Showing posts with label mario maurer. Show all posts
Showing posts with label mario maurer. Show all posts

Monday, December 30, 2013

Jan Dara the Finale

For today, ang peliks ay ang part 2 or ang finale ng peliks na ginawa ni Thai actor 'Mario maurer'. Eto ay ang kanyang peliks na may name na 'Jan Dara the Finale' (hindi po related sa kalabtim ni Hero na ngayon ay kpopper na).

Kung waley kayong slight idea sa unang peliks, bka gusto mong mag-backread kaya heto ang link.....
(  .)(  .)   <--pindotin ang="" boobies="" lols="" p="">

Oks, so heto na ang karugs ni Kuya Mario (kuya??? kapatid??) este ng wento....


Natapos ang unang peliks sa eksenang nalaman ni Jan Dara ang katotohanans.... hindi niya tunay na ama si Don Kembang at napilitan lang itong pakasal sa nanay ni Jan kapalit ang ari-arian at yaman ng angkan ng girlay. Pinutol na ni Jan..... hahah, hindi ang kanyang putots kundi ang kanyang ties sa kanyang ama-amahan at nagpunta siya sa kanyang Lola Dear sa may probinsya. 

Sa pagpapatuloy, sa umpisa ng peliks, pinakita ang old Jan Dara at dumating ang ever loyal servant friend niya. Nag-usap ng something hanggang tinalakay na ang next bahagi ng buhay ni Jan.

Sa probinsya, naging hokay na ang buhay ni Jan. Wala na yung person na nambubully sa kanya at ginawang living hell ang kanyang life. Pati ang life ni ever loyal servant bestbuddy niya ay oks naman din. Tanging gusto lungs ni Jan ay malaman kung anyare sa tatay niya (yung person na ayon sa pers movie ay humalay sa kanyang mudrakels).

Tumakbo ang wents sa pagkakatuklas sa nangyari sa nanay ni Jan Dara. Based kasi sa isang reliable bubuwit, hindi daw ni-rape ang mudrakels ni Jan dara, bagkus ay tila kusang binigay ang pechay nito doon sa lalaki. Ang na-rape daw ay yung alipin/katulong.

Pero may counter kwentong natuklasan, narape din pala talaga yung mudrakels. At yung possible na tatay ni Jan Dara ay binaril at pinatay nung mga rapist. 

At sa later part ng film, naulit ang history sa personalidads ni Jan Dara.

Nakuha niyang muli ang kayamanan nia. Siya yung naging Don Kangkang version 2.0. Kumekembyular sya kaliwa't-kanan.

Pero naging masaklaps ng slight ang ending.......

Score ng film ay 8.5. Hahaha, Medyo mas madaming kembot scenes ata yung unang peliks. Medyo umikot na ang peliks sa masaklap na kinahinatnan ng mga taong pumalibots kay Jan Dara.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!


Monday, August 12, 2013

Pee Mak

Hello, it's a brand new day
It's a brand new start
Things will go your way

With a new beginning
For you we'll go on singing
La la la la la la la
Oh hooray! (today)

La la la la la la la
Oh hooray!
La la la la la la

Start it right
Everything's gonna be alright
Oh hooray, for today!

Kanta muna kayo bago simulan ang linggo. Lunes, i know, maulan, slightly katamad kumilos-kilos pero wag mainis at wag sirain ang araw. GV lang! Hooray for today!

For today, movie review-reviewhan na muli tayo. Wala akong maisip na anime na iflashback.... baka by next friday na lang ulit.

Let's go back sa bansang Thailand dahil doon nanggaling ang pelikula sa araw na ito. At ang bida ay ang isa sa known actor sa Thailand..... si Mario Maurer.


Nagsimula ang wentow sa panahon sa Thailand kung saan merong digmaang nagaganap. At doon ay merong5 soujaboys na atapang atao, hindi atakbo. Go go go, fight fight fight ang motto. Akala nila matitigowks na sila sa war pero desidido ang isa sa soujaboys na di sya pedeng kunin ni lord dahil may asawa siya at magiging ama siya.

