Showing posts with label 2013 movie. Show all posts
Showing posts with label 2013 movie. Show all posts

Sunday, December 15, 2013

The Hobbit: The Desolation of Smaug

We wish you a merry christmas...
We wish you a merry christmas... 
We wish you a merry christmas... 
And a Happy New Year!

Kanta-kanta din ng christmas carol para ramdams niow ang diwa ng paskow! Ilang tulog na lang ay malapit na ang kapaskuhan... At kung ikaw ay noypi, alam mo dapat na kapag sumapit ang kapaskuhan, walang foreign films na mapapanoods. At dahil dyans, kailangan sulitin ang days na showing pa sa sinehan ang isang magandang peliks. 

So, ano ang ginawa ko ngayong restday ko? syemps di ko pinalagpas ang chance na manood sa big screen ng pelikulang aking bibigyan ng review-reviewhan. Eto ay ang part 2 ng The Hobbit na ginawang taklong chop-chop. So technically, may title itong 'The Hobbit: The Desolation of smaug'.

Woooooooops!














kiri... woooooops..... kiri........wooooooops! Handa ka ba na ma-spoil sa kaganapan? Kung slightly sensitive ka sa spoiler thingy, then i suggest na close mo na tong page dahil maiwewento ko ang mga bahagi ng peliks. 





may warning ka na ha! Sige, kung ready ka, go na! Let's get this parteeeeeey started!


Patuloy ang mga Dwarves (super layo pero baka may slight na kamag-anakan ng 7 dwarfves ni Snow) sa kanilang misyones na magpunta sa kanilang bayang sinilangan at i-claim ang kanilang teritoryo. Ang mga dwarves ay pinamumunuan ng leader named Thorin (not related sa isang avengers). 


So they make byahe from one place to another and making takas-takas sa mga manliligaw este humahabol sa kanilang mga kalabs, ang mga orcs.

Along the way, medyo may maarts na grey wizard na itatago natin sa pangalang Gandalf ang umattitude problem at may something came up daw. Kita-kits na lang daw later sabi niya. May EB kasi na pupuntahan tong si Gandalf e.


So kahit wala na si Gandalf, tuloy ang misyones. sakay sila ng bus tapos nag-fx, tapos sakay ng MRT ganyan.... joke, lakbay mode sila via foot.

Come on vamanos,
everybody let's go,
come on lets get to it,
i know that we can do it. 

Where are we going..
Kingdom of Erebor
Where are we going..
Kingdom of Erebor
Where are we going..
Kingdom of Erebor

Naku, kung kinanta mo na parang nasa dora the explorer yang lyrics sa itaas, hahahahah.

Hanggang mapadpad ang mga dwarves sa teritoryo ng mga taong sanay sa glutha at kutis silka... ang place ng mga Elves. Dito na meet nila ang nilalang na touched by belo... Ang aringkingking, si Legolas (oo, kasama sa peliks yung archer sa 'The Lord of the Rings') at ang isang archer girl named Tauriel.




after mapadpad at makaalis or makatakas sa mga Elves, lakbay mode nanaman ang mga dwarves. Sa tulong ng isang human named Bard, napalapit na sila sa kanilang destinasyones.


May problemang naganaps kaya ang ilan sa dwarves ay naiwan sa town habang ang karamihan ay gorabels na sa kanilang kingdom.

Nakarating din sila sa paroroonan at dito na daw kakailanganin much ang serbisyo ni Dildo este Bilbo. Kailangan niyang makuha ang isang bato (nope, hindi yung batong nilulunok ni Darna at di ang batong ginagamit ng mga adik.


Kailangang makuha ni Bilbo ang stone subalit may problema... May bantay at ito ay ang dragong nagsasalita na si Smaug.

So anong nangyare???? Aba... dito ko na uudlutin ang wents. Panoorin nio folks kasi maganda ang peliks na itow.

-=-=-=-=-=-=-

Ang score for the peliks ay 9.4. Much higher sa unang peliks last year.

Ang masasabi ko ay mahusay ang mga fight scenes. Magaling ang cinematography at dekalidad padin ang pagkakabanat at pagkakagawa sa film.

Sulit ang binayads ko kaya wala na akong ibang masasabi pa.

Kung medyo tipid mode, pede ninyong abangans sa suking piratahan pero iba padin kapag sa jumbohalang screen ito mapapanoods.

Exciteds na me for the last part ng peliks na ito nek yir!

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!

Sunday, November 24, 2013

Hunger Games: Catching Fire

This girl is on faaaaayaaaaaaaaah!!!
This girl is on faaaaayaaaaaaaaah!!!
She's walking on faaaaayaaaaaaaaah!!!
This girl is on faaaaayaaaaaaaaah!!!

Kung kinanta mo yung lyrics sa itaas, aba, aba, aba, imfairview, may potential ka sa pagkanta. Bwahahaha. You're an excellent singer! lols.

Heniway, for today, review-reviewhan tayo ng isang peliks na hot na hot at naglalagablab na peliks this week. Eto ay ang pelikula tungkol sa girl on faaaayaaaah na si Katniss. Yep. Heto na ang 2nd peliks ng Laro ng mga tomjones.... Hunger Games: Catching Fire!


Hold it! Hold it!

