Pasensya na kung hindi tungkol sa first EB ko ang aking isheshare. Medyo masama lang ang loob ko, mga slight lang sa nangyari. It's so sudden. Parang ambilis lang ng pangyayari. Pero Wala na si Jiji. Wala na ang aking jijicam. :( so sad.
Ansaya ko pa kahapon kasi medyo idle sa upis. Grabi. Akala ko ukidukiduk ang aking lunis dahil na din sa good things are happening. Walang nakaka-irate na calls. Masaya ang feelings. Walang kaaway. Walang tampo. Nakapanood pa ako ng the Source Code kahapon. But, kani-kanina lang bago ako pumasok ay na-shack ako s nalaman ko. Ang aking pinag-ipunang jijicam ay wala na. Kinuha na sya... hindi ni lord pero ng magnanakaw.
Dumating ako kahapon sa house na parang normal lang after manood ng sine. Natulog at nagising ng alas dose para pumasok. Ang ate ko, nagtatanung kung nakita ko daw ba ang relos nia. Sabi ko, wa ako ker! Taray lang ng lolo nio. So keri on lang ako. Kumain ako ng chooks to go at nakikinig sa pag-uusap ng mudra at ng sister ko kung bakit waley sa housung ang gamit nia. And then, napaisip ako, wat if....... wat if..... and then poof.... it hits me. Waley na din ang aking camera. Ahuhuhu. (insert half-tear sa left este right eye).
Napaka-pontakels naman. Kaka-isang buwan pa lamang ng aking baby girl camera pero nakuha na sya. Wala man lang ransom notes. So sad. Kasama ng relos ng ate ko at relos ng dadi ko, my jiji is no longer with me.
The salisi thieves strikes. Sunday alam kong nasa haus pa yun kasi nag-upload pa ako ng pektyurs ng pagpunta ko sa Bloggerfest. All of a sudden, parang bubbles lang. Wala na. It harts.
It hurts kasi binilan ko pa ng tripod last last week yung camera ko. Di man lang sya nadivirginize ng screw ng tripod. Ang dalawang pa ang memory card ng digicam. parehong 4 GB. Tapos tapos, binilan ko pa ng casing mula sa case logic para protektado yun. Nilagyan ko pa ng palawit na one piece strap yun. Demn. Sayang yung gift cert na napanalunan ko nung pasko para bilin ang digicam.
Ewan ko. Inaalat ata ako sa mga gadget gadgetan . First digicam ko lasted 4 months tapos poof. Nabaha at pinagswimming sa ondoy. Ngayon, di ko pa na-mamaximize ang mga features ng aking cam ay wala na din. Aheyret.
Hindi man lang makikita ni jiji ang Hundred islands. Di nya makikita ang phiyas or ang magalawa sa May. Di rin sya makaka-attend ng summer outing ng company. Di nya masasaksihan ang ganda ng Puerto Prinsesa sa July. Di din sya makakabyahe sa possible na Sagada ng November. huhuhu.
Hindi man lang makikita ni jiji ang Hundred islands. Di nya makikita ang phiyas or ang magalawa sa May. Di rin sya makaka-attend ng summer outing ng company. Di nya masasaksihan ang ganda ng Puerto Prinsesa sa July. Di din sya makakabyahe sa possible na Sagada ng November. huhuhu.
Buti na lang ang yun lang nakuha. Di nanakaw ang dslr ng ate ko. Ang ibang alahas ay di rin nakuha (baka mahirapan i-check kung alin ang tunay sa fancy). Ang laptop ay safe (mahihirapan siguro bitbitin). Ligtas din ang ref, ang tv, ang kama at ang aso namin. Thank God!!
Mukang modus operandi ang manalisi lalo na pag walang tao sa house kaya ang masasabi ko lang ay dapat alerto bente quatro. Di dapat natutulog ang tagapagbalita. Naglilingkod saan mang panig ng mundo at iba ang may alam. Pak.
