Thursday, February 28, 2013

Cute Pokemon

Nakita ko lamang ito sa web pero naaliw ako sa ka-cutan ng mga pokemon. :D Yung mga baby pokemon na nagdadamit ng final evolution nila. :D

 Pikachu

 Totodile

 Squirtle

 Bulbasaur

 Chikorita

 Charmander




Cyndaquil

O cia, hanggang dito na lang muna. Gotta Catch 'em all!!! TC!

Wednesday, February 27, 2013

O-o-o...O-o-o... Ocean Park- Manila!

"Well I can't tell you where I'm going, I'm not sure of where I've been; 
But I know I must keep travelin' till my road comes to an end"- Travellin' Thru

Isa akong tao na mahiyain at medyo matatakutin. Madaming wino-worry at madaming inaalala at iniisip. And since may plano akong mag-solo travel by August sa Cebu at another solo travel within this year papuntang Ilocos, kailangan kong matanggal ang kaba at agam-agam sa pagbyahe mag-isa.

So last Feb. 15, right after ng balentayms day, nagpasya akong magpractice ng slight sa pagiging lone traveller. At ang destination ko.... ay ang Manila OceanPark.

I know, baka may mga folks na mapapataas kilay isama mo pa ng roll ng eyeballs dahil sa place na pinuntahan ko. Well, sensya... tao lungs. Ako na ang taga-manila na di pa nakakapamasyal doon at kinabog pa ako ng mga estudyanteng nakapag-fieldtrip na doon.

So na-print ko na yung Metrodeal voucher na nabili ko for Oceanpark at lumipad na ako papuntang manila. Joke. Syempre, di na kailangan mag-airplane papunta. MRT-LRT combo plus lakad lang ay nakadating din ako. Salamuch sa google at nalaman ko ang gagawin. (MRT papuntang Taft, LRT papuntang UN Ave. tas lakad mode). Salamat din sa good samaritan sa kalsada na sumasagot sa tanong kung pano ako makakadating sa Oceanpark.


Pagdating doon sa place, inabot ko yung voucher at pinalitan ng ticket. Mabait din yung babae sa booth kasi nilagay ang time ng mga shows at sinuggest ang unang puntahan at ininform ako kung ano yung mga pedeng puntahan anytime.


First stop...
Sea Lion Show

Dito ay ipinakita sa madlang pipol ang dalawa sa trained Sea Lions na may namesung na Isabel at Vincent. Dito ay nagpakitang-gilas sila sa kanilang skills and intellect. Dito ko natutunan na magkaiba ang Sea Lions sa Seals.... hahaha. Akala ko kasi shinortcut lang at pinaikli ang name kaya naging seals. Good start at okay panoorin.

 Minamanyak ni Isabel yung trainer nya!

 Parang Sea Lion pose din yung lalaki... lols

Pinopormahan naman ni Vincent yung chikas!

2nd Stop...
Penguin Talk Show

Eto naman ay isang parang digital puppetry show for kiddos kung saan nagbibigay ng info about penguins. Well, technically, i don't know. So-so lang naman to. 20 mins. lang. Kung medyo mababaws, pedeng maaliw... Pag hindi.... pedeng umalis. Hahaha. Inperness, medyo swak yung animation sa mga pinaguurat at pinagsasabi ng voice dubber. For me, too much pangbata to.

Ang mahirap picturan na penguin

3rd stop...
All Star Bird Show

Eto ang next show featuring BIRDS! hahaha. Wooopppsss.... Hindi ito yung birds na may curly black feathers at nandudura ng white sticky icky thingy! hahaha. As in birds na nasa lahi ng mga parrots ang tinutukoy ko. Well, dito nagpamalas ng galing ang mga tamed birds na may brains din sila. (so-so show, okay lang saka anhirap kumuha ng pic kasi medyo may kaliitan ang birds at gigicam lang gamit ko).



4th stop...
Oceanarium

Eto na yung place na makakakita ka ng samu't-saring fishies! From mga gigantic isda na mukang aruwana to mga parang anchovies size fishes. Meron ding Sea Horse at si Nemo. Andyan din ang underwater tunnel kung saan kita mo yung mga Sting rays at sharkies. Meron ka din makikitang folks na nagtry yung Oceanaut.





