Wednesday, June 12, 2013

Bangkok Kung Fu

Winter is coming! Charlots! Hahahah! Tag-ulan na mga folks! At while typing this blogpost, ako ay basang-basa sa ulan. Nabasa sa lakas ng buhos ng ulan isabay pa yung hinayupaks na sasakyan na kumaskas at nagpatilamsik ng tubig sa aking pants!

Heniway, for today, ang topic sa ating bloghouse ay isang peliks na aking nipanood last restday. Bored kasi ako kaya naman nanood din ng peliks since may time.

Ang pelikula for today ay nanggaling sa bansang Thailand. Eto ay ang movie na 'Bangkok Kung Fu'.


Ang story nito ay tungkol sa 4 kiddos sa bayan ng Bangkok kung saan sila ay dinukot ng sindikato. Unfortunately, medyo badboy este super badboy yung sindikato kasi naagrabyado ang kids.

One time na nagtangkang tumakas yung kids subalit nahuli, pinarusahan sila. Yung isang bata na pinagpapanggap na shunga at inutil, ayun, pinukpok sa ulo hanggang maging mentally retard. Yung isa naman sinampal ng bongga at pinompyang sa magkabilang tenga kaya nabingi. Yung isa naman ay tinusok ng pisbol stick ang mata kaya nabulag. At ang last kid naman ay ginunting ang dila kaya parang pipi pero technically nagkaroon lang ng defect sa pananalita.

Nakaligtas yung mga kids sa tulong ng isang matandang marunong ng martial arts at sila ay kinupkop. Then, paglipas ng panahon at natuli na at mga nagsibinata na ang mga kiddo ay natuto din sila sa martial arts.

 Si Boy Bulag

 Si Boy Bingi

Si Boy Pipi

Si Boy Sinto-Sinto

Score ng pelikula, roughly 8.5..... mga 8.4321 for me. Ayos naman kasi yung plot.... Imagine, disabled folks na nabigyan ng Kung Fu fighting skills...... maganda to sa super bakbakan na pelikula.

Kaso..... ewan ko, something is off with some of the fight scenes. Di ko trip yung eksenang foreigner ang kalaban nila. Saka parang hinog sa pilit yung mga ninja na tumatambling-tambling lang na akala mo sasali lang sa showtime.

Okay lang din yung labstory thingy within the plot. Kung napansin ninyo sa unang picture, merong girlay diba? Oo, may girl sa wento. Pero hindi niya kinembot lahat ng boys. No-no-no. Heto sa baba ang labstory-hoolabaloo sa wento.


Ganto kasi yown, si Girl ay kras ni Boy Bingi. Pero si girl, may kras na iba. Ang kras niya ay si boy Pipi kasi si pipi daw ang nagbigay ng box na may jolens (hindi si jolina). Nung nagkaroon ng confrontation, napag-alaman na hindi kay boy pipi ang box pero kay boy sinto-sinto. At noong tumino na si sinto-sinto, nalaman na ang box ay galing pala kay...... Boy Bingi...... kulet ng twisty.

O hanggang dito na lang muna! At Independence day na pala! Viva la Independencia!!! :D

5 comments:

  1. madownload.sana mayron sa asian torrents hehehe

    ReplyDelete
  2. Ahaha, ang kulet ng story. Nabigyan ng kakaibang skills sa Kung Fu ang mga physically challenged na mga kiddos.

    ReplyDelete
  3. Nice ung plot ng story....pero parang expected na mag re-revenge den magiging magaling silang fighters using their disabilities....:)


    xx!

    ReplyDelete
  4. wow angas ng story ahh! inget much ako sa katawans ahh!
    si mario maurer yan diba?

    ReplyDelete
  5. char nag-aaction na pala si mario ngayun...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???