Nakaligtas ang 5 soujaboys dahil sa determination ni boy named Pee Mak (Mark daw ang english name kaso nagiging Mak lang pag sa thai na). Since medyo healed na ang kanyang natamong sugats, byahe na sya sa kanyang hometown para makita at makasama ang labidoods niyang asawa at anak. Sinama na din niya sa byahe ang mga soujafriends.

Pagdating sa hometown, ng nalaman ng mga kabaryo/kabayan ni Pee Mak na nagbalik siya, grabehan ang pag-iwas sa kanya pati sa mga friendships niya.

Then nabalitaan ng mga friends ni Pee Mak na patay na daw yung asawa ng friend nila pero di sila naniniwala kasi nameet na nila ito.

Pero syempre, nagduda sila somehow kasi dalawa sa soujafriends ay nakaranas ng chills and unexplained shenanigans and stuff regarding sa bahay at asawa ni Pee Mak.

Naconfirmed nila na truelaloo at walang halong eklavoo na multo na nga lungs si pretty girl na wifey ni Pee Mak. Kailangan nilang ipaalam sa friendships nila ang katotohanan or mind their own business na lungs.

At dito ko na slight puputulin ang shortcut thingy ng wento. heheheh.

Score????? 8.5 po ang score. Okay naman ang wento. Comedic-Horror ang film pero sakto lang di gaanong nakakatakot, konti lungs. Napatawa naman me sa ilang scenes kaya pasok sa jar. Okay din naman yung akala mo twist sa story, inaalam nila kung sino ba talaga ang tunay na multo. Mali ang hunch ko na silang soujaboys ay multo (assuming sa possible turn of events tulad sa ibang thai films).

Noong nasilip ko ang site ng SM Cinema, mukang i-aacquire nila ang film na ito at ipapalabas sa pinoy sinehans......

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Happy Yippee Monday!

Sunday, August 5, 2012

My True Friend

Hi, Kamusta? Tapos na ang magkakasunods na post about sa Malaysian Trip so right now, back to regular programming na tayo. So peliks time nanamans.

Kanina, sa ph-tv, ipinalabas ang tagalized thai peliks na pelikula named 'Friendship'. Uu, yung ni-post ko last time. Yung peliks na pinagbibidahan ng sikats na thai idol named Mario Maurer. At dahil nakita ko yung artistang yun sa tv, why not feature another peliks nia na napanood ko sa DVD na nabili sa suking dvdhan sa Quiaps. :D

Ang pamagat ng palabas ay 'My True Friend'. Pero kung curious kayo kung ano ang thai name ng movie, ang name ay 'Meung Gu'. Oo, it sounds monggo. 
 
 
Ang palabs ay may temang Action at drama. So ito ay iba sa kilig factor movie like Crazy little thing called love.

Pasisimplehin ko lang ang synopsis para madaling i-digest ha. So ganto yun, merong grupo ng gang-gang (hindi gung-gong) na tinatawag na Sperm Gang (kung bakit ganon, ewan, tanong sa director) Ito ay grupo ng mga boylets na laging nasasangkot sa mga basag-ulo at laban.

Then one day merong new guy sa iskul na medyo nabubully kasi malapit sa isang chikas na type ng isang siga-sigaan. Laging napapahamaks si new guy pero buti na lungs at medyo napaparescue si Another main character played by Mario Maurer.

And so anyare ay naging new member ng gang si new guy pero walang HAZING na nangyare at walang namatay dulot ng pagpapaddle. Basta tamang boy bonding lang ang peg.

Pero syemps, dapat sa kwento magkakaroon ng probleyma ang mga character kasi magiging bland or matabang ang wento. So merong time na nag-disband halos ang grup dahil kesho ayaw ng magulang na sumama ang junakis nia sa grup. Tas merong isang member na laging escape artist o laging duwag sa laban. And so on and forth.

But dahil sa friendship at parang kanin ang samahan, magkaka-ayos din sa bandang huli tapos-tapos-tapos may eksenang namatay si Mario Maurer. The end. ahahahah.

ummmm...... ano bangs masasabi ko sa peliks....... uhmmmmm... So-so lungs. Parang pwede na dins. Heheeh. May score na 7.6.