5th Stop...
Trails to Antartica

Dito ay may hallway exhibit about antartica, tapos andun yung ice slide (kaso may bayads ata kung gusto mo matry). Andun din yung parang aquarium na may mga penguins. Medyo unclear na yung glass case kaya medyo malabo sa part na makikita mo yung nagswiswimming na penguin. Saka ambilis nila lumangoy, anhiraps picturan. Dito din yung Snow village na pasusuotin ka ng Jacket. Don't worry, mabango ang jackets, hindi amoy putok or whatsoever from other users. hahaha.




6th stop..
Jellies Exhibit

Hindi po ako yung nakadisplay... mga Jellifish. Tama. Yung mga hinuhuli-huli nila Patrick at Spongebob sa Bikini Bottom ang makikita sa place na to. Medyo so-so lang kasi parang room lang na may samut-saring translucent thingies na nakakaabsorb ng lightings kaya okay din tignan. Maliit lang ang room pero madaming mirrors to look big.


Extra....
Sa Ocean Park din pala yung SeriLand.... Wala lungs. Nagpicture lang sa labas nun. tapos sandamukal ang mga cutie stuffed animals na binebenta. Meron din palang Ghost House at yung 4D ride... pero syemps, extra bayads na gagawin kung gustong itry.




Hindi na ako nakapagstay para sa isa pang show which is the Musical Fountain show kasi 7pm ang start nun e kailangan kong dumaan sa Quiaps para bumili ng porn este ng possible outfit para sa isang office gathering na Sailor/ Nautical ang outfit/peg.

 Pic bago lumayas ng OceanPark

SideTrip..
Rizal Park

Papuntang Quiaps, napadaan ako sa Rizal Park. So while naglalakad-lakad pabalik LRT station, nagawa kong dumaan at mag-enjoy sa mga tanawin ng mga taong naglalaro, nagpipicnic at nag-iistroll sa Rizal Park. 


At dito na nagtatapos ang wento-wentuhan ko about sa mini adventure ko papuntang Oceanpark. :D

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Wacky Wednesday to all!

Tuesday, February 26, 2013

Random lungs

Hey! Howdy yoh! Kamusta ang weekends at first day nio? Okay naman ba? Goodjob. Heniway, no specific topic for today kaya naman magrarandom lang.


1. LSS sa Pusong bato. Nyetakels. May kasama ako sa haus this week kasi umuwi ng bicol ang aking pudrakels at takot mag-isa ang mudraks kaya kasama ko sya sa bahay. Ayun... nanood ng TV at yung show ni Choco Martin ang palabas. Tengeneng Pusong bato..... Di ako tinatantanan.

2. Sa Ina, Anak, Kapatid naman..... muntanga si Margaux... Like hello..... anyaman naman nila.... kailangan pang mag-inarte porket may kahati na sya. Patitik! Ipagpapalit ang rangya at kasaganahan? Tapos aakyat ng baguio para magpanagbenga???? Sarap kurutin sa fallopian tube!

3. Mineet ko yung mga HS friends ko last friday dahil may surprise 3rd year anniv. yung jowawits ng kaklase namin. At nakakatuwang marinig yung katagang "PUMAYAT KA!" at "AMPAYAT MO!" Wew!!! Naluha ako sa loob ng aking sarili. hahahaha.

4. Though kahit medyo namayat na ako.... Badtrip ang BILBIL! Ayaw makisama! Yung eksenang lumuluwang na ang mga size 38 pants ko pero may moments na muka padin akong suman sa ilan sa mga tshirts ko. Ewan ko ba.... Yung tyan ko, tabachingching padins.

5. Matatapos na ang February... Sana matapos na din ang katamaran ko.... eto ang buwan na di ako productive at active sa pagblog. 

6. Kahapon, nagdecide akong bilan ang sarili ko ng running shoes. Hahaha. Medyo na-inspire ako ng slight dun sa Thai film na napanood ko kaya medyo may balak-balak na din me na tumakbo-takbo. :p

7. Sana ang pera ay lumalabas sa pagpapawis.... Mageexercise ako ng todo para pumayat at magkapera :p

Hanggang dito na lang muna..... Medyo busy na sa calls. TC folks!

Saturday, February 23, 2013

Seven Something

Dumating nanaman ang araw ng aking pahinga. At biglang umuulans. Syeemps, tamad na gumala atsaka wala akong shoesy na pwedeng sumugod sa ulans kaya naman sa bahay na lang ako tumambay. Aside sa paglalaro ng Naruto-arena atsaka ng Marvel Avengers Alliance, nagdecide na lamang akong manood ng peliks.....

