Wednesday, August 29, 2012

Go Planet!

Hello! Kamusta na mga folks and mga readers! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Syemps concerned ako sa mga readers kasi kung wala kayo, lalangawin ang di mabentang wento ko sa inernet (oo, inernet, kulang ng t kasi silent daw! hahaha).

For today, magbalik tanaw ulit tayo sa isang cartoon na ipinalabas noong 90's! Eto ay ang cartoon na may pangalang Captain Planet!

Captain Planet, eto ay magsisimula sa dyosa or protector ng earth named Gaia. Nabulabog ang kanyang beauty rest kasi may sumisira sa environment.

So gumawa sya ng way at nagpakalap ng limang sex ring! joke lang! 4 elemental rings at isang heart ring ang kanyang pinakawalan at ang rings ay napunta sa sampung kiddos! (natural joke nanaman kasi 5 nga lang yung rings, so 5 PBB teens lang ang nakatanggap)

Ang 5 rings ay may power depending sa 4 element except for the special ring. So merong kayang kumontrol ng earth or lups. Meron ding keri ang pagmanipulate ng wind mala avatar aang. Meron naman pwedeng kontrolin ang tubig. May fire bender este fire manipulator din. Tas yung special ring ay kayang kumontrol ng Heart... naks... puso ang kayang kontrolin! lols

At sa help ng 5 rings, kayang i-summon ang isang hero na may namesung na Captain Barbell Captain America Captain Planet! Kelangan lang magchant ng mga teens ng 'Ispirito ni Bakler, umapir ka ditey! Pero seriously kelangan may order ang chant... Dapat mauuna ang earth then Fire next wind tapos Water last ang heart. Tapos sisigaw ng Go Planet kapag lumabas na si Kap!



Kung gusto ninyong malaman ang look and mga info ng 5 teens, etoang nakuha kong detalye mula sa profile nila sa pesbuk.

1. Kwame

-Siya ang representative ng mga folks from Africa. Dahil nga taga Africa sya, kelangan chocolate brown ang kutis silka niyang balats. Tapos may kakayanan siyang mag-control ng chocolate este ng earth. Kahit na may powers sya ng lupa, hindi sya amoy lupa. Trip nialang ang gardening ganyan.

2. Wheeler

-Hindi po sya related kila ten at eight wheeler. Siya naman ang subo sugo from North America. Syempre, america so dapat maputi ang kulay ni koya at pa-gwapings ang peg. Hottie si koya kasi may power ng fire. Minsan nagbalak syang maging poi dancer sa hawaii.

3. Linka

-Siya po ang legally blonde ng grupo na mula sa Soviet Union or mas kilala as Russia. Ang gerlay na masyadong mahangin dahil may pwersa ng Wind. Mahilig sya sa pag-aaral ng mga birds kaya naman gusto niyang aralin ang bird ni Wheeler.

4. Gi

-Another girl for the teens. Siya ang representative ng mga Asians at nagmula sa Thailand (hindi kaya lalaki din sya? wachatink? nagduda tuloy ako sa gender nya!). Asa kanya naman ang kembot ng Water. Ilusyunada si ate kasi isa siyang self proclaimed Marine Biologist.

5. Ma-Ti

-Ang last member at sya ay ang kumakatawan sa Amazons (di po sya Amazona). Sa kanya napunta ang ka-eklatan ng Heart para ipalaganap ang love-love-love at mga caring, empathy at anik-anik na relate sa puso. May power din syang kumausap sa mga animals (parang may sapi lang at kinakausap ang animals?).

Syemps, di tatakbo ang wento kung walang mga kalaban at kontrabids so eto naman ang mga folks na walang awa, walang puso at mga sarap itapon at pagpapaslangin na mga hinayupak na walang alam gawin kundi sirain ang mother nature. Sila ang mga tinatawags Eco-Villains. Dito din kabilang ang mga counter ni Captain Planet na si Captain Pollution (summoned by the power of Deforestation, Toxics, Smog, Super radiation at Hate).


Ang palabas na Captain Planet ay educational para malaman ng mga kids like me (like me talaga?) na pangalagaan ang mother earth at ang kapaligiran. Naiinform na masama ang polusyon ekek at kung anik-anik na unti-unting nagpapapanget sa ating minamahal na planeta.

Hanggang dito na lang muna mga planeteers!!!! Tandaan, When your powers combined... I am Captain Planet! Wahahahaha. Take Care!

note: images ay nakuha sa google larawans. :p

Salamat sa nakapansin sa mali. :D

11 comments:

  1. kahapon lang pinaguusapan namin 'to!

    ang kulet lang ni Ma-Ti, sa kanya pala yung puso.

    ReplyDelete
  2. one of my favorite cartoons kasabay nung visionaries knights of the magical realm. yun naman ang ifeature mo :D

    ReplyDelete
  3. wahahahaha! dami kong tawa dito... nanunuod ako niyan dati.

    at bat hindi ako gamitan ng powers nung may heart na ring ng magka jowa na akez. hahaha!

    ReplyDelete
  4. hala ka, hindi ko sila kilala, haha..

    ReplyDelete
  5. ayyy tanda ko to ung my pag sanib sanib ng sing sing di ko lng alam title neto dati peo thanks to you now i know

    ReplyDelete
  6. waaaah...hindi ko to alam as in no idea haha..sang network ba to pinalabas? hehe

    ReplyDelete
  7. ako din di ko kilala to .. si sailormoon lang kilala ko at si barbie hahaha

    ReplyDelete
  8. Favorite ko sila, memorized ko pa nga ang theme song hehe :)

    btw nagduda din ako bigla kay Gi! baka hindi sya tunay na gelay! ohmy!

    ReplyDelete
  9. paborito ko ito nun. mali naman yung order mo parekoy. pag may chant na, ito ang order: earth, fire, wind, water, heart. hehe. adik lang sa captain planet?

    ReplyDelete
  10. waah! sa rpn 9 toh dati pinalabas right? peyborit ko rin ung theme song ng cartoons na toh dati...

    Captain Planet, he's our hero,
    Gonna take pollution down to zero,
    He's our powers magnified,
    And he's fighting on the planet side...

    at si Phil Collins pala ang kumanta nyan? wahaha!

    ReplyDelete
  11. Hindi ko na matandaan kung napanood ko sila nung bata pa ako.
    buti na lang youtube! hehehe... ^◡^

    P.S. You may want to check our blog and we'd love it more if we follow each other.


    http://fashionmoto.blogspot.com/

    Thanks! ^◡^

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???