Tuesday, December 31, 2013

Year-Ender Thingy


Hello kiddies! Kamusta-kamusta at isa pang kamusta? Matatapos na ang 2013 sa ilang oras na natitira! At dahil dyan, kailangan na merong year-end thingy. Oo, kailangan talaga! Lols.

Ano-ano nga ba ang kaganapan sa akin sa taong 2013?

Movies- aba, syempre pasok dito ang walang kamatayang mga pelikula na aking napanood at ishinare ang review-reviewhan sa inyo with matching scores kung karapat-dapats panoorin or not. Nag-backtrack ako at madami palanbg peliks akong nipanood at hinusgahan. Ang ilan ay yung mga fresh films sa big screen like Life of Pi, Thor at Hobbit while the others ay films from quiaps or downloaded film mula sa movie source sa opis.

Books- Madami din akong librong nabili at binasa at syempre, binigyan ko din ng review-reviewhan. Nandyan ang mga books na mula sa mga famous radio DJ ng pinas like the book of Papa Jackand Tambalan. Syempre, kasama dito ang ever funny book ni Glentot at ang mga books na unang nakilala sa wattpad like Diary ng Panget.

TubeVideos- Kahit paano, kapag may bagong viral vids, medyo napopost ko naman ito sa aking bloghouse. Some samples ay ang gwiyomi/Tinuli, yung prankcalls at mga agaw eksenang vids.

Anime/Cartoons- Pasok sa 2013 ang mga anime and cartoons flashbacks. Eto yung mga palabas na umere sa telebisyon noon at binabalik tanawan natin for the sake of good memories. Ilang halimbawa ay ang Flame of Recca, Eto Rangers at Visionaries.

Travel- Syemps, madaming lakwatsa din naman akong nagawa for the year 2013. Andyan ang Mag-La Union at Baler. Kasama din ang pag-gala ko ng mag-isa like going to Manila Ocean park and sa Cebu. Pasok din ang gala ng pamilya sa Vietnam.

Random- Di to nawala sa whole year ng kwatro khanto. Mga wentong anik-anik sa kaganapan sa pang-araw-araw na buhay. Pasok dito ang opis related wents and rants and stuff like that, mga tc shows at kung ano-ano pa.

 Dumating din sa point na nawawalan na din me ng gana.... lalo na sa last quarter ng taon. Kapansin-pansin na kokonti langs ang post. 

Pero wag mag-alala, di pa oras para isara ang bloghouse na ito. 

Sa mga sumusubaybay na friends, mga new visitors at napadaans, maraming salamuch.

Happy New Year sa lahat at Take Care coz I Care, Care Bear.

Monday, December 30, 2013

Malamig ba ang Disyembre Mo?

Malamig ang simoy ng hangin! And seriously maginaw-ginaw much lately ah lalo na pag sumapit na ang hapon. Tapos mahangin pa minsan sa labas na akala mo may paparating na bagyo. 

At dahil may kalamigan lately, why not have a post na medyo magdadala ng konting init. Heto nanaman ang post ng mga girls na nagseseksihan. Pero sila ay mga toys. So heto muli at nagbabalik sa Kwatro Khanto ang sexy toys... (note: hindi sa akin ang mga larawan).





















O cia, hanggang dito na lang muna! May pasok pa ako. Hahahah. Take Care folks!

Jan Dara the Finale

For today, ang peliks ay ang part 2 or ang finale ng peliks na ginawa ni Thai actor 'Mario maurer'. Eto ay ang kanyang peliks na may name na 'Jan Dara the Finale' (hindi po related sa kalabtim ni Hero na ngayon ay kpopper na).

Kung waley kayong slight idea sa unang peliks, bka gusto mong mag-backread kaya heto ang link.....
(  .)(  .)   <--pindotin ang="" boobies="" lols="" p="">

Oks, so heto na ang karugs ni Kuya Mario (kuya??? kapatid??) este ng wento....