Alam ko na may mga ayaw magbasa ng reviews na makakaspoil sa story kaya naman kung ayaw ninyong ma-spoil, better drop it like it's hot and close the page. Kasi di ko pipigilan ang wento tungkol sa peliks.










Are you reydey? Okay... lets go!
















Sure ka na??? Sige na nga.... eto na!


Remember si girlay katniss noong pers movie? Well, nakauwi na siya sa District 12. At doon ay nakikipag-fling at landian siya sa brother ni Thor. Tapos di niya alam, medyo asar-cesar na sa kanya ang president named Snow dahil sa pakulong love-love-forever-til-death-d-us-part-chenelyn with Peeta.


So may plano ang kupaloid president para sa star-crossed-lovah o ang tambalang Peeniss (Peeta at Katniss). For the 75th Hunger Games at considered 3rd quarter Quell, ang mga sasabak sa patayan game ay ang mga previous victors. At dahil sa District 12 ay taklo palang ang victors, malamang sa alamang ay pasok sa jar si Katniss at may chance matigoks.


Pero waley na sila magagawa. So they got to be in it to win it! Ando so sasabak nanaman si Katniss at si Peeta sa Hunger Games All-Survivors Edition. Pero bago ang pinaka moment ng patayan mode, kailangan mag fashion show muna ganyan.

Burning Charcoal Inspired Clothes by Cinna

After ng high fashion runway at interview ganyan, kelangan ni Katniss pumili ng pede niyang maging kakampi sa game temporary. Parang survivor lang ang peg, hahanap ng alliance.




Sa game, syempre kailangang magsurvive sa co-players/tributes. At dito ko na ihihinto ang wento ko dahil ayaw ko naman totally spoil ang peliks kasi gusto kong mapanoods niow. Hahahaha.

-=-=-

Di ko nabasa ang book kasi napakinggan ko ito via audio book. Yep, umo-audio book ang lolo niow. Well, slightly tamad ako magbasa ng story na naka-pdf kaya mas gusto kong via narration na lungs.

So if i-babase ko sa napakinggan ko ang somehow flow ng Catching Fire, masasabi ko na dead-on ang pagkakagawa sa peliks. Nabigyan ng hustisya at ng imahe ng peliks yung mga medyo void-ish details sa wento. pati na din sa medyo confused details sa mga characters. 

Imperview, mas maganda ang pagkakabanat at pagkakagawa sa peliks at dahil nadin siguro sa maganda ang story ng book 2 (para sa akin). Idagdag natin dito ang di na nakakahilo much na pagkuha ng action ng mga characters sa film during bakbakan scenes.

Puntos points yung eksenang suot ni Katniss yung white wedding gown dapat niya tapos umikot sya at naging ravena sya este mockingjay-peg (blackish gown na may pekpek este pakpak). Kasama din sa best part yung bow and arrow simulator exercise ni Katniss na talagang kamangha-mazing sa paggamit ng pana. At isama mo na ang elevator scene kung saan naghubad si Joanna Mason. :p Aliw din ako kay Effie at sa host/ interviewer.

Medyo may ilang misses nga lang pero di naman gaanong pansin yun for me. hehehehe. Di na isinama sa wento yung past ni Haymitch at ang kanyang 2nd Quarter Quell experience at di masyadong makadurog puso yung sacrifice ni Mags. Sa audio book kasi feel na feel mo yung moment sa poison fog tapos tumakbo si Mags at nagpakamatay sa fog kasi di kaya ni Finnick na bumuhat ng dalawang tao (mags and peeta).

Score, 9.3 for me kasi mas lamang to sa unang peliks na may score na 9!

O cia, hanggang dito na lang muna!

BTW, meron na sa suking dvdhan ang hunger games kaso iba padin kapag sa bigscreen at malinaw ang copy. WALA pa pong DVD copy sabi sa mga stalls sa quiaps. bwahahaha. 


Monday, November 4, 2013

Thor 2: The Dark World


Hello! Happy Monday sa inyongs lahats! As mentioned ko sa aking random-randoman post kagabs, heto na at agad-agad na dapat may post sa peliks na napanood last month (oo, last month kasi Oct. 31 ko sya napanoods).

Warning! Cigarette smoking is dangerous to your health ganyan! Este Spoilerssss ahead! Kung di pa napapanood at ayaw mong makabasa ng detalye ng peliks, nakupow, close the window na lungs and come back anaderdei! hahahaha.

Sure ka na ba?











Sure na sure na???







Okay, sige, sinabi mo eh... let's go with the details na ng peliks named 'Thor 2: The Dark World'




Mag start ang wento sa isang place kung saan may someone na lord ng mga dark elves (nope, hindi kamag-anakan ng mga dwende at nuno sa punso). Nagkaroon ng gyerabels sa pagitan ng mga Asgardians (kaninu-ninuan nila Thor) laban sa  lahi ng mga Dark Elves. Nanalo ang Asgardians pero di nila alam na may nakaligtas at survivors.

Mga milyong kembot ang nakalipas, ang jowawits ni Thor sa unang peliks na dating si Queen Amidala ay nakatuklas ng tila portal-portalan at napadpad somewhere kung saan andun ang powers ng Dark Elf leader. Ayun, slightly napossess or humalo sa katawan ni girlay yung something na yun. Si girlay ay dinala sa mundo nila Thor. 