Porno sana kaso wala akong ganung DVD (oo, wala, pramis!). So nagsalang ako ng dvd na nabili ko sa quiaps last week. Sablay yung isa, tangena. So pili ulit. At sakto naman na gumana. akala ko patitik na disc error nanaman ang makukuha ko. \

At dito ko na isisingit at sasabihin ang title ng peliks........ surprise!!! Hahaha. Obvious naman sa title ng post diba, "Seven Something". Ang pelikulang ito ay from Thailand. Yep. Thai movie for today.


Hondaming tao sa picture sa itaas diba? Well, wag kayong mag-alala. Hindi naman complicated ang wento. Ito ay dahil ang movie ay divided into 3 parts. Parang shake-rattle&roll ang peg. May taklong storya.


Ang unang story ay tungkol sa teenie boppers. Si boy ay masyadong bibo sa online shenanigans. May twitter, FB, instagram at youtube at anik-anik. It started ng maging jowawits nia yung girl. So pampam ever at pa-cute si boy at may pagka-fame whore ang peg. Bawat kibo't utot naka-announce. Ang mga date nila ni girl ay captured via video at ni-uupload pa sa youtube. Ang problema.... adiktus na masyado si boy. Feel ni gurl ay naba-bypass na ang privacy nia. ganyan.


Ang second story ay tungkol sa artista turned lovers. Pero unfortunately, nagkaroon sila ng break-up at nag-away pa. Lumipas ang 7 years, bumalik si girlay at nakikipag-reconcile sa ex-jowa nia na medyo nawala na ng shape at di na hunkydudels. Nagrerequest si girl na mag-partner muli sila dahil medyo laosian deep na ang career ni girl. Sa pagkikitang muli ng dalawa, maibabalik kaya ang dating pinagsamahan?


Third story ay tungkol naman sa isang girlay na lagpas na sa teen at early adulthood na nabangga ng isang medyo bata pang guy na isang runner. Dito ay mukang iiintroduce ni guy si girl sa pagtakbo-takbo. Naging okay naman at naging ganado si girl sa pag-run kaso..... Nahuhulog na ata sya kay guy. Pero.... hindi lang ang mala-May-december thinggy ang problema. It turns out na si girl ay widowed. Ibig sabihin, namatayan sya ng asawa. So, kaya na ba niyang bumitaw sa past at handang mag-PBB teens?


Score........ hindi seven something... kundi eight something..... mga 8.9 :D 

Nagustuhan ko yung flow ng wento. Medyo naaakma sa generation ngayon yung wento sa first film. Gusto ko naman yung settings ng film 2, yung eksena sa oceanpark nila. Ayos din yung story ng 2nd. At nadala ako  sa wents ng 3rd part. Na-inspire din ako ng slight tas napaisip ako... parang gusto ko ding tumakbo like the bida. hahahahah.

O heto trailer:


I recommend the film. Light lang at di heavy-heavy drama at may something na medyo mahirap ma-explain. Must be the rain that adds more touch with movie. hahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Friday, February 22, 2013

Para sa Hopeless Romantic

TGIF! O ha, palapit na ang restday sa ilan sa inyo. Pero mauuna na akong magpahinga at magchill-chill kasi restday ko na sa araw na ito. Medyo makulimlim ang kalangitan kaya mukang tambay sa bahay muna.

Last week, kasabay ng pagbili ko ng libro ni Papa Jack, hinunt ko yung 2nd book na nakita ko noon sa Powerbook Greenbelt. Wala sa Bestseller sa Galleria kaya fly ako sa Megamall. Buti meron pang stock. Aun. Nakakuha din.

So for today, heto ang featured book....... "Para sa Hopeless Romantic".


Ito ay magsisimula sa wento ni boylet1. Nagkaroon sya ng pagtingin sa kanyang kaklase sa college na si Maria. Pero nachochorpe sya. Kung kelan nagkaroon sya ng guts na ipagtapat ang saloobin niya... saka pa sya naaksidente.