Natapos ang unang peliks sa eksenang nalaman ni Jan Dara ang katotohanans.... hindi niya tunay na ama si Don Kembang at napilitan lang itong pakasal sa nanay ni Jan kapalit ang ari-arian at yaman ng angkan ng girlay. Pinutol na ni Jan..... hahah, hindi ang kanyang putots kundi ang kanyang ties sa kanyang ama-amahan at nagpunta siya sa kanyang Lola Dear sa may probinsya. 

Sa pagpapatuloy, sa umpisa ng peliks, pinakita ang old Jan Dara at dumating ang ever loyal servant friend niya. Nag-usap ng something hanggang tinalakay na ang next bahagi ng buhay ni Jan.

Sa probinsya, naging hokay na ang buhay ni Jan. Wala na yung person na nambubully sa kanya at ginawang living hell ang kanyang life. Pati ang life ni ever loyal servant bestbuddy niya ay oks naman din. Tanging gusto lungs ni Jan ay malaman kung anyare sa tatay niya (yung person na ayon sa pers movie ay humalay sa kanyang mudrakels).

Tumakbo ang wents sa pagkakatuklas sa nangyari sa nanay ni Jan Dara. Based kasi sa isang reliable bubuwit, hindi daw ni-rape ang mudrakels ni Jan dara, bagkus ay tila kusang binigay ang pechay nito doon sa lalaki. Ang na-rape daw ay yung alipin/katulong.

Pero may counter kwentong natuklasan, narape din pala talaga yung mudrakels. At yung possible na tatay ni Jan Dara ay binaril at pinatay nung mga rapist. 

At sa later part ng film, naulit ang history sa personalidads ni Jan Dara.

Nakuha niyang muli ang kayamanan nia. Siya yung naging Don Kangkang version 2.0. Kumekembyular sya kaliwa't-kanan.

Pero naging masaklaps ng slight ang ending.......

Score ng film ay 8.5. Hahaha, Medyo mas madaming kembot scenes ata yung unang peliks. Medyo umikot na ang peliks sa masaklap na kinahinatnan ng mga taong pumalibots kay Jan Dara.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!


Saturday, December 28, 2013

All I Want for Christmas Random

Hello Kiddies! Saburdei na naman at since ganitong araw, natataon nanaman para sa ating random anik anik with a twist. Why? Kasi sa unang part ay ang tagging thing sa blogworld named All I Want for Christmas thingy.


Ang rules lungs naman ay gamitin ang larawan sa taas tapos may title na 'All I Want For Christmas' then  lista ka ng 6 thingies na gusto mo matanggaps tas magtatag ka ng folks, mga tatlong pips tas optional to inform yung original tagger.

1. Nintendo 3DSXL (kulay blue or black or red) na may kasamang pokemon X or Y na game.

2. One Piece collections, nope hindi yung betingsut na sinusuots ng mga girlays. Yung laruan po na based sa anime na One Piece.

3. New Bedsheet na may design naman na Mcdo. Para may kakumpetensya ang Jollibee bedsheet ko.

4. Gusto ko talaga ng Folded and Hung Marvel Avengers shirt, yung cutie chibi heroes. 

5. Toy dog sana kung pede. Hehehe, gusto ko mag-alaga ng tuta ng julilit lang. 

6. Harry Potter Book Collections. 

Di na ako magtatags kasi kakarampot lang naman ang reader ng kwatro khants. Mga taklo or apats lungs ganyans. So this time, random na!

a. So nagshift ako ng bisperas ng pasko. So-so langs. Buti slightly konti ang call kahit konti ang folks sa opis. 

b. Di ko nafeel much ang christmas event thingy sa opis. Paano, yung medyo yearly tradition na trivia game, ayun, kakarampot ang lumabas na tanung nung night shift samantalang active at madaming westion sa mga morning shift. Unfair!

c. At di lung yun, may slight modification, noon, question about pasko lang, mga name the sone, complete the title/lyrics or sino singer at iba-ibang christmas themed question. Pero nitong 2013 thingy, may task via instagram or bring me at ang masaklap, ang westion ay office related stuff na yung isang groups lang ng employees ang nakaka-relate. kabwisits. 