Tapos nagising na ang mga survivors ng Dark Elves at sumugod-sugod-laban-maskumansila to get the something na dumadaloy sa wankata ni girlay.

Syemps, di papayag ang Papa Thor ni girlay at ayaw sumuko. So ang ginawa niya ay he make tulong-tulong-saklolo sa kanyang bro na si Loki. 

May drama-ramang slight tapos konting komedy, tapos ay bakbakan ni Thor laban sa kalabs with the help of some human intervention and the other realms is saved..... end

*-*-*-*-*-*

So ano ang husga? Pwede! Keri naman! Naitawid! Wala  namang dull moment na aantukins ka. Sakto naman ang score na around 8.9.

Oks ang fighting scene. May mga nakakatwang scenes naman. Kulang sa mga body exposures at sexy scenes kaya hindi umabot ng 9. nyahahahah.

Good film naman. Medyo nagmahal nga lang nanaman ang bayad sa peliks house ah.... naging 221 petot na! Grabecious! Baka nek taym pumalo na ng 300 petot! Kapag ganun, sa suking pirats na ako aasa or sa downloads....

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Monday, September 30, 2013

R.I.P.D.

Hey! Howaryu? Oks pa naman ba kayo? Ako..... Kaya ko pa naman.... hahahaha. Okay pa naman ang mga bagay bagay at buhay padin ang apoy ng pagsusulat. 

For today, movie review-reviewhan padin, at hindi ngayon asian peliks, it's a US film pero hindi na sya super duper latest. Tamad ako for the past month na puro marathon lang ako ng dvd kapag restday e. 

Well heniway, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, simulan na natin.....

Ganito kasi ang storya ng peliks.....


Bago pa maging Green Lantern si bidang guy, isa muna siyang 'pulis-pulis-kung-umaksyon-mabilis' guy. Pero sa kasamaang palads, trinaydor sya ng kanyang pakner. Ayun, na-dedo sya. RIP.

Pero nabigyan ng chance of a lifetime si kuyang pulis na kakadedo lang kasi binigyan siya ng job (nope, not the hand or the blow and not steve) bilang isang pulis padin naman pero taga-capture ng mga kakalat-kalat na dedo na. Dito niya magiging kapakner ang isang cowboyish grandpa-like guy na isa ding police sa kanyang sariling panahon. Together, sila ay police officer ng Rest In Peace Department or R.I.P.D.

So syemps, hindi lang ganun ang wento... ano to, lokohan, pelikula lang ng tungkol sa cop na natigok tapos parang na-resu at naging tagahuli ng patay na folks, syempre dapat may kalabs at grand-plan ng kalaban.

Ang kalaban??? Yung pakner ni guy na pumatay din sa kanya. At ang grandplan??? Kung alam ninyo yung anime na 'Ghost Fighter', may hawig doon. May portal na kayang magkaroon ng link from the ,mortal world ng tao magkakaroon ng connection from the mundo ng mga halimaw thing.

Ang score ng film???? around 8 lang. Yep.... 8 lang to for me. Oo, uulitin ko, 8 lang po. hahaha.

Well, walang masyadong kapanapanabik at kagilagilalas na bagay sa peliks na iyon. The only difference at medyo aliw factor lang ay yung tila new look ng dalawang police... si cowboy ay isang hottie blonde girl while si bidang guy na napatay ay isang patandang chinese guy.


Aniway, pwede na din pampalipas oras ang film... Sakto lang naman ito.

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Monday, September 9, 2013

Now You See Me

Hey! Musta? Hope you're all doin' great folks! Hahaha. nasabi ko na asian peliks naman ang eentrada sa aking bloghouse pero medyo nagbago ang mga bagay-bagay kaya naka-park muna ang asian peliks review at mag US film muna tayo.

Yes, tama ang inyong hula-who sa pamagat ng movie.... ito ay walang iba kundi 'Now You see Me'.


Handa ka na ba sa review-reviewhan? Well, doncha worry, di ko gaanong iispoil ang peliks.... sabi nga sa commercial ng Mcdo...'Konti Lungs!'. hahaha.

Pero kung ayaw mo ma-spoil... fine... you got to go.. you are the weakest link, the tribe has spoken, pack up your knives and go, pinapatawan kita ng forced eviction, your tour ends here, you did not get a rose, you've been eliminated from the race, you're fired, you're no longer in the running to become the next top model.... goodbye!











Wow, kung desidido kang mabasa ang review! Congratumalations! I WANT YOU! hahaha.

Okay, ganito kasi yun, sa simula ng peliks, ipinakita ang 4 skilled illusionist kinda tricksters kinda performers kinda mentalist folks na may relate sa mga magic and stuff like that. tapos yung apat na katao na iyon ay nakatanggap ng cards... nope, not credit cards, hindi rin bingo cards... it's some kinda tarrot card-ish kinda thing (oo umulan ng kinda sa paragraph... hahaha)





Change scene, lumipas ang araws, nagsama-sama na yung foursome folks na tinawag na 'Four Horsemen' kung saan nagperform sila ng magic show thing na nag-involve na pagnanakaw raw sa banko. At pooooof! Nanakawan nga ang isang banko pero ang kakaiba ay ang bank ay nasa France habang ang magic act ay naganap sa tate, sa uhmericuh! Huwat???!!!

