Tuesday, April 26, 2011

First Blog EB

O ha! After 10 years, mukang ngayon ko pa lamang maiwewento ang kwentong naganap way back January. O ha. San ka pa? Masyadong natabunan kaya hindi na ikwento pero tiyak na hindi nakalimutan kasi ikukuwento ko.

For today, ang aking wento ay tungkol sa aking experience sa unang pakikipagmeet with fellow bloggers.

Based sa aking journal (kunwari lang, planner lang to), it was January 28, Friday. Nakareceive ako ng text message na imemeet si Poldo na kadarating lang nung week na iyon. So kahit medyo may hiya sa katawan ay nag-pasya akong alisin ang pagdadalawang isip at pumunta sa meet up place.

MOA- eto ang lugar ng meet-up. Dahil ang tanging alam na mall ko lang ay ang Robinsons Galleria at Megamall, naligaw ako ng slight bago ko napuntahan ang Timezone (tama ba ako? hahaha. Basta Amusement center na may ktv booth). 

So there, pagdating ko, nagkakantahan na ang mga madlang pips. Mga singer talaga sila. Gifted sa pag-awit. Anyway, kailangang imention ang namesung at linksys ng mga blogger na aking nakilala during that time. So below ang pics na dinekwat ko este dinownload sa album ni Unnie. Ei, makikiharbat muna. Senxa na.




From Left to Right: MD, Yanah, Axl, Khanto, Unnie, Poldo, Sendo

Kasama pala ni Unnie ang kanyang kapatid, sya yung kumuha ng pics kaya wala sa photo. Riot sa loob ng booth kasi it feels like we all know each other for decades. It's like having reunion with high school friends. Medyo maikli lang ang time na nakasama ko ang ilan sa kanila kasi may kailangan pa silang puntahan or kailangan ng umuwi.

May nahanap akong na-tag sa fb ko kaya eto yung isang pic na kumpleto ang mga pips.


Natira kami nila Poldo, Yanah at Axl at nagmerienda muna sa shakeys dun sa moa. Right after that, fly kami sa megamall para imeet ang 2 other bloggers na makakasama namin sa nomnom session.

So kinagabihan, nagkaroon kami ng bagong kasama sa katauhan ni Empi at ni Madz. From megamall, sumakay kami ng humaharurot na bus at bumaba kami para makapunta sa Madison square. From there nagsimula ang nomnoman session with puluts.

Khanto, Axl, Poldo, Empi, Yanah and Madz 
(grabbed from Axl's album sa Fb)

Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan ang posing namin, eto ay dahil sa inuming may pangalang BADTRIP. hahahaha. sa umpisa akala mo ay napaka mild at walang amats na idudulot ang inuming yun pero taste can be deceiving. After ilang pitcher ay boom, eepekto ang lagim ni badtrip.


Masaya during the inuman sessions kahit medyo mainit dahil sa bintilador na gigantic pero di marunong umikot. Nagkaroon ng mga question and answer question for mature peops and others. Nagkaroon din ng sharing ng mga impressions sa isa't isa.

Di ko matandaan kung 2am na or 3am ako nakauwi pero talagang nag-enjoy ako sa meet up na yun. Buti at good experience ang first eb na napuntahan ko kaya sana may mga next batch pa. :D 

Hanggang dito na lang muna at patapos na ang 30 minutes break ko. :D TC! Enjoy your Tuesday everyone!

35 comments:

  1. hahaha, ang tagal na nga nito, nakabalik na yata si poldo kung saang bansa sya galing lolzz

    sana ako rin makapag eb sa ibang bloggers :D

    ReplyDelete
  2. kinabahan ako ng slight!
    hahahahahahahhaha
    baka kako ibubuking mo ako/kami sa wento na toh.. buti na lang at hindi lol.. ayaw ko pa nga sanang basahin kanina nung makta ko title.. myagwddddd talaga..
    teka, timezone ba un? hindi ba quantum un? lol sooooo tagal na kasee..

    ReplyDelete
  3. natatawa ko dun sa photo before the tagayan photo.. hahaha hindi ko na maalala yan.. sa totoo lang madami akong hindi maalala ng gabing yan.. lalo nung wento sakin ni poldo at mpoy ung mga pinagggawa at pinagsasabi ko nung nasa taxi na daw kami pauwi.. di ko nga maremember kung pano ko nakarating sa second floor at nakapasok sa bahay na tutulugan ko.. kaloka!at naglakad pa daw pala tayo nyan somewhere after ng madison? wala talaga ko marememberings.. mygawd!

    ReplyDelete
  4. May amats na ang mga tao sa pictures na yan. :D

    ReplyDelete
  5. walang kamatayang bad trip. heheheh

    ReplyDelete
  6. cebu naman para kewl! hali kayo sagot ko ang pamasahe! joke. ehehehe

    ReplyDelete
  7. ang saya.. pangarap ko makilala ang mga kapwa blogger... hmm.. at mukhang masarap ang badtrip.. mukhang nakakabadtrip....