d. Noong Dec. 25 night naman, super idleness sa floor. Honsaya lungs. hehehe.

e. Pasko, umuwi ako sa bahay ng parents at doon nagpakabondat sa foodies. It's like kumain ako after starving for 3 days ganyan. lamon mode.

f. Medyo nakakahiya na ang sisterakas ko ay may giftsung sa halos lahat ng folks na close relative namin samantalang me, waley. kahiya much. Kahit sa inaanaks ko wala pa.

g. At dahil doon, nagshopping me kanina para may pangregalo naman ako. Nyahaha. 

h. Uso ang G-shock! Maygas! kaliwat-kanan sa FB, yun nakikita ko. Gusto kong gumaya kaso di naman ako nagrerelo. Saka ang mahal pa ng relong iyun, 6k?!! Sa greenhills na isjapek, 400 lungs. 

i. Ang minamarathon ko ngayon sa dvd ay ang 'Tales from the Crypt'. Series ng mga short stories ng mga gorry, horror, freaky murders and stuff.

j. Lilipat na sana me ng bahay, na-mention ko na diba? kaso nagka-aberya, choosy ang paglipat/move out sa condo. Kelangan pumirma ng anik-anik. Kailangan ilista mga gamit na ililikas. 

k. Andahilan ng delay ng lipat pala ay....kailangan ng pirma ng owner ng unit sa move-out form. E kaso naka-vacay yung owner. Ayun, by january na ako makakalipats.

l. Though i like to support pinoy peliks, walang peliks ang pasok sa aking taste level. 

m. San ba makakahanap ng pag-ibig? 

n. At dito ko tatapusin ang random thingy.

Tuesday, December 24, 2013

Random Before Christmas!

Ilang pikit-dilat na lungs at pasko na! Hooray! Ang inaabangans ng karamihan. Pero bago ang kapaskuhan, may mga bagay-bagay lang akong nais iwento ng hindi naman masyadong detalyads. hahaha. Kaya naman, Random time again sa kwatro khanto!


1. Sa pasko at bagong taon, both bisperas and actual date ng dalawang event, ako ay may pasok! Pinili kong kasi sayang ang doublepay saka wala naman ako ginagawa much ng mga araw na iyon.

2. Naiinggit me ng slight sa mga may VL ng araw na iyon pero as the saying goes... 'Ginusto mo yan e'. Oo, desisyon ko ang pumasok so bawal akong mag-inarts. Pero nakakainis na ang free support sa amin ay isasarado ang line tas kami hindi since 24/7 support kami.

3. Heniway, babawi na lang ako sa reffle at christmas trivia eklavoo sa pa-events namin sa opis. Saka magvividoke.

4. Slightly boring ang christmas event sa opis. Last year, may parol making, ngayon waler. Last year, ang christmas party ng team ay outside, ngayon, sa opis lungs.

5. Tapos na ang series na pinapanoods ko.... Sa february na balik ng mga series like Walking Deads, Survivor at amazing rac.

6. Last weekend, dinalaw ko ang aking mudrakels. Okay nadin naman sya kaso wala na syang hair due to chemo. She's baldy na. And the thing is, anhirap pala tignan ang magulang mo sa ganung kalagayan.

7. Anyway, bumili naman sya ng wig para kahit paano may hair sya kung sakaling may dadalaws or pupuntahan sya. Mas makapal ang hair niya sa original hairlaloo nia.

8. Nung dumalaws ako, naka-no-shave-november/december look ako kaya my parents and my sister is pinagsabihan nanaman ako na muka daw akong matanda. AYun, binigyan ako ng dalawang pang-ahit na gillette. lols.

9. One year na ng napanalunan namin sa opis ang team of the year at ang price na GC ng Ace Water Spa ay pa-expire na. So sunday, nagpunta ang lonersaurus sa pasig branch at nag-first-experience sa water spa.

10. After like 10 years, napa-swimming trunks ako ng di-oras dahil sa choosy ang Ace. Bawal board shorts. Buti na lang hindi brief style trunks kundi skimpy shorts ang trunks nila. lols. nakakaloks.

