta di sya magtatanggal ng costume! Naalala ko pa yung laruan ko dating power rangers na nagpapalit yung ulo. Asteeeg talaga neto!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, basta di mo makita si zack! :p

      Delete
  12. ito na talaga :) sila yung mga color coded super heroes na napanuod ko nung may isip na ako haha :) akala ko nga lahat dati ay power rangers lang yun pala iba pa yung bioman, maskman etc...

    ReplyDelete
  13. I miss this! Super fanatic pa rin ako ng Power Ranger hanggang ngayon hehe

    ReplyDelete
  14. buti nalinaw mo ang fave bakeshop ni red ranger, may nagcla-claim kasi na julies bakeshop daw! haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???