Wooops... hindi dyan magtatapos ang wento. Dahil ang totoo nian, ang story ni Maria at ni Boylet1 ay isang story na gawa ni Becca (hindi yung Becca ng PitchPerfect). Si Becca kasi ay iniwan ng kanyang boypren at di maka-move-on kaya naman ang story na ginagawa ay tragic. Walang happy ending.

Pero magbabago iyon dahil sa kanyang kausap via chair vandal. May nakakausap syang boy mula sa pinagsusulat niya sa upuan. Parang nagkakaroon ng new hope. Pero paano kung biglang eeksena ulit ang ex. At it turns out, mahal nia pa din ito kahit di niya aminin.

Meron nga ba talagang destiny? Merong second chances? Meron bang tadhana at kapalaran? Ito ay malalaman sa wento.

Score: 9. Maganda ang klase ng narration at pagbuo ng istorya. Hindi gaanong magulo ang flashback-present-flashback scenes at mahusay ang pagkakatumbok ng kwento. Magaling ang pagbuo ng concept at pasok na pasok at check na check ang story.

Sa halagang 150 petot, sulit ang pera sa mababasa. Maganda din ang quality ng papel na ginamit pati ang front cover. :D

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care! magdala ng payong kasi umuulans na!

Thursday, February 21, 2013

Playstation Memories


Hey! How are you? I'm payn, tengchu! Habang nakaupo sa harap ng monitor dits sa opisina, napasilips me sa chwirrer at may isang bagay na pumukaw sa aking atensyon. Ito ay ang Trending Topic na #playstationmemories.

Siguro marahil dahil magkakaroon na daw ng PS4... Playstation 4! maygas! I'm so oldie! PS1 lang ata nalaro ko. Nyahahaah. Putragis... DUmating ang PS2 at PS3 pero never ako nakahawak at nakalaro ng games doon. Such a sucker right?!

Ang tanging memorya ko lamang ay ang mga nakalipas at nakaraan na mahirap balikan... me ganun? Nagmomoment? Tutulo na ang luha sa left eye tapos sasandal sa pader at dadausdos paupo sabay luha naman sa right eye then focus ang camera sa mata.


Di ko na matandaan kung anong circa noong 1990's nagsimula ang Playstation. Pero usong-uso to at talaga namang mabenta sa mga kids at mga teens. Eto yung may mga TV na colored tas may nakakabit na gaming console tapos mamimili ka ng sari-saring games na either naka-photo album ang title cover ng games or nakapaskil sa walls yung name ng games. 

Eto yung mga time na mamimili ka ng mga games kung RPG, action, and stuff. Pedeng single player lang or dalawa kayo.

Dahil hindi pinanganak na richie at may pamaypay na malulutong na perang papel, kailangan ko noon magtipid kapag papasok sa school at kailangang mang-vulture ng pagkain ng iba para lang may maipon na pera upang makalaro pag-uwian na. Kapag sabado or linggo naman, manghihingi ng pera sa magulang para mayroong panglaro.

Funny and so adiktus mode kase noon, kahit maaga pa lang, mga 7 or 8am, kahit di pa nag-aalmusal at nakakaligo ay naka-ready na para maglakad palabas ng subdivision at pumunta sa may rental ng PS upang makalaro. Andun pa yung time na nakasalampak sa daan at abangers hanggang dumating yung owner ng shop. Nakakahiya man pero nagawa ko yun. 

Di baleng gumastos at magwaldas ng salapi during that time... Ang mahalaga makalaro at mabusog ang mata sa mga laro na kapanapanabiks at kaabang-abangs. Heto ang ilan sa mga nalaro ko.



Wierd pa, kahit wala akong sariling playstation, may time na bumili ako ng sariling disc ng game (don't worry, yung pirated version lang sa mall yung binili ko). May time kasi na yung lalaruin ko ay nilalaro na ng iba. Kaasar much. So ayun, dapat may sariling copy. :p

Ano ba yan.... nakakasad magbalik tanaw sa nakalipas... hahahah.Or bitter lang ako kasi never ako nagkaroong ng PS1. 

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Wednesday, February 20, 2013

Si Ded!

Sinong nagsabi na pang magjowangers lang ang balentayms? Nah-a-Ah! Pede din yun sa mga singol like me! At kahit singol man ako, naging okay naman ang balentayms ko.

Naiwents ko noong isang beses ang kaganapan noong balentayms. Yup, yung may pabingo chever sa opis at ang prize is a big bear. 