11. Pasko na naman, at panahon ng pahirapan byumahe dahil kaliwa't-kanan ang trapik!

12. Nag-mini-reunion kami ng mga HS berks. At may new bisits kami which is another HS classmate. Inperview, laki ng evolution ni classmate, pumayats at pumuti. Sya na ang pumayats... hahaha.

13. Napansin din ng mga klasmate ko ang aking no-shave thingy kaya i decided na mag-ahit na. Dyahe e.
14. Btw, last week ko na sa condo. Tapos na ang condo life and solo life ko. Lilipat na me kasama muli ang mga parents and my sister. Iimpake mode na me dahil next weekend, i'm saying sayonara sa condo. Tapos na ang mga araw na uuwi ako na walang taong sasalubong sa akin or mangangamusta. Tapos na ang days na halos walang makain dahil sa katamaran. 

15. Ganun pala pakiramdam, yung minsan nasa slightly huli ang regeret na di ko inenjoy yung living solo. Sana pala nag-uwi me ng makekeriboomboom or nag-invite ng friends and stuff. Medyo dahil hiya din ako sa pagiging messy at cluttery ng place ko. hahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna! TC! Happy Holidays!

Friday, December 20, 2013

Reinventing


May quote akong nabasa noon na change is constant daw. Lahat ng bagay nagbabago. Marahil totoo ito. Minsan, may mga bagay na kailangan i-reinvent or magkaroon ng rebranding... And so it seems na may isang famous brand na gusto na magkaroon ng pagbabago sa kanila.....

Medyo laganap sa fb ang kanilang mga pakulo/poster.....



*-*-*-*-*-*-*






Aba, may-contest pa! hehehe



Seems like nais iparating na dilang pang shorties ang hotel na ito.... pampamilya at pang-groupies din ganyan.

Well.... medyo tumatak na kasi sa karamihan na ang pulang building ay for boomboompow at pagkembyular. It would take timeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee as in time talaga bago maka-adopt sa change siguro ang mga folks.

Anong masasabi niow?

O sia, hanggang dito na lang muna! TC!


Thursday, December 19, 2013

The Starbucks Thinggie


Starbucks- Ang shop na nagbebenta ng kakapehan and stuff. Ang binansagang over-priced coffee at sinasabihan ng madalas na tambayan ng mga social climbers. Ang place kung saang ginagawa study room ng mga estudyante at nagiging meeting place and stuff.

Pero ano ba talaga ang dahilan kung bakit medyo madaming inis/asar/banas sa mga taong nag-iistabaks? Like seriously? Killers ba ang mga umiinom ng kape doon? Mga manyak at pugad ba ng prostitusyon at pambubugaw ang place? I don't  think so..

Maybe dahil sa perspective.... bakit naging slight negative ang pananaw at ng ilang folks sa mga SB folks?

Pricey- medyo mahal nga naman ang kape nila. Pati foodies ay may kamahalan din. Pero sa negosyo, kailangang tumbasan ang presyong ginastos para sa pambili ng mga sangkap, mga materials na ginamit pati yung establishment/place. Hello! Hindi ba kumokonsumo sa kuryents ang mga coffe blenders roasters and stuff? Hindi ba may swelds na kailangan para sa mga barristas? so yung actual price ay somehow napupunta din sa gastusin... 

Place- Tambayan daw to ng mga trying hards, wanna-be's, social climber and stuff. Medyo mali naman isipin ang ganun. Una, maganda ang quality ng place ng SB, para kang nasa comfort zone mo. At home-ish ka. Plus, kahit di ka technically bumili, pede ka magstay dun (kapalan mo lang talaga ang muks mo). Pero the main reason why sa SB madalas tumengga at tumambs, ay dahil slightly tahimik (depends kung may loud folks) at comfortable at at ease ka.