Ewan ko, medyo mediocre lang sya (wow, ano ba ang meaning ng mediocre?). Yung tipong masasabi mong 'keri lang'. Nothing uber nakakatense na eksena. 

O cia, hanggang dito na lang muna. Super Sunday sa inyong lahats! Take Care!

Monday, July 23, 2012

Friendship


Aler! Kamusta na mga folks? okay naman ba kayo dyans? for today, ginawan ko ng hiwalay na post ang isang peliks na nabanggit ko na sa blog ko pero for the sake of SEO (seo daw o? hahahah) e kailangan may hiwalay na paskil para makapag-attract ng new audience. lols

Laging napapakita sa tv ngayon na nabili na ng ABS-CBN ang rights para i-ere sa kanilang istasyon ang peliks ni Mario Maurer. So bago pa man ipalabas ito, kelangan available ang review for peoples sake... (joke lang, pandagdag trapik din to eh).

So ang peliks ay may pamagat na 'Friendship'. Yep, the same term na pinauso sa showbiz katulad nila ai-ai at kris.

Ang pelikula ay magsisimula sa mini gathering ng mga magkakabarkada at nagkakwentutans about their youth. At dito na magflaflashback at medyo magiging makaluma ang scenery.


May bagong transfer sa iskwelalumpur ng mga bagets at ito ay ang isang girlay na muka namang okay at wala naman kapintasan o deformity. Kaso etong si girlita ay tahimiks. Ayun, napagtripan tuloy at nabubully. At isa na dito ay si tisoy.

Tapos tatakbo ang kwents ay tatakbo how medyo from bully-bullied relationship ang nangyare ke boy at ke girl ay magkakamabutihans sila. Sorta laber-laberan ang peg.


Pero syemps pumapatak ang metro este tumatakbo ang oras and there comes a time na kailangang umalis ni girlay at lumipat..... nawala sya ng walang bakat este bakas.

So after a long long years, back to present na, desidido padin si boy makita si girl. And thus nagkaroon sya ng lead at nahanap si girl. Pero may shocking panyayare. 

Kung ano yun, di ko sasabihin. Bwahahahaah! Pasaload muna ng 20 petot bago ko i-reveal! Joke langs. secret talaga.

Overall, ang pelikulang ito ay bibigyan ko ng 8.3.Nakakatouch ang story pero hindi sya kilig-kiligan katulads ng Crazy Little Thing Called Love. Pasok ang peliks na to sa good peliks.

O cia, abangans nio na lungs ito sa tv or mag download sa torrent or hanapin sa suking dvdhan. Take Care folks!

Monday, June 25, 2012

Love on That Day

Huwats! Lunes na agads, sa gabi ay may pasok nanamans me! Omergerd! Di ko nasulits ang aking restday. Mostly kain-tulog-nood lang nagawa ko. Di man lungs ako nakapag-lakwatsa or mall hopping. 

Anyway, for today, tayo ay mag-momovie-review-reviewhan. Tomo...... peliks time nanaman. At asian film nanaman.

Kung binasa nio ang title, syemps, knows nio na ang name ng peliks ay 'Love on that Day'. Ito ay isang peliks sa bansang China. Ang twist, may import silang actor na mula sa bansang Thailand... si Mario Maurer.


For synopsis, ganto ang takbo ng wents. Sa china, merong isang hotel na may pakulo na ang mga labers ay pedeng magsulatan para sa isa't-isa then kapag-bumalik sila sa same place for 2 years, mababasa na nila ang liham ng mag-jirog.

Then doon talaga papasok ang kwents. Si boxer boylet na sa totoong buhay aysi Mario Maurer ay nagpunta sa hotel para mag-imbistiga para sa isang letter na hindi na claim (love letter ng parents). 

And so, while nag-iimbestiga pa sya ng slight, dito nia mamimit si chinese girlay na mukang nakapalagayan nia ng loob.