Kanina, pagbalik ko sa opis, nakita ko na pede na pala i-claim yung bear na napanalunans. So kinuha ko na ang premyow ko. Medyo may kaliitan sya ng konti kasi mas malaki yung pinamimigay noong actual date kaso nga lungs, naubos agads. So medyo pasok sa category na medium yung bear.

So meet my dark brown teddy bear.... DED! Ang pinsang buo ni TED. hahahaha.


Medyo may pagka-cam whore din ng slight tong si Ded kaya heto ang kanyang mga shots together with some stuffies sa bahay. :p

 Sinuot pa yung Oceanpark shark cap

 Oso at Aso

 With the A Beary Special Love cast!

 Ice cream!

In the navy! 

Inagawan pa ako ng kama!

Sa pagdating ni Ded, hindi na ako solo sa condo. hahahah. May kasama na me. :D

O cia, hanggang dito na lungs muna! Take care folks!

Tuesday, February 19, 2013

Sex of Magic

Heyoh! How's life? Okay pa naman ba? Good! Kung hindi, like what i'm currently experiencing.... well, better luck next time sabi ng iba. Chumorow iz anader dey! Okay lang ang makaranas ng kabiguan, kalungkutan, kamalasan at iba pa. Ang mahalaga ay magmomove-on tayo at matututo sa kamalian.

For today, let me share a movie na napanood ko last week pero ngayon lang ako nagkaroon ng time na magsulat. Yung moment na ngayon ka lang nagkakaroon ng gana na magsulat dahil medyo umookay ka na. 

Ang pelikula for today ay mula sa bansang Korea. Yep. Korean film ito, hindi Taiwan or Indian or Chinese. Gusto ko lang iemphasize na Korean. lols. Tile: "Sex of Magic".


Ang pelikula ay magfofocus sa isang boylet na merong fiancee. Ikakasal na sana sya. Kaso.... mayroong aberya. Yung juwanger-z niya na girlay.... medyo di satisfied.... Di masaya si gerlay sa kanyang SEXLIFE! Oo, tama ang basa ninyo.... mababa ang rating ni girl sa pag-kembular sa kanya ni boylet.

So humingi ng lifeline si boylet sa kanyang friend. Humingi si boylet ng advice from different SEX-GURU kuno pero amportyunetly gago yung friend nia, nanggagantso lungs, parang nipeperahan lang sya at nanggogoyo lungs.

Naka-strike-3 si boylet at hindi niya nasatisfy si girlay. Ayun.... hiwalay ang puti sa de-color. Break-up ang naganap. Devastated at wasak na wasak ang puso ni nastymac.... Stupid! 

Napadpad si boylet somewhere na parang templo at doon may nakilala siyang magtuturo sa kanya to give that BIG Ohhhhh sa kanyang girl.

Dito siya ay nagtraining ng kung anik-anik para sa mga kembyular at eskabeche tekniks! Merong stamina building at mga sex drive chubachuchus.

Ang ending???? hahahaahahah... shekret! Di ko sasabihin! Kelangang mambitins! Bwahahaha.

Score: 9!

Wow! 9???? Sigurado???? Oo, sapat ang 9 sa score.

Kahit medyo luma ng slight ang film dahil circa 2002 pa (based from my research), okay yung flow ng story. May funny factor at may //(.)(.)\\ ( . ) ( . ) (.)(.) factor. Meron ding kemutan as in madaming kembot na napakita. 

Note: ang pelikula ay di pedeng panoorin kung may bata-batuta sa bahays... Madaming boobies, butt scenes at pumping scenes na makikita. at may unggol factor kaya dyahe kung maririnig lalo na kung possibleng madinig ng kapitbahay/ kapit-unit. ;p

O sya, hanggang dito na lang muna! Tekker!

Pahabol, sa quiaps ako bumili so di ko masasagot ang katanungan kung san madodownload. hahahah.

TC!

Sunday, February 17, 2013

Everything I Need to Know About Love I Learned From Papa Jack!

Papa Jack- Yang sa famous radio DJ sa bansa. Kung hindi mo sya kilala, dalawa lang ang kasagutan, either nakatira ka sa ilalim ng bato na walang radyo or masyado kang conyo na nasa altasasyudad  at mga bollywood folks lang ang kilala mo.