Folks- Related din to sa place in some point. Kasi daw andaming mga 'call center agents' ganyan or may mga conyong folks that make buy coffee with their ipads or laptops and make kung anik-anik to their gadgets. Thing is, other pips should care! E gusto nila dun e. Keribels nila at ken-apord naman to make bili the coffee. Di naman sila pwinersa or tinutukan ng balisong sa kepyas or sa tumbong para bumili.

heto naman ang personal reason ko why tinatangkilik ko ang SB:

1. Since medyo pa-healthy living ekek me, so kailangang iwas sa beer at drinks... So imbis na mga ginbulag o kaya empi or tanduay ice ganyan, mas okay na sa akin ang kape-kape.

2. Mahilig ako sa mga sweets kaya mas gusto ko ang frappucino ng SB! Samahan pa ng madaming whip cream! heaven!

3. May something sa lasa ang kape nila compared sa average kape... Or maybe just my imagination, pagbigyan nio na kawirduhan ng dila ko.

4. Friendly Barristas, factor sa akin to. Mas mabait at medyo mannered ang cashier at serbidora ng SB compared to other shops like jabi or mcdo or other food establishments.

5. Medyo dugtong sa no. 4, umi-small talk ang mga barristas. Yung minsan kakamustahin ka, kung papasok ka na sa work, or mapapansin ang design ng shirts mo which is a bit compliment ganyan.

6. Pasok sa 6 ang cleanliness kasi minsan, you know, pag nasa galaan ka, may call of nature either no. 1 or no.2. At pag may built in cr sa SB, malaki ang chance na maayos ang cr. hahaha.

7. Last ay well, trip ko lang din mag-SB paminsan-minsan. Kaya ko naman bumili, galing naman sa pinagtrabahuhan ko, wala naman akong inaagrabyadong tao sa pagkakape ko. hahaha

Well anyway, sabi nga ng ilan, can't please everybody thats why may mga haters ang SB at followers and customers ng SB. Kanya-kanyang trip lang yan..... hahahah.

O cia, hanggang dito na lang muna folks! TC!

Tuesday, December 17, 2013

Mid-December Randomness

Yo! It's tuesday na! Nakadalawang simbang tabi gabi na ang mga folks. Heniway, wala naman masyadong ganapan so kailangan kong mag random wento.


1. Umpisa padin sa office related wento. Nag christmas party na kami last saburdei sa MOA. Medyo nahirapan ako sa paghanap ng susuotin ko pero at the last day to shop, friday night, nakahanaps me ng green checkeredish polo. Happy naman ako sa nahanap ko. Kaso wala akong picture. kaasars.Walang pang-profile pic.

2. Saturdei, after ship, di ako nakatulog ng slight kasi ansabi, pers bus will leave ng 3pm tapos may pakulo-ekek pa na first 500 folks will get a possible prize.... Guess whats??? Nanalo me ng Kyowa Microwave Oven. Well, di ko pa naclaclaim.

3. The Christmas party was so-so for me. The food is okay but not uber fab. Medyo konting variety pati the desserts is not superb except sa Tiramisu na fave ko kaya medyo forgivable. 

4. 25 years celebration pero parang di ko na-feel na fantastic ang preparation at execution for that. Sorry but i need to be honest. Noong nagsimula ako like 5 years ago, unang christmas party ko ay walastik! Awesome ang giveaways, tapos may banda like parokya or yung year after nun which is Sandwich. 

5. Maybe kaya di rin me ganun super duper enjoy sa kaganapan ay una, di me nanalo sa mga major prize. Hahaha, anhirap makapulot ng luck. Tapos yung mga nakasanayang folks ay nagresign na. Tapos medyo yung table na inupuan namin ay slight hiwalay sa ibang familiar folks.

6. Today ata yung 2nd chemo session ng mudrakels ko. Pero may pasok ako tonight so di ako pede sumama. Dadalaw na lungs me pag may time.

7. Nagfinale na pala ang survivor, sakto lang ang winner for me. Tapos sa pinas padin pala ang next season nila. nice.

8. Tapos na ako manood ng The Hobbit so wala na akong film na aabangans. Sorry MMFF, wala akong nafe-feel sa lineup ng films sa kapaskuhan.