So here comes the pulis-pulis-kung-umaksyon-mabilis folks and they want to know pano nangyari yun. So enter si Mike Enriquez as Imbestigador pulis and girlay from interpol to know what love is paano nagawa ang trick.



Sinubukan ng mga kapulisan paano naganap ang anik-anik magic hoolabaloo at paano nagagawa ang pagnanakaw thing at kung ano pa ang magiging balak ng 4 horseman. So they make inquire sa isang magaling na magician na nangbubuko (hindi po yung literal na buko-buko ha, i mean buko as nang-rereveal) ng tricks na ginagawa sa magic. They also make imbestiga the person na tila financier ng 4 horseman.



Now, mahuli kaya ng pulis patola ang 4 horseman? O mamamayagpag sa kagilagilalas na performance ang apat na may relate sa magic thingy? Abangans...

dito ko na puputulins ang synopsis. hahaha. Maganda kasi itong film kaya i do suggest to watch it. Kayo na bahala kung sa paanong paraan ninyo mapapanoods. hahaha.

Score??? 9.5! Maygas pulgas! Hantaas! Oo, mataas talaga. Kahit medyo may sablay yung copy na nakuha ko, deserve padin ng good score ang film! 

Entertaining yung magic trickies and ekplanations ng heist na naganap at kung paano naisakatuparan ang mga anik-anik. It's parang Lupin-ish ang feel kung saan mahusay ang mga plans at strategy to do the trick ganyan.

At..at..at... maganda ang twisty thing sa huli. Hehehehe. Nice, nice, nice!

O sya, hanggang dito na lamang! Take Care! Auf Wiedersehen!

(pasensya na, medyo mabigat yung flash image na ginamit for the post. hehehehe)

Saturday, September 7, 2013

Conjuring

If you're happy and you know it, Hide and Clap (clap clap)
If you're happy and you know it, Hide and Clap (clap clap)
If you're happy and you know it, then your face will surely show it
If you're happy and you know it, Hide and Clap. (clap clap)


I know.... i know.... it's kinda huli na for the review.... pero what can i do.... natambakan ng shitness and stuff. Pero donchawori.... may kasabihan nga.... better late than nevah!

For today, siguro naman knows na knows- heaven knows kung ano ang pamagat ng peliks na bibida sa review-reviewhan...... It's Conjuring (ˈkänjəriNG, sige, you make sleng-sleng and make pilipit your dila to pronounce it right)

Around last month pa tong peliks na ito na talk of the town ng mga tao so siguro naman di ko na kailangan maglagay ng warning about spoiler and stuff like that. 

Chucky, Annabelle, Tiffany, Chakadal

Magsisimula ang peliks tungkol sa manika named Annabelle (hindi rama ang apelyido) na pinsan sa mother side ni Chakadal at kinakapatid sa kumpil ni Chuckie at kumare ni Tiffany na bride of chuckie.

Agaw eksena much si Annabelle to make papampam sa girlies na kumopkop sa kanya ganyan... Epal kung epal lang tong manikang to para mapansin.

Pero wala naman gaanong kinalaman tong si Annabelle sa pinaka main story ng film.... Wala lungs.... kailangan lang ng spotlight sa kanya ganyan. 


Well, magsisimula ang wento talaga sa Perron family (Insert Don't cry for me Argentina song here, lols) na composed of mag-asawang may limang junakis na naglipat bahay somewhere in America. Ayos naman ang lipat bahay nila pero medyo nag-iinarte ang kanilang doggiedog na parang may nararamdamang ewan na aura sa bahay kaya ayaw pumasok.

After nun, deadbol ang aso tapos medyo nakakaranas na ng anik-anik na paranormal shenanigans sa bahay na nilipatan nila. Ang ilaw ng tahanan na mudrax ng 5 kiddos ay nagkakaroon ng pasa sa katawans. Tapos sa mga next days, medyo iba-ibang things ang nadadanasan ng mga chikitings.

Dahil sa mga di mapaliwanag na kababalaghan..... humingi ng tulong sa team ng VERUM EST Ghostbusters ang mag-asawang kilala sa pag-iimbestiga (excuse me po! *mike Enriquez peg) sa mga paranormal shindigs. Ito ay ang mag-asawang Ed and Lorraine Warren.


Tapos nalaman ng Perron Family na ang gumagambala sa kanilang fam ay isang babae named Bathsheba na inakusahang mangkuku (mangkukulam) na nag-attempt na isakripisyo sa demongyo ang sariling junakis. Pero sa kademongyohang-palad, nagpakamatay yung babae at make curse sa mga folks na kukuha or aangkin sa territoryo/lupa.

Then.... ang madre de pamilya ay nasaniban ng masamang ispirito at gonna make attempt na patayin ang sariling junakis tulad ng mga previous cases ng mga pagpatay ng mga mothers sa kanilang anaks.

At sa huli, may exorcism na naganap tapos the end.