    ReplyDelete
  8. whahaha i remember this one hehehee...
    whahah gulat ako kala ko kung anu yung nakalagay na to. buti naman oki lang hehhe :D

    ReplyDelete
  9. Wow naman.. hehe, namiss ko to.. tsk tsk.. tagal na nito.

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. hhmm parang nafeature na somewhere yang photos na yan.. kay empi ko yata unang nakita tong EB. looks fun! =)

    ReplyDelete
  12. makasalanan yang MOA na yan---laging lugar sa mga blog ebs.hahaha.also had a lot of fun ebs there. at ikaw na busy---hong tagol bago mo nga nasulat. parang rustic na mga photos oh.lol.pero diparin amaka get over don sa Thunderbird event, na dimanalang kita nabati or naka kwentuhan.my bad.hahaha

    ReplyDelete
  13. @lordCm, subrang tagal na, ngayon ko lang napost

    @yanah, ayan, tinupad ko na di kaagad ipopost, umabot ng months. :D heheh, wala akong binanggit na buking stories. :D bait ko kaya.

    @yanah, lakas ng amats ng badtrip. isipin mo para kang nagka-amnesia. wahehehe

    ReplyDelete
  14. @empi, hahaha, ilang badtrip na nainum bago ang picturan

    @bino, pag sa madison ata inuman di mawawala badtrip

    @nieco, heheh, nice, sa cebu naman

    ReplyDelete
  15. @kamilla, masarap ung badtrip kams

    @santino, sayangs. sana sinama ka :D

    @MD, uu, sori, natabunan masyado, nireserve ko dapat for 500th post

    ReplyDelete
  16. @chyng, uu, super duper late na kasi ko napost to. wahehehe

    @pusang kalye, ahahaha, laging tagpuan for eb ang moa. pambansang meetup place

    ReplyDelete
  17. hahahahaha.. yung post ko about dyan ayun inaamag na!!!! buti meron ule hahahaha.... Kagaya mo first time ko rin yan..

    "Riot sa loob ng booth kasi it feels like we all know each other for decades. It's like having reunion with high school friends." - Tama ka dito.. Akala mo e matagal nang magkakakilala tapos ngayon lang nagkita kita hahaha... sinong makakalimot sa sayaw ni Unnie diba?? hahaha

    dibale alam ko may next time ule yan!!! weee.... hehehe

    ReplyDelete
  18. harharhar....never ko pa naranasan ang mga ganito, kasi tulad mo, ang daming nakapulopot na hiya sa katawan lupa pero yummy ko.

    ReplyDelete
  19. Adik ni yanah di na maalala yung time na naglakad tayo ng pagkalayo layo makahanap lang ng iba pang bar na open... tapos nung wala na tayong mahanap ayun uwian na. remember nagtricycle pa tayo nun hahah... hangsaya!

    ReplyDelete
  20. @poldo, hahaha, ibang klaseng sumayaw si Unnie, tumataas ang score sa videoke. :D

    @akoni, pag umuwi ka, malay mo magka-eb. Tanggalin ang hiya sa yummy mong katawang lupa. :p wakokok. ikaw na.

    @poldo, hohonga, layo ng nilakads natin, tapos sarads na pala. Tapos 2 tricycle.

    ReplyDelete
  21. @pabs, yep, nainom ako. occasional o pag nagkayayaan lang :D

    ReplyDelete
  22. woah! kasama na rin si sir khanto! ang saya naman!

    ReplyDelete
  23. Waw, Kailan kaya ako makakasama sa ganyan. LOL. :D

    ReplyDelete
  24. me.like.much! :)
    hahay sana maka join din ako sa mga ganyang chuvaness eb...

    ReplyDelete
  25. first eb ko eh si XP lang hahah.. pero masaya na rin yun.. hhahaha

    ReplyDelete
  26. wow, sana makita ko rin kayo sa personal! \m/

    ReplyDelete
  27. Parang nakabalik na nga ata si Poldo sa ibang bansa bago napost? Hahaha. I have a lot of late entries din na natambak pero dahil tamad ako, di ko na pinapublish. Haha.

    ReplyDelete
  28. @michael, malay mo, magkaroon ng eb, sumama ka na :D

    @tabian, dyan daw sa cebu, sabi ni nieco :D

    @kikomaxx, si xprosaic ba si xp?

    ReplyDelete
  29. @nobenta, pag uumuwi ka, pa-eb ka sir

    ReplyDelete
  30. Try nga natin mag EB gelow.. ;)

    hambilis magblog.. less than 30 minutes ampffff.. haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???