9. Since napasadahan ang film, i was a bit bothered kasi ewan ko, sa galleria or megamall, napapansin ko, kakarampot na lungs ang trailer na nakikita ko. Putragis, puro ads and commercials ang nakikita ko. Like, pano ka gaganahan manoods ng upcoming films kung parang nanoods ka lang ng TV. maygas.

10. Ilang araws na lungs, pasko na! At di pa ako nakakabili ng regalows sa mga inaanaks and stuff. Teka, wala pa akong regalo sa sarili ko din.

Heniway, yan lang muna. 

By the way, what does the fox say? Hahahahaha.

TC!


Sunday, December 15, 2013

The Hobbit: The Desolation of Smaug

We wish you a merry christmas...
We wish you a merry christmas... 
We wish you a merry christmas... 
And a Happy New Year!

Kanta-kanta din ng christmas carol para ramdams niow ang diwa ng paskow! Ilang tulog na lang ay malapit na ang kapaskuhan... At kung ikaw ay noypi, alam mo dapat na kapag sumapit ang kapaskuhan, walang foreign films na mapapanoods. At dahil dyans, kailangan sulitin ang days na showing pa sa sinehan ang isang magandang peliks. 

So, ano ang ginawa ko ngayong restday ko? syemps di ko pinalagpas ang chance na manood sa big screen ng pelikulang aking bibigyan ng review-reviewhan. Eto ay ang part 2 ng The Hobbit na ginawang taklong chop-chop. So technically, may title itong 'The Hobbit: The Desolation of smaug'.

Woooooooops!














kiri... woooooops..... kiri........wooooooops! Handa ka ba na ma-spoil sa kaganapan? Kung slightly sensitive ka sa spoiler thingy, then i suggest na close mo na tong page dahil maiwewento ko ang mga bahagi ng peliks. 





may warning ka na ha! Sige, kung ready ka, go na! Let's get this parteeeeeey started!


Patuloy ang mga Dwarves (super layo pero baka may slight na kamag-anakan ng 7 dwarfves ni Snow) sa kanilang misyones na magpunta sa kanilang bayang sinilangan at i-claim ang kanilang teritoryo. Ang mga dwarves ay pinamumunuan ng leader named Thorin (not related sa isang avengers). 


So they make byahe from one place to another and making takas-takas sa mga manliligaw este humahabol sa kanilang mga kalabs, ang mga orcs.

Along the way, medyo may maarts na grey wizard na itatago natin sa pangalang Gandalf ang umattitude problem at may something came up daw. Kita-kits na lang daw later sabi niya. May EB kasi na pupuntahan tong si Gandalf e.


So kahit wala na si Gandalf, tuloy ang misyones. sakay sila ng bus tapos nag-fx, tapos sakay ng MRT ganyan.... joke, lakbay mode sila via foot.

Come on vamanos,
everybody let's go,
come on lets get to it,
i know that we can do it. 

Where are we going..
Kingdom of Erebor
Where are we going..
Kingdom of Erebor
Where are we going..
Kingdom of Erebor

Naku, kung kinanta mo na parang nasa dora the explorer yang lyrics sa itaas, hahahahah.

Hanggang mapadpad ang mga dwarves sa teritoryo ng mga taong sanay sa glutha at kutis silka... ang place ng mga Elves. Dito na meet nila ang nilalang na touched by belo... Ang aringkingking, si Legolas (oo, kasama sa peliks yung archer sa 'The Lord of the Rings') at ang isang archer girl named Tauriel.




after mapadpad at makaalis or makatakas sa mga Elves, lakbay mode nanaman ang mga dwarves. Sa tulong ng isang human named Bard, napalapit na sila sa kanilang destinasyones.


May problemang naganaps kaya ang ilan sa dwarves ay naiwan sa town habang ang karamihan ay gorabels na sa kanilang kingdom.

Nakarating din sila sa paroroonan at dito na daw kakailanganin much ang serbisyo ni Dildo este Bilbo. Kailangan niyang makuha ang isang bato (nope, hindi yung batong nilulunok ni Darna at di ang batong ginagamit ng mga adik.