-=-=-=-=-=-

Technically, nakakagulats naman ang peliks lalo na kung magugulatin ka at nerbyoso kaka-kape ganyan. Tapos kung medyo hindi ka sanay sa panggugulantang, siguro mapapa-wiwi ka sa salawal mo while watching or may isang kamay sa iyong mata tapos you gonna make takip while the other mata ay nanonood. 

Mas KAKABAKABA (teka, palabas to ah?) at OKATOKAT (show din to ah) panoorin ang film siguro kung sa moviehouse papanoorin tapos madilim, malamigs  at walang katao-tao.

Kung sa sinehan ko to nipanood, bibigyan ko na ng 9 to. Hide and clap! Hide and clap!!! 

Pero since sa loob lang ng bahay ako nanood, at kahit mag-isa at patay ng ilaw, di masyadong epektibs ang film for me.... So pede na ang score na (.987654321 x 27 / 3)......... hala, get the calculator......... ang kasagutan ay..... 8.88888889 ganyan. Saka kaya may bawas ang puntos ay dahil sa di ko masyarowng makonek talaga yung si Annabelle.

O sya, hanggang dito na lang muna. Abangan ang asian peliks sa susunod na post.

Take Care folks!

Friday, September 6, 2013

The Mortal Instruments: City of Bones

Hello There! Hey hey hey! Friday na today at sisigaw na kayo ng tengkz god its praydei! Bukas ay araw nanaman ng pahinga ng mga tao. hahaha.

For today, mag movie review na tayo kasi medyo natatambakan na ako ng peliks na napanood na di man lang nabigyan ng rating-ratingan. So heto na at magkakaroon ng review-reviewhan ang isa sa film na aking napanood. For today, it's 'The Mortal Instruments: City of Bones'.


O, babala muna...... Sa mga ayaw ng na-iispoil sa wento... naku, maglagay ng spoilscreen para di tablan ng spoiler and everything...

O ready na ba kayo????? sure?????? handang-handa na??????

Magsisimula ang wento sa isang girly thingy na na maputi at maganda. Tapos si girlita ay nagkakaroon ng wierd thingy kasi suddenly napapadraw siya ng somekinda-symbol na di niya alam kung ano.


One day, isang araw, kasama ang geeky-geeky friend niya na slightly lampayatot peg, nagpunta sila sa bar at may nasaksihan si girl na patayang naganap. Pero ang wierd thing, siya lang ang nakakita.


Then, may umatake sa mudrax ni girlay, at nagpanic si girl and make hanap-hanap sa kanyang nawawalang magulang. Di niya mahanap sa lost and found ang mudrax at di rin siya makapagpaskil ng missing poster ganyan.

Then nalaman ni girlay na isa siyang 'SUBO' este 'SUGO'.... you know.... chosen one kinda thing. Nalaman niya na ang mudrax niya ay isa sa mga shadow hunter thingy. Kung saan sila ang pumapatay sa mga demonyo and the likes.



Sa tulong ng trio shadowhunters, at pagtatanong sa isang gay warlock, ineembestigan nila kung ano ang pakay ng dumukot sa mudrax ni girlay at napag-alaman nila na ang habol pala ay isang baso.... ang Mortal Cup.


Now, on the quest sila para mahanap ang mother-dearie ni girlay at hanain ang mortal cup at ilayo ito sa masamang kamay ng ex-shadowhunter turned evil na may name na Valentine.

At dito ko na tatapusin ang synopsis kuno ng wento. hahahaha.

Hmmm.... di ko po nabasa ang libro na pinagmulan ng wentong ito so wala akong ka-ide-ideaya kung sobrang book-alike ang wento or merong eksenang dagdag-bawas for the sake of creating a movie.

Masasabi ko na okay naman ang flow ng wento. Mabilis naman ma-pick up ng normal na tao ang story. Okay naman ang battle scenes. Sakto naman din ang kiligsena at selosena na naganap sa lovetrumatriangle ng bida with the boylets.

All in all, bibigyan ko ng 8.5 ang movie. Great but not super duper stunning for a 9. Lols. Opinyon ko lang to ha, so wag na kumontrapelo ang fan ng book. nyahahaha.

O siya, hanggang dito na lang muna, nektaym naman, yung KANJURING ganyan...

TC folks!

Thursday, July 25, 2013

The Wolverine


Hey folks! zups?! Mustasa? Sang tulog na lungs, friday na at sisigaw na kayong muli ng TGIF! Pag friday, it only means first day of work for me so this is my last day ng restday bago bumalik sa trabaho.

At since pahinga mode pa, nakapuslit pa ako ng oras para makanood din ng sine sa big screen imbis na magmukmok sa house at manood ng piniratang tabing. May 'K' naman me na manood sa sinehan at hindi puro dbd-dbd lungs. hahaha.

And for today, ang fresh na fresh na peliks ang featured sa aking bloghouse...... Ang pelikulang kapapanood ko pa lang hours ago..... ito ay ang 'The Wolverine'.

Stop! Halt! Teka muna! Wetaminit-kapeng-mainits! Alam kong malaki ang chance na manonoods pa lungs kayo dis weekends so bibigyan ko kayo ng chance na mag-back-out sa takot ma-spoil or takot makabasa ng anything na related sa peliks.

Bibigyan ko kayo ng 3 seconds!