Alam ko medyo mahaba na. Pero kasi ang utak ko gumagana nanaman at tumatakbo. I can't cry over spilled milk pero i can blog about it. Now.... im wondering.... Palapit na ang house blessing ng house namin sa probinsya. Kailangan ko bang bumili ng pamalit kay jiji o wag na lang muna?
Nanghihinayangs talaga ako sa pera este GC na ginamit ko. Anyway highway, ayoko naman todo masira ang tuesday morning ninyo kaya tigil rants na muna me. Happy Yipee Tuesday na muna. :D
aww.. so sad naman yun..
ReplyDeletebuy ka na lang bago.. :)
smile! :)
bad trip naman un. sayang. at sayang din ung pics ng bloggerfest
ReplyDeletetsk tsk. too bad naman seerrr.. pero na feel ko din yan.
ReplyDeletemay I high five nlng dahil pareho na tayo ngayon. hindi pa rin umuuwi si canyon submarine kow.
I feel for you khanto...kaya lang yung akin eh nahulog ko by accident kaya ayown iniwan din ako..*teary eyed* homaygahd namimiss ko tuloy si ex..makakabili din tayo ng bago, so cheer up! :)
ReplyDeletebakit kasi di nilock ang bahay?... hehehe.. sa panahon ngaun mahirap magtiwala... sayang!!! makakabili ka din nmn uli ng bago.. hehehe... baka mas mura na sya ngayon, so same model lang uli bilin moh. hehehe ^^
ReplyDeleteawts!
ReplyDeletebakit nga ba hindi naka-lock ang bahay? pero at least yun lang ang nakuha diba? mababawi naman ulit yun eh. :D
@kringles, pag-iisipan ko muna
ReplyDelete@bino, sayangs talaga.
@nieco_speaks, sayang ang hundred islands this holy week
@tabian, sana umulan na ng pera para makabili na
ReplyDelete@leonrap, naka-lock yung house. kaso nakapasok padin
@robbie, sana mabawi agads. hahaha. kayod mode ulit
hmmm uso talaga ang mga nakawan ngayon noh?kagabi lang sa balita may nanakawan na naman. iskeyriiii dis world we live in. ano kayang lock ang pwedeng gamitin para sa housing galore ang pwede para hindi maopen the basket ng mga bad guys na yan? i had the previledge na mahawakan, makilala, masipat ng tunay si jiji nung saberdei... sayang... more more more bonding moments pa sana sa sagada with jiji on november.. btw, i love jiji's color.. wag ka na sad, saka hindi bagay sayo ang may tear sa right eye, dapat sa left eye lang.. lol..
ReplyDeleteok lang yan.. mapapalitan pa naman yun.. isipin mo na lang na nakatulong ka heheheh... sana lang ung mga nagnakaw na yun,. ginawa nila yung dahil may sakit ang isa sa pamilya nila, hindi ung ginawa nila un dahil wala silang perang pang inom o pambisyo.. naknmaputs... hahaha
ReplyDeletebasta ok lang yan sir... smile na.. hehehe.. bili ka ulit ng bago. :)
gandang araw po :)
lagot ka, baka ung mga nude pictures mo sa jijicam mo iupload ng magnanakaw :D
ReplyDeletepalitan na agad yan ng makasama sa mga gimik mo :)
wag na po malungkot..buy ka nalang ng mas maganda.hehe
ReplyDeletegood am po
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletenaku khanto ganyan din ang ngyari sa amin. madami talagang nakuha laptop, portable dvd, mga collections ko ng cd/dvd (bold..joke) etc. nahulin nman namin kung sino ang gumawa kaya yung lumisan na ng bayan namin kasi hindi lang pala kami ang ninakawan.
ReplyDeleteat take note kapitbahay lang namin yun. kaya ikaw kahit kapit bahay nyo ingat pa rin. :)
bili ka na lang nga uli mukha ka naman mayaman.hehehe... :D at ang mabuti pa nun hindi puri mo ang ninakaw. jokE!
