Showing posts with label pokemon. Show all posts
Showing posts with label pokemon. Show all posts

Monday, March 16, 2020

Happy Lemon: Pokemon Reusable Cups


Around 2nd week ng January last month, nagrelease ang Happy Lemon ng kinda collab with Pokemon and they will release Pokemon Reusable Cups.

Thus, for the past month, every 3-4 days ay nagpupunta ako sa Megamall (kung saan may Happy Lemon) at ako ay napapabili ng kanilang Milk Tea.

And so for this post, share ko lang ang 9 Reusable cups na nirelease sa public.

Pictures are in order ng reveal/release.

 Pikachu

 Squirtle

 Charmander

 Bulbasaur

 Mew

 Eevee

 Jigglypuff

Snorlax

Mewtwo

Sa 9 na design, Si Pikachu and Snorlax ang para sa akin ay sablay in terms of design. Medj wierd ang look ni Pikachu tapos si Snorlax naman ay pure dark greenish na color na hindi mo sha marecognize from a distance. Parang mapapa-who's dat pokemon ka.

Tapos is mewtwo naman medyo off kasi sya lang ang design na squareish.

Mukang di ito napublish so ngayon lang mapopost.

Thursday, February 28, 2013

Cute Pokemon

Nakita ko lamang ito sa web pero naaliw ako sa ka-cutan ng mga pokemon. :D Yung mga baby pokemon na nagdadamit ng final evolution nila. :D

 Pikachu

 Totodile

 Squirtle

 Bulbasaur

 Chikorita

 Charmander




Cyndaquil

O cia, hanggang dito na lang muna. Gotta Catch 'em all!!! TC!

Sunday, February 3, 2013

Upcoming Pokemon!

Hey! Nsa bakasyones ako sa mga oras na ito pero merong scheduled post para naman magkaroon ng buhay ang bloghouse at hindi tuluyang sumadsad sa 0 ang visitors ko. hahahaha.

For today, nais ko lang ibida ang upcoming pokemon na lalabas midyear ng 2013. Ito ay ang Pokemon X at Pokemon Y! Naku, parang algebra lang... may X at Y! Para ding biology... parang X and Y chromosomes.






At heto ang 3 starter pokemon....


Di ko alam....... parang........ hahahah. AYoko muna magcomment hanggang hindi ko pa nakikita yung evolutions.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!!!!

Monday, October 8, 2012

PokeRanger!

Nagtutumblr hop ako kani-kanina at napadpad ako sa mga larawan ng pokemon na kinombo sa power rangers. Hehehehe. Eto, share ko lungs.







O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care coz i Care! Ansabeh? :p

Monday, September 10, 2012

Ang Pokemon

Warraps, yo yo yo! Parang rapper lang ang peg?! Well, anyway, kamusta naman kayo mga madlang people? Hopefully ay okay sa olrayt naman ang inyong unang araw ng linggo.

Sa mga nagtaka dun sa random post ko last time kung bakit sumulpot si Charmander, well, heto ang kasagutan sa inyong inquiries. Kasi ang post for today ay tungkol sa poke ng lahat.... ang Pokemon.

Pokemon, noong una kong narinig ito noong ako ay nasa 1st year high school, nagtaka ako... ano Puks? Puks nino? Puks mo? Kaya Pokemon? Well, umandar lang naman ang green brain. 

Before pa man ipalabas ito sa PH tv noon, na-encounter ko ang cartoon na ito noong may umalis akong kaklase kasi lilipad na sya to US. At ang nirequest or binigay na farewell gift sa kanya ay Pokemon cards. So doon ko unang narinig ito.



So ano ba ang Pokemon? Ito ay pinaikling Pocket Monster. Syemps, parang chwirrer lang at text, limited ang space kaya nagtatanggal ng letters. Ayan, nabuo ang Pokemon.

Pocus tayo sa tv anime na Pokemon. So ang Pokemon ay isang palabas na ipinalabas at lumabas sa telebisyon noong 1999. Wow, pasok pa ba to sa kategoryang 90's?


Ang palabs ay tungkol sa PBB teen bagitow na may pangalang Ash Ketchup Ketchum. Si Ash ay galing sa kanyang hometown name Panget este Pallet Town. Dito magsisimula ang kanyang paglalandi paglalakbay from one place to another upang mag-amok at maghamon ng away este ng laban ng mga puks este pokemon.


