Friday, September 27, 2013

Raaaaaaandooooom


I'm back! Lols! Kamusta naman kayo? Sbeen a week! Maygas! Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, simulan na ang random thing.

1. 2 weeks na akong medyo busy sa work. Hindi naman talaga busy na busy pero nakakadrain ng battery busy. Yung feeling mo wala ka nang ibubuga, wala ka nang maramdaman...

2. 5 years na me sa trabaho kong ito at until now, same-same padin. Naubos na yung mga kakilala ko at minsan naiisip ko, gusto ko naman na ako ang mang-iwan at hindi yung naiiwanan.... Alam mo yung feeling na para kang stranded sa island ng survivor, yung eksenang pakunti na lang ng pakunti ang tao.

3. Nagiging grumpy nanaman ako lately... nagiging bugnutin, irritated and stuff. Hahaha. getting annoyed sa mga bagong folks na kasama sa floor. Nope, di ko sila ka-team, di ko sila ka-close and bothered ako sa ingay nila... lols... 

4. Kakasad na 2 friends ang namatayan ng magulang. Si friend 1 ay namatay ang kanyang mudrax while friend 2 ay namatayan ng pudrax. Yung moment na bigla mong maiisip na paano kung sa iyo nangyari yung ganung moment. Magiging strong ba ako or baka mag breakdown.

5. Series season nanaman, nag-aabang na lang ako sa mga folks na nagdodownload ng mga episodes ng Survivor, The Voice at How I Met Your Mother.

6. For my past restdays, tambay lang ako sa bahay at nagmamarathon ng Survivor Series. Backtrack ako from season 2 onwards. Ngayon ay nasa season 11 na ako.

7. Nagchecheck na ako ng mga damit na pedeng i-share for the upcoming bloggers outreach. Di pa ako sure kung anong books ang pedeng idonate.

8. Lately ay pagjojobos ang aking pinagkakaabalahan para sa mga damit kong medyo namantsahan na di matanggal. Medyo sablay yung mga gawa ko... lols.... more practice sa pag-dye ng damit.

9. I'm getting tired na ata sa pagsusulat at pagwewento ng anik-anik na kakapiranggot lang naman ang nakakabasa at interesado. Para bang hinihila na ang bloghouse na ito sa mga nagsarang bloghouse.

Hanggang dito na lang muna..... Take Care folks!

3 comments:

  1. Naku naku wag mo naman sana isara ng tuluyan tong bloghouse mo sir Khants!

    Ang kyot ni Mocchi LOL

    ReplyDelete
  2. wag na wag kang magsasara ng blog! kokonti na lang tayo oh!

    ReplyDelete
  3. psst.. wag ka magsasara oi! sayang mukhang di ata ako makakasama dun sa outreach na yun....

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???