Tuesday, February 26, 2013

Random lungs

Hey! Howdy yoh! Kamusta ang weekends at first day nio? Okay naman ba? Goodjob. Heniway, no specific topic for today kaya naman magrarandom lang.


1. LSS sa Pusong bato. Nyetakels. May kasama ako sa haus this week kasi umuwi ng bicol ang aking pudrakels at takot mag-isa ang mudraks kaya kasama ko sya sa bahay. Ayun... nanood ng TV at yung show ni Choco Martin ang palabas. Tengeneng Pusong bato..... Di ako tinatantanan.

2. Sa Ina, Anak, Kapatid naman..... muntanga si Margaux... Like hello..... anyaman naman nila.... kailangan pang mag-inarte porket may kahati na sya. Patitik! Ipagpapalit ang rangya at kasaganahan? Tapos aakyat ng baguio para magpanagbenga???? Sarap kurutin sa fallopian tube!

3. Mineet ko yung mga HS friends ko last friday dahil may surprise 3rd year anniv. yung jowawits ng kaklase namin. At nakakatuwang marinig yung katagang "PUMAYAT KA!" at "AMPAYAT MO!" Wew!!! Naluha ako sa loob ng aking sarili. hahahaha.

4. Though kahit medyo namayat na ako.... Badtrip ang BILBIL! Ayaw makisama! Yung eksenang lumuluwang na ang mga size 38 pants ko pero may moments na muka padin akong suman sa ilan sa mga tshirts ko. Ewan ko ba.... Yung tyan ko, tabachingching padins.

5. Matatapos na ang February... Sana matapos na din ang katamaran ko.... eto ang buwan na di ako productive at active sa pagblog. 

6. Kahapon, nagdecide akong bilan ang sarili ko ng running shoes. Hahaha. Medyo na-inspire ako ng slight dun sa Thai film na napanood ko kaya medyo may balak-balak na din me na tumakbo-takbo. :p

7. Sana ang pera ay lumalabas sa pagpapawis.... Mageexercise ako ng todo para pumayat at magkapera :p

Hanggang dito na lang muna..... Medyo busy na sa calls. TC folks!

7 comments:

  1. Kung pwede lang maging pera yung fats, matagal ng mayaman yung kuya ko.hahaha.

    Try mo mag-join ng grupo ng tao na hilig mag exercise, mamomotivate ka talaga

    ReplyDelete
  2. hehehehe.... gusto ko talaga mga random mo... balitaan mo ako pag pumayat ka na ng todo ha...

    ReplyDelete
  3. Di ko pa naririnig yung pusong bato hmmm mahanap nga yan..
    relate ako dun sa bilbil thing kainis sobra ait anong effort mo magpapayat kung maka agaw eksena wagasssss

    pag pera ang lumalabas sa pagpapapawis ... sasama ako ng bongang bonga :)

    I like your blog ng sobrang giant lagi ako napapangiti :)

    ReplyDelete
  4. Kaloka nga yang si Margaux, ang daming arte! Kung ako yun, deadma na, tutal love at mayaman naman sila. Haha sineryoso talaga no? :)

    Ok lang yang bilbil, parang sya ata talaga last na mawawala. Konting push na lang yan! Go sa pagtakbo! Balatuan mo ako pag pera ang pinawis mo ha :)

    ReplyDelete
  5. Nanunuod din ako ng Ina, Kapatid, Anak at mukang tanga nga ni Margaux. Ewan, kung ano man ang drama niya eh nakakainis. Ambait ni Celine eh, tapos anyaman na rin nila pareho, ano pa ang gusto niya?

    Mas maige ng kinanta ni Jovit yung Pusong Bato, mas katanggap tanggap na medyo sakin :D

    ReplyDelete
  6. natawa namn ako sa pag kurut sa fallopian tube! haha


    naku inevitable yang pusong bato kahit ako minsan ee nagugulat na lang at nkikisabay na haha

    wow way to go parekoy next nyan abs na hahhaha

    sana lang para ganahan ako mag papawis

    ReplyDelete
  7. naiimagine ko yung feeling mo nung sinabi sayo na pumayat ka na.. relate ako eh haha.. dami ko lang tawa sa number 2! ;)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???