Time'sap! Pasyorpeper! Pinisornatpinis! 











Hokay..... desididow ka na mabasa ang review-reviewhan sa may Khanto? Sige.... let gerirown!


Magsisimula ang wents sa unang panahon, panahon pa ng hapon, Wala pang kikay sabi ng nanay! Nagkaroon ng Air-raid or pambobomba sa japan (nope, not bomba like the poso or bomba na dyaryo at lalong hindi bomba na nagpapakita ng boobelyas at pechays thingy!)

Takbuhan ang mga hapon at may isang soujaboy na nagpakawala ng prisoners at tinangkang patakasin ang nakakulong sa butas na lalaking balbas-sarado. Maghaharakiri na sana si soujaboy kasi useless na at mamamatay na dins pero somehow niligtas sya ni balbasarado-guy.

Pasporward ng years and years and stuff. Sa kabundukan ng tralala, doon nagkukubli at namumuhay mag-isa si balbasarado-guy na si Jan Valjean na nagtatago na sa pangalang Logan (hindi po BIBIT ang pers name, hindi rin po sya yung comedic newscaster sa TIIIIIIIIIVEEEEEEEEEYPAKROL!).

Then one day, sinundo sya ng babaeng may red-benga-bangs at sinabing pinapatawag sya ni soujaboy na tumanda na at nais lang Me Ultimo Adios kay Logan. 

So fly fly fly like a butterfly si Logan papuntang Japan dahil di na kailangan ng Visa at nagtour sya at kumain ng sushi, sashimi, mocchi atbp... joke. Syemps, pumunta nga siya para sa huling request ng matandang huklubans.

Doon ay may offer si banker este yung matandang soujaboy kay Logan...... Kaya daw niyang ilipat ang mutant power ni Logan para mawala na ang kinda-curse ng parang immortality at para makapagpahinga na or matigoks na ito since parang pagod na sa bakbakan si Logan.

Pero di naganap ang deal. No deal daw sabi ni Logan. Tapos natigok na si Soujaboy. The end na sana ang wents pero may kaganapans pa. May side wento something within the family of soujaboy.

Somehow, ang apo ni soujaboy ay magiging tagapagmana ng malaking-ari (notrelated to genitalia). Meaning, magiging super duper richie ang apo ni soujaboy na girlet. 

Sa kasamaang palads, may nagbabalak ng masama kay girlet at nailigtas ito ni Logan. Pero pero pero (hindi bukid na lilipad-lipad), it turns out na may nangyari naman dito kay Logan..... aba..... biglang di nagana ang kanyang mutant powers to heal (the world make it a better place!). HALA!

Pano na proproteksyonan ni Logan si girlet at maging knight in adamantium shining shimmering armor kung vulnerable ito to pain and stuff like that? Pano na?!

Aba..... panoorin nio na lang ang peliks para malaman ninyo ang kasagutan at karugtong ng wento kasi medyo masasyang naman ang nibayad ko kung shashare ko lahat-lahats ng kaganapan! hahahahaha.

-=-=-=-=


Score?????? Adamantium 8.9! Pwede na pero medyo bitin ng isang guhit para maging nuebe!

Ganto kasi ang rason ko kung bakit ganyan ang score......

Para sa akin, tugma naman at bagay parin talaga kay H.J ang role na wolverine! Perpek na perpek at kabuhayang swak na swak ang acting and skills niya to portray the mutant with healing powers.

Pero ewan ko, nakabawas puntos for me iyong ilang eksenang pagsulpot sulpot ni Jean Grey sa story! Yung eksenang sarap baliin ang leeg ni Jean Grey at sabihing...'Pakshet, deads na you, staffet! Manahimik ka na dyan sa kinalalagyan mo!'. Pero wa naman tayo magagawa kasi di maka-move-on-move-on kahit madaming time tong si wolvy!

Ikalawang rason kung bakit nabawasan ng points ang peliks ay dahil tila walang gaanong mutant powers na umeksena... Nakakapanibago na ang may mutant powers lang ay etong si Wolverine tapos yung kalaban niya na si Viper no swiping, viper no swiping(sorry, sa dora pala si swiper).

Kung mahilig kayo sa bakbakan scenes, siguro mataas-taas naman ang bibigay nio. Pero since di naman ako lover ng bugbugan, habulan at suntukan ganyan, kaya nabawasan pa ng points.

All in all, sulit padin naman na panoorin sa big screen ang peliks na to! At lalo na ng ipinakita sa last part ng movie ang next na magiging karugs kung saan na-meet ni Wolvy si Magneto at si Prof. X sa airport!!! Mas excited ako doon kasi mukang balik na sa track ng mga mutants/x-men ang film!

O sya, hanggang dito na lang muna ako! Matutulag na ako sa ilang oras dahil back to work na ako! 

Take Care folks!

Friday, July 12, 2013

Despicable Me 2

Hello folks! Kamusta na kayo folks? Restday na ninyow! Enjoy the day ng pagpapahinga, chillaxing, lakwatsa, bonding and stuff like that.

Namention ko na na napanood ko na kahaps ang Despicable Me 2 sa sinehan kaya expect nio na ang review-reviewhan shenanigans......







allergic sa spoiler? Nakowpow..... baka hindi ka pedeng magbasa nitong post na to.....





pero kung mapilit ka.... why nuts..... Go na at magbasa na ng review.