@yanah, nyahaha. sa left eye na lang me mag tetears :p
ReplyDelete@istambay, sana nga makatulong sa kanya, kung gipit lang sya
@LordCM, wakokokok, shemay, ang scandal ko. joke :p
@emmanuelmateo, pag may pera ulit :p
ReplyDelete@santino, honga, buti hindi ang aking puri. :p wakokokk
muntik na nga masira tuesday ko sa post mo hehehe! joke.. Happy Yipee Tuesday sau jan..:)
ReplyDeletehaayyyyy... kalungkot naman ito..
ReplyDeletesiguro sa panahon ngayun doble ingat na lang talaga e....
dun sa nakakuha..
ReplyDeletemay karma yun!
bili n lng bago...
buti at di ikaw ang nanakaw :)
piz men...:)
Ahiihihi ... Sa akin din naman e, ang mga gadgets hindi tumatagal, hindi dahil sa ninanakaw siya kung hindi ay nasisira ko kaagad! LOL. Mas malala naman kalagayan ko ... :D
ReplyDeletekung may pera at kelangan mo na, bili na.. at sa locker mo muna dito sa office itago.. safe naman, ung mga lens ko dito ko tinago minsan.. di naman nawala.. hehe aircon pa.. :D
ReplyDeleteawts.. kawawang jiji, nacamnap! parang nauuso ngayon ang nakawan ah, si christian bautista din nanakawan, tapos ngayon jiji ni loydie na naman ang nacamnap!
ReplyDeleteSolid na nalooban pala kayo? Grabe naman. May ganun pala talaga? Sayang nga. Buti na lang din at hindi mo pera ang pinambili, GC lang. Bright side na yun. Haha. Move on at makigamit na lang ng DSLR sa ate mo. :)
ReplyDeletehttp://joannahalabaso.blogspot.com/
ReplyDeletesayang naman talaga .. kung skin siguro mangyari yan ay, maisusumpa ko talaga ang mga loko.. gggrrr... nakakaawa si jiji mo-napunta sa masasamang tao..
...please follow my blog. thanks!
@mommy-razz, happy tuesday din
ReplyDelete@egg, tama
@jay rulez, mahirap ako manakaw :p
@michael, heheh, ikaw ang nakakasira
ReplyDelete@jeffz, naku, sayang ipon ko e. saka na
@whatta queso, wawa nga, na-cam nap
@yow, di magpapagamit yung ate ko ng cam nia
ReplyDelete@joana, already following you :p
you can't cried over spilled milk but you can blog about it>> gandang line nito... like it.
ReplyDeleteAt waah sorry naman sa pagkawala ng relos at jiji mo.. parang naiisip ko digi ko, walang magbabalak... kaso nga lang inggitin kita na halos habang buhay ko ng digi toh.. hehehe mga 3 years na yata.. kaya kahit mukhang magot na basag na, wala na akong balak palitan.. napamahal na sa kin.. kahit double A pa rin ang battery, wala akong paki.. hahah
grabe paano kayo napasok? na intriga lang ako.. nakakatakot naman yun.. naranasan ko na din kase mapasukan kame eh.. tangels din ako kase nawawala na pala celepono ko na 4 months pa lang din sa kin, tapos ayun di ko pa narealize na may pumasok sa bahay.. natrauma ako nun.. as in di makatulog sa gabi sa kakaisip...
waaaaaaaaaaaa... sayang nga. hiram ka na lang muna.
ReplyDeleteNapakasakit manakawan, isa yan sa mgha fears ko, kahit anong double check ko sa mga bintana at pintuan bago umalis, hindi pa rin ako palagay... Well makakabili ka pa naman uli for sure...
ReplyDelete@kamilla, naks, tagal na ng digicm mo.
ReplyDelete@nieco_speaks, cellphone na lang muna
@glentot, pa-iipunan ko muna ulit. or pag nanalo ulit ako ng gc.
ReplyDelete