Kailangang makuha ni Bilbo ang stone subalit may problema... May bantay at ito ay ang dragong nagsasalita na si Smaug.

So anong nangyare???? Aba... dito ko na uudlutin ang wents. Panoorin nio folks kasi maganda ang peliks na itow.

-=-=-=-=-=-=-

Ang score for the peliks ay 9.4. Much higher sa unang peliks last year.

Ang masasabi ko ay mahusay ang mga fight scenes. Magaling ang cinematography at dekalidad padin ang pagkakabanat at pagkakagawa sa film.

Sulit ang binayads ko kaya wala na akong ibang masasabi pa.

Kung medyo tipid mode, pede ninyong abangans sa suking piratahan pero iba padin kapag sa jumbohalang screen ito mapapanoods.

Exciteds na me for the last part ng peliks na ito nek yir!

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

Wednesday, December 11, 2013

Simbang Gabi is Coming

Ilang kembot at tambling na lang daw, at umpisa na ng Simbang Gabi! Alam ninyo na ang kaganapan pag ganitong time. Heto na at maglalabasan na ang mga groupies.



ang mga larawan ay nakita lamang sa pesbuk. Di ko pagmamay-ari.

Wish

Wish, take me by the hand and wish
Hold your breath and we may find
It might come true on this starry, starry night


Sa panahon ngayons, medyo nakakaapekto sa life ang mga materyal na bagay. I know kasi isa ako sa minsan nangangarap na sana ay richie rich me na tipong magtantrums lungs ay pede na ibigay ng parents ko ang gusto ko. Pero kenat-be-tutubi. I know di naman kami rich.

Ipokritus ko naman kung sasabihin kong di mahalaga ang materal na bagay. Like duhr... aminin na natin, eto na ang panahon na yung simpleng things ay naiichupwera. Like you know... we are living in a material world.... and i am your material boy! lols.

Minsan nagdadaydream ako.. ay teka, di lang pala minsan yan, madalas.... yung tipong bago matulog minsan sasagi sa isip ko na what if mayaman me. Yung tipong pang teleserye ala domeng su at gu jun pyo ganyan. Yung eksenang di problema ang kaching-kaching. Ano ang mga bagay na gusto kong mapasakamay....

1. Private Plane


Unahin na ang private plane. Aba, kung mayaman ako, gusto kong magtravel somewhere out there. Yung tipong mag co-country hoping ka ganyan. So kailangan may sariling kang airplane to jump from one place to another. Yung makakabisita ka mula Pinas to Egypt to Japan to Denmark to North Pole.

2. Cruise Ship


Shemps, di lang by land magandang magpasyal-pasyal at mag-gala-gala. So kailangan may sasakyan din pang water-water ganyan. So kailangan may ship.... Tapos sabay may background song na 'You're gonna fly away, glad you're goin my way, i love it when we're cruisin together'.

3. Ipad


Kailangan din ng gadyet. So kasama sa listahan ang Ipad. Baket? para kapag mag-mamalling ganyan, pede kang tumambay sa mga coffee shop ganyan, tapos you make labas-labas your ipad doing like.... games... Tapos sa mga concerts, you make block the view ng mga tao sa likod coz your using the big tablet in taking videos... lols

4. DSLR


Syempre, mahirap kumuha ng pics kung iPad ang gagamitin so kailangan may DSLR kang gamit. Pero syemps, mas masaya kung pedeng pantubig ang camera mo kasi syempre, you wanna make photoshoot under the sea with nemo and flounders.

5. Cute Shirts



Oo, ako na ang mahilig sa tshirt. At isa sa hilig ko yung mga pa-cutie na design katulad ng mini marvel heroes. Ewan ko ba. Gusto ko ng mga medyo childish shirts kasi medyo nakakabata tingnan. Nope, di ko trip ang gothy/metal/tribal design shirts... Walang dating sa akin ang ganung design... hahah

At yan lang naman minsan ang mga material thingy na medyo pinapangaraps ko. Hahaha.

O sya, hanggang dito na lungs muna! TC folks!

Wacky Wednesday sa inyow!