Magsisimula ang wents sa eksenang merong giant magnetic thingy na lumipad somewhere icy at kinuha ang isang buong laboratory ganyan.

Tapos forward ng onti, pinakita na ang pamilya ng ex-grumpy villain named Gru na kumupkop sa taklong girly kiddos. At nagbirthday ang isang junakis ni Gru....

Forward ng konti pa. Dinukot si Gru ng isang secret girly agent at dinala sa isang hidden organization na kontra villains.

Dito inihayag na kakailanganin ang serbisyo ni Gru since dati syang evil villain at possibleng malaman niya kung sino ang sumalakay sa lab na pinakita sa unang eksena dahil may nawawalang chemical x (parang powerpuff?) na pedeng ggamitin sa kasamaan.

While naging imbestigador si Gru, di niya alams na ang kanyang mga lovable, funny, cute, cuddly at amazing minions ay isa-isang nadudukowts. Oh nohhhh.....

At ginamit ang chemical x na nakuha sa mga nadukot na minions at ang mga yellow banana and apple lovers ay naging purplish at naging trollish looks with imba prowess.

So, maligtas kaya ni gru ang kanyang mga minions? Malaman kaya niya sino ang kalabs? Magkakaroon ba sya ng lablayp? Aba.... panoorin mo yung peliks para malaman mo... Alangan naman na iwento ko....



-=-=-=-=-=-=-
score????? Tinatanong mo ang score???? 9.43210.

Hahahahah. Oks at nasiyahan ako sa film. At madami-dami ang airtime ng mga yellow minions kaya solb naman ako sa kaganapans. Napatawa naman ako sa film so no reklamo on that field. Kaya hindi pumalo sa 9.5 ang score ay dahil nacreepan ako sa dami ng purple minions sa pabandang dulo. Maygawd..... naging VIOLEnTe ang mga lovable creatures.... hahahah. Pero nakabawi ang score dahil sa production number ng minions sa bandang dulo with the song 'I Swear' at 'YMCA'.

Kung di mo pa napapanood, watch na! Pero kung nagtitipid ka, meron na din yan sa suking piratahans.... Pero mas cute sa big screen tapos malamig kasi erkendishend.....

O cia, hanggang dito na lungs! Tekker!

Tuesday, July 2, 2013

Texas Chainsaw and the Collection

Hello Minions! Kamusta kayo guys? Uyyyyy..... bukas ay showing na ang Despicable Me 2 at makikita na sa big screen ang mga lovable yellow potato-like thingy called minions.

For today, hindi muna cutie-kiddie kinda film ang featured...... Kasi horror/gore film ang pelikula for today.

I know ang karamihan sa visitors ng blog na ito ay di feel ang ganitong klaseng film so pasensya na muna..... sadyang hilig ko lang ang ganitong genre pagdating sa filmies. Dalawang peliks ang featured for today.......

Ready?.......

1. Texas Chainsaw Massacre 3D


Ang pelikulang ito ay sequel sa original Texas Chainsaw Masscre wayback i dont know when....

Ang kaganapan, nagkaroon ng confrontation sa pamilya nung pumapatay ng tao at hinihiling ng pulis na isurrender yung killer. Pero sa kasamaang palads, ang townsmen ay sumugod at minassacre at sinunog ang kabahayan at tila inubos ang pamilya nung killer. Walang nakaligtas except isang bata-batuta na kinopkop at inalagaan ng isang mag-asawa.

Years past, lumaki yung bata, naging kinda horny girl. At nalaman niya na mayroon siyang granny. And nalaman niya na pinamanahan siya. Emergerd. So kasama ang kanyang friendships, travel sila sa hometown ni lola.

At doon nag-unravel (wow, big word) ang misteryo. It turns out buhays pa yung original killer at naisa-isang pinatay ang mga kasama ni girl.

wooooops.... hanggang dito lang ang wento sa movie.

Score: 8

Keri lang. Not super gore. Hindi gaanong madugo. Sakto lang. Walang walastik na killing scene. Walang makatindig balahibong pagpaslangs....

2. The Collection


It turns out isa ding sequel itong film na ito ng peliks na di ko napanood. Pero oks lang, may wiki naman saka medyo di naman gaanong relate much ang 2nd movie.

The movie goes kung saan may isang girlay na nagpunta ng isang club para magparty-party at magdance-dance sa dancefloor.  Until mahuli niya ang kanyang boypren na andun din at nakikipag-kissy-kissy sa ibang girl.

Nasaktan ang damdamin ni girl at nagtampororot. Whilenag-eemote si girlay, di niya alam na may karumal-dumal na magaganap sa bar na pinuntyahan nila. May bloody killing spree from a person na collector ng mga body parts shenanigans.

At naganap ang pagpatay sa mga tao! Talsik dugo, andaming nagkandalasog-lasog na bodies at nahiwang mga katawan. Ang tanging nakaligtas ay ang kinidnap na girlay na trip pala ni collector at ang nakatakas na guy na tila mula sa pers movie.

Then si guy ay pinakiusapan na samahan ang authorities para irescue si girlay na isang importanteng part ng isang tila mayaman na personality.