Si Papa Jack ay kilala dahil sa kanyang radio program ng Love Radio kung saan nagbibigay sya ng mga love advice atsaka nakikipag usaps sya sa mga callers na magcoconfess ng kanilang kembot sessions ganyan.

ngayons, mukang hindi lamang on air ang pagbibigay love advice ni Papa Jack.... aba... may libro na din sya! 


Kahapon ko unang nakita etong libro sa Powerbooks pero kanina ko lang sya nabili. And para bonus pa, may book signing pa kanina at napirmahan yung kopya ko. hahaha. 

Ang libro ay may mga quotable quotes para sa mga single, inlababo, problemado sa relasyones at mga laslasbigting mga tao na brokenhearted ganyan.

Score: 9.2! Taas. Bukod saayos ang contents at quotes, ayos din sa akin yung mga illustrations na kasama sa loob. Alam mo yung nagbabasa ka ng book na hindi boring at nakaka-entice magpatuloy sa pagbuklat.

Sample:

-When we fall in love, we see more than flowers, laging may butterflies

-Have faith sa relasyon ninyo na kahit wala kang makitang daan. Blindly you will go on, because true love comes in faith.

Compared to Ramon bautista's book, maganda din for me yung quality ng paper na ginamit for publishing saka oks ang design. Isama mo na ang presyong abot kaya na 143 (i-love-you price???)

Bakit hindi mas mataas ang score kung nagustuhan ko naman? E pano yung nagpakuha ako ng picture, yung babaeng kumuha ng shot mali ang pwesto, nagmuka akong super duper balyenang katabi si Papa jack. Hahahah. 

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Inscrutable


Kamustasa? Happy Weekend muna sa inyong lahats! Hope you're all doing good! Since marami sa inyo ang naka-pahinga mode sa araw na ito, relak-relak lang at stay happy. 

May mga bagay na dumarating na di mo maipaliwanag. Alam mo yung Suddenly Moments.... uu... yung bigla ka na lang gugulatin ng pagkakataon tapos hindi ka prepared tapos poof.... Coco crunch.

Medyo madaming kaganapan at anik-anik na pinagdaanan kaya medyo tahimik ang bloghouse ko. Wala namang major-major thigy pero i don't know... anhirap i-explain.... pero try ko iwento... pampagaan na din ng loob.

1. Di ako masyarong apekted sa padating na balentayms. Keri lang na singleness me kasi sanay na din naman. Pero syemps, medyo me halong konting bitterness..... mga 3%.

2. Ang pamumuhay ng medyo independent ay may goodside at bad. Pero medyo tinamaan ako ng badside. Yung moment na feeling mo your alone. Yung eksenang kung wala kang internet sa bahay or dvd na binibili or games na nilalaro ay medyo nabuang ka na.

3. Nerf side ng going solo ay kailangan mo kumilos mag-isa. Yung maglalaba ka ng damit mo, kailangan mo maglinis ng slight ganyan. Then kailangan mo pagluto/ipagprito sarili mo ng makakain kahit walang rice. Medyo hassleness.

4. At ang isa pang side effect ng pag-iisa.... madedepress ka. Yep. I don't know pero may gut feeling ako na nadepress ako last week kaya naman dumating yung point na nag-deactivate ako ng twitter ko tapos dinelete ko tong blog ko.

5. Pero after that depression, it's good to know na may mga kakilala ka na napansin yung slight absence mo. Hahahah. Medyo nakakagaan ng loob na somehow, may mga tao pa na nakaka-notice.

6. Yung okay ka na ng slight pero bigla nanamang may news ka na mababalitaan, yung isa sa ka-team ko noon na medyo ka-close ko din ay nagresign. Yung nabawasan ka nanaman ng kakilala sa work environment.

7. Tapos may time na naalala ka lang ng isang kamag-anak kasi manghihiram sana ng moolah to buy a gadget. Yung eksena na di naman kayo naging super-duper-close. Okay lang din sana magpahiram kaso malaki yung amount. E di naman me rich saka kung sarili ko nga di ko mabilan ng new gadget kasi hesitant ako gumastos.

8. Yung sumapit ang balentayms day na kinarir ko yung pakulo sa opisina. Valentine Bingo. May eksenang sumasagot sa movie trivia para matatakan yung card. Merong nag-minute to win it challenge. Yung nag-jump-rope para makumpleto ang task. Yung na-over-lunch at sagad at wagas mag-aux-CR para matatakan ang 25 slots sa bingo card. A-for-Effort!