Tapos syemps, magkakadebelopan si boy at si girl tapos may lab-trayangol na ganap kasi may bestpren na lalaki si girlay. And naging love square kasi may isa pang prenship si girl na babae, may gusto naman to sa bespren na lalaki ni lead girl.

Tapos, syemps, may conflict dapat at kelangans may uuga at kailangan maghiwalay ang nagkakaibigan. Tapos merong eksena na mamimili si boy between profession nia na boxing or ang pinipintig at tinitibok ng titi este puso nia. But in the end, love prevails. The end.

Typical love movie pero light in some manner. Parang San mig lights (may ineendors??). Walang super duper heavy drama. Walang kembotang naganap. Walang nude scene. Kahit rips to rips, wala. So-so lang ang takbo ng wento.

All in all, pwede na dins pero not magnific (wow, new adjective). Pwede na ang around 7.8. Medyo matabang ng konti pero keri na at nakatawid gutom (parang pagkain lang?).

Well, heniway, pandagdag na lungs sa post na ito ang posters ng mga bida.





O cia, hanggang dito na lungs muna. Manic Monday nanaman pero everything will be fine. TC!

Thursday, September 8, 2011

Bangkok Ghost Story

Hello. Qick update lang to about sa movie na kapapanood ko lang sa peliks.

Di ko matandaan kung saang blog ko nabasa na prinomote tong movie na to. Eto ay isang pelikula na ang bida ay si Mario Maurer (again?!).


Eto ay horror movie tungkol sa isang mala paupahang compund na haunted ng isang ghost. Dito ay makikilala ang lalaking may kakayanan makakita ng multo. Dito din sa movie makikilala ang batang babae na reincarnation ng isang babaeng ginahasa at napatay.

Ano ang rating? bagsak. 4 out of 10. May nakaka-gulat factor pero ewan, may halong comedy na di naman patok. Tapos tapos... papahabain ang paghihirap mong tyagain ang peliks. Not worth the money kung sa sinehan panonoorin. Mapapasigaw ka ng NEXT MOVIE please!

Ewan ko ba. For me fail ang movie na to. At di ko nirerecom unless die-hard fanatic kayo ni mario maurer na kahit anong peliks ay panonoorin. ahahahah

TC muna!

Monday, September 5, 2011

Saranae Siblor

I'm back! Sipag ko lang magdadadakdak at magkukuwento ng mga peliks na aking napanood. Aahahaha. Well, sinusulit ko lang ang time na di ako busy e.

Anyway, for today, back to thai movies ang ishesheyr ko dito sa aking blog. At hulaan ninyo ang bida sa peliks na ito? Yung bida ng crazy little thing called love na si Mario Maurer. (mabenta ang peliks niya sa st. francis square! :p).


Ang movie ay may pamagats na nasa title ng post na ito. Wag na magshungashungaan, basahin lang ang yun at yun na mismo ang pamagat ng peliks.

Ang movie na ito ay hindi nagfocus sa romance..... But it is a horror-comedy movie! Actually, slash nio yung horror kasi di talaga nakakatakot, more on comedy ito. Hahagalpaks kayo sa kakatawa.

So ano ang synopsis? Ito ay tungkol sa medyo not manly-man boy na aakalain mong girl sa umpisa. Siya ang ipinagkatiwala sa kanyang Tito upang turuang maging tunay na lalaki. Kasama ang alalay ng tito niya na kambal tuko na parang si mahal/mura na pinataba, sila ay nagroadtrip gamit ang 10-wheeler truck. Dito magsisimula ang adventure nila sa mundo ng medyo kababalaghan at iba pa.

Dito rin sa journey mamimeet ni boy ang babaeng makakakuha ng kaniyang atensyon.  Ang babae ay isang kahera ng 7-11 :p


Tawa ako ng tawa sa panonood nito imbes na matakot kasi ang kulit lang ng scenarios at eksena! ahahaah. 

Para siyang yung bulong pero hindi. Hahahaha. So binigyan ko ng 9 points ang movie na to. Bagay sa mga depres-depresang like me.

Sa mga downloaders, download na at sa mga dvd adiktus, bili na sa suking pirata.

O cia, hanggang dito na lang muna!