At dito na tatakbo ang part na pagrescue sa girlay at pag-escape sa kamay ni killer collector.

Score: 8.2

Okay lang din for me ang film na ito. Lamang lang sya ng slight kasi nasiyahan ako sa kill spree na naganap sa bar! Yung napa-wow ng slight nung biglang may parang spike drill na umararo sa mga dancers sa dancefloor ng bar. hihihih

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks.

Thursday, June 27, 2013

Monsters University

"Scariness is the true measure of a monster........."

Hello there! Ahoy! Musta na folks? Nakakuha na ba kayo ng minions sa mcdo? Nakuw, nagkakanda-ubusans na daw bali-balita ko. Hahahaha, sugod na sa mcdo kung gusto nio ng minions... gow!

Heniway, walang kinalaman sa minions ang post na eto. Kasi hindi sya related sa Despicable Me 2 na coming soon. For today ay isang movie review ng peliks na palabas this week..... Eto ay ang animated film na 'Monsters University'.

Heyp-heyp-heyp! Bago mo tuluyang mag-scroll down at makibasa sa movie review-reviewhan, nais lang kitang bigyans ng babala na ang susunod na mababasa ay may spoilers at masasagasaan ang pelikula mismo. Kaya kung takot or may phobia ka sa spoilers..... then take your medicine at skip read din. Aba, wag mo akong sisihin kung ginusto mong ma-spoil.









Oks na ba? Let's go!



Magsisimula ang wents sa isang teensie-weensie young monster na may uni-eye named Mike na nagfieldtrip sa isang place kung saan nagtratrabaho ang mga big monsters para manakowts ng mga bata-batuta. Dito sa field trip ay na-inspire ang young kiddo na maging 'Scarer' or yung tagatakot.

College student na yung dating kiddo

Fastforward.... after ng pagsusumikap at pag-aaral marahil from grade school, middle school at high school, ay ready na si Mike upang mag-college or pumasok sa Monsters University upang mag-take ng course bilang isang Scaregiver(parang pelikulang tagalog yun ah?).

Dito ay porsigido syang makapasa bilang mananakot ng bata. Medyo bookwormic ang peg ni Mike kasi aral kung aral sa mga anik-anik.

At some point, makikilala niya ang isang fluffy blue with pinkish spots na monster named James Sullivan. Di pa sila friendships dito ni blue guy.


Nagkaroon ng rift between green guy and blue guy na nagcause ng haksident sa iskul. Aksidenteng nasira/nabasag ang isang priced pagmamay-ari at souvenir ng Dean ng university... hayun.... Pinag-drop sila sa kursong pinag-aaralan nila.

Terror Dean

Ang nagtuturo ng Scare 101 ganyan

Hindi ma-take ni Mike na mawawala na lungs ang pangarups nyang manakowt kaya naman nakahanaps siya ng paraans para makabaliks sa course. Ito ay sa pamamagitan ng isang competisyon sa loob ng University.... At heto ay ang Scare Game (not like Hunger Games).

Nakipag-bet si Mike sa Dean na kapag nanalo siya, makakabalik sya sa course. Pero kung sakaling alatin, bye-bye Monsters University sya. Kol naman si Dean!

Unfortunately, hindi by individual capability ang Scare Game... ito ay Frat/sorority game. So, napilitangs sumali si Mike sa fraternity with monsters na kinda losers.... pero kelangan group yourself into 6 na parang the boat is sinking..... kaya nagkasama si blue at green monsters.





And so nagkaroon na nga ng games at challenges at one by one ay may isang frat/sorority na malalaglag until may isang team na mangingibabaw (gayahin ang pa-husky/Binoy boses ni Daniel 'neseye ne eng lehet' Padilla while saying maningibabaw).

Ang hosts/emcees during the Scare Game

At heto ang brotherhoods at sisterhoods sa Scare Game

 Oozma Kappa (OK)

 Roar Omega Roar (ROR)

 Slugma Slugma Kappa (EEK)

 Eta Hiss Hiss (HSS)

 Jaws Theta Chi (JOX)

Python Nu Kappa (PNK)

Anyare sa Scare Game? secret! Walang clue! Bawal sabihin! Hahahah. Basta.... Di ko na din sasabihin yung anyare after the game until the ending para suspeyns!

Score: 9.0210 (wow..... parang bumebeverly hills lang ang score) hihihihih

Cute and Funny film! Maganda sya. Nakakaaliw panoorin at di ako nakaramdams ng antok kahit 2 hours lang ang pahinga ko para makalamyerda at manood ng sine.

Sulit naman ang bayad ko to watch it sa big screen. Swabe ang flow ng wento at oks naman ang ending. Nakadagdag din ang short film sa simula ng palabas na 'Blue Umbrella' sa mataas na score ng peliks. hehehehe.

At, walang super-duper-evil kinda kontrabids sa film na ito na nangingibabaw ang kasamaan. Sapat lang ang pagiging antagonist.

Recommended for kids at gustong maging isip kiddo para feel good at GV lang.

Baka nga recommended din ng SiBiSiPi kasi hindi katulad ng plot ng My Husbands Lover. Nyahahaha. jowk lungs pows.

O cia, hanggang dito na langs muna! Take Care!