9. Di pa doon nagtatapos, nag-antay pa ng 2 hours at nagpila-balde pa para to claim the major prize na big teddy bear. Pero worth it naman. Atlist tanggal ang 50% ng negativity sa katawan at pasok sa jar at makakakuha ng bear.... kaso next week pa makukuha kasi naubos na. lols.

10. After all the shenanigans na nangyari for the past days.... naisipan kong mag baby steps towards solo travel. At ang unang destinasyon ko.... Manila Ocean park. Ang hantagal ko ng nipapangarap na puntahan, nadating ko din. Masasabi ko na na hindi na lamang ang mga kindergarten sa akin. Hahaha. Star City... ikaw na ang next target. lols.

11. Tapos sa opis, may upcoming meeting within our department at merong costume thingy. Noong unang mga teaser posters nila, sabi Nautical/sailor costume... So nakapag-isip na ako ng game plan ko ng susuotin. Sailor-sailoran (not sailormoon btw!). 

12. Even bought sailorhat/sailorcap kasi kailangan daw ang team parang may uniform. So my team leader asked if pede ibilan yung mga kasama. So why not.... pero at the event.... alam mo yung feeling na yung suggestion mo ay medyo na-okray-okray and even questioned the item if pang sailor talaga and even joked na pang muslim yung cap.

13. And a little annoying, suddenly, mga days before the actual event, biglang nag-release pala ang commitee na pirate thingy din ay pasok sa theme. E di... like watdahel... Oo, may halong kapaitan kase..... mas madali ng slight ang pirate thingy compared sa paghahagilap ng pang sailor chuva... Sana hindi na lang yun yung pinag-isipan ko. E bandana lungs and stuff and eye patch and things e keri na pala. 

 14. Di ko na pinansin much ang BV na nadarama kasi nanalo naman ang team namin for some award internally. Salamat sa tulong ng mga performer sa team at somehow nakasama me sa team na nanalo. Inferview to them na kinarir ang pagiging uliran sa stats/grade.

15. And another shocking news ang nabalitaan ko.... yung isang manager na mabait dito sa opis ay nagresign na din. Yung nakakasad kasi mabait yung manager na yun at nangangamusta pa at nakikipag-small talk pa to others at very down to earth..... 

16. Right after the morning event at konting tulog, lipad naman me sa bandang Makati to meet blogger/twitter friend Archievener na nagbabakasyon here sa pinas. Before meeting them, at dahil nahihiya me ng 101% e pumasok muna ako sa powerbooks at may nakita akong 2 new libro. Gusto ko sana bilhin kaso nahihiya me kasi wala akong bag na pagtataguan ng bibilhin ko.

17. First time meeting bloggers like Xprosaic at Archievener. Andun din sila Bino at sir Mar. Dumating din si Sir John/Kumagcow and Pusangkalye/Anton. Met new folks like Levi (hope i got the name right and right spelling) and Ryno (based from twitter handlename). Sumunod din si Theo and AXL.

18. At inatake nanaman ng pagiging socially awkward penguin at tahimik nanaman. I know. Di na ako nakaalis sa pagiging wallflower at mahiyain much. 

19. Buti at nakayanan kong hindi magtawag ng uwak kagabi kahit na medyo umaangats yung nikain ko. Hahahaha. Nakayanang i-mind-over-matter na hindi ako bloated at napasobra ng kain. Sarap ng food so nakakapanghinayang kung iduduwal ko langs. Sayang ang libre.

20. At late ako sa opis today. Hope walang higher ups sa opis ang nagbabasa ng blog ko. Hahahah. Napasarap tulog ko dahil sa pagods at konting tulog. Tapos walang naghihilik sa sleeping quarters and sakto ang lamig at madilim ang room kaya naman... 3 hours akong late kahit na technically ay nasa opis na ako.

Wow! 20 random thingies! Di ko na sinama yung mga tv shows na kokomentan ko hahaha. Medyo nakakagaang na ng loob at i'm doing okay now. mga 5% na lang ang negativity sa katawan na sa tingin ko mawawala na din eventually.

Hanggang dito na lang muna! Take Care folks and always be happy! Enjoy the day! Smile!

Friday, February 15, 2013

_______/v\__________/\