Sa simula ng show, may taklong option na starter pokemon ang pagpipilian ni Ash. Andyan ang grass-type na si VulvaBulbasaur. Meron din ang water-type na si Squirtle at ang Fire-type na si Charmander. Pero dahil may balat sa tumbong este pwet si Ash, nakuha na ang starter puks at binigyan sya ng dilaw na dagang kosta na may namesung na Pukechu Pikachu.

Kahit na sa una ay di nagkasundo ang trainer at ang kanyang puks, eventually, they learned to trust each other. At during the journey ni Ash, makakasama niya ang dalawang friendship/ fuck buddies na sina Brock at Misty.


And thus magsisimula na ang kung anik-anik na pagbyahe/lakbay/trip/ ng bida at madami pa siyang makikitang pukspokemon. Iba-ibang laki, hugis, mabuhok, pinkish, kumikinang and stuff like that. Hahaha.

Syempre, sa paglalakbays, kelangan may kontrabids sa show kaya naman eenter dito ang trio tagapagpayo (face to face?) este Evil Trio. Eenter the dragon sila Jesse, James at ang nagsasalitang puks na si Meowth.Sila ang adiktus na laging trip nakawin ang tengeneng si Pikachu.


At syemps, makikilala nio ang mga common folks like si Professor Oak, ang mudrakels ni Ash, Officer Jenny at si Nurse Joy.


 Other details about the show.

-150 Pokemon pa lang ang pinapakilala noon. Medyo madali pa silang kilalanin. 

-Merong tinatawag na Gym. Pero hindi ito yung tinatambayan ng sinasabing mga uhaw sa kembot at kembang. Ang Gym ay kung saan nakikipag laban ng pokemon against Gym Leaders. 

-Ang mga namesung ng mga bayan na pinasyalan ni Ash ay hango sa mga kulay. Veridian, Pewter, Cerulean, Vermillion, Lavender, Celadon, Fuschia (pedeng pink na lungs?), Saffron at Cinnabar.


-Nakumplets ni Ash ang starter pokemons during the journey. Nagkaroon sya ng Bulbasaur, Squirtle at Charmander.


Isa ang pokemon series na to ang isa sa naging fave ko na cartoon. Imagine, kabisado ko ang namesung ng 150 pokemon (pero hindi by order ha. tengene, hirap nun).

O cia, masyado na atang mahaba ang balik tanaw post sa past cartoon show. Take Care folks! Teker!

Friday, February 4, 2011

Happy

Minsan nagiging isip bata ako. Fine! Madalas nagiging isip bata ako. Sige na! Isip bata talaga ako. Akala ko nag-grow na ako ng konti at nagmature kasi nakaget-over na ako sa pagiging isip bata pero naknamputsa, hindi ko kinaya. Heto at child mode nanaman ako dahil kay Pikachu sa Mcdo.

Kahapon, habang ako ay nagtatake ng calls ng mga kanuto at mga porendyer, isa sa aking ka-opisina ang biglang lumapit at may dala-dalang something. Lintek! Ang something na iyon ay isang Pikachu toy mula sa Happy Meal ng Mcdonalds. Punyeta! Naririnig ko ang boses ni Pikachu na pumimipika-pika. Then biglang bumalik ang pagiging tukmol ko at nainggit ako kaya pasimple akong bumaba nung break at sinilip ang mcdo sa ibaba ng building ng opisina. Doon nagrefresh ang pagiging childish ko para makakuha ng toy ng mcdo.

Dati na akong fan ng Happy Meal. Nagsimula ito ng nagkaroon ng Happy Meal sa pinas. Natatandaan ko pa na 50 pesos per meal na may combo na burger at coke. Ang isa pa sa trademark ng happy meal noon a yang karton box ng meal. Ang toy at ang burger ay inilalagay ng mga crew sa kahon at ang mga chikiting at batabatuta ay pede nang gumala-gala sa mall bitbit ang kanilang belongings. 


Di nagtagal, nagkaroon pa ng promo ang mcdo at binaba nila ang price at naging 39 pesos ito. Doon naging fanatic at loyalista ako ng mcdo. Every week ata ay kailangang makapag-mcdo ako para bumili ng laruan. Grabe! Na-obsess ako nung bata sa mga laruan ng Mcdo. Mga may quality na toys ang mabibili at makukuha at halos everymonth ay may bagong toy na inererelease. Naging tambayan ko ang mcdo at mukang bibig ko ang happy meal. Nag-eeffort pa ako na tumawag sa parents ko para magdala o pasalubungan ako ng happy meal. Damn! I'm a happy meal freak. I can't live without happy meal. 

Nakumpleto ko to noon in 5 days

Bilang isang batang estudyante na wala namang pera pambili ay kailangang mag-ipon ng todo-todo to the highest level para makabili ng laruan. Umiistrategy pa nga ako na pupunta ako sa tita ko na ka-subdivision lang namin para mag-tutor-tutoran sa pinsan ko at in the end may times na bibigyan ako ng 50. Sakto, may pamasahe papunta at pauwi sa malapit na mall at tyak may happy meal akong makukuha. 

Heaven ang pakiramdam kapag may set akong nakukumpleto. Though wala kaming glasscabinet na nilalagyan ng mga toys para madisplay, masaya na ako na nailalagay sa open space ng bahay ang mga laruan at napaglalaruan ko at ng mga pinsan at bisita ang mga toys. 

Time goes at syempre, nadadagdagan ang edad ko. Habang lumilipas, tumataas na ulit ang presyo ng meal. jusme. Tumataas na ang price, nawala pa ang kahon, naging paper bag lang pero naging plastic bag nalang. Ang juice o ang softdrinks din ay lumiit ng lumiit. Ang toy naman ay naging chipipay at may times na boring na. Doon tumigil ang addiction. Para akong na-rehab at di na atat at sabik sa new release ng happy meal. kasabay ng pagtanda ang pagkaaliw sa ibang bagay aside sa happy meal. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Asan na ang mga laruan na kinolekta ko? Well, wala na. Kasabay ng bagyong Ondoy, inanod na sila at marahil ay nakapagpapaligaya ng ibang batang nakadampot sa 3 giant supot ng laruan. The toys gave their purpose, ang magpasaya ng bata. Marahil masaya at happy na sila sa bago nilang amo at hopefully ay mapasaya din nila ang mga bagong batang kumukupkop sa kanila.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tuesday, September 21, 2010

Pokemon Generations

Every now and then ay tila nagta-time travel ang isip ko at bigla nalang akong nagiging isip-bata. I know it sounds crazy pero wala akong magagawa kasi ganun talaga ang nangyayari. Anyway, while browsing the internet, at naghahanap ng games, natalisod ako sa site ng pokemon. Yep, napadpad ako sa website ng mga poks este pocket monster.

Sa site na aking napadpadan, muling nanumbalik ang show na ipinalabas sa GMA 7. POKEMON. gotta catch 'em all. Yan ang kinahibangan kong show nung first year high ako. Nalulong pa nga ako kasi pati ang trading card game nito ay sinubok ko din.

Actually, sa sobrang pagka-addictus ko ay binili ko sa quiapo ang series nito. So for todays post, heto ang mga larawan ng mga starter pokemons mula nung unang inilabas ito hanggang sa bagong set na inirelease sa japan.


1. First Generation- Bulbasaur, Charmander and Squirtle
Sila ang first set. Favorite ko dito ung dino na may apoy sa buntot. Napaka-cute lang talaga. :D


2. Second Generation- Chikorita, Cyndaquil and Totodile
Walang masyadong stunning sa tatlo. 


3. Third Generation- Treecko, Torchic and Mudkip
Medyo naging okay ang itsura nila. Na-cutan ako dun sa Butiking green.


4. Fourth Generation- Turtwig, Chimchar and Piplup
Medyo down ang dating ng mga pokemon. Wala akong natripan sa kanila.


5. Fifth Generation- No namers 
Ito ang mga bagong pokemon at sadly, mukang di kagandahan ang itsura ng dalawa.

Grabe, todo na pala ang pokemon, from the initial 150 pokemon ay more than 500 na ata sila. Hays, time flies.

Wednesday, June 23, 2010

Poketube!

Here's a pokemon video. Pantanggal stress lang ang entry na ito.